Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Alamat ng Ginto

Isinulat ni: Lujelle Ann P. Bermejo 8 - Sobriety

N oong unang panahon, sa isang liblib na


nayon, may isang makisig na binatang
nagngangalang Gino. Si Gino ay
mayroong maamong mukha at kapansin-pansin sa
kaniyang pisikal na kaanyuan ang kanyang
makikinanang na mga mata. Tuwing nasisikatan
ito ng araw ay mas lalo itong kumikinang na mas
lalong nagpapaakit sa paningin ng ibang tao.
Ginoo ang pangalan ng kaniyang ama, at
dito rin nahango ang kaniyang pangalan na Gino.
Si Gino ay magaling ding sumayaw. Kung kaya’t maraming
humahanga sa kaniya sa kanilang nayon. Isa na dito si Leona. Si Leona ay
isang napakagandang dilag na anak ng datu sa kanilang nayon.
Tuwing nagkakaroon ng patimpalak sa kanilang nayon ay todo ang kaniyang
pagpapaganda lalo na’t kapag alam niyang sasali si Gino.
Palagi siyang nakaupo sa unahan kapag may mga patimpalak at
ginagawa niya ang lahat mapansin lang siya nito. Subalit parang hangin lang
siya na hindi man lang napagtutuonan ng pansin o kahit na man lang ay
nasusulyapan ni Gino.
Kaya’t minsan ay natanong niya ang kaniyang sarili;
“Panget ba ako? Bakit hindi man lang ba ako magawang pansinin o di kaya’y
sulyapan ni Gino?”
Ngunit may naisip siyang plano upang magpapansin kay Gino. At ito ay
ang sumayaw sa patimpalak sa darating nilang pyesta bago magsimula ang
labanan.
Nagsimula na ngang maghanda si Leona para sa paparating na
labanan. Mga ilang araw bago ang pyesta ng kanilang nayon ay hindi na siya
makapaghintay pa. Gusto na niyang magpakitang-gilas kay Gino at gusto
niyang siya lamang ang makita o maging laman ng alaala nito.
Nang dumating na ang araw ng patimpalak ay sobra siyang nag-ayos at
nagpaganda, kasama rin niyang sasayaw ang kaniyang mga alipin.
Nang magsimula na silang sumayaw ay labis ang tuwang nararamdaman ni
Leona sa mga panahong iyon sapagkat mukhang nakatuon na ang atensyon ni
Gino sa kaniya.
Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, hindi ito sa kaniya nakatingin
kundi sa kaniyang alipin na si Fira, na nasa likod niya lamang…
Nang matapos ang kanilang sayaw ay agad silang naupo at nagpahinga.
Nanuod sila sa mga ipinakitang sayaw ng mga kasali sa kompetisyon, at isa na
dito si Gino…
Titig na titig si Leona kay Gino, mistulang nakatitig din ito sa kaniya
sapagkat nakatuon ang atensyon nito kay Fira, na nasa likod lamang niya, at
pinagsisilbihan siya.
Habang sumasayaw pa rin si Gino, maya-maya pa’y mistulang tumigil ang
mundo. Dalawang pares ng mga mata ang nagtitigan ng may halo-halong
emosyon ang nararamdaman.
At ito rin ang naging sanhi ng pagkaukit ng isang matamis na ngiti sa labi ni
Gino. Dahil dito, ay mas lalong naghiyawan ang mga tao sa paligid at
mistulang mas lalo pang nagliwanag ang kapaligiran dahil sa kumikinang na
mata ni Gino.
Huli na ng mapansin ni Leona na hindi pala siya ang nginitian ni Gino
kundi ang binibining nasa likod niya, at ito ay si Fira.
Labis ang kaniyang galit at pagkainggit kay Fira. Iniisip niya kung ano ba
ang naging kulang sa kaniya at hindi siya ang napili ni Gino na maging laman
ng puso’t isipan nito.
Hindi na pinatapos ni Leona ang panonood ng sayaw ni Gino at dali-
dali siyang umalis kasunod ng kaniyang mga alipin.
Nagpunta sila sa kaniyang silid at dito na siya nagsalita, ngunit makikitaan
mo ng poot ang kaniyang mga mata. Pinaalis niya ang lahat ng kaniyang mga
alipin maliban na lamang kay Fira. At dito niya ito inusisa kung ano nga ba
ang namamagitan sa kanila ni Gino.
Dito na inamin ni Fira na sila’y magkasintahan ni Gino. Humingi rin
siya ng tawad kay Leona sapagkat kahit na alam niyang may pagtingin ito
kay Gino ay inibig niya parin ito.
Ngunit wala namang ipinakitang masamang reaksyon si Leona sa kaniya,
bagkus ay pinagpahinga na siya nito mula sa kaniyang pagsisilbi.
Nagtataka man ay umalis na lamang si Fira sa tahanan nito at nagkita
rin sila ni Gino ng araw na iyon. Dito sila nagkasamang mamasyal sa buong
nayon. Nagkaroon din sila ng pangako sa isa’t-isa na silang dalawa lang ang
magmamahalan hanggang sa kanilang huling hininga.
Nasaksihan ni Leona ang buong pangyayari na ito at labis siyang
nagalit lalong-lalo na kay Fira . Kaya bumuo siya ng isang plano…
‘Sa ngalan ng pag-ibig, hahamakin mo ang lahat, mawalan lamang ng
sagabal ang inyong pagmamahalan.’

Magtatakip-silim na nang magpasyang umuwi si Fira galing sa kanilang


pamamasyal ni Gino. Nagpresenta pa nga itong ihatid siya ngunit bigla itong
pinatawag sa isang pagpupulong. Kaya’t hindi na siya tumutol. Katwiran
niya, may mga obligasyon pa ding dapat gampanan si Gino, at hindi dapat
siya maging sagabal dito.
Pauwi na sana siya ng may dalawang kalalakihan ang humarang sa
kaniyang dinaraanan. At dito na naganap ang hindi inaasahang pangyayari.
Gabi na nang makauwi si Gino sa kaniyang tahanan galing sa kanilang
pagpupulong. Sobra siyang napagod kaya’t nahiga siyang kaagad. Ngunit
ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay may kumatok sa kaniyang
pintuan. Pagkabukas niya ng kaniyang pintuan ay wala siyang nakitang tao,
ngunit may nakalagay sa sahig na isang kahon.
Bigla siyang nilukob ng matinding kaba, lalo na nang makita niya kung
ano ang laman nito. Isang PUSO! Puso ng isang tao! Amoy na amoy pa niya
ang masangsang na amoy nito kung kaya’t bahagya niya itong nilayo sa
kaniyang katawan.
Hindi niya maisip kung bakit sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso,
kinakabahan siya. Mistulang may hindi magandang nangyari.
Gustuhin man niyang puntahan si Fira sa tahanan nito, ayaw niya
naman itong ma-estorbo sa pagtulog. Kung kaya’t ipinagpabukas na lamang
niya ang pagkausap dito.
Ngunit nang gabing iyon, nahirapan siyang makatulog.

K ibanukasan, parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Gino nang


malaman niya ang nangyari kay Fira. Ito ay nakita sa gitna ng plaza
sa kanilang nayon na isa na lamang malamig na bangkay. Karumal-
dumal ang ginawa sa bangkay nito. Puno ng saksak ang kaniyang katawan.
At labis ang paghihinagpis ni Gino sa hindi makatarungang pagpatay sa
kaniyang pinakamamahal.
Dinala niya ang bangkay ni Fira sa tapat ng kaniyang bahay at dito ito
inilibing. Matapos ang kaniyang pagluluksa ay pinuntahan niya ang
nagpagawa ng karumal-dumal na krimen. At ito ay walang iba kundi si
Leona.
Matagal na niyang naririnig ang usap-usapan na may pagtingin sa kaniya ang
dalaga. Ngunit ipinagwalang-bahala na lamang niya ito. Subalit nasisigurado
niyang ito ang nagpapatay kay Fira sapagkat binalaan siya nito noong
nakaraang gabi. Natatandaan pa niya ang tinuran nito;
“Layuan mo si Fira…” Ngunit umayaw siya sa iniutos nito.
“Kung hindi mo siya lalayuan, ako na mismo ang gagawa ng paraan upang
MAWALA na siya sa landas NATIN!”
Pagkarating niya sa tahanan nito ay agad niya itong tinanong kung ito
ba ang nagpapatay kay Fira. Nung una ay ipinagkaila pa ni Leona na siya ang
nagpapatay dito, ngunit di kalauna’y umamin ito na siya nga ang nagpapatay
sa binibini.
Dahil sa nalaman ni Gino ay biglang kuminang ng napakaliwanag ang
kaniyang mga mata. Marahas niyang hinawakan ang mga braso ni Leona.

Aawatin na sana ng mga kawal si Gino ng bigla sila nitong tinignan at


nahinto sila sa kanilang kinatatayuan pagkatapos ay naging isang makinang
na rebulto. Dahil sa nasaksihan ay natakot si Leona at papalag na sana siya
mula sa pagkakahawak ni Gino sa kaniyang braso nang siya naman ang
tinignan nito at naging isang makinang rin na rebulto si Leona.

Nagwala ng husto si Gino. Lahat ng kaniyang nakikita o di kaya’y


nahahawakan ay nagiging isang makinang na rebulto.
Huli na nang kaniyang mapagtanto na siya na lamang ang natitirang
tao sa kanilang buong nayon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding
kalungkutan dahil sa pag-iisa. Nagsisisi siyang pinairal niya ang galit.
Mga kabahayan, mga pananim, mga puno, mga hayop at maging ang
mga tao ay naging makinang na rebulto.
Kaya bilang pagrespeto sa mga ito ay ibinaon niya sa ilalim ng lupa ang
mga ito sa mismong lupain ng nayon. Ilang araw din ang kaniyang ginugol
upang matapos ang paglilibing niya sa mga taong rebulto. Nang matapos na
siya ay nilisan niya ang nayong iyon at tumira sa tuktok ng isang bundok ng
mag-isa.
Doon siya nanirahan ng tuluyan hanggang siya’y tumanda at pumanaw.
Sa kasalukuyang panahon, may mga taong pumunta sa nayon nina
Gino upang magtayo ng estruktura at namangha ang mga ito sa nakita nila sa
buong nayon na mga makikinang na bagay. Pati na rin ng magbungkal sila
ng lupa ay may nakita din silang makikinang na rebulto. Kung kaya’t naisip
nilang maaaring pagkakitaan ito.
Maya-maya pa’y may isang matandang babae ang sumulpot;
“Iyan ang kagagawan ni Gino. Isang binatang nagmahal ng lubusan sa isang
hamak na alipin lamang. Sadyang tunay at wagas ang pag-ibig niya sa
binibini. Nang pumanaw ito, labis ang kaniyang galit at poot sapagkat ito
lamang ang babaeng minahal niya, hanggang sa kaniyang huling hininga, ito
ay ayon sa kaniyang ipinangako, sa pinakamamahal na si Fira…At ako
naman si Leona…
Pagkatapos ay naging isang napakagandang rebultong makinang ang
matanda. Dahil sa tinuran nito ay tinawag na lamang ng mga trabahador na
Gino ang mga makikinang na bagay. At nang tumagal ang panahon, naging
GINTO ang katawagan dito, dahil na rin sa pagsasalin-salin ng mga
lenggwahe.
Gintong Aral: ‘Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sa’yo dahil
marami pa naman diyang ibang tao na pwedeng magmahal sa’yo. ‘Wag mo
ring hayaang manaig sa’yong sarili ang galit at pagkainggit dahil, minsan
nauuwi ang lahat sa masamang pangyayari. Tandaan mo! Nasa huli ang
pagsisisi, tao lang tayo, at hindi natin makakayang ibalik ang lahat sa dati…

You might also like