Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tema: Tutulungan Ka ng Espiritu ni Jehova na Maging Matapang

Matapang o katapangan, ano ba ng kahulugan nito para sa iyo? Eto ba yung katangian
ng mga indibidwal na nagtataglay ng pambihrang lakas ng loob na kahit saang digmaan
ay lumalaban? O baka narinig nyo na ito? Yung mga taong hindi sumusuko sa hamon
ng buhay… Oo, maaaring tama naman. Pero ang pag uusapan natin ngayong gabi
partikular na ay yung anyo ng katapangan na inaasam-asam ng bawat isa sa ating mga
sumasamba kay Jehova. Ano ba yun?
Gaya po ng tema natin : Tutulungan ka ng Espiritu ni Jehova na Maging Matapang.
Maging matapang sa ano? Ang maging matapang sa paghahayag ng mabuting balita
Paano? Kailangan ba natin talaga ito?
(Luc. 11:13) 13Kaya kung kayo na makasalanan ay marunong magbigay ng
mabubuting bagay sa mga anak ninyo, lalo pa nga ang Ama sa langit! Magbibigay siya
ng banal na espiritu sa mga humihingi sa kaniya.”
Oo, ang pinakatuwirang paraan para magkaroon ng banal na espiritu ng Diyos ay ang
hilingin ito. Sa paanong paaan? Gaya ng ipinahihiwatig sa atin sa nabasang teksto, sa
pamamagitan ng paghiling dito sa panalangin. At hindi lang ito minsang gagawin kundi
palagi. Lalong lalo na kung natatakot tayong makibahagi sa ilang pitak ng ating
paglilingkod—di-pormal na pagpapatotoo, pagpapatotoo sa lansangan, o lugar ng
negosyo—maaari nating hilingin kay Jehova na bigyan tayo ng kaniyang espiritu at
tulungan tayong mag-ipon ng katapangang kailangan natin.

(i-narrate ang karanasan ni Rosa. May kasamahang titser na apektadong apektado sa


pagmamaltrato sa mga bata. Nakita ni Rosa ang pagkakataong ito para
makapagpatotoo. Kaya nanalangin sya sa Diyos na Jehova para magkaroon ng lakas
ng loob na magsalita at makapagpatotoo. Nakapagbigay siya ng mainam na patotoo
kung kaya naman napagkasunduan nilang pag-usapang muli ang paksang iyon.

Ang isa pang paraan para matulungan tayo ni Jehova na maging matapang ay ang
masusing pag aaral ng salita Nya.
Tingnan natin ang naging karanasan ni propeta Jeremias at pagisipan natin kung ano
ang nakatulong sa kanya. Nang atasan sya ni Jehova na maging propeta ng mga
bansa, ang sinabi nya ay ( Jer 1:4-6 4Dumating sa akin ang salita ni Jehova. Sinabi
niya:5“Bago pa kita binuo sa sinapupunan ay kilala na kita, At bago ka pa isilang ay
pinabanal na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”6Pero sinabi ko: “O Kataas-
taasang Panginoong Jehova! Hindi ako marunong magsalita, dahil bata pa ako.”)
Pero nang maglaon, naging gayon na lamang siya kapursigido at kasigasig anupat
itinuring siya ng marami bilang tagapagpalahaw ng kapahamakan. Sa loob ng mahigit
65 taon, buong-tapang niyang inihayag ang mga kahatulan ni Jehova. Kilalang-kilala
siya sa Israel dahil sa kaniyang katapangan at lakas ng loob sa pangangaral.
Paano napagtagumpayan ni propeta Jeremias ang pagkamahiyain? Sinabi niya: “Sa
aking puso [ang salita ng Diyos] ay naging gaya . . . ng nagniningas na apoy na
nakukulong sa aking mga buto; at pagod na ako sa kapipigil, at hindi ko na iyon matiis.”
(Jer. 20:9) Oo, pinalakas si Jeremias ng salita ni Jehova kung kaya naudyukan siyang
magsalita. Gaya ng naranasan ni Jeremias, malaki rin ang magiging epekto sa atin ng
mensahe, o salita, ng Diyos. Anupat nagkakaroon din tayo ng lakas ng loob na
maipangaral ang mabuting balita.
Kaya sa mga tinalakay natin, ano ba nag itinuturo sa atin nito. Na ang pagsasalita ng
Salita ng Diyos ng may katapangan ay hindi awtomatikong nasa atin na kapag pinili
nating maglingkod kay Jehova. . Kundi sa halip, ito ay hinihiling sa panalangin at
patuloy na pag aaral ng salita ng Diyos.
Maihahambing natin ito sa isang bata na gustong gusto na gayahin ang ginagawa ng
kanyang ama. Halimbawa yung tatay nya ay isang mahusay na panadero. Awtomatiko
ba na maisasalin sa kanya ang husay ng kanyang tatay sa paggawa ng tinapay?
Syempre hindi..
Malamang ay kinukulit nya ang kanyang tatay para matutunan ang abilidad nito. At the
same time, gumagawa din sya ng pagsisikap para matutuhan ang ibat ibang teknik
bukod pa sa itinuturo sa kanya ng kanyang tatay.
Sa ganun ding paraan, tayo kapag palagi nating hinihiling ang patnubay ng Banal na
Espiritu ni Jehova sa panalangin natin at patuloy na pag aaral ng kanyang Salita,
makatitiyak tayo na ibibigay nya sa atin ang sapat na lakas ng loob sa pamamagitan ng
kanyang Banal na Espiritu para salitain ang Kanyang Salita ng may Katapangan.

You might also like