FIL9_Q3_M4-ALAMAT-NG-TIMOG-ASYA.docx

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Alamat ng Timog Asya
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Alamat ng Timog Asya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Zimrose R. Pedrera
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Nelia A. Suico
Tagalapat: Zimrose R. Pedrera
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie Estacio – Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief- Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor- Filipino
Lorna C. Ragos – Education Program Supervisor - LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon XI- Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park. Apokon Road, Tagum City


Davao del Norte, Region XI

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Alamat ng Timog Asya

1
Paunang Salita
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

ii2
Aralin
Aralin
1 Alamat ng Timog Asya
1

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo ginigiliw naming mag- aaral!

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga naunang modyul


ng Timog at Timog-Kanlurang Asya. Sa pagkakataong ito, lilinangin ang
kaalaman at pang- unawa mo sa akdang alamat ng Timog Asya lalo na mula
sa bansang Nepal.

Sa araling ito, inaaasahang:


nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan
batay sa usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53);

napatutunayan ang pagiging makatotohanan / di makatotohanan ng


akda (F9PB-IIIf-53);

nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at


pamaraan sa pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-52).

1
3
Subukin Natin

Sa bahaging ito ng modyul, ang iyong paunang kaalaman sa paksang


tatalakayin ay ating susukatin. Basahin at unawain ang mga katanungan at
isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel o kuwaderno. Handa ka
na ba?

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapahayag ng katotohanan?


A. pagsasalita ng daga
B. pagsakay sa mahiwagang tungkod
C. pagtanggap ng mayamang pamilya sa pulubi
D. pagkakaroon ng maraming perlas ng higanteng pawikan

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang di- makatotohanan?


A. pakikipag-usap ng tao sa daga
B. pagrereklamo ng pulubi sa kanyang kapalaran
C. paglalakbay ng malayo upang mahanap ang kasagutan
D. pagsasalita ng dalaga nang makaharap ang lalaking napupusuan

3. Anong pag-uugali ang ipinakita ng salamangkero nang hindi niya


mabitawan man lang ang kanyang mahiwagang tungkod sa loob ng
mahigit isang libong taon?
A. pagkatakot
B. paninibugho sa tao
C. pagkabahala sa kahihinatnan
D. pagkagahaman sa kapangyarihan

4. Anong pag-uugali ang mahihiwatig sa katauhan ng pulubi nang inuna


niya ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili?
A. matibay B. malungkot C. masayahin D. mapagkumbaba

5. Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng pang-abay na


pamanahon?
A. sila B. noong C. ngunit D. pulubi

42
Aralin Natin
Kumusta ang iyong pagsagot sa unang bahagi? Nahirapan ka ba?
Huwag mag-aalala dahil iyan ay ipauunawa pa sa pag-usad ng modyul na ito.
Ngayon sabay nating basahin ang orihinal na akdang alamat na nagmula sa
bansang Nepal.

Ang Buddha at ang Pulubi


Alamat ng Nepal (Kuwentong Bayan)
Halaw mula sa Youtube:https://www.youtube.com/watch?v=zjJFc3D0hFk
Isinalin sa Filipino at Isinabuod ni: Zimrose R. Pedrera

“Ang lahat ng mabubuting gawa ay may karampatang gantimpala”

Noong unang panahon may isang pulubing lalaking namamalimos


upang makapag-ipon ng pagkain. Ngunit sa pagdaan ng mga araw
napapansin niyang nawawala ang kanyang iniimbak at nahuli niya ang isang
daga na siyang may pakana ng pagnanakaw.
Kinausap niya ang daga at sinabihang pagnakawan na lamang ang mga
mayayaman at hindi nila ito mapapansin huwag lang sa isang pulubing
katulad niya. Namangha ang pulubi sa naging tugon ng daga na ito na ang
kanyang kapalaran, hindi siya dapat magkaroon ng higit sa walong pag- aari.

Hindi matanggap ng pulubi ang kanyang masaklap na kapalaran ayon


na rin sa sinabi ng daga at sinabihan siya nitong subukang kausapin at
tanungin si Buddha kung hindi siya sumasang-ayon sa sinabi nito.

1. Sino ang nagnanakaw ng pagkain ng pulubi?


2. Bakit niya ito ginagawa?

Kaya naman nang araw ding iyon ay inumpisahan ng pulubi ang


kanyang paglalakbay upang hanapin ang Buddha. Buong araw ang kanyang
paglalakad hanggang sa abutan na siya ng dapithapon at natagpuan ang
sariling nasa harap at kumakatok sa isang malaki at magarang tahanan.

3
5
Pinagbuksan, pinatuloy at pinakain siya ng mayamang may-aring may
magandang loob. Sa hapag-kainan, tinanong siya nito kung bakit at saan siya
maglalakbay.
Sinagot naman niya itong ninanais niyang makita at tanungin ang Buddha
ukol sa kanyang kapalaran at nang marinig ito ng maybahay ng tahanan ay
nakisuyo itong puwede rin ba silang magdagdag ng katanungan. Hindi nag-
atubili at sumang-ayon ang pulubi na ipaaabot nito ang katanungan ng mag-
asawa sa oras na magkita sila ng Buddha. Ipinatatanong ng mag-asawa kung
ano ang dapat nilang gawin upang makapagsalita ang kanilang anak na
dalagang 16 na taong gulang na.

3. Sino ang nagpatuloy sa pulubi sa kanilang tahanan?


4. Ano ang nais ng mga itong ipatanong kay Buddha?

Kinaumagahan ay nagpaalam at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay


ang pulubi hanggang sa sapitin niya ang hanay ng mga kabundukan.
Nangamba siyang hindi niya kakayaning akyatin ang lahat ng ito. Nang
maakyat niya ang isang bundok ay nakita niya ang salamangkero. Nakiusap
siya ritong tulungan siyang malampasan ang mga bulubundukin. Hindi
naman nag-atubili ang salamangkerong matulungin at pinasakay siya sa
mahiwaga nitong tungkod. Habang nasa himpapawid ay tinanong siya nito
kung saan siya patungo. At kagaya ng naunang nagtanong sinagot niya itong
ninais niyang makita at magtanong kay Buddha ukol sa kanyang kapalaran.
Nakisuyo ang salamangkero na kung maaari ay ipaabot din niya kay Buddha
ang kanyang katanungan sa kung ano ang kanyang dapat gawin gayong ilang
libong taon na niyang gustong makarating ng langit ngunit hindi niya
magawa.

4
6
Nalampasan nila ang mga kabundukan at bumaba ang pulubi mula sa
mahiwagang tungkod. Pinangako nito sa salamangkerong ipaaabot niya ang
katanungan nito kapag nakausap na niya ang Buddha.

5. Sino ang tumulong sa pulubi upang malampasan ang


mga kabundukan?
6. Ano ang katanungang nais din nitong ipaabot kay
Buddha?

Ipinagpatuloy muli ng pulubi ang kanyang paglalakbay hanggang sa


humantong siya sa isang malawak na ilog na may rumaragasang agos ng
tubig. Alam niyang hindi niya kayang tawirin ang nasabing ilog at
pinanghinaan siya ng loob. Walang ano-ano’y may papalapit na higanteng
pawikan sa kanyang harapan at walang kagatol – gatol na inihandog ang
tulong nito upang makatawid ang pulubi sa kabilang dulo ng ilog. Laking
pasalamat ng pulubi sa ginawang pagtulong ng pawikan. Nang makatawid sa
kabilang dulo ay tinanong ng pawikan ang pulubi kung bakit ang layo ng
kanyang nilakbay, tinugon naman ito ng pulubi na ninanais niyang mahanap
ang Buddha at tanungin ito ukol sa kanyang naging kapalaran. Sa narinig,
nakisuyo ang pawikan sa pulubi na kung maaari ay ipaabot nito ang kanyang
katanungan sa kung anong dapat niyang gawin gayong mahigit 500 daang
taon na niyang gustong maging dragon ay hindi pa rin ito natutupad. Hindi
naman nagdalawang-isip ang pulubi at nangakong itatanong niya ang
katanungang iyon sa Buddha sa oras na sila ay magkita.

75
7. Sino ang tumulong sa pulubi upang tawirin ang malawak na
ilog?

lang araw muli ng paglalakbay ang lumipas at napagtagumpayang


marating ang kinaroroonan ng Buddha. Sa pagpasok ay agad na bumati at
yumukod ang pulubi sa harap nito bilang tanda ng paggalang at sinabi niya
rito ang kanyang pakay. Tumango naman ang Buddha nang may paggiliw at
sinabi nitong pagbibigyan niya ang tatlong katanungan ng pulubi. Biglang
nalungkot at napaisip nang mataman ang pulubi sa tinuran ng Buddha
sapagkat may apat siyang katanungan gayong tatlo lamang sa mga ito ang
sasagutin. Humantong ang pulubi sa isang matibay na desisyon at
napagtantong higit na masaklap ang kapalaran ng salamangkerong ilang
libong taon ng gustong makapunta ng langit ngunit hindi nito magawa, ng
pawikan na 500 daang taon ng gustong maging dragon at hindi pa natutupad
at ang mag- asawang ang sinisintang anak ay hindi makapagsasalita nang
tuluyan kung hindi niya mahahanapan ng kasagutan ang mga tanong ng mga
ito.
At dito niya naunawaan na higit na malaki ang kanilang naging
suliranin kaysa sa kanya. Kaya ipinagpaliban niya ang sariling katanungan
at tinanong ang katanungan ng mga tumulong sa kanya upang makausap
ang Buddha.

Sinagot ng Buddha ang tatlong katanungan. Ang pawikan ay magiging


dragon lamang kung hindi ito matatakot na iwan ang kanyang tahanan. Ang
salamangkero naman ay makapupunta ng langit sa oras na bitawan nito ang
kaniyang mahiwagang tungkod. At ang anak ng mag-asawa ay
makapagsasalita sa oras na makita nito ang lalaking nakatakda para sa
kanya. Dala ang mga kasagutan ay masayang nagpaalam at nagpasalamat
ang pulubi sa Buddha at humayo pabalik sa kanyang pinanggalingan.

6
8
Nang magkita silang muli ng pagong, sinabi niya ang kasagutan sa
tanong nito na agad naman nitong ginawa at naging dragon. Bilang
gantimpala, ang naiwang bao nito na puno ng mga perlas ay binigay nito sa
pulubi.

Sa pagkikita nilang muli ng salamangkero ay hindi ito nagdalawang-


isip na ibigay sa pulubi ang kanyang mahiwagang tungkod matapos malaman
ang sagot sa kanyang katanungan at agad itong umangat patungong langit.

At nang sapitin niya ang tahanan ng mag-asawa agad siyang tinanong


ng mga ito sa kasagutan, at siya namang pagbaba ng hagdan ng dalaga nitong
anak. Nang magtama ang paningin nila ng pulubi agad na nahulog ang loob
ng dalaga sa mabuting binatang pulubi at sa di - inaasahang pagyayari
nakapagsalita ito at nagtanong kung ito ba ang pulubing nagawi sa kanilang
tahanan ilang araw na ang nakalilipas. Sa labis na katuwaan ng mga
magulang nito at nang malaman ang kasagutan ng Buddha agad na inayos
ng mga ito ang agarang kasalan ng dalawa. Mula noon namuhay nang
maligaya ang mag-asawa at natagpuan ng pulubi ang kanyang tunay na
kaligayahan.

7
9
8. Ano- ano ang naging kasagutan ng Buddha sa mga katanungan
ng pulubi?
9. Paano nakamit ng pulubi ang tunay na kaligayahan?

-Wakas-

Pagsasanay 1: Tiyak na nakapagbigay ng aral ang nabasang kuwento.


Ngayon sagutin natin ang ilang katanungang makatutulong sa atin upang
maunawaan ang kilos, gawi at mga karakter ng mga tauhan sa kuwento.
Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel o kuwaderno.

1. Bakit hindi matanggap ng binatang pulubi ang kanyang kapalaran batay


sa tinuran ng daga? Ito ay dahil…
A. gusto niyang magnakaw
B. hayop ang daga at hindi ito Diyos
C. gusto niyang patunayang maaari pa siyang umasenso
D. pinangarap niyang maging mayaman sa pamamalimos

2. Anong gawi ang ipinahihiwatig ng kawalan ng boses ng anak na babae sa


kuwento?
A. respeto sa mga magulang
B. pagpili ng gustong kausapin
C. kawalan ng kalayaang magsalita
D. pagsuway sa mga magulang o pagrerebelde

3. Anong gawi ang ipinakita ng mag-asawang mayaman, salamangkero at


pawikan sa pulubi?
A. pagkamaawain
B. pagkamasayahin
C. pagkamatulungin
D. pagkamaalalahanin

4. Paano nagdesisyon ang pulubi batay sa pagpili ng kanyang mga


katanungan para sa Buddha?
A. nagmadali siya
B. nag-isip siyang mabuti
C. bumalik siya sa pinanggalingan
D. pinabunot niya ang Buddha sa supot

5. Bakit ayaw iwanan ng pawikan ang kanyang bao o tahanan? Ito ay dahil…
A. natakot siyang umalis sa kanyang nakasanayan
B. gusto niyang manatili sa ilalim ng tubig habambuhay
C. nangangamba siya sa kanyang sariling kaligtasan
D. gusto niyang may pananggalang siya sa lamig ng panahon

10
8
Gawin Natin

Nagustuhan mo ba ang kuwento? Alam mo ba


na ang binasa nating akda ay isang alamat. Ano nga
ba ang kahulugan ng alamat?
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay
ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan
sa kasaysayan.

Opo nagustuhan ko po, lalo na ang aral at mensahe na hatid


nito. Kaso lang po medyo naguguluhan po ako, kung ganyan po
ang kahulugan ng alamat, bakit po parang hindi kuwento ng
pinagmulan ng mga bagay-bagay ang kuwentong ating binasa
hindi katulad ng mga kuwentong alamat natin dito sa Pilipinas?

Magandang katanungan iyan! Talagang hindi magkatulad


ang kuwentong alamat natin sa Pilipinas at sa ibang mga
bansa sapagkat ayon sa Merriam Dictionary ang Alamat o
legend sa ingles ay “a traditional story sometimes popular
regarded as historical but not authenticated.” At kung isasalin
natin sa Filipino ito’y nangangahulugang “isang kuwentong-
bayan na minsa’y palasak at itinuturing bilang makasaysayan
ngunit hindi napatutunayang totoo o makatotohanan.”

Kaya naman po pala. Ngayon, nauunawaan ko na po. Magkaibang-


magkaiba po ang daloy at kinahinatnan ng kuwentong alamat
natin dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya. Marami
pong salamat.

9
11
Magaling! Wala rin naman tayong itulak – kabigin sa mga
akdang alamat dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa basta
tandaan lang na pinakamahalaga bilang mambabasa
nararapat lamang na masuri mo ang bahaging
nagpapahayag ng katotohanan at di- makatotohanan sa
kuwento nang sa gayon mapagtibay ang lalim ng iyong
pagka-unawa sa mensaheng nais ipabatid ng akda. Mayroon
akong inihandang pagsasanay sa iyo sa ibaba.

Pagsasanay 1. Isulat ang letrang MK kung makatotohanan ang


pahayag at DMK naman kung ito ay di- makatotohanan sa inyong sagutang
papel o kuwaderno.
_____1. Kinausap niya ang daga at sinabihang pagnakawan na lamang ang
mga mayayaman at hindi nila ito mapapansin huwag lang sa isang pulubing
katulad niya.
_____2. Pinagbuksan, pinatuloy at pinakain siya ng mayamang may- aring
may magandang loob.
_____3. Walang ano-ano’y may papalapit na higanteng pawikan sa kanyang
harapan at walang kagatol- gatol na inihandog ang tulong nito upang
makatawid ang pulubi sa kabilang dulo ng ilog.
_____4. Tumango naman ang Buddha nang may paggiliw at sinabi nitong
pagbibigyan niya ang tatlong katanungan ng pulubi. Biglang nalungkot at
napaisip ang pulubi sa tinuran ng Buddha sapagkat may apat siyang
katanungan gayong tatlo lamang sa mga ito ang sasagutin.
_____5. Nang magtama ang paningin nila ng pulubi agad na nahulog ang
loob ng dalaga sa mabuting binata at nagsalita kung ito ba ang pulubing
nagawi sa kanilang tahanan ilang araw na ang nakalilipas.

Sa puntong ito, bilang karagdagang kaalaman, mapapansin natin


na madalas ang mga akdang alamat ay ginagamitan ng mga pang-
abay na pamanahon, panlunan at pamaraan.
Pang- abay ang tawag sa mga salitang nagbibigay turing sa
pandiwa at pang-uri o kapwa pang- abay.
Pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Halimbawa: Natapos ang palabas nang magdapit- hapon.
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng
dulang Pilipino
Ang pang–abay na panlunan naman ay tumutukoy sa pook
na pinangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Maganda ang mga tanawin sa parke.
Nagpaluto ako kina Aling Isang ng masarap na
pagkain para sa aking kaarawan.

10
12
Pang-abay na Pamaraan naman ang naglalarawan kung paano
magaganap, nagaganap o naganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa. Gumagamit ng panandang nang at pangawil na na/-ng.
Halimbawa: Hinawakan niya ako nang mahigpit.

Umalis siya na umiiyak.

Tumawa siya parang baliw.

Sanayin Natin
Isulat ang mga pang- abay na ginamit sa sumusunod na pangungusap
at kung ano ang uri nito sa sagutang papel o kuwaderno. Gawing
gabay ang bilang 1 sa pagsagot.

PANGUNGUSAP PANG-ABAY NA URI NG


GINAMIT PANG- ABAY
1. Noong unang panahon ay
may isang binatang pulubi Noong unang panahon Pamanahon
na ninais makausap ang
Buddha.

2. Nakarating ang pulubi sa


ilog na may rumaragasang
tubig.

3. Bumati at yumukod ang


pulubi nang may
paggalang.

4. Nakasalubong ng pulubi
ang salamangkero sa
hanay ng mga
kabundukan.

5. Dapithapon na nang
dumating at kumatok ang
pulubi sa magarang
tahanan.

13
11
6. Biglang nalungkot at
napaisip nang mataman
ang pulubi sa tinuran ng
Buddha sapagkat may apat
siyang katanungan gayong
tatlo lamang sa mga ito ang
sasagutin.

Tandaan Natin
Mahusay! Nalampasan mo na ang ilang mga bahagi ng modyul na
ito. Ngayon punan ng tama o angkop na salita mula sa kahon ang
bawat patlang upang mabuo ang diwa ng kabuuan ng tinalakay sa
modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel o kuwaderno.

Ang 1._______t ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa


mga 2. ___________ ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga 3._______o at 4. _______pook, at mayroong pinagbatayan sa 5.
___________. Ang mga akdang alamat ay ginagamitan ng mga pang- abay na
6._________, 7. ___________ at 8.__________. Pang-abay na 9.________ naman
ang naglalarawan kung paano magaganap, nagaganap o naganap ang kilos
na ipinahahayag ng pandiwa. Ang pang–abay na 10.__________ naman ay
tumutukoy sa pook na pinangyayarihan ng kilos ng pandiwa

pook alamat tao kasaysayan panlunan

katotohanan pamaraan pinagmulan panlunan

Suriin Natin
Binabati kita at malapit mo ng matapos ang kabuuan ng modyul na
ito. Siguradong naging malawak na ang iyong naging pag-unawa sa
paksang tinalakay. Sa pagkakataong ito, suriin at isulat ang pamagat ng
alamat batay sa larawang ipinakita.

1.

14
12
2.

3.

4.

5.

13
15
Payabungin Natin
Bahagi ng Pagpapayaman ng Panitikang Pilipino sa Makabagong
Mundo ang paglulunsad ng isang Literary exhibit na pinamagatang
Alamat ng Lahi. Layon nitong pukawin at hikayatin ang interes ng mga
kabataan sa pagbabasa lalo na sa kasalukuyang panahon ng Pandemya.
Matatampok dito ang akdang alamat na kabute at kabutihan. Mula sa
nasabing alamat ay gagawa ka ng Komik Istrip.
Bilang isa sa mga kontribyutor, itinagubilin sa iyo na ang ipapasa
mong akda ay marapat na pasok sa pamantayan nito: ang kalinawan,
kaangkupan, katiyakan, at may layunin.
Ang talahanayang ito ay gagamiti ng guro bilang batayan sa
pabibigay- puntos.
Pamantayan ng Isusulat na Alamat
Akda
Blg. Mahusay na Naipakita Naipakita
Deskripsyon naipakita ang 4 nang mahusay nang
na Deskripsyon ang 3 sa 4 na mahusay ang
(5 puntos) Deskripsyon (3 2 sa 4 na
puntos) Deskripsyon
(2 puntos)
1 Kalinawan
2 Kaangkupan
3 Katiyakan
4 May layunin

Kabuuan

Gamitin bilang halimbawa ang pormat ng komik istrip sa ibaba sa isang


long bond paper para sa maisagawa mo ang iyong gawain.

Ano ‘ yang sinusulat mo kuya? Puwede ko bang mabasa iyan?

Ayaw yata Paano ko ba to


Ha!? Ah , eh, Oo naman. n’ya… sasabihin..?

Halaw mula sa https://www.google.com/search?q=blank+comics+strip+without+dialogue

14
16
Narito ang akdang Alamat na pagbabatayan mo ng iyong gagawin na komik
istrip. Galingan mo ha!

Ang Alamat ng Kabute at Kabutihan


ni Zimrose R. Pedrera

Noong unang panahon sa nayon ng Amihan ay may isang magbobote


na kilala sa tawag na Ka Bote. Tuwing araw ng Lunes at Miyerkules maririnig
na ang kanyang boses na sumisigaw sa buong nayon mula umaga, tanghali
hanggang hapon, “may bote ba kayo riyan? Bote! Bote! May mga taong
nagkukusang nagbibigay ngunit mas marami ang walang pakialam o
nagbingibingihan sa sigaw ng matanda na animo’y naririndi. Malimit nilang
mapansin at makita na kahit nahihirapan ang matanda ay may malambot
itong puso para sa mga hayop dahil pinapakain niya ang mga ito at
kinakausap na parang tao.

Isang araw ng Lunes nanibago ang lahat nang hindi nila marinig at
makita ang matanda. May mga taong natutuwa dahil medyo nabubulahaw
sila sa sigaw ng matanda pero mas marami ang nag- aalala at naghahanap
rito.

15
17
Hanggang sa mabalitaan nila ang masaklap na nangyari. Sabado noon
nang ang matanda ay naglalakad may nakita siyang mga asong nagkakagulo
at nag -aaway sa may gilid ng isang bangin. Gumawa siya ng paraan upang
mahinto ang kaguluhan sa pamamagitan ng paglikha ng malalakas na tunog
gamit ang bato at kahoy bagay na naging epektibo at nagtakbuhan ang mga
ito sa iba’t ibang direksyon.

Kumuha ng kanyang atensyon ang isang ungol na animo’y


nagmamakaawa at nang ito’y kanyang lapitan tumambad sa kanya ang isang
asong nakalambitin sa bangin. Tumakbo siya at sa pagmamadaling iabot ang
kanyang kamay ay hindi niya napansin ang hina ng lupang natapakan.
Nagkabitak- bitak ang lupa at nabuwal ang matanda at tuluyan itong nahulog
kasama ang aso. Namatay ang matanda na isang bayani.

Sa paglipas ng mga araw naging usap- usapan ang nangyari hanggang


sa unti- unting nakalimutan, ngunit namangha ang lahat sa biglaang
pagtubo ng isang maliit na puting halaman sa iba’t ibang bahagi ng nayon.
Ito ay tinawag nilang “kabote” bilang pagkilala sa kabayanihan ni Ka Bote na
sa pag- usad ng panahon ay naging pinagmulan rin ng salitang “kabotehan”
na nagmula sa taguring Ka Bote at pangalan ng nayon ng Amihan na
kalauna’y nagbago ng baybay mula sa letrang “o” sa kabote ay napalitan ng
“u” na naging kabute at ang “e” naman sa salitang kabotehan ay napalitan
ng “i” na naging kabutihan.

16
18
Pagnilayan Natin
Malugod ko kayong binabati sa inyong naging pagsisikap upang
magawa at masagutan ang mga gawain at bahagi ng modyul na ito. Ngayon
bilang paglalahat nais kong sagutin mo ang sumusunod na katanungan
nang may pang- unawa.

Ngayon, masasabi ko na…

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Sa lahat ng pangyayari sa akdang tinalakay pinakanagustuhan ko ay


ang…….dahil….
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Natutuhan ko sa buong modyul na…


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

17
19
18
20
Sanayin Natin
Suriin Natin
1.noon- pamanahon
1. Alamat ng 2.sa ilog - panlunan
Talon 3. nang may
2. Alamat ng paggalang - pamaraan
Hipon Aralin Natin. 4. sa hanay ng mga
3. Alamat ng Pagsasanay 1 kabundukan –
Baka 1. C panlunan
4. Alamat ng 2.C 5. dapithapon-
Buwaya 3. C pamanahon, sa
5. Alamat ng 4. B magarang tahanan –
Paru- paro 5. A panlunan
6. nang mataman -
pamaraan
Tandaan Natin Gawin Natin. Subukin
1.alamat Pagsasanay 1 Natin
2.pinagmulan
3. pook
1.DMK 1. C
2.MK 2. A
4. tao
3.DMK 3. D
5. kasaysayan
4.DMK 4. D
(maaring magpalitang ang
5.MK 5. B
mga bilang 6-8)
6. pamanahon
7. panlunan
8. pamaraan
9. pamaraan
10 panlunan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Romulo N. Peralta, Donabel C. Lajarca, Eric O. Cariňo, Ma. Aurora C. Lugtu,


Mary Grace A. Tabora, Jocelyn C. Trinidad, Sheila C. Molina, Lucelma O. Carpio,
Julieta U. Rivera, Vilma C. Ambat, Panitikang Asyano Modyul ng Mag- aaral sa
Filipino, Kagawaran ng Edukasyon, Meralco Avenue, Pasig City Philippines, Unang
Edisyon 2014.

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of Education,


2016.
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 9.
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020.

Youtube Link: https://www.youtube.com/watch?v=zjJFc3D0hFk


Larawang- guhit ni Aziel Lorenz R. Pedrera
Mga Kuhang Larawan mula sa Deped LRMDS Portal

19
21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI- Sangay ng Tagum

Tanggapan: Energy Park. Apokon Road, Tagum City


Davao del Norte, Region XI

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

22

You might also like