Pasay AP9 Q1 W1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Pasay- AP9-Q1-W1- D1

Name: _________________________ Grade and Section: ____________


Name of Teacher: ________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


UNANG MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ UNANG ARAW

MELC Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Layunin: Nailalapat ang kahalaghan ng ekonomiks sa pangaraw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan

B.1. PANIMULA
HALINA’T SIMULAN

Nagsimula ang pag-aaral ng Ekonomiks bilang isang agham noong ika-18 dantaon, na mas
kilala sa katawagan na Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment. Sa panahong ito
sinusulong ang katwiran o reason bilang pangunahing pinagmulan ng tunay na
kapangyarihan.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 1

Isang pamilya ang kasalukuyang naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID – 19, ang Pamilya
Oikos mula sa lungsod ng Pasay. Ang pamilya ay binubuo ng mag-asawang Nono at Mia. Si Nono ay
tumigil magtrabaho ng mahigit 2 buwan bunga na din ng Community Quarantine na pinatupad. Sa
pagpasok ng GCQ (General Community Quarantine) muling nakabalik bilang foreman sa isang
construction site. Samantalang ang kanyang kabiyak na si Mia ay isang may bahay at minsan ay
nagbibigay ng serbisyo ng paglilinis ng kuko sa kanyang mga kapitbahay.

Ang mag-asawa ay mayroong tatlong anak. Ang panganay na si Tony, 14 na taong gulang at
nasa ika-9 na baiting. Ang ikalawa ay si Emi, 11 taong gulang at nasa ika-6 na baiting. Ang bunso ay si
Boyet na isang taong gulang pa lamang. Umasa ang pamilya sa mga donasyon mula sa lokal na
pamahalaan at sa kanilang naipong pera noong nagdaang mga buwan. Ang pamilya ay isa sa mga napili
na mabigyan ng tulong sa tinatawag na Social Amelioration Program. Pinag-uusapan ng mag-asawa
kung paano nila gagastusin ang kanilang makukuhang tulong ng pamahalaan na nagkakahalaga na
Php 8,000. Tulungan ang pamilya at sagutan ang Gawain 1

HALINA’T ALAMIN

Suriin ang Organizational Chart sa sumunod na pahina at alamin ang pinagmulan ng salitang
Ekonomiks

Page 1 of 15
Pasay- AP9-Q1-W1- D1

Name: _________________________ Grade and Section: ____________


Name of Teacher: ________________

Ang Ekonomiks ay nag mula sa salitang Griyego na


“Oikonomia”. Nagmula ito sa dalawang salita ang “oikos” na
nangangahulugang tahanan at “nomos” na
nangangahulugang pamamahala. Kaya kapag pinagsama
ang “oikomomia” ay nangangahulugan na pamamahala ng
tahanan. Kinikilala ang sambahayan o ang iyong tahanan
bilang pinakamabisang modelo ng ekonomiks. Ano nga ba
ang dapat pamahalaan sa loob ng tahanan?
Tulad ng Pamilya Oikos, ang tahanan/pamilya nila ay
maraming mga kinakailangan tulad ng pagkain, damit,
kuryente, tubig kasama na din dito ang load para sa kanilang
mga gadgets. Sapat ba ang makukuha nilang pera mula sa
SAP?
Upang higit na maintindihan ang pag-aaral ng
ekonomiya kinakailangan suriin ang dalawang kaisipan na ito:

KAISIPAN 1 KAISIPAN 2
“Walang katapusang Pangangailangan at “Limitado ang Pinagkukunang Yaman”
Kagustuhan
 Likas sa tao na kailanman di nauubusan ng  Lahat ng mga yaman ay may limitasyon o may
mga nais niya makuha materyal o di materyal hangganan. Maari man itong mapalitan
na produkto at serbisyo. Lagi siyang darating ang panahon na ito ay mauubos
nagnanais na makuha ang kanyang mga
kailangan at kagustuhan
Halimbawa:
1. Maraming nais mabili ang Pamilya Oikos upang matugunan ang kanilang pangangailangan ngunit
alam nila na di magkakasya ang pera na ipagkakalob ng SAP upang matugunan ang kanilang nais
mabili
2. Sa loob ng isang araw, maraming nais gawin ang kabataan na tulad mo ngunit ikaw ay limitado
pagdating sa oras at sa sarili mong lakas kaya iilan lamang ang iyong nagagawang aktibidad
3. Nais man tayong lahat na mabigyan ng relief goods ng ating barangay ng sabay sabay, sila ay
nahihirapan dahil limitado lamang ang kanilang mga produktong hawak, kaya mas inuuna na mabigyan
ang higit na nangangailangan

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks ,na isang sangay ng Agham Panlipunan, ay maaaring


makapag-isip ng paraan paano mapamahalaan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa
kabila ng limitadong pinagkukunang yaman. Ang Ekonomiks ay magbibigay kasanayan upang mahasa ang
iyong matalinong pagdedesisyon upang mapamahalaan ang Kakapusan.

2.HALINA’T GAWIN

Page 2 of 15
Pasay- AP9-Q1-W1- D1

Name: _________________________ Grade and Section: ____________


Name of Teacher: ________________
Gawain 1: Tulungan natin ang mag-asawang Nono at Mia. Isulat ang iyong ilalaan na halaga para sa
mga nais bilihin ng mag-asawa sa kanilang makukuhang pera mula sa SAP na
nagkakahalagang P 8,000. Sa huling kahon, magdagdag pa ng isang dapat nilang bilhin at
ilalaan na presyo. Sagutan ang mga Gabay na Tanong

Mga Dapat Mabili Ilalaan na Halaga MGA GABAY NA TANONG


PAGKAIN 1. Anong produkto ang pinaglaanan
mo ng pinakamalaking halaga?
BAGONG DAMIT _________________________

KURYENTE 2. Anong produkto ang pinaglaanan


mo ng pinakamaliit na halaga?
TUBIG _________________________
3. Anong dahilan bakit mayroong
LOAD
paglalaanan ng mas malaking
________________ halaga kumpara sa iba?
_________________________

Gawain 2: Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa Ekonomiks (10 SALITA)

DIGMAAN KAPAYAPAAN HANGIN

PANGANGAILANGAN YAMAN

DESISYON KAKAPUSAN

SAMBAHAYAN EKONOMIKS PAMAMAHALA

KAPITAN PERA

KAGUSTUHAN LIWANAG

LIMITASYON PAGMAMAHAL TAHANAN

Gawain 3: Magbigay ng 5 halimbawa na matatagpuan sa iyong tahanan na nagpapakita ng WALANG


HANGGANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN ngunit LIMITADO ANG
PINAGKUKUNANG YAMAN. Gamitin ang unang produkto bilang halimbawa.

PRODUKTO PAGPAPALIWANAG
BIGAS Madaling maubos ang aming sinaing dahil marami kaming nakatira sa aming bahay

Gawain 4: Kasama ang iyong mga magulang, gumawa ng isang budget plan sa loob ng isang araw sa
iyong baong pera. Isulat ito sa kahon sa ibaba.

Page 3 of 15
Pasay- AP9-Q1-W1- D1

Name: _________________________ Grade and Section: ____________


Name of Teacher: ________________
Halaga ng baong pera? BUDGET PLAN

Mga nais bilihin Ilalaan na halaga

Gawain 5: Punan ang patlang. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba

Ang Ekonomiks ay isang ________________ ng agham ____________________ na nag-aaral

kung paano tugunan ang walang ______________ pangangailangan at ________________ ng tao

gamit ang ________________ pinagkukunang yaman. Ito ay nagmula sa salitang ________________

na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang _______________ at ________________ ay

pamamahala.

Upang mapahalaan ang ________________ ay hahasain ng Ekonomiks ang kasanayan sa

matalinong ______________.

NOMOS SANGAY KAKAPUSAN KAHIRAPAN


EKONOMIYA GRIYEGO PANLIPUNAN KAGUSTUHAN
LIMITADONG HANGGAN TAHANAN PAGDEDESISYON

 Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang “oikonomia” na nangangahulugan


pamamahala ng tahanan
 Upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa
kabila ng limitadong resources ang layunin ng pag-aaral ng Ekonomiks

Page 4 of 15
Pasay- AP9-Q1-W1- D1

Name: _________________________ Grade and Section: ____________


Name of Teacher: ________________

C.PAGTATAYA: Kumuha ng balita na nagpapakita ng walang hanggang pangangailnagan at


kagustuhan sa kabila ng limitadong pinagkukunang yaman.

PAMAGAT NG BALITA:
PINAGMULAN NG BALITA:
PETSA:
BALITA:

Karagdagang Babasahin:
 Learner’s Module: Ekonomiks 9, pahina 15
 https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-1-ang-kahulugan-ng-ekonomiks-
97962565?fbclid=IwAR27ZNAB46Hx-T3nkngjUvbVpbcTvB2asyBevI3DI0660ICuX0U6WiIgmaM

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS - Tramo

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q1-W1-D2

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:


GURO:

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ IKALAWANG ARAW
MELC Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Layunin:
Natatalakay ang pag-usbong at pag-unlad ng kaisipan sa pag-aaral ng ekonomiks

. PANIMULA
HALINA’T SIMULAN

Noong ika-12 hanggang ika-14 na siglo, mas kilala sa tawag na Panahong Midyibal, ang
ekonomiya ng isang lugar ay nakasentro sa lupa at pagsasaka. Ang lupa o manor ay
nagsisilbing self-sufficient na kayang ibigay ang mga pangangailangan ng isang
pamayanan at di na kinakailangan umalis pa dito at maglakbay.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 2

Nagising si Mia at Nono ng ika-4 ng umaga. Gumayak kaagad si Nono papunta sa construction
site. Samantalang si Mia naman ay pinuntahan ng kagawad ng barangay upang sabihin na maghanda
dahil sa ika-8 ng umaga ay kinakailangan na siya ay nasa Baranggay Hall upang makuha ang tulong
mula sa SAP. Lubos itong ikinagulat ni Mia dahil marami pa siyang gawaing bahay na dapat matapos
bago pumunta sa Baranggay Hall. Tulungan natin si Mia, sagutan ang Gawain 1
HALINA’T ALAMIN
MAHALAGANG KAISIPAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS
EFFICIENCY EQUITY SUSTAINABILITY
Masinop na paggamit sa mga Makatwiran at may karampatang Ang paggamit ng mga pinagkukunang
pinagkukunang yaman upang distribusyon ng pinagkukunang yaman nang hindi nanganganib ang
matugunan ang mga yaman kakayahan ng susunod na
pangangailangan at kagustuhan henerasyon na tugunan ito
ng tao
Pinagkukunang Yaman: BAHAY

Limitado lamang ang espasyo sa Binibigyan ng mas kumportable na Iniingatan ng lahat na walang
iyong bahay kaya tinatanggal niyo tulugan ang mga senior citizen at masira at manatiling maayos ang
kaagad ang mga tambak upang mga buntis sa inyong bahay bunga inyong bahay upang magamit pa
mapagkasya ninyo ang mga na din ng kanilang personal na ito sa mahabang panahon.
mahahalaga niyong gamit. pangangailangan
SAKLAW NG EKONOMIYA
Microeconomics ASPEKTO Macroeconomics
Nagmula sa salitang “Micro” o maliit PANGALAN Nagmula sa salitang “Macro” o maliit
Kilos at galaw ng konsyumer at prodyuser BATAYAN Kilos at galaw ng ekonomiya ng bansa
Produksyon ng bawat industriya PRODUKSYON Pambansang produksyon
Presyo ng bawat kalakal PRESYO Kabuuang lebel ng presyo
Distribusyon ng kita ng bawat tao KITA Pambansang Kita

Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q1-W1-D2

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:


GURO:

B.1.HALINA’T GAWIN
Gawain 1: Tulungan natin si Mia na ayusin ang kanyang mga gagawin bago umalis patungong Baranggay
Hall. Punan ang Iskedyul ng mga gawain, piliin ang inyong sagot sa LISTAHAN NG GAWAIN
SA UMAGA. Sagutan ang mga Gabay na Tanong.

Mga Gabay na Tanong:


1. Maari bang gawin ni Mia lahat ng kanyang mga dapat gawin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________________________________

2. Ano ang magiging batayan ni Mia kung ano ang uunahin niyang

gagawin?______________________________________________________________________

Gawain 2: Batay sa bawat pahayag, tukuyin kung ito ba ay halimbawa ng EFFICIENCY, EQUITY o
SUSTAINABILITY. Isualat ang sagot bago ang bilang.

a. Sa loob ng tahanan

1. May tanim na sili sa paso upang di na bumili sa tindahan


2. Sabay – sabay na kumakain ang pamilya
3. Pinapatay ang mga bentilador kung walang gumagamit
4. Nagkakaroon ng schedule sa paghuhugas ng pinggan
5. Pagbili ng mga bitamina bilang proteksyon laban sa sakit

b. Sa Pamayanan
6. Pagkakaroon ng takdang dami ng bilang ng alcohol na maaring bilhin
7. Pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran
8. Lahat ay nabigyan ng mga face mask at bitamina pangontra sa COVID19
9. Pangununa ng kapitan sa pahlilinis ng mga kanal at ilog

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q1-W1-D2

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:


GURO:

10. Pagpunta ng mga rolling store, upang makatipid sa pamasahe sa pamamalengke

c. Sa Bansa
11. Pagbibigay sa lahat ng mga ospital ng PPE

12. Inuuna sa Mass Testing ang mga Frontliners

13. Pagbabawal ng mga turista sa isla ng Boracay


14. Paggamit ng mga hotel bilang tuluyan ng mga OFW na nagiintay ng resulta ng test
15. Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Gawain 3: Mula sa mga salita sa kahon sa ibaba, ilagay ito sa tamang pagpapangkat

Pansariling Kita Maliit Produksyon ng Industriya


Negosyante Panglokal Pambansang Kita
Pambansang Produksyon korporasyon Transportasyon
Edukasyon Malawak Pambansa

MICROECONOMICS MACROECONOMICS

 

 

 

 

 

Gawain 4: Kasama ang iyong mga magulang, gumawa ng alituntunin sa loob ng tahanan na nagpapakita
ng Efficiency, Equity at Sustainability. Isulat sa kahon sa ibaba

EFFICIENCY

EQUITY

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q1-W1-D2

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:


GURO:

SUSTAINABILITY

Gawain 5: Isa sa mga pangunahing suliranin ng pamayanan ay ang pagpapatupaf ng social distancing.
Magmungkahi ng maaaring gawin ng pamayanan para ipatupad ang social distancing sa pamamagitan
ng paggamit ng Efficiency, Equity and Sustainability. Isulat sa kahon sa ibaba.

Rubriks:

KRITERYA 4 3 2 1
PRESENTASYON NG Lahat ng Tatlo lamang sa Dalawa lamang sa Isa lamang sa mga
PAGKAKASULAT pamantayan ay mga pamantayan mga pamantayan oamantayan ang
 Maayos ang matatagpuan sa ang matatagpuan ang matatagpuan matatagpuan
pagkakasunod- kabuuan ng
sunod ng ideya naisulat
 Hindi paligoy –
ligoy
 Angkop ang
mga salitang
ginamit
 Gumamit ng
mga

Page 9 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q1-W1-D2

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:


GURO:

konseptong
pangekonomiya

 Ang Efficiency, Equality at Sustainability ay mga mahahalagang kaisipan sa


pag-aaral ng Ekonomiks. Kailangan ito upang mapamahalaan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng limitadong
pinagkukunang yaman
 Ang Microeconomics at Macroeconomics ang saklaw ng pag-aaral ng
Ekonomiks. Pinagkaiba nito ay ang lawak ng pag-aaral.

A. PAGTATAYA

Batay sa iyong natutunan sa mga Kaisipan ng Ekonomiks, pumili ng isa ditto at magbigay ng isang
pansariling aksyon na maari mong gawin sa pangaraw – araw. Isulat sa kahon at pirmahan mo at
ng iyong magulang upang may gagabay sa iyo na pagpappatupad nito.

Kaisipang Pangekonomiko: _______________________________


Gawain:

___________________ ___________________
Lagda ng Mag-aaral Lagda ng Magulang

Karagdagang Babasahin:
 https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-1-ang-kahulugan-ng-ekonomiks-
97962565?fbclid=IwAR27ZNAB46Hx-T3nkngjUvbVpbcTvB2asyBevI3DI0660ICuX0U6WiIgmaM

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS - Tramo

Page 10 of 15
Module Code: Pasay-AP9-Q1-W1-D3

Pangalan: _______________________________________ Baiting at pangkat: ______________


Pangalan ng Guro: ________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION -NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


UNANG MARKAHAN/ UNANG LINGGO/ IKATLONG ARAW

MELC Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Layunin: Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng Konsyumer at Prodyuser

HALINA’T SIMULAN

Isang kilalang ekonomista si Francois Quesnay ng France mula noong ika-18 siglo. Ayon
kay Quesnay ang yaman ng bansa ay nagmula lamang sa halaga ng “agrikultura ng lupa”
at ang mga produktong agrikultural ay dapat mas mataas ang presyo. Tinatawag din itong
Teorya ng Physiocracy.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 3

Lubos lubos ang pasasalamat at kasiyahan ni Mia Matapos makuha ang tulong mula sa Social
Amelioration Program ng pamahalaan. Kasama ng ilan pang nakakuha ay agad silang nagtungo sa
palengke. Bunga ng Social Distancing, ay isa isa lamang silang pinapasok sa palengke. Upang makatipid
ng kaunti naisip ni Mia na puntahan ang kanyang tinderang kaibigan na si Aling Sharon. Ano nga kaya
ang mga gagawin ni Mia sa loob ng palengke. Sagutan ang Gawain 1
HALINA’T ALAMIN

Page 11 of 15
Module Code: Pasay-AP9-Q1-W1-D3

Pangalan: _______________________________________ Baiting at pangkat: ______________


Pangalan ng Guro: ________________________________

2.HALINA’T GAWIN
Gawain 1: Gumawa ng listahan ng maaring gawin ni Mia at ni Sharon sa loob ng palengke.

MIA OIKOS SHARON, ANG TINDERA

 

 

 

 

 

Gawain 2: Batay sa bawat halimbawa, tukuyin kung siya ba ay isang PRODYUSER o KONSYUMER o
WALA SA NABANGGIT

1. Inani ni Aling Tasyo ang kanyang mga palay bago magsimula ang tag-ulan

2. Ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara ng mga illegal na klinika

3. Tuwang tuwa si Margaux sa binili niyang bagong kotse

4. Si Helena ay nagtayo ng isang catering business mula sa kanyang saring bulsa

5. Nanghingi ng pera si Bryan upang ipambili ng bagong skin.

6. Namili ng bagong sapatos at bestida ang mag-inang si Romina at Cassandra

7. Ipinagbawal ni Kim na ilabas ang mga bago niyang produkto sa pamilihan

8. Bilang frontliner, pinagpatuloy ni Kardo ang pagsugpo sa COVID 19.

9. Gamit ang online shopping nabili ni Amihan ang nais niyang Refrigirator

10. Di makapamili si Barbie ng bibilhin niyang pabango.

Page 12 of 15
Module Code: Pasay-AP9-Q1-W1-D3

Pangalan: _______________________________________ Baiting at pangkat: ______________


Pangalan ng Guro: ________________________________

Gawain 3: Ilista ang limang pangunahing produkto o serbisyo na iyong kinokonsumo sa loob ng isang
araw. Kapanayamin ang apat pang tao sa iyong bahay at ilista din ang limang pangunahing
produkto o serbisyo na ginagamit araw-araw. Isulat ito sa talahanayan.

PANGALAN 1. 2. 3. 4. 5.
    

    
PRODUKTO
O     
SERBISYO
    

    

Gawain 4: Kung ikaw ay magiging isang prodyuser, anong produkto o serbisyo ang nais mong gawin o
ibenta. Iguhit ito sa kahon sa ibaba. Ibigay ang kapakinabangan nito para sa mga konsyumer.

BAGONG PRODUKTO O SERBISYO:

Kapakinabangan sa Konsyumer: ____________________________________________

Page 13 of 15
Module Code: Pasay-AP9-Q1-W1-D3

Pangalan: _______________________________________ Baiting at pangkat: ______________


Pangalan ng Guro: ________________________________

Gawain 5: Sa nanaganap na pandemya ang mga konsyumer at prodyuser ay nahaharap sa iba’t ibang
suliranin. Maghanap ng balita na nagpapakita ng kinakaharap sa mga suliranin ng mga
prodyuser at konsyumer.

SULIRANIN NG KONSYUMER
PAMAGAT NG BALITA:
PINAGMULAN NG BALITA:
PETSA:
BALITA:

SULIRANIN NG PRODYUSER
PAMAGAT NG BALITA:
PINAGMULAN NG BALITA:
PETSA:
BALITA:

Page 14 of 15
Module Code: Pasay-AP9-Q1-W1-D3

Pangalan: _______________________________________ Baiting at pangkat: ______________


Pangalan ng Guro: ________________________________

 Ang Pagkonsumo ay ang pagbili o paggamit ng isang produkto o serbisyo.at ginagawa


ito ng isang Konsyumer upang matugunan ang kanyang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan
 Ang Produksyon ay ang paggawa ng bagong produkto o serbisyo mula sa mga
pagsasasama –sama ng iba’t- ibang mga input. Ito ay ginagawa ng Prodyuser bilang
tugon sa limitadong yaman
 Ang pagsusuri ng kilos at pag-uugali ng Konsyumer at Prodyuser ay nakakaapekto sa
pag-aaral ng Ekonomiks

A. PAGTATAYA
Basahin ang mga pahayag. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang. Hanapin ang sagot sa kahon sa ibaba.

1. Bumibili ng produkto o serbisyo

2. Halimbawa nito ay online shopping

3. Lahat ng tao na nagnanais matugunan ang kagustuhan

4. Paggawa ng isang produkto

5. Nagkakaloob ng mga serbisyo

6. Pagbili ng isang produkto

7. Gumagawa ng produkto

8. Sektor na nagsasama-sama ng mga salik ng produksyon

9. Halimbawa nito ay mga magsasaka at mga mangingisda

10. Ang mga pabrika ay magandang halimbawa nito

PRODYUSER KONSYUMER PAGKONSUMO


PRODUKSYON SAMBAHAYAN BAHAY-KALAKAL

Karagdagang Babasahin:
 Learner’s Module: Ekonomiks 9, pahina 15 - 16
 https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-1-ang-kahulugan-ng-ekonomiks-
97962565?fbclid=IwAR27ZNAB46Hx-T3nkngjUvbVpbcTvB2asyBevI3DI0660ICuX0U6WiIgmaM

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS - Tramo

Page 15 of 15

You might also like