Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 62

Mr.

Whatever

Si Blake Landeza na yata ang pinaka-iresponsabling tao sa mundo. Wala siyang


pakialam sa mga magulang niya na palagi siyang pinapagalitan at sinisigawan. Wala
siyang pakialam sa pag-aaral niya kasi nandiyan naman ang mga magulang niya para
sumalo sa kanya. Wala siyang pakialam mawalan man ng allowance dahil nandiyan naman
ang tita niya na spoiled siya. Wala siyang pakialam sa lahat ng bagay. He can say
'whatever' to the world and mean it.

Kaya naman ng i-transferred siya ng ama sa Ace Centrix University, wala din siyang
pakialam.

But... can he still say 'whatever' when he meet the beautiful top one nerd slash
book worm, Anianette Sandejas?

CHAPTER 1

CHAPTER 1

Blake woke up late again and as usual, his father is scolding him. At palaging sa
sala ang venue nila.

"Blake, kailan ka ba magbabago?!" Galit na wika ng daddy niya. "You're already


nineteen years old at wala ka paring patutunguhan!"

Tinatamad na tumingin si Blake sa ama niya. "Dad, hanggang kailan ka ba aasa na


magbabago ako?"

They're freaking rich. His father is a billionaire business man and so is his
mother. Magkatulong ang mga ito na palaguin ang kompanya nila na wala siyang
pakialam. Marami silang businesses all over the world. Mula sa restaurants hanggang
sa malls. Gusto ng mga ito na sumunod siya sa yapak, pero ayaw naman niya. It's so
tiring. Hindi ba ang mga ito napapagod? Puro nalang trabaho ang ginagawa ng mga
ito.

No fun!

"Blake!" Hinilamos ng ama niya ang kamay sa sariling mukha. "Grow up! Hindi sa
lahat ng oras nasa likod mo ako para iligtas ka sa mga kalukuhan mo!"

"Oo nga naman, Blake." Sang-ayon ng mommy niya na halata sa mukha ang pagka-irita.
"Life is short. Grow up and be serious for once! Dapat pagbutihan mo ang pag-aaral.
Hindi lahat ng oras may pera at mayaman tayo."

"Grow up!" Sigaw ng daddy niya. "When are you gonna change?"

"I won't." Simpleng sagot niya na ikinatingin sa kanya ng masama ng kanyang daddy
at mommy.

Nanggigigil na dinuro siya ng daddy niya. "Ang gusto lang naman namin ay mag-aral
ka ng mabuti. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makaka-graduate ng high school at
hindi ka makakapasa sa bawat subject mo ngayon!"
Blake just rolled his eyes. Heto na naman po sila. Araw-araw nalang, laging
pinapamukha ng mga ito ang bagay na 'yon. Hindi naman niya iyon kasalanan. Mula't
sapol, sinabihan na niya ang mga ito na ayaw niyang mag-aral, pero heto at
pinipilit siyang tapusin ang kursong halos isumpa niya.

Business Management.

"Dad." Tumingin siya dito. Bored na bored ang mukha niya. God. It's morning for
crying out loud! "Sabi niyo, pumasok ako sa school. Ginagawa ko naman a."

"Pumapasok ka nga pero hindi ka naman nakikinig at hindi sinasagotan ang mga quizes
at exams mo." Sikmat ng mommy niya na mukhang sasabog na sa galit.

"Whatever." Blake mumbled under his breath. Kaya ayaw na ayaw niyang gumigising sa
umaga. Palagi nalang nagsesermon ang mga magulang niyaa. Talo pa nito ang pare kung
manermon.

Kung puwede nga lang hindi na ako magising.

"I'm warning you, Blake! Kapag hindi ka pa umayos, puputulin ko ang allowance mo.
Gusto mo ba 'yon?" Pananakot ng daddy niya. Para namang natatakot siya. Nangyari na
minsan na hindi siya nito binigyan ng allowancwe, to the rescue ka-agad ang aunt
Edna niya. Ito ang sumalo sa mga gastusin niya.

He rolled his eyes. "Dad, naririnig mo ba ang sarili mo? Sinong estudyante ang
magugustuhang putulan ng allowance? Malamang wala." Ang weird talaga ng daddy niya.

"Huwag mo aking pilosopohin!" Sigaw ulit ng ama niya. Akala naman niya hindi na ito
sisigaw. "I swear-"

"Hayaan mo na si Blake, Vince." Singit ng kanyang aunt Edna na kanina pa naka-upo


sa tabi niya. "Darating din ang araw at magseseryoso ni Blake. Intindihin nalang
muna natin siya ngayon."

His father scoffed. "Ate Edna, matagal ko ng iniintindi ang batang yan. Punong-puno
na ako!" Sigaw na naman nito.

Palihim niyang kinalog-kalog ang tenga. Back to screaming again. Sumasakit na ang
tenga niya sa lakas ng boses nito.

"Vince." Malumanay na tawag ni aunt Edna sa pangalan ni dad. Sa tuno ng boses nito,
she's trying to calm him. It always works. Magkapatid ang mga ito. Si aunt Edna at
matandang dalaga at laging sinusuportahan ang mga kalukuhan niya.

Good vibes sila ng aunt Edna niya. Ito ang taga pagligtas niya pag ina-ataki ang
ka-abnormalan ng parents niya, which happen always everyday.

Blake lazily stands up. "Not that I don't enjoy this family bonding... but, I
really need to get going." Isinukbit niya ang bag sa balikat. "Late na ako." Then
he whispered. "Not that I care."

Naglakad siya palabas ng bahay niya ng pigilan siya ng daddy niya.

"Wait, Blake."

Tinatamad na nilingon niya ang ama. "Yes, dad?"

"You're not going to school today." Anito.


Biglang nabuhay ang katawan niya sa narinig. "Really? No school? No stupid
professor? No lame quizzes and idiot tutors?" Masigla niyang wika habang maluwang
na nakangiti.

Umiling-iling ang daddy niya na parang sumusuko na ito na kausapin siya. "Blake, I
transferred you to another university." Tumingin ito sa kanya na parang ang e-
expect ito na mag re-react siya.

Tumawa siya ng pagak. "Cool." Not cool. This is so lame. Really? Transferring in
the middle of school year? And he's graduating. Kung ga-graduate nga siya.

"What university?" Tanung niya kapakuwan.

His father smiled creepily. "Ace Centrex University."

"Oh. Hell. No." Blake whispered.

"Oh. Hell. Yes." His father was still smiling creepily. "You'll be attending the
University of Smart and genius people. The number one center of excellence also
known as Ace Centrex University."

Tumingin siya sa dad niya na parang naputulan ito ng ulo. "Dad, anong gagawin ko sa
ACU? Halos lahat ng tao doon naka-eye glasses na one thousand ang grado."

Nagkibit-balikat lang ang daddy niya. "Mag-aaral ka doon. Period." Tapos umalis na
ito kasama ang mommy niya na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Whatever." He didn't argue. Ano naman ang sasabihin niya? Ang hindi lang niya
maintindihan ay kung bakit doon siya inilipat ng daddy niya. Ano bang mayroon sa
University na 'yon?

"Don't worry, Blake." His aunt comforted him by placing her hand on his shoulder.
"Professor ang Uncle Herman mo sa ACU. Matutulungan ka niya."

That made him smile. Yeah. Other than Aunt Edna, close din sila ng Uncle Herman
niya. Kapatid naman ito ng mommy niya. Alam nito ang lahat ng kalukuhan niya dahil
palagi siya nitong tinutulungan.

He gave his aunt a quick hug. "I'm not worried, Aunt Edna."

She gave him a warm smile. "Good. I'm going to prefer your breakfast."

He smiled back warmly. "Thanks Aunt Edna. You're the best." Masyado talaga siyang
spoiled ng Aunt niya. Siguro dahil wala itong anak. Hindi ito nag-asawa sa
kadahilanang wala itong magustuhan sa mga manliligaw daw nito. Mapili kasi ito
masyado.

Pag-kaalis ng Aunt niya, kinuha niya ang phone na nasa bag at tinawagan ang best-
dude-friend niya na si Dylan. Kaibigan niya ito mula ng maliliit sila. Magkatabi
lang ang bahay nila at pareho sila palagi ng school na pinapasukan. Parang kapatid
na ang turingan nila, dahil siguro only child sila pareho.

"Hey, dude." Dylan greeted him happily.

"Hey, dude." Blake dropped himself on the sofa. "I'm so fucked up."

"Why?"
"Dad transferred me to this fucked up University."

"What University?" Tanung ni Dylan.

"Ace Centrex University, dude. The home of nerds."

Dylan let out a chuckle. "Yeah, dude. You're so screwed. Kaya naman pala hindi ka
pumasok ngayon. Akala ko inataki ka lang ng ka-demonyohan mo at gusto mo lang
galitin ang dean natin."

Napatawa siya sinabi nito. The dean is one of his distant Aunts, who hate him from
head to toe. Naiirita ito sa ugali niya, and he doesn't gave a shit.

"Whatever, dude. I'm going to ACU." He grunted remembering the University. "I can't
believe dad transferred me to that university. I don't even know-"

"Chill, dude. I'll transfer too. Who said you're going alone?"

Blake grinned. "Cool. Thanks, dude."

"Anytime, dude. What are best friends slash brothers are for?"

Blake chuckled. "Yeah, we're so going to taint ACU."

"We definitely will." Dylan laughed. "Wanna hang out?"

"Sure. The mall?" Suhestiyon ni Blake. "It's been a weeks since I had sex. I'm dry,
dude."

"The mall then." Dylan agreed.

They always picked up their woman in the mall. One night stand lang naman ang habol
nila after that, sayonara. Mas magandang hindi nila kilala ang mga nakaka-one night
stand nila dahil hindi ang ito naghahabol.

"ANIA, stopped trying too hard." Wika ng Kuya ni Anianette. Ania ang tawag nito sa
kanya mula ng maliit pa siya. Masyado daw kasing mahaba ang pangalan niya.

Nasa loob sila ng kuwarto niya. Bigla nalang itong pumasok at ng makita siya
nagbabasa, bigla nalang itong nagsalita ng ganoon. Maybe she'd been trying too hard
but she's used to it. She'd been trying her best since she entered ACU. Gusto
niyang maging masaya ang daddy niya. Ayaw niya na nadi-disappoint ito sa kanya.
Gusto niyang maging proud ang parents niya sa kanya.

Her brother, Anthony, is a very successful lawyer. Isang beses lang ito nag-take ng
bar exam at nag-top one ito. She's envious of him. Palagi itong pinupuri ng daddy
nila. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para pirihin din siya ng daddy niya.

"Easy for you to say, Kuya." Aniya. "You were born a genius."

He smiled and sits beside her on her bed. "Ania, walang genius. Nasa pag-aaral lang
'yon. Katulad mo. Lagi kang nag-aaral kaya matalino ka."

"I want dad to be proud of me." She pouted. "Kaya nga ginagawa ko ang lahat para
maging proud siya sa akin."

"Ania, he's proud of you. Kalian mo ba makikita 'yon?" Her brother sighed. "Hindi
mo naman kailangan gawin ang lahat. Lagi ka nalang nagbabasa, wala ka ng ibang
ginanawa kung hindi humarap sa mga aklat mo na puro numero ang nakasulat. Why don't
you do something fun?"

"Reading is fun." Sagot niya.

Anthony tsked. "Ania, what I'm saying is gumawa ka ng bagay na masaya na hindi
konektado sa pagbabasa."

"Kuya, masaya ako sa pagbabasa kaya hayaan mo na ako." Binuklat niya ang libro at
nagbasa ulit.

Bumuntong-hinga ang kapatid niya tanda ng pagsuko. "Ania, ano pa ba ang gusto mo?
For three years, ikaw ang top one sa buong Ace Centrex University."

"At planong kong maging top one ulit this year."

"You already are. Every semester, ikaw ang top one. Ano pa ba ang gusto mo?"

Ania just shrugged. "I want dad to be proud of me. That's what I want."

"He already is." Giit nito.

"No, he's not." Gusto niyang marinig na proud ito sa kanya mula sa bibig nito
mismo.

Anthony sighed. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to, Ania. Nandito naman ako. Ako
ng bahala sa lahat na pinag-aalala mo."

Ayoko! Gusto niyang sigawan ang kapatid niya na hindi niya 'yon gusto. Ayaw niyang
umasa sa kapatid niya. Mahal niya ang kapatid niya pero naiinggit talaga siya dito.
Gusto niyang hawakan ang kompanya nila at hindi siya papayag na mapunta ang lahat
ng pamamalakad sa kapatid niya.

"Kuya, kaya ko 'to." Yon lang ang sinabi niya, ang mata niya ay nakatutok sa libro
na binabasa niya.

"Whatever you say, Ania." Lumabas na ito at nakahinga ng maluwang si Anianette.

Anianette Sandejas is a very responsible girl. Matataas palagi ang grade niya at
palagi siyang top one sa buong ACU. She's proud of it. She feels smug na walang
nakakatalo sa kanya sa ranking. This is her last semester in ACU, at mas
pagbubutihan pa niya lalo. Magiging proud ang daddy niya sa kanya pag nag-graduate
siya with honors.

She smiled at that thought then continues reading the 'principle of taxation'.
Maghahanda na siya para sa second semester niya. Nalalasahan na niya ang tagumpay.

"DUDE, AKALA ko ba ang mga estudyante dito puro naka-salamin? Kunti lang naman a."
Wika ni Dylan habang pinapalibot ang tingin sa buong campus ng ACU.

Nasa registrar sila ngayon dahil kukunin nila ang class schedule nila.
Nagpapasalamat siya at hindi siya ang nagpa-enroll dito. Ang daddy niya ang gumawa
noon, siguro dahil sa kadahilanang hindi siya mapipilit nito na mag-enroll. At
mukhang walang problema kasi same cirriculum ang ginagamit ng dati niyang
pinapasukan at ang ACU. Iyon o ginamit na naman ng daddy niya ang kapangyarihan
nito para maayos ang pag-transfeer niya ng walang problema.
Ginugol niya ang buong semestral break niya sa paglalakwatsa at siyempre pa, kailan
ba nawala ang daily dose of medicine niya. Araw-araw pinapangaralan siya ng parents
niya at siya naman ay nakaupo lang at umaaktong nakikinig kahit hindi naman.

Blake just shrugged. "Kung ganoon sinungaling pala ang balita."

Dylan gave him an arched look. "Dude, ikaw ang nagsabi sa akin ng balitang 'yon."

Nagkibit-balikat lang si Blake. "So? Wala namang masama sa sinabi ko. Ang totoo nga
niyan, tama ako. Hindi lang natin sila nakikita dahil siguradong nasa library sila
at kinakain ang mga libro doon."

Wala sa sariling tumingin si Blake sa kaliwa niya ng may mapansing tarpauline na


naka-pin sa hinuha niya ay bulletin board. May babaeng nakatayo sa harap ng
bulletin at nakatingin sa tarpauline. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

Hmm. Sexy and beautiful.

Nilapitan niya yong babae at tumingin sa tinitingnan nito. Napailing-iling si Blake


habang binabasa ang nakasulat sa tarpauline.

Blake snorted and points his finger at the rank one name. "I bet maraming pimple
ang babeng 'to." Sabi niya habang nakatingin sa pangalang 'Anianette Sandejas'.
"Kung sino man ang babaeng 'to, siguradong isa siyang pangit na nerd."

"Excuse me?" That voice came from his side. Tiningnan niya ang babae na nakatingin
sa kanya. Iritation is visible on her vibrant butterscotch eyes. Nice eyes.
Ipinilig niya ang ulo. Kailan pa siya nagkagusto sa isang mata? Weird!

Blake smiled at the girl who was glaring at him. His smile fell. "Okay, anong
ginawa ko sayo?" Naguguluhan niyang tanung.

Nakita ni Blake kung paano manggigil ang dalaga. He smiled inwardly. Hmm. Cute. He
shook his head. He got to stop complementing this girl inside his head. This is so
not-him.

"How dare you insult the first ranker!" She asked haughtily.

So. Yon pala ang kinagagalit nito. Napailing siya. "Totoo naman ang sinabi ko a.
Bakit ka ba nagagalit? Fan ka ba niya?" Itinuro niya ulit ang pangalan na nasa rank
one. "Itong babaeng ito. Siguradong wala itong kaibigan. Pangit ang mukha. Maraming
pimples. May amoy ang kili-kili. At palaging may dalang malalaking libro na halos
hindi na niya kayang buhatin. At higit sa lahat, boring ang buhay nito. Pangit na
nga boring pa." Umiling pa siya para may-epekto ang komento niya. Tapos itinuro
naman niya ang second ranker na pan-lalaki ang pangalan. "Ito naman lalaking 'to.
Wala itong girl friend at pangit." Tapos sinunod naman niyang laitin ang third
ranker hanggang ten ranker.

Napangisi siya ng makitang naglalakad ang ang babae palayo sa kanya. Oh, well,
hindi na niya kasalanan kung hindi nito kayang tanggapin ang katutuhanan tungkol sa
top ten ng university na 'to.

"Hindi ko man lang nalaman pangalan niya." Disappointed niyang wika.

"I think her name is Ania." Boses iyon ni Dylan.

Nilingon niya ang kaibigan. "Paano mo naman nalaman? Hinanap mo sa facebook?"


Dylan rolled his eyes. "Duh! It's on the back of her t-shirt."

"Malay mo naman, statement t-shirt 'yon." Aniya habang naglalakad palabas ng


registrar.

"Kung statement t-shirt 'yon, it doesn't make any sense. At saka, I think,
uniform-"

Blake just shrugged his shoulder. "Of course, it does." He argued. "I'm always
right."

Tumawa si Dylan. "Kailan ka ba naging mali?" Kinuha nito ang class schedule niya
nasa kanang kamay niya. "Anong first class mo?"

"Kinuha mo na ang class schedule ko, nagtatanong ka pa?" He rolled his eyes. "Read
it."

Bumuntong hininga ito ang binasa ang schedule niya. "Hell, man, ang aga-aga may
principle of taxation ka na?"

Mabilis niyang inagaw ang schedule. "Shit!" Napamura siya ng makita na tama si
Dylan. Ang aga-aga kakain ka agad siya ng mga numero. Nilukumos niya ang class
schedule at itinapon 'yon sa malapit na trash bin. "Whatever."

CHAPTER 2

CHAPTER 2

Nakangiting pumasok si Anianette sa loob ng class room. Principle of Taxation ang


first subject nila. Excited na siyang ibahagi at ipagmalaki sa professor at
classmate niya ang nalalaman tungkol sa taxation. She's been reading the book of
taxation the whole semestral break. At sigurado siyang mag-e-excel na naman siya sa
klase.

She's feeling smug that no one can beat her in this university. Everyone admire her
intellegence... well, except for that guy! God, Anianette wanted to strangle that
boy who insulted her! Gusto niyang pilipitin ang leeg nito habang nilalait siya
pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang gumawa ng escandalo. Siguradong
masisira ang reputasyon niya dahil lang sa lalaking 'yon na kung makahusga ay
parang kilalang-kilala siya. That angred her!

Kaya naman bago pa siya makagawa ng karumaldumal na krimen, iniwan niya ang lalaki
na nanlalait pa rin. Sana naman ay hindi na niya makita ang lalaking 'yon kahit
kailan!

"Hey, Ania." Bati ng mga klassmate niya.

Nginitian ni Ania ang mga ito. "Hello. How's your semestral break guys?" She asked
politely. Kung mayroon man siyang ibang reputasyon maliban sa pagiging top one
palagi, kilala din siya sa pagiging mabait at matulungin.

"Okay naman." Wika ng katabi niya na si Gina. "You?"


"Exciting!" Ngumit siya ng maluwang ng maalala ang ginawa niya buong semestral
break. "I'd been reading books."

"Ang boring ng buhay mo, nerd." Singit ni Isa sa usapan nila.

Hindi nila ito pinansin ni Gina. Hindi niya alam kung bakit hostile ito sa kanya.
Wala naman siyang ginawang masama dito. Maliban siguro sa pag-agaw niya sa titulo
nito bilang pinakamatalino sa course nila. Pinapalampas niya palagi ang mga snide
remarks nito dahil alam niyang nai-inggit lang ito sa katalinuhan niya.

"Ikaw talaga, Ania. I'm sure na kung ano man ang edi-discuss ngayon ng professor
natin ay nabasa mo na. Hindi na ako magtataka kung memorize mo ang buong libro."
Wika ni Gina na parang walang sumingit sa usapan nila.

Ania rolled her eyes. "It's fun. At saka ang dami kung-"

"Settle down, everyone! I'm Gareth Delmar. I'm your taxation professor." The voice
of their professor made Ania stop talking.

Ania focus all her attention on the man standing in front of them. Mukhang may-edad
na ito basi sa mapuputing buhok na nakikita niya.

Kailangan niyang makinig para maging top one na naman siya. Hindi niya hahayaan na
may tumalo sa kanya sa huling semester niya sa universidad na ito. Not that someone
can beat her.

"Okay, class. What is taxation?" Tanung ng professor nila kapagkuwan. Walang


umimik. Lahat ay parang hindi gumagalaw. Kaya naman itinaas niya ang kanang kamay.

"Sir." Aniya.

Dalawang pares ng mata ang tumingin sa kanya. "Ms. Sandejas." Mukhang kilala siya
nito. "Okay, Ms. Sandejas, what is taxation?"

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "The system whereby taxes are levied on
some types of income, earning or pu-"

Biglang bumukas ang pintuan ng room nila na ikinatigil niya sa pagsagot. She heard
gasped and giggle from every girls in the classroom. At mga komentong para daw
isang Greek god ang pumasok. Wala na ang atensiyon sa kanya at nasa bagong dating.
Naggigigil na tumgin siya sa pintuan at ganoon na lamang ang pagtaas ng inis niya
ng isang-daang porsyento ng makita kung sino ang esturbo.

It's non other than the guy who insulted her! Urgh!

Pumasok ito na parang walang pakialam at umupo sa pinaka-last row sa likod. Tumass
ang kilay niya. Ang mga bobo nga naman. Mga taong walang pakialam lang sa pag-aaral
ang u-upo sa likuran. Mas nadagdagan pa lalo ang inis niya.

Professor Delmar glared at the new comer. "Mister, hindi ka ba marunong magbasa ng
schedule? Ang alam ko, alas-nuwebe ang umpisa ng klase natin. Why are you-"

"The important thing is I'm here." He cut professor Delmar words as if he wasn't
his professor.

Bobo na nga wala pang respeto! Nakakagigil!

Namula ang mukha ng professor nila. "Who do you think you are barging in my class
like-"
Naiiritang tumayo ang lalaki at bored na tumingin sa prof. nila. "I'm a transferee
student. My surname is Landeza."

Landeza? Bakit parang pamilyar sa kanya ang apelyidong 'yon?

Nang tingnan niya si Professor Delmar, namumutla ito. Hmm. Bakit siya namumutla?
Tumikhim ito at tumingin sa dereksiyon niya. "You may continue. What is taxation?"

Tumayo siya ulit at inulit ang sagot. "The system whereby taxes are levied on-"

"-levied on some types of income, earning and purchases."

Napatingin siya sa taong umagaw ng sagot niya. Nanliit ang mga mata niya sa galit
ng makitang ang lalaking nanlait sa kanya ang sumagot. Hindi siya magpapatalo? Sino
ba ito sa akala niya? "And also-"

"And also, taxation is the way for the government to accumulate funds so they can
help the citizens of the country." Bored na bored ang mukha nito habang sinasabi
ang mga yon. "The tax also helps pay the salary of government employees."

Halos liparin niya ang kinauupuan nito para i-umpog ang ulot nito sa pader. Hindi
nakatulong ang pagtitig ng mga classmate niya sa kanya na parang nag-e-expect ang
mga ito na magre-react siya. Namumula ang pisngi na umupo siya. Her eyes full of
fury. How dare him cut her off like that and stole her limelight?

Buong klase, hindi siya umimik. Nahihiya pa rin siya sa ginawa ng lalaking yon sa
kanya.

"Class dismissed. You can proceed to your next subject." The moment professor
Delmar says that, Ania hurriedly grab her bag and walked out from the room with
lightning speed.

Napapantastikuhang tumingin si Blake sa babaeng halos lumipad paalis ng classroom.


Anong problema 'non? Nagkibit balikat lang siya at isinukbit ang bag sa balikat.
Nang tumayo siya, ganoon na lamang ang gulat niya ng may humarang sa daraanan niya.

It was a woman smiling cheekily at him. "Hi, you can call me Isa." Pagpapakilala
nito sabay lahad ng kamay.

Tiningnan niya ang kamay nitong nakalahad at tinanggap pagkalipas ng ilang segundo.
"Blake."

"I know." She giggled and Blake nearly vomits. Ano bang mayroon sa babaeng to. Ang
pinaka-ayaw niya sa lahat ay 'yong parang timang na tumatawa na wala namang
dahilan. "Anyway, pinagmukha mong tanga si Ania. Serves her right."

Kumunot ang nuo niya. "Ania?"

Humagikhik ito ulit. "'Yong inagawan mo sa pagsagot. Napahiya siya at bagay lang
'yon sa kanya."

Halata sa boses nito ang selos. Mga babae nga naman. Kahit simpling bagay
pinagseselosan pa! Hay! Mabuti at naging lalaki ako. "Oh, okay." Naglakad siya at
nilampasan niya ito. Narinig niyang tinawag nito ang pangalan niya pero hindi niya
ito pinansin. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng classroom.
Napangiti siya ng makita si Dylan na hinihintay siya. Pasalamat talaga siya at
narito ito. Kung hindi forever alone ang drama niya sa unibersidad na ito.

Hindi sila nito magka-klase. Political science kasi ang course nito. Unlike him,
nag-aaral itong mabuti. Hindi nga niya alam kung bakit sila naging magkaibigan ng
mokong na 'to.

"Anong next subject mo?" Tanung ni Dylan ng makalapit na siya dito.

Blake shrugged. "Hindi ko alam. Tinapon ko ang schedule ko sa trash bin."

Tumawa si Dylan. "Hay, Blake. Paano mo ngayon malalaman ang next subject mo?"

Sa halip na sagutin si Dylan, ipinalibot ni Blake ang paningin sa kabuonan ng


hallway. Nang makita ang hinahanap, tinakbo niya ang kinaroroonan nito.

"Hey, Ira." Kuha niya sa atensiyon ng babaeng kumausap sa kanya kanina.

"It's Isa you-" Agad naputol ang sasabihin nito ng malamang siya ang tumawag dito
ng Ira. "Blake. Anong kailangan mo?" ngumiti ito ng matamis sa kanya. "It's Isa by
the way."

Walang pakialam na tumango siya. "Sure. Tanong ko lang kong-"

"Yes." Anito ng ikinagulat niya.

Ano daw? "Huh?"

"Yes, I'm available and you can date me anytime."

Blake can't stop himself. He laughed. "I'm not asking you to go on a date." He said
when he sobered up. Namula ang pisngi nito sa pagkapahiya. "Itatanong ko lang kung
anung course mo kasi nawala ang schedule ko. Baka pareho tayo."

"Oh." Puno ng disappointment ang boses nito. "I'm a business management student.
Next subject ko ay Statistic and Logic."

Nginitian niya ito. "Thanks." Babalikan na sana niya si Dylan ng makaramdam siya na
parang may nakatingin sa kanya na parang gusto siyang patayin. Tumingin siya sa
paligid. His chocolate colored eyes met her butterscotch eyes. It was the same
woman who walked out on him when he was insulting the top ten rankers. She was
glaring daggers at him. Kung nakakamatay ang titig, bumibili na ang ataol ang daddy
niya ngayon.

"Don't mind, Ania. Galit lang 'yon sayo dahil sa ginawa mo kanina." Boses iyon ni
Ira or Isa? Mukhang napansin nito ang nakakamatay na titig ni ... Ania.

Hmm. It feels good calling her name in my head. Anong bang pinagsasasabi niya?
Tinaasan siya ng kilay ni Ania bago nagmamartsang umalis. So, ito pala ang na-cut
off niya kanina. Napangit siya. Mukhang hindi ito sanay na may umaagaw sa sagot
nito. Hindi naman talaga niya alam ang sagot sa tanung ng professor kanina,
nagkataon lang na mabait si Mr. Google at sinagot iyon para sa kanya. And he only
the professor to shut up.

"Matalino siya?" Curios niyang tanung kay Ira. Hindi naman ito mukhang nerd.

"Yep. Nerd 'yon. Walang ibang ginawa kung hindi magbasa ng libro." Sagot naman
nito, halata ang disgusto sa boses nito.
Nerd? Hindi naman ah. Aren't nerd supposed to be wearing baggy clothes and ugly
rimmed eye glasses? Aren't nerd supposed to be ugly and awkward? She's anything but
nerd. Her brown shinny wavy long hair was cascading up to her upper thigh. Her
jeans fit perfectly on her shapely legs and her top looks good on her. Wala rin
itong suot na glasses. Then, the way she walks. It's oozing with confidence. Walang
nerd na ganoon kaya naman hindi siya naniniwala na nerd ito.

Naglakad siya pabalik sa kinatatayuan ni Dylan. He sighed and combed his hair using
his fingers.

"What was that?" Tanung ni Dylan na ikinatingin niya rito.

"What?"

"That girl who was glaring at you. Anong ginawa mo sa kanya? Diba siya din 'yong
babae na nag-walked out sayo doon sa may registrar?"

Ngumisi si Blake ng maalala kung bakit galit sa kanya ang dalaga. "I answered the
professor's question cutting her own answer."

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Dylan. "Kailan ka pa nag-participate sa


klase? At saan mo naman nalaman ang sagot?"

Umingos siya. "It was thanks to Mr. Google. It won't happen again. Nainis lang ako
doon sa professor namin. Feeling perpekto. Akalain mong sinigawan ako dahil lang sa
late ako?"

Natatawang umiling ang kaibigan niya. "That's what teachers do when you're late,
Blake." Dylan point out. "Takot sa father mo ang mga professor sa dati nating
school kaya hindi ka napapagalitan pag late ka."

Ganoon ba 'yon? Blake sighed. "Whatever. Anyway, nag-aagahan palang ako ng numero,
numero na naman ang meryenda ko. Puwde bang isuka ko to?"

"Bakit? Anong next subject mo?"

"Statistic ang Logic." Blake answered gravely, making Dylan laughed.

"Dude, good luck to you. You're gonna need it if you want to go home sane."

"Thanks. Hindi na ako magtataka kung sa pag-uwi ko e numero na rin ang tingin ko
kay daddy."

"Whatever, dude. See you in the parking lot after class?"

Blake nodded. "Sure." Then they parted ways. Siya papunta sa impyerno ito naman ay
papunta sa langit.

Urgh! I hate numbers. Who ever created them is totally insane from head to toe.

PAGKATAPOS ng klase ni Blake, nagmamadali siyang pumunta sa registrar office para


kumuha ulit ng schedule. Ayaw na niyang magmukhang tanga sa katatanung kung anung
susunod na subject. Bakit ba niya kasi tinapon 'yon?

Pagkakakuha niya ng schedule, naglakad siya paalis ng mapansin niya si Ania na


nakatayo sa harap ng bulletin board. Parang may kung anong magnet na humatak sa
kanya para lapitan ito.

Nang makalapit siya, nakita niyang nakatingin ito sa list of top ten rankers.
"Huwag ka ng mangarap na mapasali diyan. Mga pangit ang mga yan at baka mahawa ka."

Napaigtad ito ng marinig ang boses niya. "Huwag mo silang husgahan dahil hindi mo
sila kilala." Halata ang panggigigil sa boses nito. Hmm. May idol ba ito sa isa sa
mga top ten rankers?

Blake just nonchalantly shrugged. "Palagi akong tama. Lalong lalo na sa top one na
'yan. GPA of one point eighteen? Sino ang normal na tao na kayang abutin ang
ganoong klaseng GPA?" Wika niya sabay turo sa pangalan nang rank one. "Pangit siya,
puno ng pimples ang mukha at walang kaibigan. I would do everything to see this
girl para mapatunayan ko sayo na tama ako. Kung sino man ang Anianette Sandejas na
ito, siguradong mas pangit pa ito kay bakekang."

ANIA narrowed her glaring eyes on the guy who just insulted her twice! Hindi niya
hahayaan na maulit pa ito! "Actually, kilala ko kung sino ang Anianette Sandejas na
'yon."

Malalaki ang mata na tumingin sa kanya si Blake. Nalaman niya ang pangalan nito ng
tawagin ito ng professor nila sa Statistic and Logic para mag-solve ng problem sa
board pero hindi man lang ito tumayo at natulog pa ang loko! Pinagalitan ito ng
professor nila pero wala man lang itong paki. At ang nakakainis pa, parang may
alarm clock ito. Pagkatapos ng klase saka ito gigising na parang wala lang.

Dito sa ACU, walang pakialaman. Hindi tulad nuong high school na isusumbong ka ng
teacher mo sa parents mo pag hindi ka nakikinig sa klase. Dito sa ACU, pumasok ka
sa hindi, mag-aral ka sa hindi, makinig ka sa hindi, walang pakialaman. Darating
ang report card sa bahay niyo at wala ng pakialam ang ACU kung pasa ka o hindi. Ang
importante tinuruan ka nila ng mabuti. Kasalanan mo na kung hindi ka makinig.

"Talaga?" Puno ng kuryusidad ang mga mata nito, ang boses nito ay parang bata na
binigyan ng paboritong candy. "Kilala mo siya?"

Tumango si Ania. "Oo naman. Close ko nga siya e. Tama ka, pangit nga yan." Hah!
Wait until you see me.

Kumislap ang mga mata nito. "Sabi ng tama ako e. But I still need proof na tama
ako."

Gustong tumawa ni Ania. Proof kamu ha? "Bukas ng alas-singko ng hapon, pumunta ka
sa university library. Palaging naroon siya at nagbabasa."

He fist pumped the air. "Siguradong oily ang mukha 'non habang nagbabasa. Hindi na
ako magtaka kung dumikit ang pages ng libro sa mukha niya." Tumawa ito ng malakas.

Siya naman ay pinipigilan ang sarili na hindi ito sipain at suntukin. "Basta
pumunta ka doon ha?"

He eagerly nodded. "Oo naman. At kukunan ko pa siya ng litrato para sayo."

Ngumit siya. "Okay. Good luck" 'Yon lang at umalis na siya.

Nagpapasalamat talaga siya na sa lahat ng subject nila wala itong pakialam, hindi
nakikinig at palaging tulog. Hindi nito nalaman na siya ay si Anianette Sandejas.
And rank one na nilalait-lait nito.

Tingnan natin bukas kung hindi 'yon atakihin sa puso sa sobrang gulat. An evil
smirked appears on Anai's lips. "Humanda ka bukas, Blake Landeza. Sisiguraduhin
kung maka-cardiac arrest ka!"

CHAPTER 3

CHAPTER 3

Pagkatapos ng klase ni Blake, excited niyang tinungo ang University Library.


Tinawagan niya si Dylan na mauna nalang ito na umuwi dahil may dadaanan pa siya.
Nang magtanung ito kung saan siya pupunta, sinabing niyang sa library. Saying that
Dylan was shocked was an understatement of the century. Nakalimutan yata nitong
huminga sa sagot niya. Kaya naman ipinaliwanag niya dito kung bakit siya pupunta sa
library, doon lang ito huminga.

Tumigil si Blake sa labas ng pintuan ng library. Ano kaya ang itsura nito sa loob.
In his nineteen years of life, hindi pa siya nakapasok sa isang school library.
Maliban nalang sa library ng daddy niya na halos ipikit niya ang mga mata pag
pinapapapasok siya sa loob nito.

Pagkapasok ni Blake may humarang sa kanya na isang matandang babae. Sino kaya ang
babaeng 'to? Nakasuot ito ng parang isang security guard? Seriously? Pati ba naman
library may guard pa? ano naman ang nanakawin dito? Mga libro na amoy kabaong na sa
sobrang tanda?

"Library I.D?" Anito na ikinagulat niya.

I.D? Wala nga siyang pakialam sa student I.D. niya, library I.D. pa kaya? Pfft!
"Transferee ako." Pagdadahilan niya.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang may hinahanap. Ano naman kaya
'yon? Para naman magdadala siya ng deadly weapon sa loob ng library.

"Ano naman ang gagawin mo sa loob ng library? Sa mukha mo, isa ka sa mga taong
walang paki sa mundo." Sita nito.

Got that right. He dramatically sighed. "May kailangan lang akong hanaping libro."
May kailangan akong makita na nerd.

"Okay. Pasok, basta sa susunod na babalik ka dito, bring your I.D."

Para namang tatapak pa siya sa lugar na 'to? Hmp! Hindi na oy! "Yes, ma'am."

Kunot ang nuo niya ng mapansing wala siyang makita na nerd. Halos nalibot na niya
ang first at second floor pero wala pa rin. Walang katao-tao ang buong library
maliban sa babae na humingi sa kanya ng I.D.

"Nagsinungaling ba sa akin si Ania?" He shrugged. Oh, well. Akmang hahakbang na


siya pababa ng hagdan papuntang first floor ng may napansin siyang maliit na
pintuan na may nakasulat na 'third floor'.

Hmm. Nandoon kaya ang nerd na yon? Hindi na nag-isip pa si Blake, mabilis niyang
tinungo ang pinto at binuksan. Bumungad sa kanya ang isang hagdanan. Dahan-dahang
inakyat niya ang hagdanan. Nang nasa puno na siya, bumungad sa kanya ang
napakaraming libro na nakalagay sa matataas na shelves. Hindi lang normal na libro,
malalaki at malalapad ang mga iyon.

Blake shuddered. God! Hindi niya kakayanin mag-stay sa lugar na ito. It's creepy.
Pakiramdam niya, anytime, gagalaw 'yong mga libro para atakihin siya. Ipinalibot
niya ang tingin sa kabuonan ng third floor. Books and tons of books. Then his eyes
stopped at the sight of a woman reading a book.

Siya na kaya 'yon?

Walang ingay siyang lumapit dito. Napangiti na napapailing-iling siya ng makita


kung ano ang binabasa nito.

Law of taxation. Isa iyong malaki at malapad na libro na kahit siguro siya ay hindi
kayang buhatin. Kung paano iyon nabuhat nitong si nerd, hindi niya alam. Well,
mukhang siya na nga 'to. Sino ba ang magbabasa ng ganitong kalaki na libro sa oras
ng uwian? Malamang, isang nerd na pangit. At nakatulong din sa kanya ang nakahimlay
nitong notebook na may nakasulat na 'owned by Anianette Sandejas.' sa cover.

He cleared his throat to get her attention. Hindi man lang nito in-acknowledged and
presence niya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatahuban ng mahaba at
curly nitong buhok ang mukha nito. He had to give it to her, hindi dry ang buhok
nito. It looks smooth and silky.

Nang tumikhim siya ulit at hindi pa rin siya nito pinansin, pinalibutan niya ito
while clucking his tongue. "Tsk. Tsk. Tsk. Anianette Sandejas. Umuwi na ang lahat
nandito ka pa rin sa library. Tama talaga ako. Isa kang babae na walang social life
at mas pangit pa kay bakekang." Walang reaksiyon mula dito kaya nagpatuloy siya.
"Naaawa ako sayo. Sigurado akong nahihiya ka kasi puno ng pimples ang mukha mo at
oily face pa. nakakaawa ka naman." Puno ng awa ang boses niya pero halos sumakit
ang tiyan niya dahil sa pagpipigil na tumawa. "Can I take a picture of you? Proof
yon para kay Ania."

Umayo ito ng upo at tumingin sa kanya. Her butterscotch eyes that are so familiar
to him looked at him dead in the eyes. "Tapos ka ng laitin ako?"

Napanganga siya sa nakita. Teka lang. "P-Paanong... B-Bakit-"

Tumayo ito at tumingin sa kanya ng masama. "Cat got your tongue? Asan na ngayon
yang panglalait mo? As far as I know, maganda ako, sexy at maraming kaibigan. Wala
akong amoy, walang pimples at hindi oily ang mukha ko." Nanggigigil na isinara nito
ang libro na binabasa at ngumiti sa kanya ng nakakaloko. "Surprise?"

He's jaw was still dropped and his mouth still open while looking at Ania or
Anianette. Shit! Iisa lang sila? He put his hands inside his back pocket and forced
his mouth to shut. "So ... you wanna go to my party next Saturday?"

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. "Party? Ano ba yang pinagsasasabi mo?
Kanina lang nilalait mo ako tapos ngayon iimbetahin mo ako sa party mo?"

Blake shrugged. "Hindi ka naman pala kamukha ni bakekang, that's why I'm inviting
you to my party. Hindi ka naman mukhang nerd, you'll fit in way easily."

Ania scoffed. "Hindi ako pupunta. Mag-aaral pa ako." Isinukbit nito ang bag sa
balikat at tiningnan siya ng masama. "Hindi ka man lang ba magso-sorry sa panlalait
mo sakin?"

"Sorry." Mabilis niyang sabi. He really had to apologize to her for judging her
like that. He was wrong. "Sorry again." Then he shrugged as a habit of his.

"God! The nerve of you to insulting me like that and saying sorry without meaning
it. Ako ba talaga pinaglululuko mo?!"

He arched his eyebrow. "Huh? I already said sorry. Hindi ba sapat ang isang sorry?
Gusto mo maraming sorry?"

"Urgh!" Namula ang pisngi nito sa galit at nagmamadaling umalis.

Napailing siya. Girls are so confusing. Hindi niya ito hinabol, sa halip tinawagan
niya si Dylan.

"Dude, you're not going to believe what just happened." Panimula kaagad niya ng
sagutin nito ang tawag niya.

"Ha? Bakit, anong nangyari?" Pauno ng kuryusidad ang boses nito.

"Remember that sexy girl in the registrar? 'Yong na-cut off ko sa taxation at
parang papatayin ako kung makatingin sa akin?"

"Uh-huh?"

"Siya at 'yong rank one na nilait-lait ko ay iisa pala."

"Huh? Paano mo nalaman 'yon?"

Ikinuwento ni Blake sa kaibigan ang buong nangyari. Nang matapos na siya, tumawa
ito bigla. "What's funny?"

"Ikaw. Pumasok ka sa lugar na halos isumpa mo para lang makita ang nerd na 'yon.
Hindi kaya may gusto ka sa kanya?" Tudyo ito na ikinatawa niya.

"Dude! Hindi ko nga alam na iisa lang sila. Well, maganda naman talaga si Ania."
Aniya habang naiisip ang magandang mukha ng dalaga. He caught himself smiling.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba siya nanginigiti?

Tumawa si Dylan. "Ingat, dude, baka ma in-love ka."

Napatawa siya ng malakas. "Not in this life time, dude. Not in this life time."

NAIINIS na lumabas ng library si Ania. She can't believe this! Her plan didn't work
out the way she wants it! Dapat ay shock na shock ang Blake na yon 'nong makita
siya. Dapat umabot sa sahig ang panga nito sa pagka-shock, dapat hindi ito
nakagalaw, dapat hindi ito nakapagsalita, dapat sa kanya ang huling halakhak, pero
hindi, dahil pagkatapos nitong ma-shock e inimbitahan pa siya sa party nito.

Para namang pupuntahan siya. She has better things to do than party.

The nerve of that guy to say sorry without meaning it! Nanggigigil siya sa sobrang
inis. Okay na sana ang sorry nito, and then he shrugged like it didn't matter. Like
him insulting her didn't matter at all! Sana hindi nalang ito nag-sorry kung hindi
naman iyon bukal sa loob nito.

Bumalik ang isip niya nuong una niyang nakita si Blake sa registrar, nuong hindi pa
nito binubuksan ang bibig para laitin siya.
She finds him gorgeous. His chocolate colored eyes, his aristocrat nose, soft and
kissable lips. And his well-toned body. When Ania first saw him, her stomach does a
weird flip. Kaya naman ng lumapit ito sa kinaroroonan niya, hindi siya nakagalaw.
Pero ng laitin na siya nito, nawala bigla ang atraksiyon na nararamdaman niya para
dito.

Guwapo nga, wala namang modo at bobo pa!

Tinungo niya ang parking lot ng library kung saan nag-aantay ang driver niya para
ihatid siya sa bahay nila.

IT'S BEEN A WEEK since Blake last talked to Ania. Oo nga at ka-klase niya ito sa
lahat ng subject pero hindi naman siya nito pinapansin, mas lalo naman kausapin.
Parang hindi siya nage-exist sa mundo nito. Naiinis siya pag nilalampasan lang siya
nito sa hallway. Naiirita siya pag nakikipagtawanan ito sa mga ka-klase nila
maliban sa kanya. Napepeste siya pag tinatawag niya ang pangalan nito at hindi siya
pinapansin at naboboysit siya pag may-kausap itong ibang lalaki.

I mean. Come on! Ano ba ang mali sa kanya? May nakakahawang sakit ba siya? Wala
naman ah!

Galit pa rin ba ito dahil doon sa panglalait niya? Nag-sorry na siya. Wala talaga
siyang ibang maisip na dahilan kung bakit hindi siya nito pinapansin.

Malamang? Feeling close? One week mo pa nga lang nakikilala si Ania, feeling mo
naman close kayo. Sita ng isang bahagi ng isip niya.

He sighed and slumped on his seat. Nasa canteen sila ngayon ni Dylan at nagme-
meryenda. Pareho nilang vacant ngayon.

"Dude, kanina ka pa parang nasa balikat mo ang lahat ng problema sa mundo." Wika ni
Dylan na nakakunot ang nuo at nakatingin sa kanya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Si Ania kasi."

"Ania? Yong nerd na maganda?" Mabilis na wika ni Dylan.

Tumango siya. "Hindi niya ako pinapansin." Pagmamaktol niya. "Isang linggo na mula
ng makilala ko siya pero hindi niya man lang ako mabati ng 'hi'."

Dylan looked at him funny.

Naiiritang tiningnan niya ang kaibigan. "What?"

Umiling-iling ito habang natatawa. "Kung maka-react ka naman diyan parang close
kayo no? Ipapaalala ko lang sayo, Blake, na kapapasok mo palang sa university na
'to. Aside from her name, wala ka ng ibang alam tungkol sa kanya. Huwag ka feeling
close. At saka ano naman ngayon kung hindi ka niya pansinin? What's the big deal?
One week ago, wala kang kaidi-ideya na may isang Anianette Sandejas sa mundo. Tapos
kung maka-react ka parang long-time friends na kayo."

Napipilan siyang nakatingin kay Dylan. Oo nga ano? Bakit ba siya nakakaramdam ng
pagka-irita pag nilalampasan lang siya ni Ania at hindi pinapansin? Bakit ba siya
naiinis? Hindi naman sila magkaibigan para umakto siya ng ganoon.

Hindi sila magkaibigan.


Hindi magkaibigan.

Then something clicks on his mind. An idea. A very brilliant idea.

"Tama ka." Sang-ayon ni Blake sa kaibigan ng ikinangiti nito. "Hindi kami


magkaibigan. Hindi pa." He grinned at Dylan smiling face turn into confusion.
"Kakaibiganin ko siya para may karapatan akong mainis pag hindi niya ako
pinapansin. Tama. 'yon nga ang dapat kung gawin." Tumatango-tango pa siya habang
sinasabi iyon.

Tiningnan siya ni Dylan na parang nasisiraan na siya ng ulo. "Blake, may


naintindihan ka ba sa sinabi ko? Hindi kayo magkaibigan-"

"I know that already. Kaya nga kakaibiganin ko siya."

"Hindi yon ganoon kadali."

"Madali lang yon. Kailangan ko lang alamin ang soft spot niya tapos boom! Friends
na kami." Ngumiti siya ng maluwang at tumayo. "And I will start my friendship plan
by inviting her to my party this Saturday."

IT'S FRIDAY afternoon and Blake was walking towards the library with Dylan in tow.
Isasagawa na niya ang plano para kaibiganin si Ania. Alam niyang nasa library ito
dahil tinanung niya si Gina, ang close friend nito, na agad naman sinagot ang
tanung niya ng walang pagaalinlangan.

"Blake, saan ba tayo pupunta?"

Oh, yeah, hindi pa niya sinasabi kay Dylan kung saan sila pupunta. Tumigil siya sa
paglalakad at hinarap ito. "Sa library."

Umawang ang bibig ni Dylan. "Ano? Bakit?"

Blake shrugged. "Nandoon si Ania. I need to talk to her."

Itinikom nito ang nakaawang na bibig. "This obsession of yours is not healthy."

Siya naman ngayon ang umawang ang bibig. "Obssession? Hindi no! gusto ko lang
siyang maging kaibigan!"

Dylan snorted. "Yeah, right. You will not go to this extent para lang kaibiganin
ang babaeng 'yon. It's your second time entering the library because of her and you
are okay with it." Pinak-krus nito ang braso sa dibdib. "Spill, Blake. Ano ba
talaga ang balak mo kay Ania?"

Huminga siya ng malalim. "I don't know." He said trutfully. "Ang gusto ko lang
naman kausapin niya ako o pansinin. And the only way for that to happen is to
befriend her."

Matagal siya tinitigan ni Dylan bago ito nagsalita. "Dude, you got it bad."

"Huh?"

Umiling ang kaibigan. "Nothing. Malalaman mo rin ang ibig kung sabihin." Tinapil
siya nito sa balikat. "Tara, e-raid na natin ang library at imbitahin si Ania para
matapos na to."
Ngumisi siya at naglakad ulit. "Let's go."

Pagkapasok nila, may humarang sa daraanan nila. Ng tingnan niya kung sino iyon, he
groaned. Ito yong babae na hinanapan siya ng I.D.

"I.D.?" Anito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Dylan, then her
eyes settled on him. "Naaalala kita. Ikaw yong estudyante na walang I.D. last
week."

"Wala pa rin akong I.D., under processing pa." Pagsisinungaling niya.

Tiningnan siya nito ng matagal. "Okay." Bumaling ito kay Dylan. "Ikaw? Asan ang
I.D. mo?"

"Transferee din siya tulad ko." Sagot ni Blake para kay Dylan.

Tumango-tango ang babae. "Ucge. Sa susunod na balik niyo, hindi na kayo makakapasok
ng walang I.D."

Pigil ang tawa na tumango sila ng Dylan. Nang makalayo na sila, doon lang nila
pinakawalan ang tawa na kanina pa nila pinipigilan.

"Dude, para namang babalik pa tayo."

Déjà vu. "Dude, sinabi ko na yan nuong unang pasok ko dito. Pero heto at bumalik
ako." Seryoso niyang wika. "Maybe, I should get an I.D."

Dylan gaped at him. "Are you shitting me?"

Ngumiti siya dito. "I'm just kidding. I probably won't be back here after this."

"Good. I may study but I'm not fond of it. Saka, this place creep me out."

Nagtuloy-tuloy sila sa third floor sa kaalamang nandoon ngayon si Ania, nagbabasa.


At tama nga siya, nandoon nga ito at may binabasa na namang malapad ng libro.

Naglakad siya palapit sa kinau-upuan ni Ania, ramdam niyang nakasunod si Dylan sa


kanya. Nang may madaanan siyang libro na nakalapag sa isa sa mga mesa, kinuha niya
iyon. Props.

Umupo siya sa tabi ng dalaga habang nanatiling nakatayo si Dylan. "Hey."

Napaigtad ito at mabilis na tumingin sa kanya. Biglang nagdilim ang mukha nito ng
makita siya. "Anong ginagawa mo dito?" Sikmat nito.

Nagkibit-balikat siya at inilapag ang libro na props niya. "Oh, just, you know,
reading."

Tumawa ito ng pagak. "Reading? Really? You're reading a dictionary?"

Napatingin siya sa libro na hawak. Poofshit! Merriam Webster nga ang hawak niya.
"Ahm... oo?" He heard Dylan snicker but he didn't pay him any attention.

"FYI, mister I-am-reading-a-dictionary, ang nagbabasa lang ng librong iyan ay yong


mga walang alam sa spelling o kaya naman sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng
isang salita." Mockery was visible on her voice. "Ano ba ang hinahanap mo diyan?
Itanung mo nalang sa akin, siguradong alam ko kong ano yon, para hindi na mahirapan
maghanap ang pea-sized brain mo."
Kumurap-kurap ang mata niya habang dina-digest ang sinabi nito. Truthfully, he was
slightly hurt by her words pero hindi niya iyon pinahalata. bakit ba kasi hindi
niya binasa kung anong klaseng libro ang napulot niya?

"That's so nice of you. But I think my pea-size brain can manage." Umaktong siyang
walang pakialam pero alam niyang hindi siya nagtagumpay. His voice sounding hurt.
Binuklat niya ang dictionary.

"Here it is." Aniya ng makita ang hinahanap. "The word 'party'..." Tumingin muna
siya kay Ania bago nagpatuloy. "A social gathering to which people-" napatigil siya
sa pagbabasa ng tumayo si Ania at nagmamadaling ipinasok ang nagkalat na notebook
nito sa bag.

"I'm not dumb. Memorize ko ang laman ng Merriam Webster." Isinukbit nito ang bag sa
balikat at naglakad paalis.

"I'm inviting you to my party tomorrow." Sigaw niya rito ng nasa puno na ito ng
hagdanan. "It will be held in five star Landeza Hotel in Makati."

"Not interested." Anito na hindi man lang lumingon at nagtuloy-tuloy na bumaba ng


hagdanan.

Binitawan niya ang dictionary at tumingin sa kisami. "There goes my effort. Hindi
man lang namansin. Whatever."

Dylan let out a chuckle. "Dude, it's not whatever."

Tiningnan niya ito. "What do you mean?"

"It's not whatever, Blake and you know it. Because admit it or not, you care. And
it hurt you that she insulted and declined you." Naunang naglakad si Dylan paalis
ng third floor, naiwan siyang nakatulala sa sinabi nito.

Do I care? Tanung niya sa sarili. Hindi niya hinayaan ang sarili na sagutin iyon.
He already knew the answer. What happened to 'whatever'?

CHAPTER 4

CHAPTER 4

Blake party was in full blast and he was bored to death. Idinaos niya ang party sa
isa sa function hall ng isa sa pag-aari na hotel ng parents niya. His parents
didn't know, of course. Paano niya ito nagawa without their consent? With Aunt Edna
help of course. Ito ang manager sa lahat ng hotel na pag-aari ng parents niya kaya
naman nakalusot siya.

Ipinalibot niya ang paningin sa kabuan ng hall. Nakita niya si Dylan na nakikipag-
dirty dancing sa isang babae na halos wala ng suot.

He's hoping that Ania would make up her mind and come, pero hanggang hoping lang
talaga siya. Hindi ito dumating. Naiinis na umalis siya sa sarili niyang party. The
boredom is eating him.

Ikinuyom niya ang kamao. 'Yong babaeng 'yon. Inimbita na nga niya ito ng personal,
ito pa ang may gana na tumanggi? Ano ba ang importanteng ginagawa nito na mas
masaya kaysa sa party niya?

Tinungo niya kanyang Lamborghini na naka-park sa labas ng hotel. Regalo iyon sa


kanya ng daddy niya ng mag-eighteen siya. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan
niya, kinuha niya ang phone na nasa compartment ng kotse niya at tinawagan si Ira
o... Isa ba yon? Nagpapasalamat siya na hindi pa niya nadi-delate and number nito
na sapilitan nitong isinave sa cellphone niya.

Isang ring palang sumagot na ito. "Sino 'to?" Tanung nito sa kabilang linya.

"It's me, Blake."

Inilayo niya ang tenga ng bigla itong sumigaw. "Oh. My. God. Bakit ka napatawag?
Aayain mo ba akong-"

"Alam mo ba kung asan ang bahay ni Anianette Sandejas?" Putol niya sa iba pang
sasabihin nito.

Nagpakawala ito ng buntong-hininga at sinabi sa kanya ang address ni Ania sa


disappointed na boses. "'Yon lang ba ang itinawag mo?"

"Thanks. Bye." Tinapos na niya ang tawag.

Binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot iyon. Iisang bagay lang ang nasa
isip niya habang nagmamaneho.

Si Ania.

HINDI ALAM ni Ania kung ilang beses na siyang tumingin sa orasan. Ang dahilan?
Hindi niya alam. And totoo, alam niya.

Blake's party.

Sa oras na alas-nueve ng gabi, alam niyang nag-umpisa na ang party nito. Ang hindi
niya alam ay kung bakit iniisip niya ang lalaking yon.

Siguro dahil kinakain pa rin siya ng kanyang konsensiya. What she said in the
library was uncalled for. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya dahil nakita niya
nawala ang kislap ng mga mata nito. May kung anung kirot siyang naramdaman ng
makita niya na nasaktan ito sa sinabi niya. Then his voice sounded hurt. Gusto
niyang karatehin and sarili pero naisip niya na patas lang sila. Nilait din siya
nito. Pero kahit ganoon, nako-konsensiya pa rin siya.

Tumingin siya sa libro na kanina pa niya hawak-hawak. Mag-iisang oras na niyang


sinusubukang mag-aral pero wala siyang maintindihan sa binabasa niya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at inilapat ang likod sa malambot niyang kama.
Tumingin siya sa kisame. Segundo ang nagdaan at ramdam niyang bumibigat ang talukap
ng kanyang mga mata.

She was about to be succumbed into sleepiness when she heard a loud thud. Followed
by dogs barking and her brother's angry voice.

Dali-dali niya iminulat ang mga mata. Sleepiness forgotten. Tinungo niya ang
balkonahe ng kuwarto niya para tingnan kung ano yong narinig niya. Nakita niyang
may iginigiyang lalaki ang kapatid niya. Sa pagkakahawak ng kapatid niya sa braso
ng lalaki, masasasabi niya na may ginawang hindi maganda ang lalaki. Nakatalikod
ang mga ito kaya hindi niya makita ang mukha.

Bumalik siya sa kama at nahiga ulit. Anong nangyari. Ano kaya ang narinig niyang
lagabog?

Curiosity was killing her. Kaya naman dahan-dahan siyang naglakad patungong sala
kung saan naririnig niya ang galit na boses ng Kuya niya.

"Who are you and what are you doing climbing our house?!" Galit na boses iyong ng
kapatid niya.

"Kapag hindi ka sumagot, ipapa-pulis kita." Boses naman iyon ng kanyang daddy.

"Anong pangalan mo?" Tanung ulit ng kapatid niya, galit pa rin ang boses nito.

"Kayong dalawa, babaan niyo nga ang boses niyo. This boy seems harmless." Boses
iyon ng kanyang mommy. "Tanungin niyo siya ng maayos."

Nadinig niyang tumawa ng pagak ng kapatid. "Maayos? Harmless? For all we know,
magnanakaw ang isang ito. Nagsisisi ako at pinigilan ko ang mga aso na sakmalin
siya-"

"Anthony!" Pigil na sigaw ng mommy niya sa kapatid. Nang magsalita ito ulit,
malumanay na ang boses nito. "Anong pangalan mo iho?"

Maraming segundo ang lumipas bago ito sumagot. "Blake." Wika ng isang pamilyar na
boses.

Natutop ni Ania ang bibig sa sobrang pagkabigla. Si Blake? Anong ginawa nito dito?
Akala ba niya may party ito. Hindi ba dapat nagsasayaw ito at naglalasing?

"Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" Tanung ng mommy niya.

"Ahm... kasi ho... si Ania ho." Nauutal na sagot nito.

Mas natutop lalo ni Ania ang bibig. Oh my god! Ano nalang ang sasabihin ng daddy
niya sa kanya?

"Bakit mo siya hinahanap? At bakit mo inaakyat ang bahay namin? Bakit hindi ka
nalang kumatok?" Sunod-sunod na tanung ng kuya niya.

Kung hindi niya sagipin ang lalaking 'yon, sigurado mas lalaong masisira ang
reputasyon niya sa pamilya. Kilala siya bilang mahinhin at walang boyfriend.
Kailangan niya itong tulungan. Baka ano pa ang idahilan nito sa pag-akyat sa bahay
nila.

Kaya naman pumasok siya sa sala. "Manghihiram po siya sa akin ng notes." Singit
niya sa interogasyon ng mga ito.

Blake's head snapped at her direction. His chocolate eyes bored into her
butterscotch one. It made her feel something peculiar. Nag-iwas siya ng tingin.

"Notes?" hindi naniniwalang tanung ng kapatid niya.

Tumango siya. God! She hated lying. "Oo. Pareho kasi kami ng course."

"Kung ganoon bakit niya inaakyat ang bahay natin?" Puno ng pagdududa ang boses ng
kuya niya.
Bago pa siya makasagot, nagsalita ang mommy niya. "Iho, anong buong pangalan mo?"

"Blake Ryan Landeza."

"Landeza?" Sabay na wika ng daddy at kuya niya.

Ibinalik niya ang tingin kay Blake at nakita niyang tumango ito. "Yes. My father is
Vincent Landeza. I'm sure you've heard of him."

Biglang tumawa ang daddy niya at inakbayan si Blake na para bang matagal na itong
magkakilala. "Kung sinabi mo kaagad na anak ka pala ni Mr. Landeza e di sana hindi
ka na namin ginisa."

Kumunot ang nuo niya sa pag-iiba bigla ng trato ng daddy niya kay Blake. Kahit ang
kapatid niya e humingi ng tawad sa binata. Napansin siguro ng mommy niya ang
pagkalito sa mukha niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Landeza family is one of the richest families in the country. Kilala sila sa
business world. Magka-sosyo sila ng daddy mo sa isang traveling agency business."

Napatango-tango si Ania. Ahh. Kaya naman pala ng una niyang marinig ang apelyido
nito ay pamilyar iyon sa kanya.

"So, Blake, nasa room ko yong notes na hihiramin mo." Wika ni Ania at tumingin sa
daddy niya. "Okay lang ba na isama ko sa kuwarto ko si Blake?"

Her daddy smiled widely. "Okay lang, Ania. Alam ko namang matinong bata itong si
Blake."

Ania almost snorted. Mabait? Kung alam lang nito ang panlalalait na natanggap niya
galing rito. "Yeah. Mabait."

Nag-umpisa na siyang maglakad patungong kuwarto niya. Narinig niyang sumusunod si


Blake sa likuran niya. The moment they enter her room and close the door, Ania spun
around startling Blake.

Dinuro niya ito sa dibdib. "Anong ginagawa mo dito? Ha?" Ania half-shouted and
half-whispered at Blake. Ayaw niyang marinig ng pamilya niya ang totoo.

Nagkibit balikat si Blake. "Manghihiram ng notes."

Tiningnan niya ito ng masama. "Para namang maniniwala ako sayo at alibi ko 'yon.
I've seen you in class. You're always sleeping. You don't give a shit about our
subject. You talk back to our professor. You don't do your assignment. You don't
answer our quizzes and you don't participate in class. Tapos ngayon sasabihin mong
manghihiram ka ng notes? Yeah, pigs can poo diamonds."

Hinintay niyang magsalita ang binata na nasa mukha ang gulat. Pagkalipas ng ilang
minuto, nagsalita ito. "Y-You, ah, you've seen me in c-class?" Nauutal nitong
tanung na ikina-kunot ng nuo niya.

"Yeah. What's wrong with that?" Tinarayan niya ito.

Nag-iwas ito ng tingin. Ania swear she saw his cheeks reddened a bit. "Wala. Akala
ko lang kasi wala kang pakialam sakin."

"Wala naman talaga akong pakialam sayo."

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Oh?" Nanunudyong ngumiti ito sa kanya. "Kung
ganoon, paano mo nalaman ang lahat ng ginagawa ko sa school?"

Hindi siya naka-imik sa tanung nito. Oo nga? Paano niya nalaman ang mga yon? Maybe
because she always looked at him every time he wasn't paying attention in class.
Hindi niya alam kung anung mayroon ang lalaking ito basta nahuhuli nalang niya ang
sarili na nakatingin dito. Pasalamat siya at hindi siya nito nahuhuling nakatingin
rito.

"I'm waiting for your answer, princess." He said while tapping his foot on the
floor.

Where did that came from? "Princess?" Gagad niya sa sinabi nito.

He walked to her study table and pick up her notes in taxation. "It suits you. You
pretty like a princess."

Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya. Itinago niya ang pamumula ng
pisngi. Lagi siyang nasasabihan ng sexy o kaya naman hot pero wala pang nagsabing
pretty siya, maliban sa parents niya. And hearing it from Blake makes her blush.

"Well, ayokong magtagal dito sa kuwarto mo baka ano pa ang isipin ng daddy mo."
Itinaas nito ang notes niya sa taxation. "Isasauli ko ito sayo sa lunes."

Tango lang ang tugon niya.

Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, napailing-iling na ngumit ito at hinatak


siya nito sa kamay. "Halika na. Be a good classmate and walk me to the door."

Wala siyang nagawa kung hindi magpahatak rito patungong sala kung saan ang-uusap
ang daddy, mommy at kuya niya. Binitawan nito ang kamay niya.

Ngumit si Blake sa mga ito. "Aalis na ho ako." Itinaas nito ang notes niya at
ngumit ng kimi. "I still need to copy this."

Tumango ang daddy niya. "By the way, I called your father, telling him that you're
in our house."

Blake tense beside her. "Hindi naman po niyo kailangan-" Biglang may bumusina mula
sa labas ng bahay nila.

"It must be your family car, Blake." Ani ng daddy niya habang maluwag na nakangiti.
"Ingat."

Her mother gave Blake a small hug. "Ingat, iho."

"Take care, kiddo." Ani naman ng kapatid niya.

Tumango si Blake at nagmamadaling tinungo ang pintuan ng bahay nila. Bago nito
buksan ang pinto, tumingin ito sa kanya at ngumiti. "See you in Monday." 'Yon lang
at tuluyan na itong lumabas at naiwan siyang nakatulala at nakatingin sa nakasarang
pinto.

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Blake sa kanilang bahay, agad niyang nakita ang mga
magulang niya sa sala at mukhang hinihintay siya.

Nang makita niya ang family car sa labas ng bahay ng mga Sandejas, alam na niyang
makakarinig na naman siya ng daily dose of medicine pagka-uwi niya. Dala niya ang
sariling sasakyan kaya naman sinabihan niya ang driver na mag-convoy nalang sila.

"Blake." Umpisa ng daddy niya. "Why are you doing in Sandejas residence?"

"Nanghiram ng notes." Walang buhay na sabi niya.

"So, that's what I heard, but we both know the truth, Blake." Wika ng mommy niya.

Pinigilan ni Blake ang sarili ng itirik ang mga mata. "Honestly, I just borrow
notes from Ania."

"So, Ania ang panglan niya." Ani ng mommy niya sa malamig ng boses. "Are you
screwing her too? Isa ba siya sa mga babae mong walang galang sa sarili?"

That made his eyes bulge and his anger rose up. "You don't know her. Hindi mo siya
kilala para pagsalitaan mo siya ng ganyan!" Sigaw niya. For once, he's losing his
cool façade in front on his parents. "Ania is nice and responsible girl. You don't
talk to her like that! You can shit talk about me, but not Ania." Halata ang gulat
sa mga mukha ng magulang niya. Sa unang pagkakataon, sinigawan niya ang mga ito.
He's usually laid back and doesn't care.

But now... no one shit talk about Ania.

"Blake." Halata sa mukha ng daddy niya ang pagkabigla pero agad din naman iyong
nawala. "Sanay lang kami sa ugali mo na papalit-palit ng babae. Usually, ang mga
girlfriend mo ay mga walang paki-alam sa buhay nila tulad mo."

"Iba si Ania at hindi ko siya girlfriend. Sa kuwarto lang ako. Kokopyahin ko pa ang
notes ni Ania." Patakbo niyang tinungo ang kuwarto at naiwang nakatulala ang mga
magulang.

He locked his room and sit on his bed. Binuklat niya ang notes ni Ania. Napangiti
siya ng makita ang penmanship nito. It's neat and elegant looking. Tulad ng may-
ari. Mas lumapad pa ang ngiti niya ng makitang may nakatuping papel doon, at nang
buklatin niya, iyon ang test paper nila nuong last quiz sa taxation.

Perfect score.

This only shows how different he is from Ania. She always got a perfect score,
samantalang siya e palaging zero. Wala siyang pakialam, si Ania naman responsible.
She's the opposite of him. And he doesn't like it one bit.

For the first time in his life, he wanted to study, answer a freaking quiz and pass
his exams. God! Ano ba ang nangyayari sa kanya. Tinapon niya ang notes sa sahig at
nahiga sa kama.

All I need is sleep and I'll be back to being whatever-me tomorrow.

"KUMUSTA na ang pagka-inis mo kay Ania?" Tanung ni Dylan habang papasok sila sa
isang mall. Nandito sila para mag-relax. Bukas ay lunes na naman. Meaning, school
freaking day. They both hate it.

Pumunta ang kaibigan sa bahay nila at inaya siya sa mall para tumambay. Habang
papunta sila dito, ikinuwento nito ang nangyari rito sa party. Mabuti nalang at
busy ito sa paglalasing kaya naman hindi nito napansin na nawala siya.

Blake shrugged. "Ano naman ang sasabihin ko tungkol doon?" Balik tanung niya.
"Well, you could confess to me."

"Confess to what?"

"Confess that you like her."

Blake tripped on his own foot. Tiningnan niya ng masam ang kaibigan. "What the
hell, Dylan. Where the hell did it came from?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Akala mo hindi ko napapansin ang mga pa-simple mong
titig kay Ania pag nasa malapitan lang siya? Blake, I'm your best friend. I know
you. At saka, halatang-halata ka, dude."

Nag-iwas ng tingin si Blake. Gusto niyang i-deny ang sinabi nito pero bago pa
bumukas ang bibig niya, nakita niya si Ania sa loob ng isang book store.

Bago pa siya humakbang papunta sa book store, napigilan siya ni Dylan sa braso.

"Dude, saan ka pupunta, iiwan mo ba-" Tumigil ito sa pagsasalita. Tiningnan niya
ito at nakitang nakatingin ito kay Ania. Napapailing na ibinalik ni Dylan ang
tingin sa kanya. "I'll just wait for you in our usual hang out place." Tapos umalis
na ito, naiwan siyang nakatingin sa likuran nito.

Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Ania na busy pa rin sa pagbabasa ng isang


libro. Lakas ang loob ng pumasok siya sa books store at tinungo ang kinatatayuan ng
dalaga.

He cleared his throat, getting her attention. Pero hindi man lang kumurap ang mga
mata nito at nagpatuloy sa pagbabasa. Kaya naman hinablot niya ang libro mula sa
kamay nito at itinago 'yon sa likuran. That caught her attention. Agad itong
lumingon at tumalim ang mga mata ng makita siya.

"Ibalik mo yan!" Sigaw nito sa mahinang boses.

Ngumiti siya. "Hello to you too."

She rolled her eyes. "Akin na yan sabi e!"

Umiling siya. "Na-ah, not before you agree to eat lunch with me."

"At bakit naman ako papayag?" Taray nito.

Itinaas niya ang libro na inagaw niya. "Oh, I don't know, maybe because I'll buy
this for you and treat you lunch?"

She glared at him. "Anong tingin mo sa akin? Pulubi? Kaya kung bilhin ang librong
yan at kumain ng mag-isa!" She stomped away from him, leaving the book store.

He frowned. Anong nangyari? Gusto lang naman niya itong i-treat ng lunch at bilhan
ng book kasi mukhang interesado ito sa ... tiningnan niya ang libro at mabilis na
ibinalik sa lalagyan na parang napaso ng mabasa niya ang title. 'Laws of Taxation'.

Iling-iling na lumabas siya ng books store. He really can't understand women!


CHAPTER 5

CHAPTER 5

Inabot ni Blake ang hiniram na notebook kay Ania. It's there first subject in
Monday.

Hinablot nito ang notebook mula sa kamay niya at nagpatuloy sa ginagawa. Reading
the book of taxation. Again.

Bumuntong hininga si Blake inilagay sa bulsa ang kamay. "So ... Ania, wanna hang
out?"

Slowly, she looks at him, glaring. "Ano naman ang pumasok diyan sa utak mo para
imbitahin akong mag-hang out sayo."

Heto na naman po ang mataray na si Ania. "Ania, nagtatanung lang naman ako kung
gusto mo." Mahinahon niyang wika. Hindi niya alam kung bakit pinagsisiksikan niya
ang sarili rito, samantalang halata naman na ayaw nito sa kanya.

Bakit ba hindi pa siya umalis at maghanap ng iba? Bakit ba pinagpipilitan niya ang
sarili rito?

"Ayoko." Anito na ikinatameme niya. "Hindi ako makiki-hang out sa isang katulad
mo." Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at tumingin sa kanya ng deretso. Walang emosyon
sa mga mata nito. "Tigilan mo ako. I won't associate with the likes of you."

He frowned. "What do you mean the likes of me?"

"Dumb and irresponsible person." Anito saka iniwan siyang nanigas sa kinatatayuan
niya.

Sa unang pagkakataon, nasaktan siya sa mga salitang iyon na halos araw-araw niyang
naririnig mula sa mga magulang niya. Bakit? Bakit siya nasaktan sa sinabi nito?

Hanggang sa matapos ang klase niya, umuukilkil pa rin sa isip niya ang mga sinabi
ni Ania.

"Dude. You're spacing out."

Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Dylan. Naka-upo siya sa hood ng sasakyan
niya habang hinihintay ang kaibigan at ini-isip ang ma sinabi ni Ania. Hay naku!

"Dude!" Pukaw ni Dylan sa kanya. "Okay ka lang ba?"

Tiningnan niya ng matiim ang kaibigan. "Dylan?"

"Yeah?"

"You think I'm dumb and irresponsible?"

Napapantastikuhan itong tumingin sa kanya. "Dude, are you for real?" ngumisi ito.
"Hindi ko na kailangan sagutin iyan. You know that you are dumb and irresponsible."

Yeah. He knew it from the very start. Alam niyang bobo siya hindi dahil talagang
bobo siya kundi dahil hindi siya nag-aaral at wala siyang pakialam. Alam din niyang
irisponsable siya dahil ... well, madami na siyang ginawa para matawag siyang
irisponsable.
Hindi na bago ang salitang iyon sa kanya, pero ng si Ania ang nagsabi noon,
apektado siya masyado.

"Do you think I'll be smart if I study?" Tanung niya ulit.

Tumawa ng malakas si Dylan. "Dude, where this is coming from? Really? Asan na ang
totoong Blake. Asan ang kaibigan kong 'whatever' palagi ang sagot sa lahat ng
problema sa mundo?"

He heave a deep sighed. "Si Ania kasi. She called me dumb and irresponsible."

"I should have known." Inilagay nito ang kamay sa balikat niya. "Blake, dude, what
is happening with you? Ever since nakilala mo si Ania, parang hindi na ikaw ang
Blake na kaibigan ko. Lagi kang nakatingin sa kanya. Kapag nakikita mo siya,
iniiwan mo ako. Ganoon mo ba talaga ka-gusto si Ania para maapektuhan ka ng
ganoon?"

Tinapik niya ang kamay nito sa balikat niya. "It's not that. Saka hindi ko siya
gusto. I just want her to be my friend. Masama ba yon? I just ask her if she wants
to hang out with me and she rejected me harshly."

Dylan snorted. "You want to be her friend?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Yeah?"

Tumawa si Dylan ng malakas. "Blake, anong tingin mo sakin? Bulag? Want to be her
friend, my ass! Hindi pagkakaibigan ang habol mo kay Ania. At alam mo 'yon."

Umalis siya sa pagkaka-upo sa hood at binuksan ang driver's seat ng sasakyan niya.
"Let's go." Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina.

"Dude, okay ka lang?" Tanung ni Dylan sa kanya ng makapasok na ito sa sasakyan.

He nodded. "Yeah. I just need to think."

"Think of what?"

"Think of ways on how to be Ania's friend." Pinaandar niya ang sasakyan paalis ng
ACU parking lot.

Dylan tsked. "Blake, ano ba ang nangyayari sayo?" Sumandal ito sa likod ng upuan.
"This is not you. Ikaw ang tipo ng tao na walang pakialam. At ngayon gagawa ka ng
paraan para mapansin at maging kaibigan si Ania. What's happening to you?"

Tumingin siya sa dinadaanan habang nagsasalita. "I don't know, Dy. All I know is
that I want her to be close to me."

"Kung gusto mong maging close sa kanya, maging matalino ka muna." Suhestiyon ni
Dylan habang nakatingin sa labas ng bintana. "Yon lang ang tanging paraan para
makapasok ka sa circle of friend niya."

"Maging matalino?" Tumawa siya ng mahina. "Dylan, nakakalimutan mo ba na si Blake


Landeza ang kausap mo. Hindi ko kayang maging matalino. Ni pagbasa nga ng simpleng
libro hindi ko kayang gawin."

Dylan tsked again. "Take it or leave it, Blake. Wala kang choice."

Hindi na sumagot si Blake at nag-concentrate nalang sa pagmamaneho. Ang utak niya


ay nag-iisip na nang dapat niyang gawin para maging matalino.

NAGLALAKAD si Ania papunta sa nakaparadang sasakyan na susundo sa kanya ng makita


niya si Blake na naka-upo sa hood ng isang sasakyan.

From a far, she studied his face. Nakatingin lang ito sa kawalan at napakalalim ng
iniisip. Naalala niya ang sinabi niya dito kanina. Alam niyang nasaktan ito sa
sinabi niya. She knew that it was harsh. Pero ng imbitahan siya nitong mag-hang out
kasama ito, kinabahan siya. Nanerbiyos siya at sa unang pagkakataon, hindi niya
alam ang sasabihin.

Kaya naman tinarayan niya ito para itago ang kabang nararamdaman. When she saw the
pain in his eyes, she regretted saying those things. Pero hindi niya binawi ang
sinabi at nag-walk out.

May lumapit kay Blake na lalaki na agad naman niyang nakilala kung sino. His name
is Dylan-alam niya ang pangalan nito dahil crush ito ng kaibigan niya si Gina-
palagi itong kasama ni Blake pag vacant period nila. Ayon sa mga naririnig niya sa
mga kaibigan, mag-best friend daw ang dalawa. Halata naman sa mga kilos nito.

Bago pa siya mahuling nakatingin sa mga ito, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta
sa sundo niyang sasakyan. Her family driver opens the door for her.

"Thank you." She mused before entering.

Ania put the seat belt on. When she felt the vehicle moving, she closed her eyes
and Blake face popped into her mind. Nahuli niya ang sarili na nakangiti. Agad
niyang pinagalitan ang sarili.

Stop thinking of that guy! Irresponsable siyang tao. Magkaibang-magkaiba kayo.

Pagkatapos pagalitan ang sarili, pinilit niya ang utak na hindi isipin si Blake.

Nang pumarada ang sasakyan sa garahe ng bahay nila, agad siyang lumabas ng sasakyan
at pumasok sa bahay. Naglalakad na siya papunta sa kuwarto niya ng makasalubong
niya ang ina.

"Good afternoon, mommy." Wika niya sabay halik sa pisngi nito.

Ngumiti ito sa kanya. "Good afternoon to you too. Kumuta ang school?"

"Still school." Nakangiti niya wika.

"How's Blake?"

When his name was mentioned, her mind wonder back to Blake's pained expression when
she said those hurtful things to him.

"Ahm... h-he's f-fine. He gives me back the notes that he borrowed."

"Good."

"Yeah." Wala siyang ibang maisip na sabihin.

"So..." Tumingin ito sa kanya ng makahulugan. "That kid is so good looking. Bagay
kayo."
"Mommy!" She whined with a horrified expression, her face reddening. "Anung bagay?
Hindi ko siya type no!" Okay, that's a lie. Ang mga tipo ni Blake ang gusto niya,
except sa brain department. Lacking doon ang binata.

Napatawa ang ina niya. "Okay, okay. No need to shout. Magpahinga ka na. Dinner in
seven p.m."

Tumango siya at nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya. Ini-lock niya ang pinto at
patakbong tinungo ang kama at nahiga.

Hay. Pagod na pagod siya. From school work to school's extracurricular. She's
beyond exhausted. She closed her eyes to rest and the last thing she saw in her
mind was Blake's pained expression.

HINDI mapakaling palakad-lakad si Blake sa kuwarto niya. Two days nalang, mid-term
examination na nila. Kung mapapasok lang niya ang teacher's lounge kung saan
nakatago ang mga test paper, makakapasa siya.

Ipinilig niya ang ulo. No! Hindi siya puwedeng mag-isip ng ganoon. Kailangan niyang
makapasa na walang halong pandaraya.

Blake gaped at his own words. My god! Anong nangyayari sa akin?

Ipinilig niya ulit ang ulo. Kung gusto niyang maka-close si Ania, kailangan niyang
mag-aral. No choice siya.

Walang buhay siyang napa-upo sa kama niya. Mag-aral? Siya? Mamamatay muna siya bago
siya mag-aral.

Two hours later, dala-dala niya ang pina-xerox copy niya na notes ng classmate
niyang babae na may gusto sa kanya.

Dali-dali siyang pumasok sa bahay nila. Pag may nakakita sa kanya na may dala-
dalang notes, siguradong masa-shock ang mga ito. Kailangan niyang itago ito sa mga
magulang niya.

Paakyat na sana siya sa hagdanan ng marinig niya ang ama na tinawag ang pangalan
niya.

Huh? Why is he home early? Alas-tres palang ng hapon ah.

"Yes, dad?" Wika niya na hindi tumitingin sa ama.

"Humarap ka sa akin, Blake. Huwag mo akong bastusin!" Malakas na wika ng ama.

"Blake, face your father." Boses iyon ng ina.

Hindi nakinig si Blake. "Ma, ang aga niyo yata." Hindi pa rin siya makatingin sa
mga ito. Bakit naman kasi hindi ko dinala ang bag ko para naitago ko sana ang mga
'to?

Habang nagmumuni-muni siya, hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya ang ina at
nakatingin sa dala-dala niya.

Huli na para itago niya ang mga iyon. His mother eyes widen when she clearly saw
what he's holding.
"My god, Blake. Totoo ba itong nakikita ko?" Gulat na gulat na wika ng ina niya.

"Ano sa tingin niyo?" Pinipigilan niya ang sarili na hindi mamula.

"Ano yan?" Tanung ng ama niya habang palapit sa kanila.

God! Kill me now!

Napatigil ang ama niya sa paglapit sa kanila ng kunin ng ina ang isang notes na
pina-xerox niya at ipinakita iyon sa daddy niya.

"School notes, Vince." Ani ng ina sa hindi paring makapaniwala na boses.

"Blake." His father whispered his eyes with unshed tears. "Tama ba itong nakikita
ko? Nagpa-xerox ka ng notes?"

Inagaw ni Blake ang notes sa ina at nagmamadaling humakbang pataas ng hagdanan.

He scowled when he heard his father said with a proud tone. "I think he's
changing."

Blake cringed. Changing, his ass! Hinding-hindi mangyayari iyon. Ginagawa lang
niya ito para mapalapit kay Ania at wala ng iba.

Nang makapasok siya sa kuwarto, agad niyang inilapag ang mga notes sa study table
niya sa unang pagkakataon sa loob ng labing siyam na taon niya sa mundo, ay
gagamitin niya.

Umupo siya sa harap ng study table at tiningnan ang mga notes.

Ano ba ang uunahin niya? Taxation or Finance? Urgh! Bahala na.

Binuklat niya ang notes sa finance. Halos sumabog ang utak niya ng makitang puro
numero ang laman 'non. Sinunod naman niyang buklatin ay taxation, mas lalong
sumakit ang ulo niya. Then there's accounting, law of taxation, taxation of land
and reform and the dreaded, calculus.

No way in hell he can learn all of these in less than two days!

Sa kawalang maisip na paraan kung paano pag-aaralan ang lahat ng notes na pina-
xerox niya, tinawagan niya ang kaibigan.

"Dylan, paano mo mapag-aaralan ang mga subject na halos isumpa mo sa loob lang ng
dalawang araw? Not to mention, that every subject consist of thirty to forty
pages." Wika agad niya ng sagutin nito ang tawag niya.

Ilang segundo itong hindi naka-imik sa kabilang linya. "Blake, are you on drugs?"

"Huh? What? No!" sinabunutan niya ang sarili sa inis na nararamdaman. "I want to
pass my mid-term exam." Mahina niyang pag-amin. Siguradong pagtatawanan siya ng
kaibigan.

To his shock, ni munting tawa, wala siya narinig sa kabilang linya. "Ginagawa mo na
naman ba ito dahil kay Ania?"

Gusto niyang mag-deny baka mag-assume na naman ito ng kung ano-ano, tulad nalang ng
mag gusto daw siya kay Ania. Pero hindi niya ginawa. "Yes. You know I want her to
be my friend."
He heard Dylan sighed. "Here's what you got to do to pass all your exams with
flying colors."

TWO DAYS. Dalawang araw ng absent si Blake. Dapat walang pakialam si Ania sa binata
at mag-focus nalang sa pag-aaral para sa exam pero hindi niya mapigilan ang sarili
na hanapin ito sa bawat subject nila.

Ngayon ay araw ng examination nila. At wala pa din ito. Twenty minutes nalang mag-
uumpisa na ang exam nila.

Bumuntong-hininga at umayos sa pagkaka-upo s Ania. Nagagalit siya sa sarili dahil


hinahayaan niyang maapektuhan ng isang bobo at irispunsabling lalaki. Dapat ay wala
siyang pakialam sa Blake na 'yon, pero heto at kada minuto ay ipinapalibot niya ang
paningin sa kabuunan ng classroom para alamin kung dumating na ito.

Pumasok na ang proctor slash professor nila at wala pa din si Blake.

Wala ba itong balak mag-exam?

Hmp! Hindi na siya dapat magtaka. Ni minsan hindi ang binata sumagot sa mga quizzes
and seatwork nila.

"Okay, class. We're about to start your Calculus exam. No calculator. No coaching
and definitely no cheating. If found cheating, you will be punished by expulsion-
Mr. Landeza, you're late. Again."

Agad na nagtaas ng tingin si Ania ng marinig ang sinabi ni professor. Then her eyes
move to the class room door, and there he is, standing with an annoyed expression
on his face.

"The important thing is I'm here." Wika ng binata at naglakad patungon sa palagi
nitong inu-ukupa na upuan.

Hindi niya alam na nakasunod ang mga mata niya dito hanggang sa magtama ang
paningin nila. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung nagtama nag ang
mga mata nila dahil naka-shade ang binata. Pero ramdam niya ang titig nito.

Ipinikit niya ang mga mata at nag-concentrate sa sinasabi ng professor.

"- Good luck in your exam, Ladies and gentleman." 'Yon nalang ang narinig siya sa
speech nito. Urgh!

Pagkatapos nitong i-distribute ang test papers agad niyang sinagutan ang lahat ng
katanungan a nakasulat sa papel. Madali lang sa kanyang nasagutan ang exam dahil
alam niya ang sagot sa lahat ng katanungan.

Siya ang unang natapos. It only took her forty minutes to answer her one hundred
items Calculus exam.

"You may leave." Wika ng professor habang nakangiting nakatingin sa test paper
niya. "Good job."

"Thank you." Binalikan niya ang bag sa upuan niya. Habang isinusukbit niya ang bag,
palihim siyang tumingin kay Blake.
She was taken a back by the sight of him. Napakaseryoso nito habang sinasagutan ang
test paper. She smiled at bit. Akala niya hindi nito sasagutan ang test.

Naglakad siya palabas ng room. Tumayo siya sa labas ng room at hinitay matapos an
kaibigan niyang si Gina para sabay silang pumunta sa next exam room nila, Taxation.

"Halika na, Ania." Aya ni Gina ng makalabas ito ng class room.

"Teka lang, nagre-review pa ako." Dahilan niya habang umaarting nagbabasa ng libro
sa taxation. Ang totoo gusto niyang makita si Blake at tanungin ito kung
nakasagotan ba nito ang lahat ng item sa exam.

Pagkalipas ng sampung minuto na kadadahilan niya kay Gina na nagre-review pa siya,


lumabas si Blake. Naka-shade pa rin ito. Akmang hahakbang siya palapit dito ng
lumapit rito ang kaibigan nitong si Dylan.

They do the man-hug thing.

"Hey, Dy." Dinig niyang bati ni Blake sa kaibigan.

"Hey, dude." Ngumiti ito. "Kumusta naman ang exam? Ace it?" Nanunundyo ang boses
nito.

"More like sweat it." Wika ni Blake. "Enough to pass I guess."

'Yon lang ang gustong marinig ni Ania. Hinatak niya si Gina sa braso nito papunta
sa next exam room nila.

Napapantastikuhan si Ania sa sarili. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang
makapasa ang lalaking iyon na tumawag sa kanyang pangit at nerd.

Kung anu man ang dahilan na gustong sumiksik sa isip niya, agad niya iyong
kinalimutan.

CHAPTER 6

CHAPTER 6

NAPAIGIK si Ania ng may humatak sa braso niya pagkalabas na pagkalabas niya ng


sasakyan, nang tingnan niya kung sino, ang kaibigan niya iyong si Gina.

"Ania! Bilis! Kailangan mong makita ang ranking ngayong mid-term!" Wika nito habang
hinahatak siya patungong bulletin board sa labas ng College department nila.

May dalawang klase ng ranking ang ACU. Ang College and University ranking. Ang
college ranking ay ang top twenty list ng mid-term at final exam sa bawat college
department, samantalang ang University ranking naman ay 'yong top ten list ng
matataas ang grado sa buong university.

"No need." Wika niya na ikinatigil ng kaibigan sa paglalakad.

"Huh?"
Ngumiti si Ania. "For three years, ako palagi ang top one sa college at University
ranking. For sure, ako na naman ang nangunguna ngayon."

Nawala ang ngiti ni Gina at tumingin sa kanya ng may awa sa mga mata nito. Kumunot
ang nuo niya. Bakit naman ito maaawa sa kanya?

"Ania, kasi hindi ikaw-"

Naputol ang sasabihin nito ng may magsalita sa likuran niya. "Well, well, well,
isn't it miss number two." Boses iyon ni Isa. Isa sa mga classmate niya na ayaw sa
kanya.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "Excuse me? Anung number two? Baka
nakakalimutan mo, I'm always number one."

Tumawa ng nakakaloka si Isa. "Poor you. Hindi mo pa pala nakikita ang result ng
mid-term exam. Bakit hindi mo tingnan para matauhan ka."

May kung anung kakaibang kaba na naramdaman si Ania sa sinabi nito. Bumaling siya
sa bulleton board kung saan napapaligiran ng maraming estudyante.

Lumapit siya doon. Para namang di-remote na nahati ang estudyante at binigyan siya
ng daan.

Hinanap kaagad niya ang pangalan niya. Ganoon na lamang ang hiya at galit na
naramdaman niya ng makita ang list of top rankers.

2. Anianette Sandejas

P-Paanong... H-Hindi- imposible! Wala pang nakakatalo sa kanya bilang top one.
Sino? Sino ang tumalo sa kanya!

Mabilis na tiningnan niya ang top one slot. Nanlaki ang mga mata niya ng makita
kung sino ang top one. No! Impossible! Paano siya natalo ng isang taong walang
pakialam sa school at grades? Ang taong palaging absent at hindi nag re-recite o
sumasagot ng mga test?

1.Blake Landeza

She composed herself. Kalmadong tumalikod siya at naglakad pabalik kay Gina. Ramdam
niya ang tingin ng ibang estudyante sa kanya.

Naawang tumingin sa kanya si Gina. "Ania..."

"Huwag mo akong kaawaan, Gina. Mid-term lang naman 'yan. At saka sure ako na ako pa
rin ang top one sa University ranking." Tumingin siya kay Isa. "Bago mo ako
tawaging miss number two, tingnan mo muna ang ranking mo." Tumawa siya ng nakaka-
insulto. "Oh, my bad, nakalimutan kong palagi kitang natatalo sa ranking. At least
ako, ngayon lang nag rank two, ikaw, tatlong taon na ginagawa ang lahat, hindi mo
parin ako matalo-talo."

Inirapan niya si Isa at pumasok sa first class nila. Agad niyang nakita si Blake na
naka-upo sa upuan na palagi niyang inuukupa.

"Get off my chair." Walang emosyong wika niya habang masamang nakatingin sa binata.

Ngumiti ito sa kanya, hindi alintana ang masamang mood niya. "Hey, Ania. Good
morning."
Kung nuong isang araw nito siya binati ng good morning, baka nginitian pa niya ito,
pero ngayon? Lampas langit ang galit niya rito dahil natalo siya nito sa ranking.

"Ano naman ang maganda sa morning?" Mataray niyang tanung rito.

Unti-unting nawala ang ngiti nito. "Ahm... ano... ahm, ang maganda sa morning?
Ahm..."

Inirapan niya ito. "Walang maganda sa morning kaya umalis ka na diyan sa upuan ko
bago kita puwersahang paalisin."

Hurt crossed his eyes. Nakatiim bagang itong tumayo ito at tumingin sa kanya ng
matiim. Kapagkuwan ay naglakad ito paalis ng class room nila. Sinundan niya ito ng
tingin.

May pagsisisi siyang naramdaman sa inakto. Wala namang ginagawang masama sa kanya
ang binata pero minalditahan niya. Pero masyado siyang napahiya para magpatalo sa
konsensya niya.

Umupo siya at hinintay na dumating ang professor.

Sa buong araw, patingin-tingin si Ania sa pintuan ng class room at hinihintay na


pumasok si Blake. Hindi na ito bumalik pagkatapos nitong umalis.

Nadagdagan ang konsensyang nararamdaman niya. Hinahanap ito ng lahat ng professor


nila para e-congratulate pero no show ang binata.

Dahil sa pride niya, nasaktan niya ang feelings nito. Kung kanina munting pagsisisi
lang ang nararamdaman niya, ngayong sobrang laking pagsisisi ang kumakain sa
pagkatao niya. kailangan niyang makita si Blake para makahingi ng tawad.

Pero hindi niya nakita ang binata.

Isang linggo na itong absent. Gusto niyang hanapin ito sa kaibigan nitong si Dylan,
pero kahit ito hindi din niya mahanap.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Last period na nila sa araw na


ito. Hindi na siya umaasa na papasok si Blake. Kung pumasok man ito, malamang hindi
siya nito pansinin dahil sa kamalditahan niya.

Isang tikhim ang pumukaw sa pagmumuni-muni niya. "Ms. Sandejas, are you with us?"

Kumurap-kurap siya at tumingin sa professor sa harap niya na halata ang iritasyon


sa mukha. "Sir?"

She heard her classmate snickering.

He glared at her. "I was asking you how Newton proved his theories and what are the
concept of Calculus."

"Mathematics-"

A voice cut her off. "Newton proved his theories using Mathematics. He also
invented calculus that scientist and engineers use today to solve many kinds of
problems. Calculus concepts are the; rate of change of a certain quantity, the
slope of a curve at a given point, the computation of maximum and minimum values of
functions, and the calculation of areas bounded by curves."

The professor nodded and move to the center of the room, explaining more about
calculus.

Napahiya man si Ania ulit dahil kay Blake, hindi niya mapigilang humanga rito. Ito
ang taong walang pakialam sa pag-aaral pero kaya nitong sagutin ang mahihirap na
katanungan pag gusto nito.

May kung anung kirot siyang naramdaman ng hindi ito tumingin sa kanya at diretsong
tinungo ang upuan nito. Mas lalong kumurot ang puso niya ng makitang ngumiti ito sa
gawi ni Isa.

Nagiwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan sa ginawa nito.
Wala siya ritong pakialam.

Wala!

Pagkatapos ng last period nila, dirideretso siyang naglakad patungon library kung
saan aabutin na naman siya ng gabi.

Sa isang linggo na hindi niya nakita si Blake, ang Library ang nagsilbing libangan
niya. halos lahat yata ng libro doon ay nabasa na niya.

Pagkapasok sa Library, hindi na siya hiningan ng Library ID, dahil kilala naman
siya ng Lady guard.

"Good afternoon." Magalang na bati niya sa Librarian na nasa likod ng mahabang


counter.

"Gagabihin ka na naman ba?" Tanung nito ng nakangiti.

She smiled back. "Hindi ko po alam."

"Okay. The third floor is yours. Wala namang pumupunta doon."

"Salamat ho." Naglakad siya patunging third floor.

Halos dalawang oras na siyang nagbabasa ng History of Calculus ng makarinig siya ng


yabag. Hindi niya iyon pinansin sa isiping pag-aari ng Librarian ang yabag na
naririnig niya.

"So galit ka na naman?"

Napa-igtad si Ania na marinig ang naiiritang boses ni Blake. Tumingin siya sa


pinanggalingan ng boses. And there he is. Glaring at her.

Ibinalik niya ang tingin sa librong binabasa. "Ayokong makipag-usap sayo." Ani
niya.

Ang totoo gusto niyang humingi ng tawad pero hindi niya masabi dahil sa pride niya.

She heard him laughed humorlessly. "Sa ayaw at sa gusto mo, mag-uusap tayo."

Naiiritang tumayo siya at hinarap ito. "Ayoko nga sabi diba? Bakit ba namimilit
ka?!" Sigaw niya rito.

"Namimilit ako dahil mababaliw na ako sa kakaisip ng dahilan kung bakit galit ka
sakin! At palagi nalang ikaw ang laman ng isip ko! Kaya sa ayaw at sa gusto mo mag-
uusap tayo para hindi ka pumasok pa sa utak ko kada segundo."
Nanlaki ang mga mata ni Ania. "A-Anong pinagsasabi mo?"

Lumapit ito habang nakapamulsa. Tumigil ito ng isang metro nalang ang layo nila.

"What's the reason? Kasi wala akong maisip na rason kung bakit galit ka sa akin.
I'm doing everything I can to make you like me. I want you to like me. I even keep
asking myself why I'm bothering with you. Why I care about what you think of me.
Why I give a fuck on how you see me! For the first time in Blake Landeza life, I
cared. I did everything, Ania. I even study so freaking hard so you would like me.
Dalawang araw akong walang tulog para lang maging top one sa ranking. Dalawang araw
kung pinilit ang utak ko na mag-aral para lang mapansin mo. Tapos hindi mo man lang
na-appreciate ang effort ko." He took a step forwards, their body almost touching.
"Bakit? Bakit ganoon nalang ang galit mo sa akin?"

Napipilan si Ania dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya napigilan ang pamumula ng
pisngi niya sa mga narinig. Nag-aral ito para sa kanya? Para pansinin niya? Ginawa
nito iyon para sa kanya samantalang naging maldita siya rito. At ang tanung nito...

Hindi niya alam ang dapat isagot sa tanung nito? Bakit? Bakit nga ba siya nagagalit
rito? Marami siyang dahilan para magalit rito.

Una, nilait siya nito.

Pangalawa, for the first time in her school life, someone cut her off while
answering.

Pangatlo, galit siya sa mga iresponsabling tao.

Pang-apat, natalo siya nito sa college ranking.

Pang-lima, he makes her feel things she doesn't want to feel.

Pang-anim ... He make her missed him!

Pero kung aanalisahin niya ang mga nangyari, hindi naman dapat siya magalit ng
tudo-tudo rito. Talagang hindi matanggap ng pride niya ang pinaranas nito sa kanya.
Pinahiya, nilait, ginulo ang utak at kung anu-anu pang emosyon ang pinaranas nito
sa kanya.

"Ania?" Pukaw nito sa kanya.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin.

"You made me experience all the things that I don't want to experience." Aniya.
"Pinahiya mo ako ng maraming beses-" Napatigil siya sa pagsasalita ng ilagay nito
ang kamay sa baba niya at ini-angat iyon.

He looked at her, frowning. "Kailan naman kita pinahiya?"

Inirapan niya ito. "Nuong unang dating mo lang. You cut me off."

Ngumiti ito na parang naalala ang nangari. "Oh, that. Sorry, I didn't mean to.
Gusto ko lang tumigil na sa pagsasalita ang professor na iyon. At sorry din sa
panlalait ko sayo."

Ngumiti siya. "Hindi naman totoo ang panglalait mo na 'yon."

"Yeah." He breathes out. "Turns out, sobrang ganda pala ang nilalait ko."
Namula siya sa sinabi nito at marahang sinuntok ang dibdib nito. "Huwag mo nga
akong bulahin."

He chuckled. "Hindi kita binubula."

Ania shook her head, took a step back and extend her hand. "Congratulation sa
pagiging top one. You deserve it."

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kamay niyang nakalahad. "H-Ha? A-Anung-"

"Hindi na ako galit sayo." Nginitian niya ito. "Hindi ko lang matanggap na may
nakatalo sa akin after three consecutive years of being number one. Hindi kinaya ng
pride ko."

Smile creped into his lips. "Don't worry. Wala na akong balak na maging number one
sa susunod. Masakit sa ulo."

Tumawa siya sa sinabi nito. Mukhang nagulat ito sa reaksiyon niya, kahit siya
nagulat din sa tawa niya. It sounds genuine. She felt genuine with him. Pakiramdam
niya pag ito ang kasama niya kahit anung gawin niya hinding-hingi siya nito
huhusgahan.

"I missed you." She blurted out, making Blake's eye bulge.

Bigla siyang nag-panic ng hindi ito umimik at tumingin lang sa kanya.

"I mean... I-I m-miss you bothering me. That's it! Na-miss ko lang ang mga-"

Naputol ang pagsasalita niya ng yakapin siya ni Blake ng mahigpit. "I miss you too,
Ania. That one week that I was gone, all I could think about was you."

Kinagat niya ang pang-ilalim na labi para pigilan ang ngiting gusting kumawala. Sa
halip na itulak at sigawan ito sa kapangahasan, ipinikit niya ang mga mata at
ninamnam ang mainit na katawan ng binata. Alam niyang hindi dapat siya nagi-enjoy
sa yakap nito, pero hindi mapigilan ng puso niya na masarapan sa yakap ni Blake.
Kaya naman ipinulupot niya ang braso sa katawan nito at niyakap ito ng mahigpit.

Hindi ni Ania alam kung anu ang tawag sa kanila ni Blake. All she knew that they
are friends now or... something more? Hindi niya alam. Masaya siya na nagkaayos
sila.

HINDI mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Blake habang papasok sa bahay nila.

Hindi siya makapaniwala na sa wakas, magkaibigan na sila ni Ania or something.


Inamin nitong na-miss siya nito, ano ba ang ibig sabihin 'non? At ng yakapin niya
ito, hindi ito tumutol, sa halip niyakap siya nito ng mahigpit. Nararamdaman niyang
may something sa pagitan nilang dalawa. Wala nga lang label. Pakiramdam din niya ay
pareho silang hindi pa handa para pumasok sa isang relasyon.

Sa isang linggo na hindi siya pumasok sa school, nagmukmuk siya sa kuwarto at


paulit-ulit na iniisip kung bakit galit si Anis a kanya. Ginawa naman niya ang
lahat para maging kaibigan niya. He even studied hard.

May mga araw na ayaw na niyang isipin ang dalaga kaya naman 'yong mga libro sa
library ng ama ay napagdiskitahan niyang basahin para lang mawala sa isip niya ang
dalaga. At mukhang nakatulong ang pagbabasa niya sa mga libro dahil kanina pagbalik
niya sa school, sinagutan niya ang tanung ng professor hoping na pansinin siya ni
Ania. Kaya naman nang sasabog na ang utak niya sa kaiisip, pumunta siya library
after school. Alam niyang naroon ang dalaga at nagbabasa.

Nagbunga din ang pagpapakahirap niya sa exam na 'yon. Hindi pa niya naibabalita kay
Dylan ang nangyari sa kanila ni Ania, siguradong magiging masaya ito para sa kanya.

Pasipol-sipol siya habang naglalakad patungong kuwarto niya. Nasa kalagitnaan na


siya ng hagdanan ng marinig niyang tinawag siya ng ama.

"Blake."

Nakangiting nilingon niya ang ama. "Yes, dad?"

Napapantastikuhan na tumitig sa kanya ang ama. Katabi nito ang ina na nakangiti sa
kanya. "Are you on drugs?"

Tumawa siya. "Nope. I'm just freaking happy."

"Good. I am happy too."

He frowned. "Huh?"

"I receive a letter from ACU early this morning. Hindi mo sa akin sinabi na nag top
one ka sa mid-term." May namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. "I'm so proud of
you, Blake, my boy!"

"Huwag ka ngang mag-teary eye diyan, daddy! Baka may makakakita sayo, nakakahiya!"
Nag-iwas siya ng tingin. "At saka, ngayon lang 'yon. Huwag kayong umasa na
masusundan pa 'yon dahil hindi mangyayari 'yon."

"Wala kaming pakialam, Blake, kung hindi na 'yon masundan." Wika ng mommy niya
habang nagpapahid ng luha. "Ang importante nag top one ka."

Tumingin siya sa mga magulang na parang naputulan ang mga ito ng ulo. "Mommy! Bakit
ka ba umiiyak diyan! Dad, huwag mong sabihin papalahaw ka din sa iyak?"

"Anak, masaya lang kami." Ani ng ama niya na nag-uumpisa ng tumulo ang luha.

He cringed at the sighed of his parents crying happy tears. "This is so weird."

Iniwan niya ang mga magulang na umiiyak pa rin. Pagkapasok niya sa kuwartto agad
niyang tinawagan si Dylan.

"Hey, dude. Saan ka na naman ba nagsusuot kanina?" Tanung kaagad nito ng saguting
ang tawag niya. "Iniwan mo na naman ako bigla."

He smiled. "I talked to Ania."

Dylan sighed. "Ania na naman. Hindi ka ba nagsasawa sa sakit na palagi niyang


idinudulot sayo."

"Hindi ako nasasaktan-"

"AH-AH! Don't you dare deny it. You sulked like a dying cow for a week dahil lang
sa hindi ka niya pinanpin pagkatapos ng paghihirap mo maging top one sa mid-term"
Putol nito sa sasabihin niya. "I know, nasasaktan ka sa pagwawalang bahala niya sa
pagpapansin mo. Blake, she's not worth-"

"I called to tell you that Ania and I are friends now ... or something like that."
Ilang segundo din itong hindi nakapagsalita. "What do you mean something like
that?"

Blake grinned. "She said she missed me." His grin widened. "Then we hugged." He is
now grinning like a Cheshire cat.

He feels so happy and giddy. This emotion is new to him. It's like someone is
tickling his insides. His stomach feels weird, like there are thousand butterflies
fluttering inside. Then his heart...

"I can't stop grinning like a stupid idiot, Dy." Blake admitted while trying not to
bounce in happiness.

"And you tell me you don't like her that way. Blake, ang nararamdaman mo ngayon,
iyon ang nararamdaman ng isang in-love na tao."

His grin disappears. "Ano ba ang nararamdaman ko ngayon?" He challenged Dylan.

"Duh! You can't stop grinning like an idiot. Your stomach feels weird. Your heart
feels light. You're so happy, you can fly and most of all, your heart is betting
wildly inside your ribcage just by thinking of her."

Blake put his hand on his chest where his heart is located. "Paano mo nalaman ang
nararamdaman ko?" Ramdam ng kamay niya ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso
niya.

Dylan chuckled. "Blake, nagbabasa ako ngayon ng librong 'Love for dummy'. Sinabi ko
lang sayo ang nababasa ko sa libro. At mukhang tama ang librong ito at simula
palang tama na ako. In-love ka kay Ania. Hindi na ako magtaka-"

Pinutol niya ang tawag at nanghihinang umupo sa kama niya. Narinig niyang nagri-
ring ang cell phone niya pero hindi niya iyong pinansin. Malamang si Dylan ang
tumatawag.

In-love ka kay Ania. Paulit-ulit na parang sirang plaka na nagri-replay sa utak


niya ang sinabi ni Dylan.

Is he...

Am in in-love with Ania?

In-imagine niya ang nakangiting mukha ni Ania. Agad na lumakas ang tibok ng puso
niya.

Tiningnan niya ang dibdib kung saan naroon ang puso niya. "Heart, looks like Dylan
is right. I am in love with Ania."

CHAPTER 7

CHAPTER 7

AFTER SCHOOL, Blake invited Ania to hang out and Ania gladly said yes.
Ito ang unang pagkakataon na hindi siya pumunta sa library o umuwi sa bahay
pagkatapos ng klase. She wanted to hang out with Blake. Sa tingin niya ay mag-
eenjoy siyang kasama ito. At gusto rin niyang makasama ang binata.

"Saan tayo pupunta?" Tanung ni Ania kay Blake.

Blake looked at her from the driver's seat. "Ahm, pupunta tayo sa book store."

Nagningning ang mga mata ni Ania ng marinig ang salitang 'book'. "Talaga?"

Tumango-tango si Blake at pina-andar ang sasakyan patungong Book Store. Nang


makarating sila doon, nagmamadaling pumasok ni Ania sa loob.

Narinig niyang tumawa si Blake sa ginawi niya.

A wide grinned appeared on her lips when she spotted the 'History of Mathematics'.
Akmang babasahin niya iyon ng pigilan siya ni Blake na hindi niya napansing nasa
tabi niya.

"We're not here for that." Wika nito saka siya hinatak papunta sa Fiction Section.

Kumunot ang nuo ni Ania. "Anung ginagawa natin dito?"

Hinawakan siya ng binata sa magkabilang balikat. "Ania, ang dami mo nang school
books. Why don't you start reading these kinds of books for a change?"

Tumingin si Ania sa mga librong nakahilira sa harap niya. Iba-iba ang kulay 'non.
Nang makita ni Blake ang pag-aalangan niya, ito na ang kumuha para sa kanya.

"Here. This book is awesome." Wika nito sabay bigay sa kanya ng Libro may cover na
black circular na sinulat ni Pittacus Lore.

"Ano 'to?" Tinanggap niya ang libro at tumingin kay Blake. "Nabasa mo na 'to?"

Nakangiting umiling si Blake. "Nope."

Inirapan niya ang binata na tumawa lang. "E bakit mo sinabi sa akin na maganda 'to
kung hindi mo naman pala nababasa?"

He shrugged. "Ginawa 'yang movie. Pinanuod ko nalang kaysa na basahin ko."

Binatukan niya ito. "Ikaw talaga. Ang tamad-tamad mong magbasa."

Blake smiled at her sheepishly. "Ahm... nakakatamad kasi e." Pagdadahilan nito.

Napailing nalang si Ania sa sagot nito. "Hindi ko lubos maisip kung paano ka naging
top one sa mid-term."

"I study without sleeping for two days and I was inspired." He winked at her. "And
I did it for you, remember?"

Her cheeks reddened instantly. "Tigilan mo nga ako sa pagpapa-cute mo."

He chuckled lightly. "So cute pala ako."

Mas lalo pang namula ang pisngi niya. "H-Hindi iyon ang-"

Tumawa si Blake ng malakas. Pinatitinginan ito ng mga ibang contumer, pero wala
itong pakialam.

"We men don't like to be called cute, but since ikaw naman ang tumawag sa akin ng
cute, tatanggapin ko 'yon." Inakbayan siya nito. "Pero mas appreciated kung
tatawagin mo akong guwapo o kaya naman hot."

Tinanggal niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. "Tigilan mo ako sa kahanginan mo,
Blake. Baka bigla nalang masira ang itong book store dahil sa signal number four
mong hangin."

Umakbay ulit si Blake sa kanya, sa pagkakataong iyon, hindi niya iyon pinalis sa
balikat niya. She felt comfortable in his arms.

"Pag nasira ito, marami naman ang pera ng mga magulang ko. Ipapagaw ko nalang
ulit."

She rolled her eyes. "That's the point. Pera ng parents mo at hindi sayo. Kailan ka
ba tatayo sa sarili mong mga paa, Blake? Without them, you're nothing."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Blake.

Na guilty siya ng makita nasaktan ito sa sinabi niya. Hay! Bakit naman kasi hindi
siya nag-iisip bago ibuka ang bibig?

"I'm sorry, Blake." Ipinalibot niya ang braso sa bewang nito. "I'm sorry."

He hugged her back. "It's okay. Nagsasabi ka lang naman ng totoo."

Nawalan na ng gana si Ania na tumingin sa mga libro. "Umalis na tayo? Wala na akong
gana."

Tumingin sa kanya si Blake. The pain is gone and it was replaced by a small frown
on his forehead. "Paano ang mga libro mo? Bibilhan pa naman kita." He pouted.

Hinatak niya si Blake paalis ng book store. "Halika na. I want to go somewhere
else."

Nang makapasok sila sa kotse nito, bumaling ito sa kanya. "Where do you want to
go?"

Tumingin siya sa kisame na parang nag-iisip. "Wala akong maisip e."

"Patingin-tingin ka pa sa kisame na parang nag-iisip, wala ka naman palang maisip."


Pinandar nito ang kotse. "Ako ng bahala kung saan tayo pupunta."

"Saan?" Excited niyang tanung.

He looked at her then winked. "Secret."

After an hour of driving, Blake stopped in a park.

"Sa park mo lang pala ako dadalhin, may pa secret-secret ka pang nalalaman."
Iningosan niya ito.

"At least ako may naisip na puntahan." Binuksan nito ang back compartment ng
sasakyan at may kinuhang basket na may lamang pagkain.

"Tada!" Ipinakita nito ang basket sa kanya. "I cooked you something."
Napipilan siyang tumingin sa basket na may lamang pagkain. "Pinagluto mo ako? Ikaw
ang nagluto niyan?"

Nagkamot ito ng batok. "Not really. Nagpatulong ako sa Aunty ko."

"Siguraduhin mo lang na hindi ako malason sa luto mo."

Tiningnan siya nito ng masama. "Alam mo, mas okay pa nuong galit ka sa akin e. Kasi
minsan mo lang akong insultuhin, pero ngayon, halos lahat ng komento mo, nakaka-
insulto."

"Oh, so mas gusto mo na hindi kita pinapansin tulad ng dati? Okay then." Tudyo niya
dito. Naglakad siya palayo rito.

Napangiti siya ng maramdamang panagsiklop ng binata ang kamay nila at pinigilan


siya.

"Kahit palagi mo akong ini-insulto ngayon, mas okay sa akin ang ganito. At least,
pinapansin mo ako." He tightens the hold on her hand. "At masaya ako na magkasama
ka ngayon."

Hindi nagsalita si Ania at ihinilig ang ulo sa balikat nito. She felt happy and
contented just by holding his hand.

Holding hands, they walk to the park together. Tumigil sila sa isang mayabong na
puno.

Tinanggal ni Blake ang jacket nito at inilatag sa Bermuda grass. "Upo ka."

Napangiti si Ania sa ginawa nito. Sinong mag-aakala na lalaking ito na walang


pakialam sa buhay, ay may gentleman side pala.

Umupo siya sa jacket nito at ito naman umupo sa tabi niya. Kumuha ito ng sandwich
sa basket, tinanggal ang napkin na nakabalot dito at inuumang ang sandwich sa bibig
niya.

"Bite." Anito.

Ibinuka niya ang bibig at kumagat. Nginitian niya ito at nag-umpisang ngumuya.
Napatigil siya sa pag-nguya ng maramdamang dumampi ang kamay nito sa labi niya.

Tumingin siya sa rito. "Anong-"

"I didn't know you were a messy eater." Anito sabay pahid ng kung ano sa labi niya.

"Hindi ako messy eater. Akin na nga yang napkin." Inabot niya ang napkin pero agad
nitong inilayo iyon. She pouted. And childish talaga nito!

"Huwag ka ngang mang-aagaw ng ginagawa. Heto na nga at pinapahid ang labi mo."

Pero matigas ang ulo ni Ania. "Akin na sabi iyan e!"

"Ako nalang sabi-" His froze when his eyes meet hers. Parang may kung anung humigop
sa kanilang dalawa sa mundong silang dalawa lang ang naroon. Wala siyang naririnig
maliban sa mabilis na paghinga nilang dalawa. Unti-unti, lumalapit ang mukha nito.
Alam niya ang balak nitong gawin. Hindi siya tanga. Ipinikit niya ang mga mata at
hinintay na lumapat ang mga labi nito sa labi niya.

When his lips touched hers, Ania gasped at the spark of the electricity she felt.
She heard Blake moaned. That made her stomach tightened at the sound. She felt his
arms snakes around her waist, pulling her closer to him. She put her hands on the
each side of his cheek and deepened the kiss.

When they pulled away, they're both huffing and catching for breath.

"Ania." He looked at her softly.

"Blake."

He dipped his head and kissed her again. When he pulled away, he gathered her on
his arms and stayed like that for a while.

"Ania?"

"Hmm?"

"Thanks you for this wonderful day."

Ihinilig ni Ania ang ulo sa dibdib nito. "Salamat din sa araw na ito. Itong ang
unang beses kong lumabas kasama ang isang lalaki." Pag-amin niya.

"Talaga?" Tumawa ito ng marahan. "Ako pala ang first date mo."

"Ikaw din ang first kiss ko." Nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi, biglang
namula ang pisngi niya.

Pinakawalan siya ni Blake sa pagkakayakap at hindi makapaniwalang tumingin sa


kanya. "Ano? Totoo?"

Nahihiyang tumango siya. "Focus ako masyado sa pag-aaral ko na hindi ko nabigyan


pansin ang ibang bagay."

Ngumiti ng pilyo ang binata. "I'm glad na nawalan ka ng panahon sa ibang bagay."

Tinampal niya ang balikat nito. "Ikaw talaga."

Ngumisi ito. "Hindi pa rin ako makapaniwala na first kiss mo ako."

Inirapan niya ito. "Drop it Blake!"

Tumawa ito ng marahan at hinapit siya palapit dito. Silently, they looked at the
other people walking, playing and talking in the park.

After the kiss, mas lalong na-confuse si Ania kung ano sila ni Blake.

He kissed her and Ania can feel that he likes her. Pero wala itong sinasabi sa
kanya kaya ayaw niyang mag-assume ng kung anu-anu.

Salungat ito sa paniniwala niya. Dati naniniwala siya na kung may hahalik sa kanya,
boyfriend niya dapat. Pero, heto, si Blake ang unang halik niya at hindi nga niya
alam kung ano sila ng binata. Pero Masaya si Ania.

She decided to just cross the bridge when she gets there.

Mukhang hindi pa handa ang binata para pumasok sa isang relasyon. Wala itong
pakialam sa buhay. At malaking responsabilidad ang pumasok sa isang relasyon. At sa
tingin din niya, hindi pa siya handa. Kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral niya
bago ang boyfriend kaya naman okay lang sa kanya na wala silang label ni Blake.
Ii-enjoy nalang niya ang mga ganitong pagkakataon.

No label

No string attached.

No relationship.

And just enjoy the moment.

Tumikhim si Blake na pumuka sa pag-iisip ni Ania. "Mukhang ang lalim ng iniisip


natin ah." Tudyo nito.

"Iniisip ko lang ang finals. Two months from now, ga-graduate na


tayo."Pagsisinungaling niya.

Blake tsked. "Here I am, thinking about how beautiful you are and you are thinking
about the finals?" Pabirong sinapo nito ang puso. "Nasasaktan ako, Ania."

Inirapan niya ito. "Ewan ko sayong lalaki ka. Speaking of which, what will you do
after graduation?"

Blake stilled at her question. Nang wala siyang narinig na sagot mula dito,
tiningngnan niya ito, nakatingin ito sa kawalan at mukhang ang lalim ng iniisip.

"Blake?" Pukaw niya rito.

Kumurap-kurap ang mga mata nito na para bang nasa ibang demensiyon ito at kababalik
lang.

Bumaling ito sa kanya. "Huh?"

Napailing nalang siya. Mukhang wala pa itong plano after graduation. "I wonder kung
anung gagawin mo after graduation. Magpa-party all night?" Ngumiti siya sa naisip.
Sigurado siyang iyon nga ang gagawin nito. "Hmm. O kaya naman, trip around the
world? O kaya, bar hoping every night? Ah-ha! Alam ko na, magpapa-mesa ka dahil
nakatapos ka."

Biro lang ang lahat ng mga sinabi niya pero nang tingnan niya ang mukha ni Blake
napakaseryoso nito at nakatingin na naman sa kawalan.

"Blake?" Tawag niya rito.

Parang hindi siya nito narinig, kaya naman ganoon nalang ang gulat niya ng
magsalita ito.

"Since elementary, wala akong pakialam sa kahit na anung bagay sa mundo. Habang
nagbibinata ako, alam kung sakit ako sa ulo ng mga magulang ko. Kahit anung sabihin
nila sa akin, hindi ako nakikinig. Kahit tanggalan nila ako ng allowance, wala
akong pakialam. Alam ko naman kasi na nadiyan si Aunt Edna para sa akin. Siya ang
taga salo sa akin pag sobrang nagagalit ang mga magulang ko."

Humugot ito ng malalim na hininga. "Nakapasa lang ako sa mga subject ko nuong high
school dahil kay daddy. May share kasi siya sa school na pinapasukan ko kaya
pinapasa nila ako kahit sobrang bagsak ang grades ko."
Shock is an understatement of the century. 'yon ang nararamdaman ni Ania. Alam
niyang walang pakialam si Blake, pero grabe pala ang kawalan nito ng pakialam.

Nagpatuloy ito. "Umaasa ako palagi kay daddy sa lahat ng bagay. Mula school, cars,
my needs and money. Kung wala ang parents ko, wala ako." Bumaling ito sa kanya.
"Tama ka, Ania. Wala nga akong patutunguhan. Alam mo kung bakit, because I just
don't care. I could care less if I graduate or what will happen to me in the future
as long as my parents are there to support me, I'm okay with it. I could shout
'whatever' to the world and mean it."

Blake laughed without humor. "Then, like a cliché story, I met you. A very
responsible girl who care about her grades, her family and everything in this
world. You are the opposite of me, Ania. I know that. Pero parang may kung anung
magnet mayroon ka na hindi ko malabanan. I know we're both different, that we won't
flock together because of our opposite attitude, but I don't care. I keep coming to
you, seeking you when you don't want to see me. I even go to the extent na inakyat
ko ang bahay niyo makita ka lang.

"Nuong una, akala ko gusto ko lang mapalapit sayo kasi na ko-curious ako sayo. Then
I did all those crazy things to get your attention. Hell, I even study for you to
see me. Ginawa ko ang lahat ng 'yon para sayo. I can feel myself changing because
of you. I didn't go out to throw a party because I know it would be very boring
without you in it. I haven't been having sex with random woman in the mall because
I only think of you. I read books so that hindi ako magmukhang bobo sa paningin mo
kapag tinanung ako ng professor. Dahil sayo, unti-unti, nagbabago ako. For once,
naging proud sa akin ang parents ko dahil sa pag top one ko sa mid-term, and it's
all thanks to you."

Blake cupped her face softly. "It was you who made me do all those things that I
abhor doing. Nang makilala kita, gusto kong magbago. Para sayo. Pero kahit anung
gawin kong pagbabago, I still feel worthless beside you. Ayoko 'non. Kung alam ko
lang ang dahilan kung bakit ko ginawa ang mga bagay na 'yon para sayo, sana maaga
kung itinigil yon. But I'm so dumb not to notice that I'm falling in love with you.
And when I did realize it, it's already too late to take my heart away from you.
You already wrapped it in your hand and I can't do anything to get it back."

Inilapat nito ang nuo sa nuo niya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito. "I
love you, Ania. I love you much that it scared me. I know you probably think of me
as a worthless scumbag, but I promise you, I'll do anything to be worthy of your
love and attention. Siguro kapag may patutunguhan at halaga na ako, matatanggap mo
na ang isang katulad ko."

Masaganang umaagos ang luha mula sa mga mata nio Ania. Hindi niya napigilang maging
emosyonal na mga pinagtapat ng binata sa kanya.

She hated him from the very beginning, all along, gusto lang pala nito na mapansin
niya. Ginawa nito ang lahat mapansin lang niya ang she felt so amazing that a guy
like Blake would do something like that for her.

He is not worthless, far from that. Siguro wala lang itong plano sa buhay, pero
hindi ito worthless.

"Blake, I lo-"

He stopped her words by crashing his lips against hers.

"Shh. Ayokong marinig 'yon ngayon. Saka na, pag may maipagmamalaki na ako sayo.
Kapag maipagmamalaki mo na ako sa pamilya at kaibigan mo."
Tumango siya. Her heart is about to burst out in so much happiness and love for
this man that she fell in love in the process of hating him.

Blake smile at her, love shining on his eyes. "I'll do everything to be worthy of
you, Ania. Everything. I promise."

Then they sealed his promise with a kiss.

CHAPTER 8

CHAPTER 8

LAHAT ng estudyante ay nakatingin sa kanila habang hawak kamay silang papasok sa


class room nila.

Gusting magtago ni Ania sa likod ni Blake dahil sa sobrang hiya pero ayaw niyang
magmukhang tanga. Speaking of Blake, kung makalakad ito, parang wala lang itong
pakialam na lahat yata ng estudyante nakatingin sa kanila.

Nang makapasok sila sa room, lahat ng classmate nila, tumingin sa magkasiklop


nilang kamay. Kapagkuwan ay biglang nag-ingay ang buong class room. Kinikilig na
nagtatawanan ang mga babae, ang mga lalaki naman ay nagsisipulan ay kino-
congratulate si Blake.

Nakita niyang umilng-iling si Blake habang hinahatid siya sa upuan niya.

"Blake, hindi mo naman ako kailangang ihatid sa upuan ko." Namumulang wika niya.

Nagkibit balikat ito."Alam ko pero gusto ko e."

"Pinagtitinginan na tayo."

"E ano naman ngayon? Paki ko sa kanila." Then he did the thing that shock her, he
kissed her on the cheek. "I'll wait for you in the parking lot after class."

Hindi nito hinintay ang sagot niya at tinungo ang sariling upuan. Nakita niyang
tinitingnan siya ng masama ni Isa. Nginitian niya lang ito ng nakakaloka at
ibinalik ang paningin kay Blake na nahuli niyang nakatingin sa kanya.

Inirapan niya ito na sinagot naman nito ng kindat. That made her heart skips a
beat. Nag-iwas siya ng tingin baka masunog na ang pisngi niya sa sobrang pag-iinit
'non.

"Bakit hindi ko napansin na may something kayo ni Mr. Transferee?" Boses iyon ni
Gina na ikina-igtad niya sa kaniyang upuan.

"Anong something ang pinagsasabi mo diyan?"

"Asus!" Ngumisi ang kaibigan. "Huwag ka nang denial queen diyan. Sapat na ang
nakita ng mga mata ko. Ang sweet niya!"

Napailing si Ania. "Hindi ako denial queen. Yeah, may something nga kami pero wala
'yon. Saka FYI, hindi ko siya boyfriend."
That stops Gina from heading to kiligland. "Ano? Hindi kayo? E anu ang ibig sabihin
ng holding hands? Kiss sa cheek? Ano 'yon, friend with extra lang kayo?"

"Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko sayo."

"Kung ganoon, ipaliwanag-"

"Silence, Class."

Nagpapasalamat si Ania sa pagpasok ng professor nila. Tama naman kasi siya, walang
makakaintindi sa sitwasyon nila ni Blake. Silang dalawa lang ang nakakaintindi kung
bakit hindi sila matatawag na magkasintahan. Silang dalawang ang makakaunawa sa
relasyong mayroon sila.

Pagkatapos ng first period, nagmamadaling ibinalik ni Ania ang notes sa bag para
sabay silang lumabas ni Blake pero ng tingnan niya ang upuan nito, wala na ito doon
at paalis na ng room.

Her heart fell. Anung nangyari? Bakit hindi siya nito hinintay? Para may kung anung
pumupiga sa puso niya. Sa bawat nagdaan na sigundo na hindi bumalik si Blake para
sa kanya, pasakit na pasakit ang puso niya.

Humigpit ang hawak niya sa bag ng lumapit sa kanya si Isa. Wala siya sa mood sa mga
pang-iinis nito sa kanya. Siguradong nakita nitong iniwan siya ni Blake.

Puno nang iritasyon ang mukha nito ng may iabot na nakatuping maliit na papel.

"Ano 'yan?" Tanung niya rito.

Padabog na inilagay nito ang papel sa arm chair niya ng hindi niya iyon tanggapin.
"Malay ko. Pinabibigay ng boyfriend mo! Sa susunod huwag niyo akong gagawing
messenger!" Taray nito at nagmamartsang umalis ng room.

Napatingin siya sa nakatuping papel. She picks it up and unfolds it.

A wide grin appeared in her lips as she read the letter. Parang magic na biglang
naglaho ang sakit na nararamdaman niya kani-kanina lang. His penmanship suits his
personality. It looks manly and rough.

Ania,

See you after last period in the parking lot. I wanted to walk you to your next
class but you will only be distracted. Final is approaching and I know how
important it is to you and I know that I can distract you easily :) You need to
focus on your every class. I'll wait for you in the hood of my car. Take care.

PS: I heart you.

From Mr. Whatever <3

Napatawa siya ng mabasa ang 'From Mr. Whatever', it suits his personality
perfectly.

Wala naman nakakilig sa sulat ni Blake pero hindi mapigilan ng puso ni Ania na
kiligin.
"Ania, halika na." Aya sa kanya ni Gina na nasa pinto na at naghihintay sa kaniya.

Agad niyang tinupi ang papel at inilagay sa bulsa ng bag niya. Naglakad siya
patungon kay Gina at sabay silang pumasok sa second subject nila. Nagpapasalamat
siya na hindi na siya nito kinulit tungkol kay Blake.

Mabilis na lumipas ang oras at namalayan nalang ni Ania na last period na nila. Sa
lahat ng subject niya hindi siya tumingin sa gawi ni Blake. Nag-focus siya dahil
alam niyang ganoon din si Blake. Nangako ito sa kanya na magbabago, alam ni Ania na
mahirap iyon para dito pero alam niyang kakayanin nito.

Pagkatapos ng last period, para siyang may pakpak sa sobrang bilis na tumungo sa
parking lot kung saan naghihintay si Blake.

Napatigil siya sa paglalakad patungo sa sasakyan ni Blake ng mapansing kasama ng


binata ang kaibigan nito. Nang makita siya ni Blake kinawayan siya nitong lumapit.

Nahihiyang lumapit siya sa mga ito. Inakbayan kaagad siya ni Blake ng makalapit
siya.

"Dylan, I want you to meet Ania. Ania, si Dylan, best dude friend ko."
Pagpapakilala ni Blake sa kanila.

Dylan extended his hand to me. "Nice to finally meet you in person, Ania."
Nakangiting wika nito.

She smiled back and accepted his hand. "Nice to meet you too, Dylan."

"So... kayo na?" Tanung nito ng pakawalan ang kamay niya.

Binatukan ito ni Blake habang namumula naman si Ania.

"Itikom mo nga yang bibig mo." Ani ng binata.

Dylan gave Blake and arched look. "What? Blake, dude, matagal ko ng alam na patay
na patay ka kay Ania, hindi mo lang inaamin-"

Tinakpan ni Blake ang bibig nito. "Shut up!"

Napatawa si Ania ng mapansing namumula ang pisngi ng binata.

Aww! Blake is embarrassed.

Tawa ng tawa si Dylan ng pakawalan ito ni Blake. Hinawakan siya ni Blake sa kotse
nito at sapilitang pinasakay. Binatukan nito si Dylan ng daanan nito ang kaibigan
habang papuntang driver's seat.

"May pupuntahan tayo?" Tanung ni Ania ng mapansing hindi ito ang daan papunta sa
bahay nila.

"Yeah."

"Saan?"

"Sa bahay namin."

Nanlaki ang mga mata ni Ania sa narinig. Panic consumed her. "A-Ano?"

"Ipapakilala kita sa parents ko." Sagot nito na parang wala lang. hindi ba nito
napapansin na malapit na siyang himatayin?

"B-Bakit?"

Blake shrugged and smile. "Kasi gusto ko."

Nang tumigil ang kotse nito sa isang malaking mansiyon, huli na para pigilan ang
plano ni Blake. Nang bumukas ang gate ng mansion, napalunok si Ania.

Ito ang unang beses na pumuna siya sa bahay ng isang lalaki. Hindi niya alam ang
dapat i-akto o gawin.

"Relax. Hindi naman aswang ang parents ko. Hindi ka nila kakainin." Ani ni Blake
sabay ganap ng kamay niya at pinisil iyon.

Ania took a very deep breath. "I'm nervous."

Blake chuckled. "I know." Pinakawalan siya nito at lumabas ng sasakyan, ilang
sigundo ang lumipas, binuksan nito ang passenger seat.

"Come out, Ania." Inilahad nito ang kamay.

She took his hand and intertwined it. "Blake, nanginginig ako!"

Tumawa ng mahina ang binata. "Relax. They will love you."

Hawak kamay silang pumasok sa bahay ng mga ito. Nanlalamig ang kamay ni Ania. Mas
kinakabahan pa siya kaysa sa nuong recitation sila sa calculus.

Ania gripped Blake's hand when she spotted three people sitting on the couch in the
living room.

"Dad." Puno ng kasayahan ang boses ni Blake.

Lumingon sa kanila ang lalaking kamukhang-kamukha ni Blake, medyo matanda nga lang
ito.

"Blake." Tumayo ito ng makita siya. May kakaibang ning-ning ang mga mata nito.
"Siya na ba?" Excited nitong tanung.

"Oh my god, is that her son? She's stunning!" Wika naman ng isang babae na naka-upo
sa sofa at medyo mangiyak-ngiyak.

Lumapit sila ni Blake sa mga ito. "Mom! Dad! Huwag nga kayong umiyak siyan.
Nakakahiya!" Wika ni Blake na parang nangangaral na magulang sa anak. Tinuro siya
niya binata. "Siya ang dahilan kung bakit nag top one ako sa med-term. She's my
inspiration."

Tumawa ang ama nito at niyakap siya ng mahigpit. "Welcome to the family, Iha."
Anito at ng pakawalan siya, 'yong babae naman na katabi nito ang yumakap sa kanya.

"You are so beautiful, Iha. Bagay kayo ng anak ko. Oh my god! Excited na ako sa
magiging mukha ng anak niyo!" She giggled.

Nag-init ang mukha ni Ania sa narinig, pati tenga niya nag-uumpisa naring mag-init.
Nang tumingin siya kay Blake, namumula din ito.

"Mommy! Ano ba yang pinagsasasabi niyo!" Inagaw siya ng binata sa ina na akmang
yayakapin siya ulit.
"Anak, doon din naman ang punta niyo!"

"Oo nga naman, Blake. Ngayon palang dapat pinag-uusapan na-"

"How rude!" Sigaw 'nong babae na mag-isang naka-upo sa mahabang sofa. Mag kamukha
ito at ang ama ni Blake.

Magkapatid?

Biglang natahimik ang tatlo na nagbabangayan.

"Hindi niyo man lang tinanung kung anu ang pangalan ng visita natin." Nakangiting
bumaling ito sa kanya. "I'm Blake's Aunt Edna, kapatid ng daddy niya. Iha, anung
pangalan mo?"

Ito pala ang Aunty na tinutukoy ni Blake na palaging nasa likod nito.

"Anianette Sandejas po." Magalang niyang sagot.

"Sandejas? How are you related to the owner of Sandejas construction, Sandejas
accounting firm and my business partner in Sandeza traveling agency?" Tanung ng ama
ni Blake.

"Arturo Sandejas is my father, Mr. Landeza."

Nanlaki ang mga mata nito. "Ah! Ang swerte nga naman. Sige, kailan ang kasal niyong
dalawa?" Biglang tanung nito na ikina-ubo ni Blake at namula naman siya.

Hinawakan ni Blake ang kamay niya at hinatak palabas ng bahay.

"Kung alam ko lang na 'yon ang mangyayari, hindi na sana kita dinala rito."

She giggled when she saw his cheeks reddened a little. "Aww. Si Blake nagba-blush."
Tinudlok-tudlok niya ang pisngi nito. "Uy! Si Blake nagba-blu- Ay!"

Ania yelped when Blake pinned her against the car. He looked at her softly. "I miss
you, Ania. I haven't hug or kiss you for a day." Then he crashed his lips on hers.

"I miss you too, Blake." Ania said when he pulled away.

Ngumit ng pilyo si Blake. "Pinanuod ni mommy at daddy ang halikan natin." Umilin-
iling ito habang nakangisi. "Perverts."

Nag-iinit ang pisngi na itinago ni Ania ang mukha sa likod ni Blake na


pinagtatawanan ang inakto niya.

NGUMIT si Ania ng maramdamang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Alam niyang si
Blake iyon dahil naamoy niya ang mabangong pabango nito. Nasa library siya at
itinext niya itong pumunta dito. Naalala pa rin niya ang mukha nito ng sapilitan
niya itong pakunin ng Library I.D.. Akala niya hindi ito papaya na kumuha pero
laking gulat niya ng sabay silang pumasok sa library at may ipinakita itong library
ID sa lade guard.

It's been two months since they started going out unofficially. Oo, nagda-date
sila, nagyayakapan, naghahalikan pero 'yon lang iyon. Wala pa rin siyang relasyon.
Pero ang tingin sa kanila ng iba ay magkasintahan sila.

"Congratulion, Ms. Summa cum Laude." Anito na ikinangiti niya.


"Well, congratulation too, Mr. Graduate."

He chuckled. "Ang dali ng panahon, six months ago, iniisip ko kung ga-graduate
ako."

"Yeah, six months ago, pinapangarap ko lang na maging summa cum laude, natupad rin
sa wakas."

"I'm proud of you, Ania."

Humarap siya rito at ipinulupot ang braso sa leeg nito. "Thank you. Excited na ako
para bukas." She giglgled.

May kung anung emosyong dumaan sa mukha ng binata na agad din namang nawala. "Yeah,
can't wait for tomorrow." Parang napipilitan lang ito na maging masaya.

Marahan niyang tinampal ang batok nito. "Be happy. Ga-graduate ka na. Kahit wala ka
pang balak sa buhay mo after graduation, I'm sure makakaisip ka rin."

He smiled at her, but it didn't reach his beautiful chocolate colored eyes. "Yeah.
Actually, may naisip na akong gagawin."

Nagulat si Ania sa sinabi ni binata. "Talaga? Ano yon? Care to tell me?"

Umiling ito. "Nope. Surprise. Malalaman mo 'yon bukas sa graduation."

She rolled her eyes and kissed him on the lips. Sa dalawang buwan na palagi nilang
ginagawa ang bagay na ito, nasanay na siya at comporatble na siya sa piling nito.

Blake pulled away first. "Halika, ihahatid na kita sa bahay niyo. Bukas na ang
graduation, magpahinga ka. You need your beauty sleep."

Tumango si Ania. "Okay." She pecked on his lips. "I'll rest para bukas."

Nangihatid siya nito sa bahay niya, nagulat si Ania ng pigilan siya nitong bumaba
ng sasakyan.

He gathered her in his arms and embraced her tightly. "I'm going to miss you,
Ania." He pulled away then kissed her passionately.

Napangiti siya ng maghiwalay ang mga labi nila. "Silly! Magkikita pa naman tayo
bukas."

Hindi ito sumagot sa halip ay niyakap ulit siya nito ng mahigpit. "Ingat ka palagi
ha?"

Ania rolled her eyes. "Opo." Kumawala siya sa yakap nito at binuksan ang pintuan ng
passenger seat.

Nilingon niya ang binata. "See you tomorrow."

Andoon na naman ang malungkot na kislap ng mga mata nito. "See you, Ania."

Hinalikan niya ulit ang binata sa labi. "Huwag ka ng malungkot diyan. I'll call you
later." Bumaba na siya sa sasakyan nito at pumasok sa bahay nila.

Nang gabing iyon, tinawagan niya si Blake pero hindi ito sumasagot. Baka tulog na
ito o kaya naman naghahanda para bukas. Tinitigan niya ang larawan ni Blake na
ginawa niyang wallpaper ng cell phone niya.

Ipinatong niya ang cellphone sa dibdib kung nasaan ang puso niya at ipinikit ang
mga mata habang nakangiti na parang timang. Her heart was hammering inside her
chest just the thought of Blake.

Nakatulug siya na yakap-yakap ang cellphone.

"SUMMA CUM LAUDE, Anianette Sandejas!"

Nakangiting tumayo si Ania sa kinauupuan at taas nuong naglakad patungong stage


para tanggapin ang award.

"Congratulation." Ani ng University President habang isinasabit ang medalya sa leeg


niya.

She smiled widely. "Thank you."

Habang pababa ng stage hinahanap ng mga mata ni Ania si Blake.

Mabilis na tumibok ang puso niya ng maalala ang binata. Mula ng ipakilala siya ni
Blake sa mga magulang nito ay palagi siyang iniimbitahan ng mga ito na mag-dinner
na pinapaunlakan naman niya palagi. Palagi niyang kasama si Blake maliban nalang sa
school kung saan ito talaga ang umiiwas sa kanya. Pero pagkatapos naman ng klase,
nandoon na ang binata sa parking lot at nakangiting naghihintay sa kanya. Ganoon
ang naging routine nilang dalawa hanggang ngayon. At hanggang ngayon, wala paring
linaw ang relasyon nila ni Blake pero ayos lang iyon sa kanya. As long as he's with
her, sapat na iyon sa kaniya.

Sa araw-araw na palagi siyang hatid sundo ni Blake, palagi siyang tinutudyo ng


kapatid at mga magulang niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit titudyu siya
ng mga ito, samantalang alam naman ng mga ito ang katutuhanang wala silang relasyon
ni Blake.

Pagkababa niya ng stage sinalubong kaagad siya ng buong pamilya niya.

"I'm so proud of you, Anianette." Wika ng daddy niya na ikinataba ng puso niya.

She'd been waiting for her father to say that and now he did. Hindi napigilang
umiyak ni Ania ng yakapin siya ng mahigpit ng ama.

"Thank you, daddy. I love you."

Ang sunod na yumakap sa kanya ay ang ina na umiiyak at ang kuya niya na nakangiti
sa kanya.

"I'm proud of you, little sis." Sabi nito sabay yakap sa kanya.

"Thank you, kuya."

"Anianette, balik ka na sa upuan mo." Ani ng ama.

Tumango siya at tinungo ang upuan niya.

Umupo siya at hinintay na tawagin ang pangalan ni Blake. Kahit letter 's' ang
apelyido niya at letter 'L' naman ang binata, nauna siyang tawagin dahil may award
siya.

Kagat ang labi niya ng marinig ang pangalan ni Blake na tinawag. Tinawag ulit ang
pangalan ng binata ng walang Blake na nagpakita sa stage. Sa ikatlong pagkakataon
na tinawag ang pangalan ng binata, narinig niya ang iba't ibang komento ng mag ka-
klase niya. May kakaibang kabang bumundol sa dibdib niya. Ipinagwalang bahala niya
iyon at kinumbinsi ang sarili.

Typical lang kay Blake na hindi magpakita sa graduation. Siguradong nakangiting


naghihintay 'yon sa akin. Pagkonsola ni Ania sa sarili.

Pagkatapos ng graduation, hinanap kaagad niya si Blake. Siguradong nasa tabi-tabi


lang ito at hinahanap din siya. Sa halip na si Blake ang makita, nakita niya si
Dylan na papalapit sa kanya.

Puno ng kalungkutan ang mukha nito at may dala itong regalo na may baby pink na
pambalot. Tumigil ito sa harap niya at ibinigay sa kanya ang hawak-hawak nitong
regalo.

"From Blake. Pinabibigay sayo." Anito

Tinanggap niya ang regalo at nakangiting tumingin sa paligid. "Nagda-drama na naman


ang kaibigan mong 'yon. Asan ba siya? Bakit hindi siya ang magbigay ng regalo
niya?"

Hindi umimik si Dylan at tinitigan lang siya.

Naiilang na siya sa titig nito. "Ahm, may dumi ba sa mukha ko?"

Dylan shook his head. He looked defeated, sad and devastated. "He told me to tell
you to open the gift so you will know where he is." Nasa tono ng pananalita nito na
parang pinipigilan nitong umiyak.

She frowned at him. "Okay ka lang, Dy?" Dahil sa palagi silang magkasama ni Blake,
nagging close na rin siya kay Dylan. Ito palagi ang taga-tudyo sa kanila ni Blake.

Marahang tumango ito. "Open it."

Mabilis na binuksan niya ang regalo. Napangiti siya ng Makita kung ano 'yon.

Ania touched the cover of the book. Kung tama ang ala-ala niya, kapareho ito sa
libro na gusto nitong basahin niya nuong dinala siya nito sa isang book store. At
hindi lang iyon, may kasama pa itong tatlo na libro.

Binasa niya ang title ng bawat libro.

I am number four. The power of six. The rise of nine at and the fall of five.

Basi sa mga title ng libro, series ang mga ito.

Inaayos niya ang pagkakasunod-sunod ng libro ng may nahulog na nakatuping papel.


Pinulot niya iyon at kunut-nuong tumingin kay Dylan.

Dylan shrugged. "Just read it."

Binuklat niya ang nakatuping papel.

Ania,
If you're reading this letter, I'm already in the plane to sort out my life. I'm
sorry if I'm such a coward not to say good bye to you personally. I know that I'm a
bastard for doing this but I have to do this. For myself. I'm sorry I didn't tell
you that I'm leaving. Natatakot ako na baka magalit ka sa akin. Naduwag ako kahapon
kaya hindi ko nasabi sayo. Sa mga panahong magkasama tayo, 'yon ang mga masasayang
panahon ng buhay ko. Babaunin ko yon at araw-araw na aalalahanin kung saan man ako
pupunta. Ania, I'm proud of you. Sana nandiyan ako sa tabi mo ngayon at kino-
congratulate ka at niyayakap ka ng buong higpit . Sana ma-realize mo na proud na
proud sayo ang daddy mo hindi dahil summa cum laude ka kung hindi dahil ikaw na ang
pinaka-responsabling tao na nakilala ko. You are amazing, Ania. Sana maging masaya
ka sa kung anu man ang mangyayari sayo sa hinaharap. Sana hindi ka maapektuhan sa
pag-alis ko. Sana huwag mo akong hintayin. Hindi ko alam kung kailan ako babalik
kaya huwag mo akong hihintayin. Masakit man para sa akin na sabihin pero I'm not
worthy of you. Humanap ka ng lalaki na karapat-dapat sa isang Anianette Sandejas.

Live your life by the heart, not by the rules. Always smile Ania. Always remember,
na may isang lalaki na nasa ibang bahagi ng mundo na iniisip palagi ang mga ngiti
mo. Hinding-hindi kita makakalimutan, Ania.

PS: I love you.

From Mr. Whatever

Masaganang luha ang dumadaloy sa pisngi ni Ania habang binabasa ang sulat ng
lalaking mahal niya. Sa bawat kataga na binabasa niya, ang puso naman niya ang
paunti-unting nagugutay-gutay. Parang may kumuha ng puso niya at inapak-apakan iyon
ng walang awa.

Humigit ang hawak niya sa libro na bigay nito.

Paano? Paano siya maghahanap ng iba kung ito ang mahal niya. Paano siya makaka-move
on? Paano siya makakahanap ng lalaking karapat-dapat sa kanya kung ito ang mas
karapat-dapat para sa kanya. Paano niya haharapin ng nakangiti ang bukas kung puno
ng kalungkutan ang puso niya?

Paano...

Tumingala siya sa kalangitan, punong-puno iyon ng mga bituing nagniningning.


Patuloy pa rin ang luha na dumadaloy sa pisngi niya. Naramdaman niyang naglakad si
Dylan palayo sa kanya.

She closed her eyes. An image of Blake smiling popped into her mind. "Blake...
kailan ka babalik para masampal kita sa pagpapaiyak mo sakin."

CHAPTER 9

CHAPTER 9

After five years...

"It's good doing business with you, Miss Sandejas." Wika ng isang Italianong
business man sabay lahad ng kamay.

Nasa isang restaurant sila kung saan ginanap ang lunch meeting nila ng italyano.
"Same to you too, Mr. Enrique." Tinanggap niya ang kamay nito. Isa ito sa mga
mayayamang business man sa Italy. Naisipan nitong mag invest sa pilipinas at ang
kompanya na pinamamahalaan niya ang napili nito.

Ang Sandeza travel agency.

Mas lalo pang lumago ang kompanya ng siya ang namahala dito, siguro dahil wala
siyang ibang ginawa kung hindi i-focus ang buong atensiyon sa kompanya.

Hindi na niya iyon ginagawa para sa ama niya kung hindi para aliwin ang sarili
niya. Ayaw man niyang aminin pero hindi pa rin niya magawang makalimotan ang
nangyari limang taon na ang nakakaraan.

Naputol ang pag-iisip niya ng marinig na tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan
niya kung sino ang tumatawag, number iyon ng sekretarya niya. "I'm sorry, Mr.
Enrique, but I have to answer this."

Ngumiti sa kanya ang italyano. "It's okay Miss Sandejas; I am taking my leave
anyway. Have a good day."

She smiled politely. "Same here, Mr. Enrique."

Sinagot kaagad niya ang tawag ng makaalis ang italyano.

"Yes, Vicky?" Sagot niya sa kabilang linya.

"I'm sorry, ma'am. I know you're in a business meeting but I receive a memo today."

She frowned. "Saan galing ang memo? At anung nakasulat?"

"Galing po kay Mr. Vincent Landeza."

"Landeza?" Ito ang unang beses na naka-receive sila ng memo galing sa mga Landeza.

Simula ng i-take over niya ang Sandeza traveling agency, walang Landeza na
nagpakita sa kanya.

Sandeza traveling agency was a partnership between her father and Mr. Vincent
Landeza, pero mula na siya ang pumalit sa ama bilang partner nito, hindi ito
nagparamdam sa kanya ni minsan. Tanging ang sekretarya lang nito ang nakikita at
nakaka-usap niya patungkol sa mga business matters ng kompanya. Ito ang
nagsisilbing messenger nila ni Mr. Landeza na palaging busy.

Ilang beses na siyang nag-request rito na magpadala ito ng tao na papalit sa


posisyon nito pansamalantala, pero hindi nito iyon pinaunlakan. Ang palaging sagot
ni Mr. Landeza sa mga request niya ay mayroon daw itong hinihintay na ilagay sa
posisyong iyon.

"Ano naman ang nakasulat sa memo?" Tanung niya.

"May ipapalit na daw si Mr. Vincent Landeza sa posisyon niya. Pinaunlakan niya sa
wakas ang request mo, ma'am. And that person wants to hold a meeting with only the
two of you before he starts working."

"So lalaki pala ang papalit kay Mr. Landeza. Siguraduhin lang ni Mr. Landeza na may
kapas ang ipapalit niyo at hindi puro kahanginan lang ang laman ng utak."
"Mukhang hindi naman po siya ganoong klaseng tao ma'am. Ayon sa mga narinig ko,
kaga-graduate lang ng taong ito sa MBA with awards pa daw ma'am. "

MBA? Ania is impressed. Tanging matatalinong tao lang ang nakakapasok at nakaka-
graduate sa eskuwelahang 'yon. Mas lalo naman kung may matatanggap kang award.

Hmm. Mukhang mapapakinabangan naman pala ang papalit kay Mr. Landeza.

"Anong oras ang meeting?"

"One o'clock in the afternoon."

Tiningnan niya ang relong pambisig. It's already passed twelve. "Okay, I'll be
there." Tinapos na niya ang tawag at nagmamadaling naglakad palabas ng restaurant.

Habang nagda-drive siya patungo sa kompanya niya, hindi niya maiwasang isipin ang
taong papalit kay Mr. Landeza. Kaano-ano kaya ito ni Mr. Landeza para ibigay rito
ang isang malaking responsabilidad?

Maybe, a distant relative.

In fairness, marunong pumili si Mr. Landeza. Matalino talaga ang kinuha nito.
Unlike his son na walang patutunguhan sa mundo.

Ipinilig niya ang ulo ng maalala na naman ang anak nito. Walang araw na hindi ito
bumisita sa isip niya. Palagi nalang. Nagsasawa na siya. She tried dating to move
on pero no use. Walang nangyari. Lahat ng date niya, epic-fail.

Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero hinihintay niya ang pagbabalik nito.

Pagdating niya sa opisina, busy ang sekretarya niyang si Vicky sa harap ng


computer.

"Dumating na ba ang papalit kay Mr. Landeza?"

"No, ma'am."

Tumingin siya sa relong pambisig. "Akala ko ba ala-una, bakit ala-una singko na e


wala pa siya? Siya ba ang nag-set ng meeting?"

"Si Mr. Landeza ho."

Ania sighed in irritation. "Kapag dumating siya pakisabi sa kanya na ayoko ng late.
Ayoko ng mga tamad na tao. Wala akong pakialam kung saang lupalop man siya
nagtapos, basta ayoko ng late. Just send him in if he arrives."

Hindi pa siya nakakahakbang papuntang office niya ng may magsalita sa likod niya.

"Ayoko din ng mataray, no fun at uptight na babae."

Mabilis niyang nilingon ang nagsalita. Ang lakas ng tibok ng puso niya ng makita
kung sino ang nakatayo ilang metro sa kanya.

He's more handsome than before. He became manlier over the years. His shoulders
broader. His body was still well-toned as before. His eyes that she likes so much.
The only thing that changed him was his height. He seems taller.

"Blake." She whispered his name.


He smiled cheekily. "Hey, Ania. Kumusta?"

She missed him terribly. Araw-araw, iniisip niya ito. Gusto niya ipulupot ang braso
sa leeg nito at halikan ito. Pero alam mo kung anung ginawa niya?

Lumapit siya rito at binigayn ito ng mag-asawang sampal.

He glared at her. "Why the hell did you do that for?!"

Hindi niya ito sinagot at nagmamadaling pumasok sa opisina niya. Hindi niya
pinansin ang panlalaki ng mata ng sekretarya niya dahil sa nasaksihan. Nang
marinig niyang bumukas ang pinto ng opisina, nanggigigil na tiningnan niya ang
pangahas na pumasok.

Tiningnan niya ng masama si Blake na ipinapalibot ang tingin sa kabuunan ng opisina


niya.

"Nice office." Komento nito.

Itinuro niya ang pituan. "Out. Blake."

Tumingin ito sa kanya. "Huh? Why?"

She took a deep breath to calm her nerves. "May meeting ako ngayon. Kaya umalis ka
na. Nakaka-isturbo ka."

Naglakad ito patungong visitor's chair at umupo. Tumingala ito sa kanya dahil
nakatayo siya. "Let's start the meeting then."

Napapantastikuhang tumingin siya dito. "Ano?"

"You are waiting for dad's replacement right?"

Tumango siya.

Ngumisi ito at ibinuka ang dalawang braso. "Well, here I am. Ako ang papalit kay
dad."

Tumawa siya ng walang emosyon. "Nagbibiro ka lang diba? I mean, graduate sa MBA
with award ang papalit sa daddy mo."

Pain crossed his eyes but it quickly disappeared and replaced by a smug smirk.
"Yeah. That would be me. I graduated from MBA just a month ago with award. Shock?"

Hindi makapagsalitang tinitigan niya ang binata na nakaupo sa visitor's chair niya
na parang walang pakialam sa mundo.

Ania, then, began laughing. Typical Blake. Wala naman talaga itong pakialam sa
mundo.

Blake frowned. "Okay ka lang?"

Tumigil siya sa katatawa at tumingin dito. "I'm fine. How about you? Kumusta ang
limang taon sa ibang bansa? Nagawa mo ba ang gusto mo?"

Tumango ito pero kunut ang nuong nakatingin sa kanya. "Sigurado kang okay ka lang?
You look pale."
His worried expression and voice made the anger and pain that she's feeling rose
up. How dare he worry? Wala itong karapatan na mag-alala sa kanya. Nasaan ba ito ng
umiiyak siya hanggang sa makatulog dahil nami-miss niya ito? Nasaan ba ito ng
kailangan niya ito?

Ania rolled her eyes at him. "Stop acting like you care, Blake. It's already five
years too late."

Tumayo ito akmang lalapit sa kanya ng tinungo niya ang filing cabinet at kinuha ang
lahat ng file sa loob ng limang taon. Kahit mabigat, binuhat niya iyon at inabot
dito.

"Ito ang lahat ng files sa loob ng limang taon. Basahin at intindihin mo. Mukhang
hindi ka naman mahihirapan diba, MBA graduate?"

Nang hindi nito tinanggap ang files, ibinagsak niya iyon sa sahig. Tiningnan niya
ito. "No need to hold a meeting, Mr. Landeza. Wala naman kaming transaction na wala
diyan sa mga files na binigay ko sayo. Basahin mo nalang. Ayokong makipag-usap
sayo." 'Yon lang at iniwan niya itong nakatingin sa mga files na ibinagsak niya sa
sahig.

Hindi niya ito kayang harapin ngayon na hindi umiiyak. Seeing him after five years
makes the pain that she buried resurface again. Habang nakatingin ito sa kanya na
parang walang nangyari at hindi siya sinaktan, mas lalo bumubuka ang sugat na
matagal ng naghilom.

At ang mas masakit sa lahat, ay kung umasta ito ay parang walang nangyari, na
parang walang namagitan sa kanila. Ano ba ang inaasahan niya? Na mahal pa rin siya
nito?

Limang taon na ang lumipas. Siguradong nakahanap na ito ng iba. Siya lang naman ang
tanga na umasa at naghintay sa pagbabalik nito.

Nang makapasok sa kotse niya, pinakawalan niya ang luha na kanina pa gustong
kumawala. Sinapo niya ang puso, halos hindi na siya makahinga sa sobrang sakit na
nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kotse niya, basta
ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman. Dahil nangako siya sa sarili na ito ang
huling beses na iiyak siya para sa lalaking iyon.

CHAPTER 10 (END)

CHAPTER 10

PAGKAPASOK NI Ania sa opisina kinabukasan agad niyang nabungaran si Blake na naka-


upo sa visitor's chair niya.

"What do you want?" Tanung niya ng walang emosyon. "Natapos mo ba basahin ang mga
files na ibinigay ko sayo?"

Hindi ito sumagot at matiim lang siyang tinitigan.

Inirapan niya ito. "Staring is rude." Aniya sabay upo sa swivel chair niya.
"You've been crying."

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang titig nito. "What do you want? Kung wala
kang importanting pakay sa akin, makakaalis ka na."

Kununot ang nuo nito habang nakatitig parin sa kanya. "Bakit ka ba galit sa akin?"

That question made her heart tighten inside her chest. Iyon din ang tanung nito
dati bago sila nagkamabutihan.

"Hindi ako galit sayo."

"You're attitude towards me said otherwise."

She gritted her teeth. "I said, hindi ako galit. Ano ba sa sanabi kung iyon ang
hindi mo maintindihan?"

"Naiintindihan ko ang sinabi mo."

"'yon naman pala e. umalis ka na kasi marami pa akong gagawin."

"Wala akong pakialam." Isinandal nito ang para sa kaharap nitong upuan. "Hanggat
hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka galit, hindi ako aalis dito."

Walang emosyong tiningnan niya ito sa mga mata. "Galit ako dahil bumalik ka."

Umayos ito ng upo. "A-Ano?"

"Galit ako dahil bumalik ka. Okay na ako e. I'm moving on, Blake. Bakit kailangan
pa kitang makita at maalala ang sakit na dinulot mo ng umalis ka?"

"A-Ania, I can explain-"

"Umalis ka na. Ayokong marinig ang paliwanag mo." Pagtataboy niya dito bago pa
malaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Hindi ako aalis-"

Ania abruptly stands up and slammed her hands on the table, stopping Blake's word.
"Just get out, damn it!" May pumatak sa luha sa mga mata niya. Pesteng luha 'to!
Pinahid niya iyon. "Just go, Blake. Just go." Nanghihinang wika niya.

Tinitigan siya nga matagal ni Blake bago tumayo. Akala niya aalis na ito pero
ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya ng lumapit ito sa kanya at pinahid
ang luha niya.

Tinabig niya ang kamay nito. "Hindi ko kailangan ng tagapahid ng luha. I'ven been
going that for five years. I don't need your help drying my tears."

Pero matigas ang ulo nito at nagpumilit pa rin na pahirin ang luha niya.

"I'm sorry. Umiiyak ka dahil sakin." Anito.

"Bakit ka ba kasi bumalik?" Mahinang boses na tanung niya.

"Dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral and for the first time, I'm proud to say na
walang binayaran si daddy para maka-graduate ako. And dad needs me here."

'Yon ang dahilan nito kung bakit ito bumalik? Tumawa siya mahina. Hindi man lang
siya kasama sa rason ng pagbalik nito. Bakit ba si umasa at patuloy na umaasa na
bumalik ito ng dahil sa kanya?

Sa mga nangyari, paulit-ulit niyang tinatanung ang sarili kung totoo ba ang sinabi
nito sa sulat na mahal siya nito at hindi siya nito makakalimutan. Dahil mukhang
nakalimutan na siya nito habang nasa ibang bansa ito.

Iniiwas niya ang pisngi ng akmang papahirin nito ang luhang nakatakas sa mga mata
niya.

"Umalis ka muna, Blake. Please lang." Pagmamakaawa niya rito at mukhang tumalab
iyon dahil humakbang ito palayo sa kanya at walang imik na umalis ng opisina niya.

Nanghihinang umupo siya sa swivel chair niya. God! Why did she have to tell him
why she's mad at him?

I'm a mess!

ISANG linggo ng iniiwasan ni Ania si Blake. Palagi itong pumupunta sa opisina niya
at hinahanap siya. Hindi na si Ania magtaka kung humaba na ang ilong ng sekretarya
niyang si Vicky dahil sa palagi nitong pagsisinungaling sa binata sa mga
whereabouts niya.

Nagpapasalamat siya na hindi ganoon kapilit para tingnan nito ang opisina niya kung
saan siya nagtatago. Ayaw niya itong harapin. Ayaw na niyang umiyak. Pakiramdam
niya pag nag-usap na naman sila, hindi mapipigilan ng luha niya na hindi kumawala
sa mga mata niya.

Masyado pa rin siyang nasasaktan. Akala niya pag nakita niya ito magiging masaya
siya, kabaliktaran pala ang nangyari. Kung sinabi lang sana nito na kasama siya sa
dahilan kung bakit ito bumalik sana hindi na siya umiiyak ngayon.

Ania already decided. Hindi niya hahayaan na paiyakin na naman siya nito. Ayaw na
niya. Pagod na ang mga mata niya sa kaiiyak simula na bumalik ito.

Napaigtad sa kinauupuang swivel chair si Ania ng bigla ng bumukas ang pinto ng


opisina niya at pumasok si Blake.

Pabalibag na isinara nito ang pinto at tumingin sa kanya ng masama. "I'm done with
this hide and seek game you're playing, Ania!"

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang mabilis na tibok nga puso niya ng
makita si Blake. Kahit kailan, traidor talaga ang puso niya.

"Bakit mo ba ako pinagtataguan?!" Nasa mukha nito ang sobrang frustration na


nararamdaman.

Bumuntong-hininga siya. "Blake, may appointment ako." Gusto niyang e-congratulate


ang sarili ng hindi nanginig ang boses niya.

"Pakialam ko naman. I need an explanation pronto! Napapagod na ako sa laro mong 'to
Ania."

Hindi makapaniwalang tumingin siya dito. Ito pa ang may karapatang mapagod? Ang
walang hiya! Parang may kung anung sumabog sa kaloob-looban ni Ania. Lahat ng galit
at hinanakita na dinanas niya sa loob ng limang taon ay naghalo-halo na. Kunti
nalang sasabog na siya.
"Sagutin mo ako Ania. Naiinis na ako sa pagtatago mo sakin! Nagagalit na ako!"

SNAP!

Lumapit siya sito at dinuro ang dibdib nito sa sobrang galit. "Ikaw pa ang may
karapatang magalit ngayon?! Wala kang karapatan, Blake. Wala! Ako lang, ako lang
ang may karapatan makaramdam ng pagod! Pagod na pagod na ako, Blake! Pagod na pagod
sa kahihintay sayo! Ayoko na! Pagod na pagod na ako sa kakaiyak!" Pinagbabayo niya
ang dibdib nito. "Sinabi mong huwag kang hintayin. Sa tingin mo ba ganoon lang
kadali yon pagkatapos mong sabihin sa sulat na mahal mo ako? Ginawa ko ang lahat
maka-move on lang, pero araw-araw, umaasa ako na babalik ka. Araw-araw sa loob ng
limang taon, umaasa ako na babalikan mo ako! Pagod na pagod na ako, Blake. Ayoko
na. Ayoko na!"

Pinahid niya ang luhang walang patid sa pagtulo. "Kaya kung puwede lang, huwag mo
na akong lalapitan. Bumalik ka lang naman diba dahil nakatapos ka na, may
ipagmamalaki ka na at iti-take over mo ang posisyon ng daddy mo? Kaya tantanan mo
na ako. Ayoko na."

Nanghihinang umupo si Ania sa sahig. Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang
kamay para itago ang masaganang tulo ng mga luha niya.

Naramdaman niyang umuklo si Blake sa harapan niya. She felt him touched the strands
of her hair.

"Umalis at bumalik ako para sayo, Ania. Lahat ng ginawa ko sa loob ng limang taon
ay para sayo." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "Kaya naman may
karapatan akong magalit, mairita, mapagod at mag-alala sayo. Hindi mo alam ang
pinagdaanan ko habang malayo ako sayo. Sa tingin mo ikaw lang ang naghirap? Ako
din. Araw-araw natutukso akong umuwi para makita ang mga ngiti mo. Araw-araw
nilalabanan ko ang sarili kung damdamin para sayo. Gustong-gusto kong makita ka
pero hindi ko magawa. Hindi kita tinawagan dahil alam kung pag narinig ko ang boses
mo, hindi ko kakayanin ang pangungulila ko sayo at uuwi ako! Gusto kong magtapos sa
MBA para may maipagmalaki ako sayo, sa pamilya at mga kaibigan mo pagbalik ko kahit
walang kasiguraduhan na wala pang nagmamay-ari sa puso mo. Araw-araw pinagdarasal
ko na sana hindi ka pa nakahanap ng iba. Na sana ako pa rin ang laman niyang puso.
Araw-araw nag-aaral akong mabuti para sayo. Araw-araw ikaw ang palaging laman ng
isip ko. Pagod na rin ako Ania, pero hindi ako sumuko sayo. Hindi ako napagud umasa
na balang araw magiging tayo."

Nasapo ni Ania ang bibig para pigilang ang hikbing gusting kumawala. Tiningala
niya si Blake. Bakas sa mukha nito ang pagod pero may kakaibang kislap pa rin ang
mga mata nito.

"Blake..."

Blake looked at her softly. "Ania, please, itigil na natin itong hide and seek na
laro mo. Nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan mo ako. Tuwing nagsisinungaling sakin
ang sekretarya mo na wala ka sa opisina mo kahit alam kung nasa loob ka, pakiramdam
ko bumalik na naman tayo nuong college tayo. Ang sakit-sakit na hindi mo ako
pansinin. Sabihin mo lang kung anung gusto mong gawin ko para mawala ang galit mo
sa akin, gagawin ko." Nagmamakaawang lumuhod ito sa kanya. "Please, Ania. Sorry.
Please, I'm very sorry."

Natatawang pinahid niya ang mga luha na sa wakas as tumigil na rin sa kakatulo.
Parang magic na bigla nalang nawala ang galit at sakit na nararamdaman niya dahil
sa mga pinagtapat nito.
Tumayo siya at inilahad ang kamay sa binata. "Tumayo ka nga diyan. Hindi ako santo
para luhuran mo."

Tumingala ito at tumingin sa nakalahad niyang kamay. Kapagkuwan ay tinanggap nito


ang kamay niya, hindi para magpatulong tumayo kung hindi para hatakin siya papunta
rito.

Napatili si Ania ng tumama ang katawan niya sa katawa nito. Nang marealize niya ang
posisyon nila, nag-init ang buong mukha niya.

She gasped. "Oh my god!"

Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makipagtitigan rito sa posisyon nila
ngayon. Naka-kubabaw siya rito at ito naman ay nakapulupot ang braso sa bewang niya
at napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.

Blake chuckled making Ania shievered. "Ania, look at me."

At siya naman si tanga, ibinalik ang paningin kay Blake. Sinalubong ng mga labi ng
binata ang mga labi niya. Nagulat siya nuong una pero habang tumatagal ang halik
nila, nagi-enjoy na siya, nandiyan parin ang koryenteng naramdaman niya nuong una
nilang pagsaluhan ang matamis na halik.

Blake pulled away and looked at her butterscotch eyes. "I love you, Ania."

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi habang nakatingin sa mga
mata nitong puno ng pagmamahal.

"I love you too, Mr. Whatever."

**THE END**

AUTHOR'S NOTE: The end na. Maikli lang talaga ang story na ito. This is the reason
why nabuo ang ACE CENTREX UNIVERSITY SERIES. Thanks for reading and i hope it's
worth you time. God bless.

You might also like