Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Yellow Jaguars, pinatalsik ang Ranging Lions, 3-0

Sa unang pagkakataon tagumpay na naabot ni Maximo Jr. Salazar ang unang pwesto sa laro ng Table
Tennis Single A Boys laban sa katunggaling si Justin Lustico na manlalaro mula sa koponan ng Ranging
Lions na naganap na Intrams 2023 sa ika-8 ng Nobyembre taong 2023 sa puntos na 11-9, 11-7, 11-8.

Kasabay ng makulimlim na panahon at malalakas na palo ng mga raketa ni Maximo agad naging mainit
ang labanan sa apat na sulok ng TVL- building ng PNHS. Sa puntos na 11-9 kapansin pansin agad ang
kagalingan at kahusayan ng labing apat na taong gulang na si Maximo.

Patuloy naman ang paghabol ni Lustico sa matataas na puntos ni Salazar ngunit mas bihasa na kung
tawagin ang manok ng yellow jaguars sa paggamit ng raketa at pagpasa ng bola maging ang pagtanggap
nito.

Sa pagpatuloy ng laro para sa ikalawang set, napanatili pa rin ni Maximo ang matataas na puntos na,
11-7. Tila isang eksperto na na manlalaro si Maximo kahit na ito ang unang beses ng kaniyang paglahok
sa larangan ng isports.

Sa huling yugto naman ng laro napanatili uli ni Salazar na masungkit ang huling pagkapanalo sa puntos
na 11-8 naipanalo niya ang laro bunga ito ng kaniyang mga istratehiya sa laro ayon sa kaniya isang
kalamangan sa kaniya ang hindi maayos na pagtira at pag-salo ng bola ng katunggali.

Sa panayam ni Salazar, pinag-aaralan niya ang laro bago sumalang, inaral at isinaulo ang iba't ibang
istratehiya. "Gin adman ko hin maupay weeks before pa han game, para machieve ko akon goal ngan
ma-select ha tiarabot nga District Meet 2023" ani niya.

Payo pa niya sa mga kapwa Athleta na "Pinsara pirme nga madaog, ayaw pinsara an mga malain nga
matatabo, always do your best and believe in yourself" pahayag ni Salazar.

Samantala, gintong sertipiko naman ang kaniyang natanggap na parangal, habang ang katunggali na si
Dustin ay nakatanggap ng sertipiko bilang parangal sa laro.

You might also like