Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ESP REPORTING: PAGMAMAHAL SA BAYAN AT KALAGAHAN NITO

TODAY’S ADVICE:

Jose Rizal

"....Mamahalin ko ang aking kaawa-awang bayan at mamahalin ko hanggang kamatayan, kahit na ang
iba ay hindi naging makatarungan sa akin, magiging maligaya pa rin ako, nasisiyahan sa aking dinanas.
Ang aking kahapon, kasalukuyan, ang angking buhay, pag-ibig at kaligayahan ay inihahandog ko sa
kanya..."

EXPLANATION:

Ipinapahiwatig ni Jose Rizal ang kanyang labis at wagas na pag-ibig para lamang sa kanyang minamahal
na bayan, ang Pilipinas. Sa pahayag ay isinasaad ang pagiging determinado ni Jose Rizal na maglingkod sa
bayan sa kabila ng anumang balakid na kanyang kakaharapin sa daan, buong katapatan nya itong
ipaglalaban.

Dito ating mahihinuha ang pagiging makabansa ng isang tao. Na sa maraming pagsubok at problema
man ang humarang para mapaglingkuran ang bayang minamahal ay patuloy pa rin ang pagiging tapat
para sa ikakaunlad ng bansa. Ang pagtupad sa ating mga tungkulin, paggalang sa mga batas, pagtangkilik
ng sariling atin ay ang mga kaunting halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Sa huli, sana
lahat tayo ay maging katulad ni Jose Rizal, na kayang ipagtanggol ang sariling bansa, na kayang
manindigan sa kaniyang prinsipyo at paniniwala, na kayang maging determinado at manatiling tapat sa
mga layunin para sa ikabubuti ng ating bayan.

ACTIVITY:
Pass the ball po activity

1. Pagpapasahan po yung bola habang may music

2. Kung kanino nagstop yung bola sya sasagot😁

Activity Questions:

1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?

SAGOT: pinagmulan o pinanggalingan

2. Ang ______________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan

at damdaming bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may

pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

SAGOT : Nasyonalismo

3. Magbigay ng tatlong (3) pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan.


4. Magbigay ng tatlong(3) angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan.

5. Magbigay ng tatlong(3) halimbawa ng paglabag sa pagmamahal sa bayan.

Quiz:
Directions: Ipakita ang masayang mukha (happy face) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at
malungkot na mukha (sad face) naman kung hindi.

1. Patriyotismo ang isa pang katawagan sa pagmamahal sa bayan.

Answer: happy face

2. Hindi paglabag sa pagsasabuhay sa pagmamahal sa bayan ang pagkakalat ng basura sa lansangan.

Answer: sad face

3. Mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Answer: happy face

4. Huwag iwasan ang gawaing hindi nakakatulong.

Answer: sad face

5. Kasama sa karapatan ng tao ang maging bahagi at aktibo sa pakikilahok sa lipunan.

Answer: happy face

You might also like