guideDEMO

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Katanungan:

1. Tungkol saan ang balitang na napakinggan?


“Tungkol po ito sa Facebook”

“Tungkol po ito sa kalayaang makapagpahayag”

“Pagtanggal ng Facebook pages na lumalabag po sa karapatan ng tao”.

2. Ano-anong mahahalagang impormasyon ang inyong nakuha sa balita sa radyo?


“Ang facebook ay isang pribadong korporasyon kaya hindi raw po pwedeng igiit an gating freedom of
expression.”

“May mga limitasyon po ang ating kalayaan sa pagpapahayag.”

a. Subukan Natin

Ngayon susubukan naman nating maging isang anchor sa radyo. Sino ang gustong
sumubok?
Basahin ang iskrip sa ibaba. Kumuha ng 3 volunteer sa klase at ipabasa ng kagaya sa napakinggang
komentaryong panradyo.

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan. Ito ang DZRM!
Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2: Mga isyung tinututukan.
Voice: DZRM!
Sa loob ng limang minuto, maghahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa DZRM. Narito ang
tambalang magkasingko QJC.
Ito ang SINGKO BALITA!
Balik-tanaw!
Ano ang Broadcast Media sa inyong pagka-alala?
“Ang broadcast media po ay naghahatid ng impormasyon sa pamamgitan ng radio at telebisyon.”

“Ang broadcast ay naihahatid sa pamamagitan ng mga tansmitter ng estasyon.”

Bago natin alamin ang kahulugan ng radyo. Nakakita na ba kayo ng isang radyo?
May radyo ba kayo sa inyong bahay?
Kung meron pakilarawan naman ito.
“opo ma’am”
“Meron po itong speaker, antenna mga buton na pwedeng pang-adjust ng volume at paghanap
ng signal.”

Sino ang madalas ninyong nakikitang nakikinig sa radyo?


“Yung mga matatanda po.”
“Mga nakatambay po”
“Sina nanay at tatay po”

Ano-ano ang kadalsang naririnig natin sa radyo?


“Kadalasan po ay mga musika”
“Mga drama po”
“Naririnig ko po ang mga balita”

May alam ba kayong istasyon sa lokal nating radyo?


“Bombo radyo”
“Aksyon radyo”
“MOR 91.1”
Paglalapat
Bakit mahalaga na malaman natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-
wiling radio broadcast?
“Upang magkaroon ng tiwala sa atin an gating mga tagapagkinig”
“Makapaghatid ng masayang at impormatibong balita”

Marahil ay nagkaroon kayo ng isang malawak na pagkatuto kung paano gumawa ng


isang kawili-wiling radio broadcast. Sino sa inyo ang makapagbibigay buod sa ating mga
tinalakay?
“Nagkaroon tayo ng isang pagbabalik-tanaw tungkol sa Broadcast media. Itinalakay din natin ang ibig
sabihin ng radyo at ito ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals)
sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may mga frequency na mas mababa kaysa
liwanag.”
“Nabigyan din natin ng pagpapakahulagan ang mga salitang ginagamit sa isang radio broadcasting,
halimbawa nito ay ang sign on na ibig sabihin ay oras na ng estasyon ng radyo ay magsisimula sa pagbo-
broadcast nito.”

You might also like