Filipino 9: Unang Markahan Worksheet 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO 9

Pangalan:__________________________Baitang at Antas:_______________Iskor:_____
Paaralan:______________________________________Guro:_________________________

UNANG MARKAHAN
WORKSHEET 1

ARALIN: Kuwentong Makabanghay


Nang Minsang Naligaw Si Adrian
(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr.Romulo N. Peralta. Sa
kanyang muling pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang
mga kathang-isip lamang.)

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang


naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakakatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang
maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kanyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na
matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina.Naiwan sa kanya ang
pangangalaga sa ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwan na ama. Naisin man
niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kanyang
balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang mapanatili sa
piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahulu-hulihang yugto ng kaniyang
buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang
lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay .
Ayaw rin niyang mapag-isa balang araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw , habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
operasyon , nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinumpong ng
sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama.
Bahay , Ospital , Bahay ,Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang
kaniyang ama. Hindi niya namalayan , unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng
panahon para sa sarili.
“Daddy patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo’y nawala “. Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi
na makapaglakad nang maayos . Pinasan niya ang ama at isinakay sa
kanyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y makarating sa isang
lugar , huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang
daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan
ay tumitigil sila sa ilalim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang
ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang
luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po Dad”.
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama.Patuloy rin
ang pagtulo ng kanyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang
kanyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at
pauli-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito
ni Adrian.
“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga,
Dad”?, tanong ni Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa
kaniyang labi.
“Alam ko, nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan Anak, palatandaan ito na
dito tayo dumaan , para sa pagbalik mo ay hindi ka maligaw”.
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik ,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa
lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.
Hinding- hindi na.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Iba’t Ibang Hugis
Panuto:Iguhit ang hugis sa patlang ayon sa katumbas nitong antas ng
pagkakaunawa. Maging matapat sa iyong pagsagot.
- Alam na alam na at kayang ipaliwanag sa iba

- Nagagawa nang ipaliwanag mag- isa

- Kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag

- Kailangan pang magpraktis

- Nagsisimula pa lamang matuto

Ang iyong pulso sa:

_________1. Naipaliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento.


_________2. Napag-iiba-iba ko ang mga uri ng kuwento.
_________3. Nabibigyang kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa
maikling kuwento.
_________4. Naisasalaysay ko nang may pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay.
_________5. Naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento.
_________6. Nasusuri ko ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga
proseso sa paglikha nito.
_________7. Nabibigyang kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa
maikling kuwento.
_________8. Napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na
dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong
tinalakay.
_________9. Nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob sa akda.
________10. Nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpa-
pakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Karagdagang Pagsusulit:

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
______1. Bahagi ng kuwentong makabanghay na ipinakikilala ang tauhan, tagpuan at suliranin.
A. Simula
B. Gitna
C. Saglit na kasiglahan
D. Wakas
______2. Makikita sa bahaging ito ng kuwentong ang unti-unting pagbaba ng emosyon at may
solusyon na sa mga problemang kinaharap ng mga tauhan.
A. Simula
B. Gitna
C. Saglit na kasiglahan
D. Wakas
_____3. Ano ang pangunahing katangian ng isang kwentong makabanghay?
A. May pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
B. May iskrip itong sinusunod.
C. Ang mga tauhan ay may masalimuot na tunggalian.
D. Maaari itong basahin sa isang upuan lamang.
_____4. Alin ang hindi kabilang sa kahulugan ng panitikan?
A. Ang panitikan ay maaaring pasulat o pasalita.
B. May dalawang anyo ng panitikan, ang tula at tuluyan.
C. Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan sa tuluyan.
D. Ang saklaw ng asignaturang Filipino 9 ay Panitikang Asyano.

____5. Ano ang pinakatamang pagpapakahulugan sa pamagat ng kwentong “Nang Minsang


Maligaw si Adrian.”
A. Naligaw si Adrian at kanyang ama sa gubat.
B. Minsan nang naligaw ng landas si Adrian.
C. Nagkamali si Adrian sa kanyang pagpapasya kaugnay sa kanyang ama.
D. Hindi malaman ni Adrian ang tamang desisyon sa buhay.
_____6. Bakit ninais ni Adrian na iligaw sa gubat ang kanyang ama.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
A. Nais na niyang mangibang bansa
B. Malapit na siyang mag-asawa
C. Naiingit sa buhay ng mga kapatid sa ibang bansa
D. Nais na niyang magkaroon ng sariling buhay
_____ 7. Napansin ni Adrian na pinuputol ng kanyang ama ang mga sanga ng punong kanilang
dinaraanan. Ano ang ibig sabihin nito:
A. Nais ng amang makabalik si Adrian sa kanyang pinanggalingan.
B. Nais ng amang iuwi ni Adrian ang mga sanga.
C. Ipinamamalas ng ama ang kanyang sama ng loob sa anak.
D. Tinuturuan ng ama si Adrian ng isang aral sa buhay.

______8. Ano ang nangingibabaw na katangian ng ama ni Adrian?


A. Makasarili
B. Maunawain
C. Maalaga
D. Mahinahon
_____9. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo kay Adrian kung ikaw ay nasa kanyang
katayuan?
A. Ilalagak ang ama sa Home for the Aged
B. Makikiusap sa mga kapatid na sila naman ang mag-alaga sa kanilang ama.
C. Bubuo ng sariling pamilya habang kasama pa rin ang kanyang ama.
D. Bubukod ng bahay at dadalawin na lamang ang ama sa bahay nito.
___10. Ano ang mensaheng hatid ng kwentong “Nang Minsang Maligaw si Adrian?”
A. Igalang natin ang ating mga magulang.
B. Mahalin natin ang ating magulang hanggang sa kanilang pagtanda.
C. Hindi dapat pagmalupitan ang ama’t ina.
D. Mas mahalaga ang ating . magulang kaysa sa ating mapapangasawa

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 5


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
6 SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
SUSI SA PAGWAWASTO:
SUSI SA
PAGWAWASTO PANAPOS NA PAGSUSULIT:
Ang ano mang sagot ng mag-aaral ay
1. A
2. D maaaring tanggapin ng guro.
3. A
4. D
5. C
6. D
7. A
8. B
9. C
10. B

You might also like