Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 26: ANG PASKIL

Umaga pa lamang ay handa na si Basilio upang pumunta sa ospital. Habang


papunta sa ospital, napuno ang isip niya sa mga bagay na gagawin sa araw na
iyon. Dadalawin niya ang kanyang pasyente, siya’y tutungo sa Unibersidad upang
alamin ang ilang bagay tungkol sa kanyang licenciatura, at kitain si Makaraig para
sa mga gagastusin para rito.

Habang siya ay papunta sa ospital, may mga grupo ng estudyante na nag-uusap


sa mahinang boses at lihim na nagsesenyasan sa isa’t isa. Pagdating niya sa San
Juan de Dios ay tinanong siya ng mga kaibigan tungkol sa paghihimagsik.

Basilio: Ha! Paghihimagsik?

Kaibigan 1: Nadiskubre! At mukhang marami ang nadadawit.

Basilio: Maraming nadadawit? Sino-sino?

Kaibigan 2: Mga estudyante, dagat ng mga estudyante.

Basilio: Mauna na ako kung ganoon. Dadalawin ko pa ang aking mga pasyente.

Pagkatapos ay nilisan na niya ang grupo. Paglakad niya ay nasalubong niya ang
kanyang kaibigan na propesor sa klinika na misteryosong nagpatong ng kamay sa
kanyang balikat.

Propesor: Naroon ka ba sa hapunan kagabi?

Inakala ni Basilio na kinamakalawang gabi ang tinanong sa kaniya, noong


kinausap niya si Simoun. Nagtangka siyang magpaliwanag.

Basilio: Sasabihin ko sa inyo. . . (halos ibulong ni Basilio) dahil masama ang


kalagayan ni Kapitan Tiago at hindi dahil kailangan kong tapusin ang Mata. . .

Propesor: Mabuti at di mo nagawang pumunta, pero kasama ka ba sa asosasyon


ng mga estudyante?

Basilio: Nagbigay ako ng ambag ko. . .

Propesor: Isang payo sa iyo kung gayon: bawiin mo ngayon at sunugin ang
anumang papel na makakasira sa iyo.

Kinibit ni Basilio ang balikat niya.

Basilio: Si Senyor Simoun po kaya’y. . .?

Propesor: Walang kinalaman si Simoun sa nangyari, sakamat sa Diod!.


Nagkataong misteryosong nagkaroon ng sugat sa kamay at ngayo’y
nagpapahinga. Hindi, may ibang kamay na kumikilos rito, pero nakakakilabot pa
rin>

Huminga si Basilio.

Basilio: May mga tulisan?


Propesor: Wala kaibigan, puro mga estudyante.

Basilio: Ano, kung gayon, ang nangyari?

Propesor: May mga natagpuang subersibong paskil, hindi mo ba ito alam?

Basilio: Sa Unibersidad.

Basilio: Mayroon pa ba bukod doon?

Propesor: Anong ibig mong sabihin? (halos galit na tanong ng propesor)


Iniuugnay ang mga paskil sa mga natutukoy na estudyante, pero sandali!

Dumating ang propesor sa patolohiya na mas mukha pang sakristan sa halip na


doktor. Malamig na tinugon ng unang propesor ang bati ng isa pa at matapos
kumindat kay Basilio, sinabi niya sa malakas na bises:

Propesor: Batid kong nangangamoy na ang bangkay ni Kapitan Tiago. Dinadalaw


na ng mga uwak at buwitre.

At pumasok sa salas ang mga propesor.

Nagpasiya si Basilio na alamin pa ang ibang detalye. Kaya’t siya ay lumapit sa


kumpulan ng mga estudyante at nagtanong.

Basilio: Maari ko ba kayong matanong? May alam na kayo tungkol sa


paghihimagsik?

Nagkatinginan ang mga estudyante bago may isang nangahas na sumagot.

Estudyante 1: May natagpuang mga paskil sa pinto ng Unibersidad, ngunit ipinag-


utos ni Vice Rector na tanggalin ang mga ito upang ipadala sa Gobierno Civil.

Estudyante 2: Ito ay naglalaman ng babala, paggilit ng leeg, pagsalakay at iba


pang mga katapangan.

Basilio: Saan niyo naman nalaman ito?

Estudyante 3: Sa tagabantay ng pintuan, nabalitaan niya raw ito sa alila ni Sto.


Tomas, na nabalitaan naman iyon mula sa isang kapista.

Estudyante 4: Tama na iyan. Paumanhin, ngunit kailangan na naming umalis.

Pagkatapos nito ay nagmamadaling umalis ang mga estudyante. Noon naalala ni


Basilio ang mga sinabi ni Simoun: Sa araw na magagawa nilang pawin kayo. . .
Hindi niyo matatapos ang pag-aaral niyo. . .

Basilio: May nalalaman kaya sila? (tanong niya sa sarili) Malalaman natin kung
sino ang mas may magagawa.

Pagkatapos pakalmahin ang damdamin, nagtungo si Basilio sa Unibersidad. Nang


marating niya ang kanto sa daang Solana, napansin niya ang tila may isa ngang
malaking bagay na nangyari doon.
Ilang pares ng mga Guardia Veterana ang nakita niya sa mmga bangketa , na
iniikut-ikutan ang mga estudyanteng lumalabas ng Unibersidad. Walang imik ang
ilan, malamlam ang mukha, ang iba’y naiirita na nagsitayo sa dakong malyo-layo
o nagsiuwi sa knai-kanilang bahay. Una niyang nakita si Sandoval. Hindi nito
napansin ang tawag ni Basilio at nagmistulang bingi ito.

“Espekto ng takot sa likidong gastro-intestinal!” Nasabi ni Basilio sa sarili.

Kalauna’y nakasalubong niya si Tadeo na may mukha ng Pasko ng Pagkabuhay.

Basilio: Anong nangyari, Tadeo?

Tadeo: Wala tayong pasok ng hindi bababab sa isang linggo, kaibigan! Mainam!
Magnifico!

At piangkiskis ang mga kamay sa tuwa.

Basilio: Pero ano ang nangyari?

Tadeo: Ikukulong tayong mga kasapi ng asosasyon!

Basilio: At masaya ka?

Tadeo: Walang pasok, walang pasok!

At lumayong hindi mapigilan ang galak.

Nakita niyang parating si Juanito Pelaez na namumutla at nagmamadaling


tumakas.

Basilio: Hoy, Pelaez, anong nangyari?

Juanito: Wala, wala akong alam! Wala akong kinalaman doon! (nangingilabot na
sagot niya) Sinasabi ko na sa kanila. Kaululan ang mga iyan. . . Hindi ba’t ‘yun ang
sinabi ko?

Hindi alam ni Basilio ang sasabihin, ngunit uoang makatulong sinabi niyang:

Basilio: Oo! Pero anong nangyari?

Juanito: Di’ba? Tignan mo, saksi ka. Palagi akong tumututol. . . saksi ka, tignan
mo, ‘wag mong kalimutan.

Basilio: Oo, oo. Pero ano ang nangyari?

Juanito: Hoy, saksi ka! Hindi ako nakikilahok sa asosasyon maliban kung kailangan
nito ng payo ko. . . ‘Wag mong ipagkakaila ito, ha? ‘Wag mong lilimutin, ha?

Basilio: Hindi ko ipagkakaila, pero ano ang nangyari, hombre de Dios?

Tanong niya ngunit malyo na si Juanito. Nakita nito na may papalapit na


guwardiya at natakot itong baka hulihin siya.
Tumungo si Basilio sa Unibersidad para tignan kung baka sakaling nakabukas ang
opisina ng sekretarya at makakuha doon ng balita, pero sarado ang opisina at
may kakaibang aktibidad doon. Akyat-baba sa hagdan ang mga prayle, sundalo,
mga indibidwal, matatandang abogado at doktor.

Napansin niya sa malayo ang kaibigang si Isagani na namumutla at nangangamba,


kinakausap nito ang ilang mga kaklase, malakas ang boses na tila walang pakialam
kung marinig ng buong mundo.

Isagani: Hindi ako makapaniwala, mga senyor, hindi ako makapaniwalang dahil
lamang sa isang walang kwentang pangyayari’y magkakagulo tayo’t
magpupulasang parang mga langay-langayang binulabog ng paggalaw ng
espantajo! Unang pagakakataon ba ito na makukulong ang mga kabataan dahil sa
pagtatanggol sa kalayaan? Nasaan ang mga patay, nasaan ang mga putok? Bakit
ngayon pa aatras?

Estudyante: Pero sino ‘yong hangal na sumulat ng mga paskil? (galit na tanong
nito)

Isagani: Eh ano naman sa atn? HIndi na natin problema ‘yon. Sila ang magsiyasat!
Hindi pa natin alam ang laman nito, hindi ito ang panahon upang maging lubos na
masunurin. Kung saan may peligro, doon atyo pupunta dahil naroon ang
karangalan! Kung kasang-ayon ng atig dignidad at mga damdamin ang nakasulat
sa mga pskil, mahusay kung sino man ang sumulat nito, dapat nating pasalamatn
at magmadaling ipadagdag sa pirma niya ang atin! Kung hindi kapit sa’tin, ang
mga mismong kilos at konsensiya natin ang poprotesta at magtatanggol sa atin
laban sa mga paratang. . .

Tumalikod at umalis si Basilio nang marinig ang sinabi ni Isagani. Kailangan niyng
pumunta sa bahay ni Makaraig para pag-usapan ang kaniyang utang.

Malapit sa bahay ng mayang estudyante, napansin niya ang bulung-bulungan at


misteryosong senyasan ng mga kapitbahay. Nagpatloy siya sa paglalakad at
pumasok sa pintuan. Sinalubong siya ng dalawang guardua de la Veteranang
nagtanong sa pakay niya.

Basilio: Hinahanap ko ang kaibigan kong si Makaraig.

Nagtinginan ang mga guardia.

Guardia: Maghintay ka rito. Hintayin niyo ang kabo.

Hindi siya matagal na naghintay. Bumaba si Makaraig na masayang


nakikipagkwentuhan sa kabo, na kapuwa pinangungunahan ng isang alguasil
(sheriff).

Makaraig: Bakit? Ikaw din, Basilio?

Basilio: Kikitain sana kita.

Makaraig: Marangal na ugali! (at humalakhak siya) Sa mga panahong payapa,


lumalayo ka sa’min. . .

Tinanong ng kabo kay Basilio ang pangalan niya at tinignan sa listahan.


Kabo: Estudyante ng medisina, daang Analoague?

Kinagat ni Basilio ang kanyang labi.

Basilio: Bakit? Pati ba ako?

Humalakhak si Makaraig.

Makaraig: Huwag mag-alala kaibigan. Halika sa sasakyan ko at ikukuwento ko


sa’yo sang tungkol sa hapunan kagabi.

At mistulang nasa sariling niyang bahay, inimbitahan nito ang kabo at kasamahan
nitong pumasok sa sasakyang naghihintay sa may labas ng entrada.

Kotsero: Sa Gobierno Civil.

Sinabi ni Basilio kay Makaraig ang dahilan ng kaniyang pagbisita. Hindi na


pinatapos ng mayamang estudyante ang kanyang sinasabi at kinamayan na siya
nito.

KABANATA 33: ANG HULING MATUWID

Isang hapon, si Simoun ay nasa kanyang kwarto lamang at ayaw magpaabala.


Tanging si Basilio lamang daw ang papasukin kapag dumating na ito. Ilang sandali
pa ay dumating na ang binata. Payat na payat si Basilio, magulo ang pananamit,
at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.

Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid sapagkat nilimot
ko ang mga kaluluwang pinaslang at pinahirapan kaya ako pinaparusahan ng
Diyos. Ngayon ay nakahanda na akong gumanti ng masama laban sa kasamaan.

Nakinig lamang si Simoun kay Basilio.

Basilio: Apat na buwan na ang nakalipas mula ng kausapin niyo ako tungkol sa
inyong plano. Tuamanggi akong makiisa at isa pala iyong malaking kamalian.
Bunga nito’y nabilanggo ako at utang na loob ko sa inyo ang aking paglaya.Tama
nga pala kayo. Kaya ako narito ay uoang humingi ng sandata at hangaring
sumiklab na ang himagsikan. Nakahanda na akong ipagtanggol at bigyang
katarungan ang mga sawinpalad.

Bumakas ang kasiyahan ng tagumpay at kasiyahan sa mukha ni Simoun.

Simoun : Tama ako. Sapagkat nasa panig ko ang katuwiran at katarungan para sa
mga sawinpalad. Mabuti’t naparito ka. Nagpapasalamat ako sa’yo at binawi mo
ang iyong pag-aatubili. Binigyann mo ako ng panibagong pag-asa at dahilan upang
ipagpatuloy ang aking binabalak… ang himagsikan. Dahil sa iyo’y napawi ang
aking pag-aalinlangan na isakatuparan ito.

Tumayo si Simoun at umaliwalas ang kanyang mukha.

Simoun: Nabigo ang kilusan dahil sa aking pag-uurong-sulong. Nagkaroon ako ng


pag-aalinlangan nang dumating na ang sandali ng panganib dahil may
pinakaiingatan akong pag-ibig sa aking puso. Hindi ko hawak ang aking sarili dahil
umiibig pa ako. Ngayon ay patay na ang aking pag-ibig. Hindi na ako
magdadalwang isip pa dahil muli mong binuhay ang aking damdamin upang
kumilos.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Simoun.

Simoun: Kung hindi nga lang sana huli na, higit tayong nakapagtulungan noon.
Ako sa mataas na antas ng lipunan ang siyang magsusulsol upang higit na maging
mapag-imbot at upang itulak ang mga matuwid sa namawalan ng katuwiran. Ikaw
naman ang siyang manggigising sa kanilang dugo.

Simoun: Ngunit hindi na bale. Kung hindi man tayo nakasumpong ng isang
makinis na estatwa, hayaan na lamang natin ang mga magaspang na batong ating
tapyasin ang humubog ng kanilang bukas.

Nagpunta sila sa laboratoyo at doon ipinakita ni Simoun ang kanyang produkto.


Nasa gitna ang isang ilawan na ang hugis ay bunga ng granada at pati ang
magaspang na balat nito ay tulad ng nasabing prutas. Tinanggal ni Simoun ang
mitsa.

Nabasa ni Basilio ang nakasulat na pormula, nitro-gliserina. Napabulalas ang


binata.

Basilio: Pampasabog!

Simoun: Tama ka, nitro-gliserina! Ngunit higit pa ang bisa nito sapagkat ito’y luha
ng mga sawinpalad, mga tinitimping galit at kawalan ng katarungan, mga
pagdurusang naghihintay ng paghihiganti! Sa iyong pagdating ay nawala ang
aking pag-aalinlangan. Pasasabugin nito ang mandarahas at mapagsamantala.
Maririnig ng lahat ang malakas na pagsabog ng kasamaang aking pinasingaw ang
amoy.

Hindi nakakibo si Basilio.

Simoun:Isang malaking kasiyahan ang magaganap. Ilalagay ko ang ilawang ito sa


kinaroroonan ng mga piling panauhin at mga pararangalan. Magbibigay ito ng
ibayong liwanag sa buong paligid na pagdarausan ng pista hanggang tuluyan
itong lumabo pagkalipas ng dalawampung minuto. Tiyak na may lalapit ipang
itaas ang mitasa ng lamparang ito. Sa oras na itaas ang mitsa, sasabog ang
lampara kasama ang buong kabahayan at walang sinuman ang makakaligtas.

Basilio: Kung ganoon ay wala pala akong maitutulong.

Simoun: May iba kang gagawin. Ganap na alas nuebe ng gabi ay sasabog ang
bomba. Hindi na mauulit ang naging kabiguan noon dahil sa kasawian ng
namumuno. Ngayon ay nandito ka na kaya’t hindi na mangyayari ‘yon. Sa oras na
marinig nila ang pagsabog ay magsisilabasan ang mga armado na pinag-uusig,
mga inapi at kapuspalad upang makipagtagpo kay Kabesang Tales sa may St.
Mesa. Sa kabilang dako ay magsisilabasan ang kannilang mga kuwartel ng mga
sundalong pinaniwala kong may magaganap na pag-aalsa upang magkaroon ng
dahilan ang Heneral upang manatili. Babarilin nila ang sinumang ituro ko.

Basilio: Lahat?
Simoun: Oo, lahat. Kailangang baguhin ang lahi. Ano, Basilio? Natatakot ka ba?
Kinikilabutan? Ano ba ang kamatayan ng dalawampung libong katao kumpara sa
milyong sawimpalad na maliligtas na maisilang?

Hindi nakasagot si Basilio kaya’t nagpatuloy si Simoun.

Simoun: Kailangang malipol ang mga masasama. Mula sa dugong dadanak ay


maisisilang ang isang malagong lahi na hindi kailanman magpapaapi at
magpapaalipin.

Basilio: Sige, sang-ayon ako. Ano ba sa’kin kung sila’y pumalakpak o mangutya?
Ang mundo ay walang malasakit sa mga taong api, mga kawawa at babaeng
mahina. Nakit ko pagmamalasakitan ang lipunang jidni nagmamalasakit sa’kin?

Simoun: Iyan ang gusto kong marinig sa’yo Basilio!

Masayang wika ni Simoun sabay kuha ng rebolber sa isang kahon.

Simoun: Hintayin mo ako ng alas diyes sa harapan ng simbahan ng san Sebastian


upang bigyan kay ng huling tagubilin. Tandaan mong sa oras pa lamang ng alas
nuebe ay dapat malayong-malayo ka na sa Kalye Analoague.

Kinuha ni Basilio ang rebolber, kinargahan ng bala at saka itinago sa bulsang


panloob ng suot na amerikana. Nagpaalam na siya.

Basilio: Hanggang mamaya!

KABANTA 34: ANG KASAL NI PAULITA

Nasa lansangan si Basilio at tumungo kila Isagani upang makituloy. Habang


naglalakad, nakita niyang dumating ang karwahe ng bagong kasal kung saang
lulan sina Paulita at Juanito. Napabulalas si Basilio.

Basilio: Kaawa-awang Isagani! Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Nakita ni Basilio si Simoun na dala ang isang regalong nakabalot. Naglalakad ito
kasunod ang tila prusisyon ng mga tao.

Naglakad si Basilio patungong Kalye Analoague sapagkat doon ang tungo ng halos
lahat ng bisita.

Ang mga dakilang panauhin ay nasa malaking lamesa na nakalagay sa asotea.


Nagkakasiyahan ang lahat at makikitang pinalulugran ni Don Timoteo ang Kapitan
Heneral na kung naisin man nito na kumain ng tao ay tiyak nagagawa ng isang
malaking krimen si Don Timoteo.

You might also like