Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

2024 ANNUAL

STOCKHOLDERS MEETING
AND ELECTION OF MABINI
COLLEGES, INC.

Halalan 2024: Pagkilala sa mga Bagong


Tagapamahala ng Mabini Colleges, Inc.

Isang makasaysayang halalan sa Mabini Colleges, Inc. ang isinagawa


noong ika-5 ng Mayo sa pagbubukas ng bagong yugto sa pamumuno.
Matapos ang masusing pagpili at pagsasaliksik, nailuklok ang mga
bagong halal na opisyal na magiging tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng mga
pangangailangan ng paaralan.

PRESIDENT - Rainier A. Ibana, Ph.D.


VICE PRESIDENT - Marcel N. Lukban
CORPORATE SECRETARY - Janet I. Alegre
CORPORATE TREASURER - Wava Ann G. Baylon
BOT MEMBER - Ma. Pamela Rossana A. Apuya

Ang kanilang pagtanggap sa tungkulin ay nagbibigay sa atin ng


pagkakataon na makabuo ng mas malakas na samahan at magbigay ng
inspirasyon sa mga mag-aaral at kawani upang makamit ang ating mga
pangarap para sa Mabini Colleges, Inc.
EDITORIAL
FESTIVAL OF ORGANIZATION

Nagdiwang ng Manwari Festivala ng Mabini Colleges noong May 9 at


10, 2024.A ng Mabini Colleges Inc. ay nagningning sa unang Manwari Festival
kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang galing at kahalagahan sa
iba't ibang larangan.
Ang pagdiriwang na ito ay nagtagumpay hindi lamang sa mga
akademikong gawaing pinamamahalaan, kundi nagpakita rin ng kahusayan sa
sining, siyensa, at iba pa.Sa tulong ng mga grupo tulad ng:

SAMAFIL
MCHS RCY
ANG MABINIAN
Mathematics Club
Hope Club
Research Club at
TLE Club

Ipinakita ng bawat isa ang kanilang husay. Bawat grupo ay nagbigay-diin


sa iba't ibang aspeto ng kanilang larangan, nagpapakita ng kahalagahan ng
pagtutulungan at pagpapahalaga sa bawat isa. Ang pagtitipon na ito ay nagdulot
ng saya at inspirasyon sa mga mag-aaral ng Mabini Colleges Inc.

Ang Manwari Festival ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan na


ipakita ang kanilang galing. Pinapurihan natin ang lahat ng mga nagtanggol at
nagpapalakas ng ating paaralan at komunidad. Mabuhay ang Manwari Festival
ng Mabini Colleges Inc.! Mabuhay ang galing at kahusayan ng ating mga mag-
aaral!
LATHALAIN
PANGARAP SA EDUKASYON:
BUHAY NA MAY LEKSYON

Ang lahat ng tao ay may karapatang magkaroon ng edukasyon. Ito


ay isang karapatan na dapat ipagtanggol ng lahat upang masiguro na pantay at
makatarungan ang pagkakataon sa pag-aaral para sa lahat.

Ang pag-aaral ay isa sa pinakamahahalagang tulay ng tagumpay at haligi


ng pag-unlad ng isang tao. Ito ay nagbubukas ng mga pintuan ng oportunidad at
kaalaman para sa bawat isa.

Sa pamamagitan ng edukasyon, ang mga mag-aaral ay bumubuo ng


kanilang sariling pagkatao, pagkakakilanlan, at abilidad upang harapin ang mga
pagsubok at pagkakataon sa hinaharap. Ito ay nagbibigay sa kanila ng kaalaman
at abilidad na kinakailangan upang masolusyunan ng epektibo ang bawat
problema ng buhay. Ito ang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa bawat tao.

At sa huli, ang edukasyon ay ang yaman na hindeng hinde mananakaw


ng sino man sa atin, ito'y hindi lamang tungkol sa pag-aaral; ito ay isang
paghahanda para sa kinabukasan. Ito ay nagbibigay sa atin ng mga kasanayan at
kaalaman na kinakailangan upang maging matagumpay sa anumang aspeto ng
ating buhay. Kaya't patuloy nating pahalagahan ang edukasyon, dahil ito ang
susi sa ating kinabukasan.

You might also like