Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCHOOLS DIVISION OFFICE

CALOOCAN CITY

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


MTB-MLE 3

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.


Itiman ang bilog ng letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Para sa bilang 1-8: Alamin kung aling bahagi ng pahayagan ang inilalarawan.
1. “Super Bagyong Ulyses, Nanalasa!” Saan matatagpuan ang buong detalye
ng balitang ito?
A. Editoryal C. Palakasan
B. Lathalain D. Pangunahing Balita
2. Gustong malaman ni Kuya Brent ang balita tungkol sa paborito niyang
larong basketball. Ano ang bahagi ng pahayagan na dapat niyang basahin?
A. Editoryal C. Palakasan
B. Negosyo D. Pangunahing Balita
3. Katatapos lang ni Bianca ng pag-aaral. Gusto niyang alamin kung paano
siya makakahanap ng trabaho. Anong bahagi ng pahayagan ang kaniyang
babasahin?
A. Negosyo C. Obituwaryo
B. Anunsyo Klasipikado D. Pangunahing Balita
4. Gustong maibahagi ni Mark ang kaniyang opinyon tungkol sa kasalukuyang
pangyayari sa bansa. Aling bahagi ng pahayagan ang kaniyang babasahin?
A. Libangan C. Editoryal
B. Palakasan D. Pangunahing Balita
5. Magtatayo ng negosyo ang magulang ni Beatriz, anong bahagi ng
pahayan ang kailangan niyang basahin?.
A. Negosyo C. Libangan
B. Lathalain D. Anunsyo Klasipikado
6. Umalis ang kapatid ni Mike. Naiinip na siya sa paghihintay. Naisip niyang
magbasa ng komiks sa pahayagan. Saang bahagi ng pahayagan niya ito
matatagpuan?
A. Obituwaryo C. Lathalain
B. Libangan D. Editoryal
7. Namayapa na ang lolo ni Miguel. Nais nilang mailathala ang mga
impormasyon tungkol sa araw at lugar ng libing nito. Saang bahagi ng
pahayagan nila ito maaaring mailathala?
A. Obituwaryo C. Lathalain
B. Libangan D. Editoryal

1 | MTB-MLE 3
8. Naatasan si Erika at ang kaniyang grupo na magtala ng mahahalagang
balita. Saang bahagi ng pahayagan ito makikita?
A. Lathalain C. Libangan
B. Pangunahing Balita D. Anunsyo Klasipikado
Para sa bilang 9-16: Piliin ang angkop na pandiwang dapat gamitin sa
pangungusap batay sa simuno.
9. Si Michelle ay ___________ ng mahahalagang impormasyong naririnig niya sa
online class.
A. naririnig B. nagsusulat C. nagsasalita D. nagbabasa

10. Ang mag-anak ay ___________ sa Puerto Princesa Underground River sa


susunod na buwan.
A. mamimili B. maninisid C. maglalakad D. mamamasyal

11. Palaging _____________ ang mga Pilipino sa isa’t isa tuwing may kalamidad.
A. tumatawa B. tumitingin C. tumutulong D. tumatawag

12. __________ si Gng. Reyes sa kaniyang mga mag-aaral na manatili sa loob


ng kanilang bahay dahil sa bagong strands ng Covid 19.
A. Nanatili B. Nagpayo C. Nagtanong D.Namahagi

13. Si Charmela ay ___________ noong kaarawan ng aking kapatid.


A. kumanta B. kumuha C. kumaway D. kumain

14. _____________ ng entablado ang mga guro tuwing may programa sa


paaralan.
A. Nagkakalat B. Nag-aayos C. Nagsasayaw D. Nag-uusap

15. _____________ nang malakas ang mga bata nang makakita sila ng
payasong nagpapatawa.
A. nagsasalita B. naghahabulan C. nagtatawanan D. nagkakainan

16. Si Joshua ay ___________ ng basketball kasama ang pinsan niya.


A. namimili B. naglalaro C. nangunguha D. namimigay

Para sa bilang 17-23: Suriing mabuti ang pictograph at sagutin ang mga
tanong.

2 | MTB-MLE 3
17. Ilang mag-aaral ang pumili ng gawain sa pagsayaw?
A. 8 B. 12 C. 16 D. 18
18. Ilan ang sobrang bilang ng mga mag- aaral na pumili sa gawaing pagsayaw
kaysa sa pag-awit?
A. 2 B. 4 C. 6 D. 8
19. Anong gawaing pagganap ang may pinakakaunting tala ng mag- aaral?
A. Awit B. Rap C. Tula D. Sayaw

20. Tungkol saan ang pictograph?


A. tao na lumahok sa pagtatanim.
B. mga pinutol na puno kada araw
C. mga puno na itinanim sa bawat araw.
D. tao na tumulong sa biktima ng kalamidad.
21. Ilang tao ang lumahok sa pagtatanim noong Huwebes?
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40
22. Ilang tao ang lumahok sa pagtatanim sa araw ng Sabado at Linggo?
A. 100 B. 110 C. 120 D. 130

23. Sa iyong palagay, bakit araw ng Sabado ang may pinakamaraming


naitanim na puno?
A. Ang araw ng Sabado ay araw ng paglahok.
B. Ang araw ng Sabado ay araw ng pagtatanim.
C. Ang mga kalahok ay walang pasok sa paaralan at opisina.
D. Ang mga kalahok ay makatatanggap ng malaking sahod kung Sabado.

3 | MTB-MLE 3
Panuto: Suriin ang ipinahahayag ng ilustrasyon.
Para sa bilang 24-25

24. Ano ang ibig sabihin ng markang ito?


A. Tawiran C. Bawal tumawid
B. Bawal tumakbo D. Bilisan ang pagtawid

25. Saan ito madalas makita?


A. kalsada B. ospital C. paaralan D. simbahan

Para sa bilang 26-27

26. Ano ang ibig sabihin ng tatak na ito?


A. gamot B. juice C. lason D. lotion

27. Bakit mahalagang malaman ang kahulugan ng tatak o markang ito?


A. Para maitabi C. Para mapaglaruan
B. Para magamit D. Para maiwasan ang sakuna

Para sa bilang 28 – 30

28. Ano ang ibig sabihin ng tatak o marka sa letrang C?


A.Bawal uminom ng juice.
B. Bawal gumamit ng baso.

4 | MTB-MLE 3
C. Bawal uminom ng softdrinks.
D. Bawal magdala ng inuming nakalalasing.

29. Ano ang ipinagbabawal sa marka sa letrang A?


A. Bawal sumisid
B. Bawal maligo
C. Bawal humiga
D. Bawal mag- dive

30. Ano ang kahalagahan ng mga tatak o marka na nabanggit?


A. Maiiwasan na maligaw.
B. Maiiwasan ang pagtaba.
C. Maiiwasan ang sakuna o disgrasya.
D. Makakakuha ng discount sa entrance fee.

5 | MTB-MLE 3

You might also like