Banghay Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin

Sa
Araling Panlipunan 10

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag aaral ay matutukoy ang mga


ibat-ibang aspekto ng globalisasyon.
PAMANTAYANG PAGGANAP: Ang mga mag aaral ay makabubuo ng pag-susuri sa
mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.
PAMANTAYANG PAGKATUTO: Ang mga mag aaral ay maipaliliwanag ang pang-
ekonomiya, pampulitikal, sosyo-kultural at teknolohikal ng mga anyo ng
globalisasyon. (AP1OIPE-Ig-17)

I. Mga Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahan na;
a. Natutukoy ang mga anyo o aspekto ng globalisasyon;
b. Nakakagawa ng isang pagsasadula sa mga positibo at negatibong epekto ng mga
anyo ng globalisasyon; at
c. Napapahalagahan ang ibat-ibang tugon sa pagharap sa hamon at epekto ng mga
anyo ng globalisasyon.
II. Paksang Aralin
Paksa: Aspekto ng Globalisasyon
Babasahin: Mga Kontemporaryong Isyu
Eleanor D. Antonio, Arthur S. Abulencia. PhD, Consuelo M. Imperial, Roel G. Lodronio,
at Celia D. Soriano.
Pahina: 120-124
Kagamitan: Libro, Karolina, Mga Larawan, Pandikit, Panulat at iba pa.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
 Paghahanda
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng mga lumiban
a. Pampasiglang Gawain "Patalasan ng Pakikinig"
Panuto: Kapag sinabi ng guro na Tumayo ang lahat ay Uupo at kapag sinabi ng guro na
Umupo ang lahat ay Tatayo.
b. Balik-Aral
1.Ano ang kasaysayan ng globalisasyon?
2.Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng globalisasyon?
3.Paano nakakaapekto ang kasaysayan ng globalisasyon sa kasalukuyang pamumuhay?
c. Pag-ganyak "Pagpapakita ng Larawan"
Panuto: Ang guro ay pipili ng isang mag aaral na maaaring sumagot sa ipinakitang
larawan.

d. Pagtalakay sa Aralin
Globalisasyon- pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-ugnayan at mga
pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, gobyerno at mga bansa sa
buong mundo.
Aspekto ng Globalisasyon
 Ekonomikal
 Sosyo-Kultural
 Politikal
 Teknolohikal
B. Panlinang na Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot
at isulat sa patlang.
Ekonomikal Politikal Sosyo-Kultural Teknolohikal
________1. Pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang bansa.
________2. Pakikinig ng musika at panonood ng palabas sa ibat-bang bansa.
________3. Pag-usbong ng ibat-ibang networking sites katulad ng facebook.
________4. Pag-aangkat o pagpapalitan ng produkto sa ibang bansa.
________5. Pagiging popular ng ibat-ibang kasuotan na nanggagaling sa impluwensya
ng ibang bansa.

b. Pagsusuri
1. Ano ang globalisasyon?
2.Ano-anu ang mga aspekto ng globalisasyon?
3. Paano nakakaimpluwensya ang mga aspekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng
tao?
c. Paglalahat sa Aralin
1. Ano ang mga positibong epekto ng mga anyo ng globalisasyon sa ating pamumuhay?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng Globalisasyon Teknolohikal at Ekonomikal?
3. Gaano ba kahalaga ang mga teknolohiyang umuusbong sa kasalukuyang
pamumuhay?
d. Paglalapat
Panuto:
Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay isasadula ang mga
positibo at negatibong epekto hatid ng mga anyo o aspekto ng globalisasyon sa ating
pamumuhay. Bibigyan lamang ng limang (5) minuto sa paghahanda at tatlong (3)
minuto sa pagprepresenta.

PAMANTAYAN PUNTOS
Kaangkupan ng gawain 15 puntos
Presentasyon 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
Kabuuan 30 puntos

IV. Pagtataya
Panuto: TAMA o MALI. Lagyan ng () kung ang pangungusap ay Tama at (x) kung ang
pangungusap ay Mali. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____1. Ang Globalisasyon ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsanib
ng Ibat ibang prosesosong pandaigdig.
_____2. Ang Aspektong Sosyo-Kultural ay tumutukoy sa paghahatid ng mga ideya,
kahulugan at mga halaga sa buong mundo sa paraang mapalawak at paigtingin ang
mga ugnayang panlipunan.
_____3. Ang Aspektong Politikal ay tumutukoy sa mabilis na ugnayan sa pagitan ng
magka ibang bansa.
_____4. Ang Aspektong Ekonomikal ay sentro ng isyung globalisasyon sa umiinog sa
kalakalan nga mga produkto at serbisyo.
_____5. Ang Aspektong Teknolohikal ay tumutukoy sa pagbabago ng mabilis na
paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta ng malaking impluwensya sa
pamumuhay ng tao.

Tamang Sagot:
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay batay sa ating naging paksa. Paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga sa ibat-ibang tugon sa pagharap sa hamon at epekto
ng mga anyo o aspekto ng globalisasyon. (500 na salita).

Glecy M. Oding
Nagpapakitang-Turo

You might also like