YTFB, Sanaysay Pulitika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Thomas Frederick B.

Yarte
BSED Filipino Blk. B
3rd Year

Panuto: Sumulat ng isang pormal na sanaysay tungkol sa napapanahong isyu sa lipunan na tumutukoy sa edukasyon o pulitika.

Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng sanaysay:


• kalinawan • wastong bantas • kaangkupan sa paksa • panghikayat sa mambabasa

Kahirapan: Katamaran ba o Korapsyon?

Ang kahirapan ay matagal ng pasanin ng ating bansa. Madalas nating makita ang gobyerno at maling pamumuno ng mga nasa pwesto. Sila nga ba ang dapat
sisihin o ang mga Pilipinong tamad?
Ika nga nila, “ Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Marahil ay tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa ating gobyerno ang problema.
Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabaho ang pwedeng pasukan, kaso mapili lang
talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila pwedeng sisihin, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at magpalimos kaysa kumayod at
magkumahog sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa mga sitwasyong at sirkumstansyang ito, pinapakita lang natin na
tayo ay tamad, na mag-reresulta sa kahirapang ating kinakaharap.

Isa pa sa mga maituturing dahilan ay ang maling gawain ng mga nakapwesto sa gobyerno ng ating bansa, ang pagbubulsa at paggamit sa kaban ng bayan. Ang
mga pondo na para sana sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Kung tutuusin sapat na nga ang
sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para sumuporta ng isang pamilya, pero patuloy at patuloy pa rin sila sa gawaing ito
makapanlamang lang sa kapwa.

Sinasabing umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero bakit ganon? Wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang
makabili ng murang bigas, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi mapagkasya- kasya ang kakarampot na sahod ng isang
karaniwang empleyado.

Sa mga namamahala sa ating gobyerno na patuloy sa maling gawain, ay mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili pa rin nilang ibulsa ang
mga naglalakihang pondong pangkahirapan kaysa idagdag ito sa sweldo ng mga karaniwang manggagawa, isang malaking kamalian ito sa parte ng mga pinuno.
Isa pa rin sa mga dahilan na maituturing ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung responsible lamang ang mga
magulang ng mga batang palaboy sa mga lansangan ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa labas, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at
wala kang makikitang mukha ng mga gutom na bata sa mga lansangan.

Kung ang mga batang ito ay nabigyan ng tyansa na mapag-aral ng kanilang magulang, siguradong sila ay magkakaroon ng magandang kinabukasan. Bumabalik
nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero hindi lingid sa atin ang mga programang inihahatid ng ating pamahalaan, maging ang lokal, para sa
libreng pag-aaral, ngunit hindi maalis at hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, sabay balik nanaman ang sisi sa ating
pamahalaan.

Kung ating lilimi-limiin ang mga bagay-bagay na ito, masasabi kong tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung
sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, mababagao rin natin ang katatayuan at antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay
dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.

You might also like