Ang Aso at ang Lobo Oral Reading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aso at ang Lobo

May isang Asnong tahimik na nanginginain sa isang malawak


nadamuhan. Nagulat na lang siya nang may isang gutom na
gutom na Lobong padambang tumalon sa kaniyang harapan.
“Aruy! Aruy!” palahaw na iyak ni Aso.
Takang-taka ang naglalaway pang Lobo kung bakit nag-iiyak
sa sakitang bibiktimahin. Umarte ang Asong papilay-pilay
maglakad.
“Parang awa mo na. Natinik ng matulis na bakal ang kanang
paa ko.Pakitanggal mo ang tinik bago mo ako gawing
pananghalian. Parang awa mona kaibigang Lobo.”
“Hindi mo ako kaibigan. Ayoko lang na matinik din ang aking
lalamunan kung gagawin kitang pananghalian.”
Inangat ng Lobo ang itinuturong paa ng Aso.
“Wala naman akong makitang tinik a.” nagtatakang sabi ng
Lobo.
“Tignan mong mabuti. Aruy!”
Nang yumuko ang Lobo upang muling magsuri ay itinaas ng
Aso ang kanang paa at malakas na sinipa ang bibig ng
mambibiktima. Bagsak ang Lobo. Agad na tumakbo ang Aso
papalayo sa Lobo.

You might also like