Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Tauhan/Aktor VO/Awdyo Makikita sa screen

Magandang buhay mga bata!

Kumusta ka sa araw na ito?

Alam kong ikaw ay nasasabik muling matuto sa


asignaturang Filipino.

Kaya, ihanda ang iyong lapis at kwarderno. At sabay-


sabay nating lakbayin ang bagong aralin!

Alam mo ba kung paano inuumpisahan o


sinisimulan ang pagbuo ng isang tanong?

Ang tanong ay madalas na nagsisimula sa mga


panandang pananong na:

Ano
Sino
Saan
Kailan
Ilan
Bakit
Paano

At ito ay nagtatapos sa tandang pananong (?).

Halika! Ating tuklasin kung kailan ginagamit ang


mga panandang pananong na nabanggit.
Una, ginagamit ang ano kung ang tinutukoy ng
nagtatanong ay bagay, hayop, katangian, pangyayari
o ideya.
Gaya ng:

Ano ang paborito mong hayop?

Ano ang paborito mong pagkain?

Ikalawa, ang sino ay ginagamit kapag ang tinutukoy


ay tao.
Halimbawa:

Sino ang iyong mga kaibigan?

Sino ang iyong ama at ina?

Ikatlo, ginagamit ang saan kung ang tinutukoy ay


isang lugar.
Kagaya ng:

Saan kayo nakatira?

Saan ang inyong paaralan?

Ikaapat, ang kailan ay ginagamit kapag ang nais


tukuyin ay panahon, oras, o petsa.
Katulad ng:

Kailan ka pinanganak?

Kailan ang kaarawan ng iyong kapatid?

Ikalima, ginagamit ang bakit kapag ang nais bigyan


ng pansin ay ang sanhi o kadahilanan ng pangyayari.

Halimbawa:

Bakit dito ka nag-aral?

Bakit masarap ang pritong manok?

At panghuli, ang ilan ay ginagamit kapag ang


tinutukoy ay dami o bilang.

Tulad ng:

Ilan kayong magkakapatid?

Ilang taon ka na?

Ngayon, balikan nating muli ang iba’t ibang


panandang pananong. Ito ay ang...

Ano
Sino
Saan
Kailan
Ilan
Bakit
Paano

Magaling! Sa puntong ito, susubukin ko ang


kaalaman ninyo. Handa na ba kayo?

Panuto: Piliin sa pamamagitan ng pagbilog ang


wastong panandang pananong sa loob ng kahon
upang mabuo ang tanong.

1. Sino, Ano, Bakit ang paborito mong pagkain?

2. Paano, Ilan, Ano mo ginawa ang bangkang

papel?

3. Ano, Sino, Ilan ang iyong guro sa Filipino?

4. Ano, Bakit, Sino ka umiiyak?

5. ka pupunta?
Sino, Ano, Saan
Isang malakas na bagsak ng palakpak dahil ikaw ay
nagtagumpay sa iyong gawain!

Ngayon naman ay hayaan niyo akong tumula ng


isang tulang pinamagatang “Ang Batang si Ambo.”

Kaya, ituon muna ang inyong pansin sa mga


katanungang kailangan ninyong sagutin pagkatapos
ng inyong pakikinig sa tula.

Mga katanungan:

1. Kailan naliligo si Ambo?

2. Bakit sinisipilyo ni Ambo ang kaniyang ngipin?

3. Ano ang ginagawa ni Ambo sa kuko niyang


mahaba?

4. Sino ang may-ari ng suklay na ginagamit ni Ambo?

5. Ano ang ayos ng buhok ni Ambo?

Ang Batang si Ambo

Ang batang si Ambo


Araw-araw naliligo
Ngipin sinisipilyo
Upang hininga di bumaho.
Suot niyang damit
Ay laging malinis
Ang mahabang kuko’y
Laging ginugupit.

May sariling suklay


At sipilyong gamit
Buhok ay maayos
Mabango at malinis.

Napakaganda ng tula hindi ba?

Tara! Balikan nating muli ang mga katanungan at


isa-isa nating sagutin.

Mga katanungan:

1. Kailan naliligo si Ambo?

2. Bakit sinisipilyo ni Ambo ang kaniyang ngipin?

3. Ano ang ginagawa ni Ambo sa kuko niyang


mahaba?

4. Sino ang may-ari ng suklay na ginagamit ni Ambo?

5. Ano ang ayos ng buhok ni Ambo?

Mahusay! Ikaw ay nakatapos ng iyong gawain at


aralin. Binabati kita sa angkin mong galing!

You might also like