Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PINAGMULAN NG APLAYA

(KASAYSAYAN NG BARANGAY APLAYA)

BARANGAY APLAYA (KAMALIGAN)


4 SITIO’s - SITIO PITONG GATANG
SITIO KANLURAN
SITIO SILANGAN
SITIO DAO
TOTAL HECTARES - 86.20
TOTAL HOUSEHOLDS - 992
TOTAL POPULATION AS OF 2022 - 3906

Nagsimulang dumaloy ang buhay sa Nayon ng Aplaya noong taong 1882


noong ito ay latian pa at tinitigilan pa ng tubig , ngunit ito ay paminsan –
minsan ding nagkakaroon ng pansamantala o panandaliang pagkati na
siyang naging dahilan ng lakas loob na pagtigil at pagtatayo ng Kamalig
ni Ginoong Angel Lara , isang dayuhan , na sinasabing siyang unang
taong nanirahan sa lugar na ito na taglay ang kaniyang Pukot na
ginagamit sa panghuhuli ng isda na kasama ang ilan niyang mga tauhan.
Dito’y tumitigil lamang sila kung araw at kung sumasapit na ang gabi ay
lumilikas sila patungo sa Nayon ng Linga , kung saan ang Aplaya ay
kabahagi pa ng Nayon ng Linga , sa pangambang kung magkaroon ng
sigwada sa dagat o magkaroon ng paglakas ng hangin at malakas na
buhos ng ulan sila ay mapahamak sapagkat tumataas ang tubig sa lawa
at tinatabunan nito ang lupa ng Aplaya . At dahil sa mayaman sa mga
pagkaing dagat ang lawa ng Laguna at madami ang nahuhuli dito sa
pangigisda . Makalipas ang ilang taon ay muling mayroong sumubok
manirahan dito taong 1884 sa katauhan ni Ginoong Gervacio De
Guzman na sinasabing nagbuhat pa sa bayan ng Sta Rosa Laguna . At
sinundan ito ng pamamalagian nina Ginoong Tobias Ramos at Francisco
Reyes na parehong naninirahan sa Nayon ng Linga at ng taong 1890 ay
nanirahan na din si Ginoong Juan Milendres na nagbuhat pa sa bayan
ng Rizal.

Sinasabing noong 1896 ng pumasok na rito sa Pilipinas ang mga


Amerikano ay nagkaroon ng isang pangyayari sa lugar na ito , ito ay
kinanyon ng mga Amerikano sa pag aakala na ang lugar ng Aplaya ay
pinaninirahan o pinagkukutaan ng kanilang kalabang mga Hapon o mga
masasamang loob. Subalit sa kanilang pagsisiyasat ng ilang araw ay
wala silang nakitang mga kalaban na nagkukuta sa Aplaya kung kaya
ang mga ilang naninirahan na dito ay nagpatuloy ang pamumuhay at
hindi umalis . At sa paglipas ng mga taon ay dumarami na ang
naengganyo na manirahan at nagsipagtayo na rin sila ng maliliit na
mga kamalig at patuloy nilang tinatambakan ang lugar na kanilang
ginagalawan o tinitirikan . At dahil sa mga kamalig ang mga pinatayong
bahay ang mga nakatayo o nakatirik dito , kung kaya ang lugar na ito ay
tinawag ng marami na “KAMALIGAN”. At noong taong 1901 , si
Ginoong Francisco Ramos anak ng Ginoong Tobias Ramos na isa sa
unang nanirahan sa Kamaligan , ay nagpasiyang bilihin ang Pukot ni
Ginoong Angel Lara at isinama niya ang kaniyang mga pinsan na sina
Victor De Leon at Simeon De Leon upang kanilang makasama at
makatulong sa pag aasikaso ng Pukot .

At sa paglipas ng taon ay gumanda ng paunti unti ang takbo ng buhay at


sumilay na ang kabihasnan , may mga tao ng nakakaluwas ng Maynila sa
pamamagitan ng pagsakay nila sa Bapor na kung tawagin noon ay
“TAGA – DITO” . At dahil sa ang Kamaligan ay malapit at nasa tabing
Dagat ay tinawag na din itong Aplaya na ng kalaunan ay mas madami na
ang tumatawag ditong Aplaya kaysa Kamaligan. Naging magaan ang
pamumuhay sa Aplaya 0 Kamaligan dahil sa masaganang huli ng isda na
nahuhuli ng mga mangingisda na naninirahan dito . At habang tumatagal
ay napapamahal at nagkaroon ng pagmamalasakit ang mga tao dito
kung kaya sinikap nilang malagyan ng mga daan na maaaring madaanan
ng mga paragos na hinihila ng kalabaw.

Noong taong 1919 ay bumagyo at lumubog ang lugar na ito ng


Kamaligan o Aplaya at ang mga tao ay lumikas patungong Linga at doon
muna pansamantalang nanirahan habang malaki pa ang tubig. At ng
muling humupa at mawala na ang tubig ay muling nagsibalikan ang mga
naninirahan dito at kanilang muling niyari , itinayong muli at inayos ang
kani- kanilang Kamalig . Muli din nilang inayos ang kanilang magiging
daan o silbing kalsada(lupang patag). Sa pangunguna ng magpinsang
Francisco “Kikoy” Ramos at Simeon De Leon ay humingi sila ng tulong
kay Gobernador Juan Cailles upang muling maipatayo at maisaayos ng
mas matibay ang magiging Kalsada . Ang kahilingan na ito agad naming
tinalima ni Gobernador Juan Cailles , siya ay nagpadala ng mga baka
kasama ang mga ilang bilanggo para mabilis na maisaayos o magawa
ang nasirang kalsada na lupang patag . Habang lumilipas ang panahon
ay madami sa karatig bayan at mga taga ibang lugar ang naeengganyo o
naaakit na manirahan sa Aplaya sa kadahilanang maginhawa ang
pamumuhay dito sa pamamagitan ng pangingisda , pananalap ng hipon
at dulong , at pagsama sa pamumukot.

Nang sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig ay marami na ang


nakakapamuhay dito ng mariwasa at sagana sa pamamagitan ng
kanilang paghahanap-buhay sa dagat sa tulong ng kanilang mga Pukot
nina Ginoong Francisco Ramos , Maximiano Ambagan at Getulio
Ravelas. Kasabay din ng kanilang pangingisda ay kanilang ginawang
hanapbuhay din ang pag aalaga ng mga itik .

Sinasabi noong taong 1943 , ang lugar ng Aplaya ay muntik ng masunog


ng mga Hapon sapagkat ito ay kanilang binalakang bombahin upang
makagawa ng daan patungong bayan ng Pila , at dahil sa maagap na
pagdating ng mga ROTC na pinamumunuan ni Lt. Akong at Lakbay ay
kanila itong napigilan . Ng muling manumbalik ang kapayapaan noong
taong 1945 , ay lalong naging masigla ang pamumuhay ng mga
naninirahan sa Aplaya , at dahil sa masipag na pagtatambak ng mga
susong pinagkainan ng mga itik ay tumaas ng tumaas ang lupang
kinatatayuan ng kanilang mga tahanan at ng buong lugar na kanilang
ginagalawan. At ng mahalal na Pangulo ng Bansa ang Pangulong
Ramon Magsaysay at nahalal na Diputado (kinatawan ng halal na tao) si
Kinatawang Jacobo Z. Gonzales noong 1953 , ang Aplaya ay lalong
gumanda sapagkat ang kalsadang lupang patag na kanilang dinaraanan
na nagiging lubluban ng mga kalabaw kung tag ulan at hindi
madadaanan kung nakasapatos , ng dahil sa matalinong at masipag na
pamamaraan ay naipagawang semento ni Kinatawan Jacobo Z. Gonzales
sa tulong na pakikiisa ng natalagang Tiniente Del Baryo (Kapitan)
Pascual Ravelas kaisa ang mamamayan ng Aplaya . At sa taon ding ito
sa kanilang panunungkulan ay nagkaroon ng sariling Paaralan ang
Aplaya mula una at ikalawang baitang lamang.
At noong taong 1957 , ay nakikita at nasasalamin na ang pag unlad ng
Aplaya kung kaya ninais na itong magpahiwalay o magsarili bilang isang
Baryo. Binalak nina Ginoong Magno De Leon , Isidro Reyes at Ireneo
Del Rosario na ihiwalay at ikuha ng sertipiko ng pagsasarili bilang isang
Nayon ( Barangay) ang Aplaya na noon ay kabilang na isa sa Sitio ng
Nayon ng Linga. Subalit sa kadahilanang ang tatlong ito ay wala pang
sapat na kaalaman kung paano ang mga hakbang at gagawin sa kanilang
pagnanais na maihiwalay at mapagsarili bilang isang barangay ang
Aplaya sa kabila ng kanilang masidhing pagnanais ay pansamantala
muna nila itong isinantabi at napagkasunduan na pag aralan muna ang
mga hakbang na gagawin para dito. Taong 1959 ay kanilang
ipinagpatuloy ang kanilang adhikain na ihiwalay sa Nayon ng Linga ang
Aplaya upang sa gayon ay maging isang ganap na Nayon(Barangay) na
ito, kanilang kinausap si Ginoong Benjamin Sanvictores na noon ay
napatigil sa pag aaral sa batas na maging katulungin sa mga hakbang
para sa kanilang adhikain na mapagsarili ang Aplaya at gawing ganap
na Nayon(Barangay). Sila ay nagpunta sa Pamahalaang Panlalawigan
upang humingi ng Bagong Karta ng Nayon upang kanilang mapag
aralan at ginamit na batayan kung dapat ba na maging Nayon ang
Aplaya. At sa kanilang masusing pag aaral at dahil sa nasasaad sa
Bagong Karta na Nayon na ang Aplaya ay mayroon ng sapat na
kakayahan at karapatan na maging Nayon ay kanilang isinaayos ang
lahat ng mga kailangang papeles at dokumento na kailangan nilang
irepresenta at ipakita. Sa pagtutulungan nila Ginoong Magno De Leon,
Ginoong Isidro Reyes, Ginoong Ireneo Del Rosario, Ginoong Elpidio
Ravelas , Ginoong Mariano Sanvictores, Ginoong Exequiel Balbieran ,
Ginoong Arsenio Ello, Ginoong Paquito Kolimlim, Ginoong Francisco
Baya, Ginoong Nolasco Dela Cruz, Ginoong Felipe Tandang na mga
tinaguriang Labing Isang Ilaw , sa tulong ni Ginoong Benjamin
Sanvictores , palibahasa’y susog sa batas ang ipinaglalaban ng mga
Taga Aplaya at napatunayan na mayroon ng kakayahan na maging
ganap na Nayon ang Aplaya ay madali nilang nakuha ang ganap ng pag
sang-ayon ng buong Konseho Municipal sa pangunguna ng noo’y Bise
Alkalde Antonio Pascual , at nakuha rin nila ang pagsuportang pagsang-
ayon ng buong Hunta Provincial sa pangunguna ni Gobernador
Felicisimo T. San Luis sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mahigpit na
kalaban na sina Ginoong Pascual Ravelas at Vicente Pillas na noon ay
nakatalagang Assistant Provincial Treasurer na tahasang tumututol na
maging isang ganap na Nayon ang Aplaya subalit sila ay nabigo sa
kanilang pagtutol kung kaya tuluyang nakamtan ang paghiwalay ng Sitio
Aplaya sa Nayon ng Aplaya at maging ganap na sariling Nayon , dhil
dito ay tuluyan ng itinalaga na matatag na ganap na Nayon ang Aplaya
noong “AGOSTO 29, 1961” at naging isang matatag na Nayon na
kabilang sa Labingpitong Nayon sa Bayan ng Pila.

At dahil sa naging ganap na Nayon(Barangay) na ang Aplaya kung saan


mayroong tatlong Sitio at ito ay ang Sitio Silangan , Sitio Kanluran at
Sitio Pitong Gatang ay nararapat lamang na maisaayos ang pamumuno
sa Bagong Nayon ng Aplaya susog sa Bagong Karta ng Nayon kung kaya
napagkasunduan na manatiling Tiniente Del Barrio (Punong Barangay)
si Ginoong Ireneo Del Rosario bilang kauna unahang lider ng Nayon. At
nahalal naman na mga Segunda Tiniente Del Barrio si Ginoong Magno
De Leon sa Sitio Silangan , Ginoong Isidro Reyes sa Sitio Kanluran , si
Ginoong Paquito Kolimlim sa Sitio Pitong Gatang at ang mga Kagawad
naman ay si Ginoong Francisco Baya sa Sitio Silangan , Ginoong
Nolasco Dela Cruz sa Sitio Kanluran, si Ginoong Felipe Tandang sa
Sitio Pitong Gatang , Ginoong Benjamin Sanvictores bilang Kalihim at
Major Edilberto Ramos bilang Ingat Yaman.

At simula nga ng naging sariling Nayon at ganap na Nayon ang Aplaya


sa pangunguna ng tinaguriang Labing Isang Ilaw noong ika Agosto 29,
1961 at nagkaroon ng pamunuan ng mga Lider na mangunguna sa
Nayon ng Aplaya ay naging tuloy tuloy ang pag unlad , pagdami ng mga
naninirahang residente sa kabuuang lupa na 82.20 hectares na hinati
hati sa apat Sitio na Sitio Silangan , Sitio Kanluran at Sitio Pitong
Gatang . At dahil sa ginawang lupang alagaan ng mga itik ang dulong
bahagi ng Silangan ay idineklara na rin itong isang sitio ng Nayon ng
Aplaya sapagkat mayroon na ding mga residente ang nagtayo ng
kanilang mga kamalig at kabahayan kung kaya ito ay tinawag na Sitio
Dao . Kung kaya ang Nayon ng Aplaya ay idineklarang mayroong apat
na Sitio at ito ay ang Sitio Silangan , Sitio Kanluran , Sitio Pitong
Gatang at Sitio Dao. At simula noong taong 1963 ay nagkaroon ng
paghalihalili sa pamumuno sa Nayon ng Aplaya na may kani-kaniyang
naiwang bakas ng paglilingkuran bilang lider ng Nayon ng Aplaya. At ito
ay nagpatuloy hanggang sa taong kasalukuyan.

===============the End===================

Mercie V.
Tumbagahan
Kalihim

You might also like