Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Regional Diagnostic Assessment Test


FILIPINO 8

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat aytem.Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.Mula sa bidyo na ipinalabas sa programang 24 Oras ,naipakita ang mga pangyayari sa pagragasa ng bagyong
Odette. Ang pagbibigay patunay na ginamit sa pahayag ay:
a. nagpapakita b. nagpapahiwatig c. may dokumentaryong ebidensya d. pinatunayan ng mga
detalye
2.Ang Department of Agriculture ay naglaan ng ___________________ badyet para makamit ng bansa ang
pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.
a.Sapat na salapi b.Malaking halaga c. 30 bilyong piso. d.Kulang 20 bilyong piso.
3.Ang wikang ginagamit sa pagsasagawa ng isang proyektong pangturismo ay:
a.Pormal. b. Balbal c. Kolokyal. d. Lalawiganin
4.Ang nilalaman at paraan ng pagsulat sa pagbuo ng travel brochure ay tumutukoy sa
a.Pag-unawa ng salita b.Pagbuo ng pangungusap
c.Paggamit at pagbaybay ng mga salita d.Payak at malinaw na nilalaman ng pangungusap.
5.Sa hakbang na ito sa pagbuo ng travel brochure inilalahad ang dahilan ng pananaliksik.
A.Pagpili ng paksa . B.Paglalahad ng layunin C.Paghahanda ng balangkas. D.Paghahanda ng bibliograpiya.
6.Ang paggamit ng index card upang maitala ang impormasyon sa isinasagawang pananaliksik sa pagbuo ng travel
brochure ay tinatawag na:
a.Pagsulat ng burador. b.Paghahanda ng final outline
c.Pagsulat ng pinal na pananaliksik. d.Pangangalap ng tala o note taking.
7.Pinakamahalagang hakbang sa pananaliksik sa pagbuo ng travel brochure dahil dito isinasaalang -alang ang iyong
interes,materyales at pagkukuhanan ng impormasyon.
A.Pagpili ng paksa B.Pagsulat ng burador
C.Paghahanda ng bibliograpiya. D.Paghahanda ng tentatibong balangkas.
8.Sa pelengke,nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria.Nakahihigit ang kanyang pisikal na anyo sa sultan
kung kaya ipinabilanggo siya ng mga ito.Mula sa nangyari kay Usman mahihinuha natin na ang kalagayan niya sa
lipunan ay isang mamamayang:
a.Api-apihan b.Inaalipin c.Tagasunod d.Pangkaraniwan.
9.Dahil sa ginagawa ni Lokus a Mama sa kanyang asawang si Lokus a Babae, nagpasiya itong iwanan na ang
asawa.Sa pangyayaring ito mahihinuha natin na:
a. May paninindigan siya sa buhay b. Hindi na niya mahal ang kanyang asawa
c. Pantay ang karapatan ng lahat sa lipunan d. Ang pagtitiis ng babae ay may hangganan.
10.Bukod sa kanilang sultan na kumakatawang pinuno ng kanilang pamayanan,mahigpit pa rin ang pakikinig o
pagsunod ng mga taga Mindanao sa mga matatanda ng kanilang pamayanan kaya mahihinuha natin na sila ay :
a.Makapangyarihan sa pamayanan b.May paggalang sa mga matatanda
c.May malawak na kaalaman. d.Sinusunod ang lahat ng kanilang salita.
11.Pabalik-balik si Langgam sa paghahakot ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan habang sina Paroparo at
Tipaklong ay walang pakialam sa kinabukasan. Ano ang mahihinuha mo sa maaaring mangyari sa kanila sa
pagdating ng tag-ulan?
a.Lumipat ng ibang tirahan b.Magkasakit at mamatay sa gutom
c.Mawalan ng lugar na tutuluyan d.Mamalimos dahil walang makain.
12.Sinarili ni Uwak ang nakuhang niyang karne.Natuwa siya sa Asong Gubat sa sinabi nitong maganda ang kanyang
kulay kung kaya nabitiwan niya ang tangay niyang karne.Mabilis itong naagaw at natangay ng Asong Gubat.Ang
mahihinuha natin sa susunod na gagawin ni Uwak ay:
a.Matututo dahil sa pangyayari b.Maghahanap ng ibang pagkain
c.Magsisisi at manghihinayang d.Magbabahagi ng pagkain sa iba
13.Nagising si Haring Alimango sa ingay ng mga hayop na pinamumunuan niya.Kinausap niya ang lahat at inalam
ang pinagmulan ng suliranin.Sa ginawang pag-alam ng hari sa problema mabubuo sa ating isipan na magbubunga ito
ng:
a.Mabuting patakaran b.Solusyon at pagkilos
c.Pag-unlad at pagkakaisa. d.Unawaan at pagtutulungan
14.Nilibot ni Haring Tamaraw ang gubat.Dumating siyang pagod at mabilis na nakatulog. Binawalan ni Ibon si daga
na huwag malikot at baka ito ay magising.Natapakan ng Daga ang pa ani Haring Tamaraw .Nagising ito at galit na
kakainin si Daga.Madalas ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ay:
a.Maling pag-unawa b.Pagpanig natin sa mali
c.Walang pagbibigayan d.Hindi pakikinig at pagsunod

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like