Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Masusing/Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

Paaralan Pangasinan State Markahan 4


University
Asignatura Araling Panlipunan Oras 8:00-8:30 AM
Baitang/Pangkat 6 Sampaguita Petsa/Araw

I. Mga Layunin
A. Pamantayang Pang Ang mag aaral ay naipamamalas ang mas malalim na pagunawa at
Nilalaman pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo
sa pagtugon ng mga hamon ng nagsasarili at umuunlad na bansa
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag aaral ay nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa
gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng
sariling tungkulin na siyang kaakibat na pananagutan sa pagtamasa
ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na Pilipino
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan
II. Paksang Aralin Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang
administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap
ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan
a. Natutukoy ang mga suliranin at hamong kinakaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.
b. Natutugunan ang ilang mga suliranin at hamong kinakaharap ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.
c. Napapahalagaan ang mga isyu at suliranin ng bansa sa pamagitan
ng pagiging mapagmatyag at pakikiisa sa mithiin ng pamahalaan.
A. Nilalaman Mga Pangunahing Suliranin at Hamon na kinaharap ng mga Pilipino
mula 1986 hanggang kasalukuyan
B. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Kagamitan Pang Mag-aaral
3. Mga kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, Larawan
C. Integrasyon
D. Pagpapahalaga
II. Pamamaraan Gawain ng guro Gawain ng nag aaral
A. Balik Aral Magandang Araw Ika-anim na Magandang Umaga rin po
baiting Pangkat Sampaguita! Ginoo!

Bago tayo mag-umpisa sa ating


talakayin, nais ko muna na tayo (Pinangunahan ni Aljhun ang
tumayo at pangunahan ni Aljhun panalangin)
ang ating maiksing panalangin.

Bago kayo umupo, palipulot muna


ang mga kalat sa mga silong ng
inyong upuan at itapon sa
basurahan.

Page | 1
TEACHING AP
Kumusta kayo mga bata? Mabuti po!

Mainam naman at kayo ay Mabuti.

Bago tayo mag-umpisa sa ating


talakayin ngayong araw, nais kong Wala pong lumiban sa klase
malaman kung sino ang lumiban sa guro.
klase?

Mabuti at kayong lahat ay nandirito


ngayon.

Bago tayo magpatuloy, nais kong


ipaalala sainyo ang ating alituntinin
sa silid-aralan.

1. Pumasok sa tamang oras.


2. Makinig ng Mabuti.
3. Itaas ang kanang kamay kung
may gusting sabihin.
4. Igalang ang bawat isa.

Naindindihan bam ga bata?


Opo
Bago tayo dumako sa ating bagong
aralin, may nakakaalam ba kung Ang ating tinalakay noong
ano ang ating tinalakay noong nakaraan ay patungkol sa
nakaraan? _______.
Rhea?

Tama! Ang ating tinalakay noong


nakaraan ay _______

B. Paghahabi ng layunin ng Ngayon, magkakaroon tayo ng


aralin palaro upang maging pamilyar sa
ating bagong aralin. Ang pamagat
ng ating palaro ay “Ayusin mo
gamit ang larawan”.
Opo!
Handa na ba ang lahat?

Kung ganun, sasabihin ko na ang


panuto.

Panuto: Hahatiin ang klase sa


dalawang grupo. May tatlong
larawan na may nakagulong salita.
Bawat grupo ay aayusin at isulat sa
pisara ang tatlong nakagulong salita
upang maihayag ang tamang salita
na nakaugnay sa larawan.

Page | 2
TEACHING AP
Naintindihan ba ang panuto?
Opo!
Handa na ba ang lahat?
Opo!
Kung ganuon, simulant na natin sa
unang larawan.

NOSKRYAP
Korapsyon
Magaling _____ grupo!

Dumako naman tayo sa


pngalawang larawan.

PNAIHARKA

Mahusay _______ grupo!


Kahirapan
Ang huling larawan.

YPOLNAPSU
Populasyon
Mahusay _______ grupo!

_______ grupo maaari niyo ba


silang bigyan ng limang bagsak? (Ang ______ grupo ay
ginawa ang limang bagsak)
Kayo ba ay nasiyahan sa ating laro?
Opo!

Sa inyong palagay, ano ng aba ang


pinaparating ng bawat larawan?
Jessica? (Si Jessica ay nagbigay ng
kanyang opinyon patungkol
sa laro)
C. Pag-uugnay ng mga Mayroon akong inihandang mga
halimbawa sa bagong aralin larawan at tukuyin ito kung ano ang
opinyon niyo sa larawan.

Ito ang unang larawan

Page | 3
TEACHING AP
Sa tingin ninyo, ano ang inyong
opinyon sa larawang ito?

Trisha? (Si Trisha ay nagbigay ng


kanyang opinyon)
Narito ang pangalawang larawan.

Ano ang
inyong masasabi sa larawang ito? (Si Nerrie ay nagbigay ng
Nerrie? kanyang opinyon)

Narito naman ang huling larawan.

Ano ang
inyong opinyon patungkol sa (Si John Ed ay nagbigay ng
larawang ito? opinyon)
John Ed?

Ang lahat ng inyong mga sinabi ay


may kaugnayan sa ating aralin.

Mayroon ba kayong ideya kung ano


ang ating aralin? (Sumagot ang mga mag-
aaral)
Ang ating paksa sa araw na ito ay
Mga Pangunahing Suliranin at
Hamon na kinaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang
kasalukuyan

Bago tayo magsimula, nais ko


lamang sabihin ang ating layunin
a. Natutukoy ang mga suliranin at
hamong kinakaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan.
b. Natutugunan ang ilang mga
suliranin at hamong kinakaharap ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang
sa kasalukuyan.
c. Napapahalagaan ang mga isyu at
suliranin ng bansa sa pamagitan ng
pagiging mapagmatyag at pakikiisa

Page | 4
TEACHING AP
sa mithiin ng pamahalaan.
D. Pagtatalakay sa bagong Dumako na tayo sa ating aralin. (Nakikinig ang mga mag-
konsepto at paglalahad ng Ano nga ba ang Suliranin? aaral sa aralin)
Ang ibig sabihin ng suliranin ay
bagong kasanayan bilang 1 ito ay anumang bagay na
kailangang lutasin at
masolusyonan.

(Ipinaliwanag ng guro kung anong


ibig sabihin ng suliranin at
nagbigay ng halimbawa)

Kayo ba, nagkaroon ba kayo ng (Sumagot ang mga mag-


mga suliranin? aaral)

Magbigay ng halimbawa ng (Sumagot ang mga mag-


suliranin. aaral)
(Nagtawag ng mag-aaral)

Lahat ng inyong sinabi ay


halimbawa ng suliranin.
E. Pagtatalakay sa bagong Tayo’ magpatuloy. Narito ang mga (Nakikinig ang mga mag-
konsepto at paglalahad ng Pangunahing Suliran o Hamon aaral sa aralin)
mula 1986 hanggang sa
bagong kasanayan bilang 2 kasalukuyan

1. Pagpalaganap ng mga
Ipinagbabawal na Gamot
Isa sa pinakamalubhang suliranin
ng sumisira sa ating lipunan ngayon
ay ang paglaganap ng mga
ipinagbabawal na gamot. Marami
ang nabibiktima nito lalo na ang
mga kabataan. Kahirapan ang
pangunahing dahilan na itinuturo sa
paglala ng kaso ng droga sa bansa.
Maraming krimen tulad ng
pagnanakaw, panggagahasa, at
madugong pagpatay ang

ibinubunga ng pagkakalulong ng
isang tao sa
ipinagbabawal na gamot.

(Ipinaliwanag ng guro ang unang


suliranin)

Sa inyong palagay, bakit hindi


matanggal ang paglaganap ng iligal
na droga sa bansa? (Sumagot ang mag-aaral)
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

2. Problema sa Kahirapan
Ayon din sa NSCB tinatayang 27% (Nakikinig ang mga mag-
ng pamilyang Pilipino ang mahirap. aaral sa aralin)
Kaakibat ng suliraning ito ang
maraming bilang ng mga Pilipinong

Page | 5
TEACHING AP
walang hanapbuhay kaya dahil
dito’y maraming mga kabataan ang
hindi nakapag-aaral. Sa murang
gulang pa lang ay pinipilit na nilang
maghanapbuhay. Sila’y nagtitinda
ng kung anu-ano, namamalimos, at
namumulot ng basura.

(Ipinaliwanag ng guro ang


ikalawang suliranin)

Sa inyong palagay, bakit marami


paring mahihirap sa Pilipinas?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral) (Sumagot ang mag-aaral)

3. Suliranin sa Kalusugan ng
Sambayanan
Ang kalusugan ay kayamanan
sapagkat ang mga taong malulusog (Nakikinig ang mga mag-
ay produktibong mamamayan. Sa aaral sa aralin)
kasamaang – palad, maraming
Pilipino ngayon ang biktima ng
iba’t-ibang uri ng karamdaman.
Dahil sa kahirapan ng buhay,
maraming Pilipino ang hindi
kayang bumili ng mga pangunahing
pangangailangan upang mabuhay
nang malusog.

(Ipinaliwanag ng guro ang ikatlong


suliranin)

Sa inyong palagay, bakit hindi


nabibigyan ang mga mahihirap ng
libreng pampagamot kapg sila ay
nagkasakit? (Sumagot ang mag-aaral)
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

4. Suliraning Pang–edukasyon
Sa kasalukuyan, binatikos ang
Sistemang edukasyon sa bansa
dahil sa mababang kalidad nito. (Nakikinig ang mga mag-
Ginagawang batayan ng aaral sa aralin)
obserbasyon ang kahinaan ng mga
mag-aaral na nagsisipagtapos sa
pakikipagtalastasan, pagbabasa,
pagtutuos, aplikasyong mga
natutuhan, analisis o pagsusuri,
kawalan ng tiwala sa sarili, at
marami pang iba.

(Ipinaliwanag ng guro ang ika-apat


na suliranin)

Page | 6
TEACHING AP
Sa inyong palagay, bakit maraming
bumabatikos sa sistema ng
edukasyon sa ating bansa?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral) (Sumagot ang mag-aaral)

5. Suliranin sa Kabuhayan
Patuloy na humahanap ng mga
kalutusan ang ating pamahalaan
upang malunasan ang kahirapan sa
bansa. Kaalinsabay nito, patuloy
ding gumagawa ng kani-kaniyang (Nakikinig ang mga mag-
paraan ang mga tao upang mabuhay aaral sa aralin)
nang maayos at masagana. Ngunit
dahil sa kakulangan sa pinag-aralan
at kasanayan, nalulugmok ang
marami sa mga gawaing tulad ng
pamamalimos. Ang iba’y
sumasabak sa mga gawaing
mapanganib katulad ng
pagnanakaw, pagbebenta ng
katawan, pagtutulak ng droga,
kidnap for ransom, at carnapping.

(Ipinaliwanag ng guro ang


ikalimang na suliranin)

Sa inyong palagay, bakit marami


paring krimen sa bansa?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

6. Suliranin sa Pambansang
Seguridad at Katahimikan
Nagmumula sa loob at labas ng (Sumagot ang mag-aaral)
Pilipinas ang banta sa seguridad at
katahimikan ng bansa. Sa loob ng
bansa, nariyan ang banta ng CPP-
NPA, ng Abu Sayaf, Kidnap for-
ransom gang, snatching, theft, (Nakikinig ang mga mag-
robbery, mga karumal-dumal na aaral sa aralin)
krimen kagaya ng rape, murder at
physical injuries at marami pang
iba. Dineklara ang Abu Sayaf at
ang CPP-NPA bilang mga
teroristang pangkat kung kaya’t
kalaban nila pati na ang ibang
bansa na nananalig sa demokrasya
at kapayapaan. Wala naming tigil
sa pananakot ang iba pang mga
teroristang pangkat hinggil sa
pagpapa-sabog ng ilang
establisimyento at embahada. May
ilang pagakakataon na
pansamantalang nagsara ang
embahada ng Australia at Canada
sa Pilipinas sa bantang ito.

Page | 7
TEACHING AP
(Ipinaliwanag ng guro ang ika-anim
na suliranin)

Sa inyong palagay, bakit


nagkakaroon ng gyera sa bansa?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

7. Suliranin sa Pagkakautang ng
Bansa
Dahil sa kakulangan ng pondo
upang matustusan ang lahat ng
proyekto, pinasok ng ating (Sumagot ang mag-aaral)
pamamahalaan ang pangungutang
sa International Monetary Fund
(IMF) at World Bank (WB). Sa
paglipas ng mga taon, lumaki nang
lubusan ang pagkakautang ng (Nakikinig ang mga mag-
bansa. Malaking suliranin ngayon aaral sa aralin)
ng pamahalaan ang pagbabayad sa
mga pagkakautang na ito dahil sa

tubo pa lamang ay malaking


bahagdan na ng taunang badyet ng
Pilipinas ang napupunta rito.

(Ipinaliwanag ng guro ang ika-anim


na suliranin)

Sa inyong palagay, bakit marami


ang utang mg Pilipinas sa
pandaigdigan?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

8. Suliranin sa Kurapsiyon,
Katiwalian at Pandaraya sa
Pamahalaan
Ang kurapsyon ay isa sa
pinakamalaking hadlang sa pag- (Sumagot ang mag-aaral)
unlad ng bansa. Tungkulin ng
gobyerno na paglingkuran nang
tapat ang bawat Pilipino.
Ipinagkakaloob ang tiwala sa mga
opisyal ng gobyerno na humawak
ng salapi sa mamayanan. Ito ay (Nakikinig ang mga mag-
inaambag ng mga Pilipino sa aaral sa aralin)
pamamagitan ng pagbabayad ng
buwis. Ang buwis ay dapat gamitin
sa paghahatid ng serbisyong
pampubliko at sa paggawa ng
mahahalagang proyekto tulad ng
daan, tulay ospital, at iba pang
programang pangkaunlaran. Ang
pagkakaroon ng pandaraya at
katiwalian sa pamahalaan ang isa
rin sa mga pangunahing balakid sa
pag-unlad ng Pilipinas.

Page | 8
TEACHING AP
(Ipinaliwanag ng guro ang
ikawalong suliranin)

May iba’t ibang uri ng katiwalian


sa pamahalaan.
1. Panunuhol o Bribery –
pangtanggap ng halaga o anumang
bagay kapalit
ng di pagsusumbong sa isang
illegal na gawain.
2. Pangingikil o Extortion –
paghingi ng anumang bagay o
halaga bago
gawin ang isang proyekto o
transaksiyon.

3. Nepotismo – pagbibigay ng higit


na pabor, pagkiling, o pagtangkilik
sa mga
kamag-anak o kaibigan lalo na sa
pagbibigay ng mga tungkulinn may
mataas na suweldo.
4. Paglustay o Embezzlement –
pagamit ng personal sa pondo o
perang dapat gamitin para sa
mamamayan
5. Kickbacks – pagpapasobra sa
aktuwal na halaga ng isang bagay o
proyekto.
Ang katiwalian sa pamahalaan ay
maaring ipagbigay-alam sa
Tanggapan ng Ombudsman. Ang
Ombudsman ay may
kapangyarihang magsiyasat at
magsampa ng kaso laban sa
tiwaling kawani o pinuno ng
gobyerno ayon sa Saligang Batas.

Sa inyong palagay, uunlad ba ang


Pilipinas kung wala ang korapsyon?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

9. Isyu tungkol sa Teritoryo


Mula noon hanggang ngayon, ay
marami nang naging usapin tungkol
sa legal na pagmamay-ari ng mga
teritoryo ng bansa. Ilan dito ang
usapin tungkol sa isyu ng Spratly
Islands at Scarborough Shoal. Ang (Sumagot ang mag-aaral)
Spratlys ay pangkat ng
humigitkumulang 100 pulo na
matatagpuan sa kalagitnaan ng
Dagat Timog Tsina. Ang Taiwan at
mga bansang China, Vietnam,
(Nakikinig ang mga mag-

Page | 9
TEACHING AP
Malaysia, at Brunie ay ilan din sa aaral sa aralin)
mga naghahabol dito. Sa katunayan
ay nagkaroon ng suliranin ang
Pilipinas sa bansang China sa isa sa
mga pulong pinag-aagawan sa
Spratly noong 1999.

(Ipinalinawag ng guro ang ikasiyam


na suliranin)

Sa inyong palagay, bakit pinag-


aagawan ng China, Pilipinas,
Vietnam, Brunie, at Malaysia ang
West Philippine Sea?
(Tinawag isa-isa ang mga mag-
aaral)

(Sumagot ang mag-aaral)

F. Paglinang sa kabihasnan Magkakaroon tayo ng pagsasanay


(tungo sa Formative patungkol sa ating aralin.
Assessment) Panuto: Sabihin kung ang pahayag
ay Una, Ikalawa, Ikatlo, Ika-apat,
Ikalima, Ika-anim, Ikapito,
Ikawalo, at Ikasiyam na Suliranin.
1. Agawan sa West Philippine Sea.
2. Kakulangan sa silid-aralan at
kagamitang pang-edukasyon.
3. Pilipino na naninirahan sa estero.
4. Pag-utang ng Pilipinas sa iba’t
ibang bansa.
5. Pandaraya at katiwalian sa
pamahalaan.
6. Kawalan ng kakayahang bumili
ng gamot.
7. OPLAN Tokhang ng PNP sa
pamumuno ng administrasyong
Duterte.
8. Pagdeklara sa Abu Sayaf at CPP-
NPA bilang terorista.
9. Pahirapan sa pagkuha ng
trabaho.
G. Paglalapat Ang mga suliranin sa Pilipinas ay
umiiral mula noon hanggang
ngayon. Ang ating magagawa
upang masulusyonan ang mga
suliranin ng bansa ay magtulungan
ang mga mamamayan upang

Page | 10
TEACHING AP
mabawasan ang mga suliranin ng
bansa.
H. Paglalahat Ano ulit ang ibig sabihin ng Ang ibig sabihin ng
suliranin? suliranin ay ito ay anumang
Raymond? bagay na kailangang lutasin
at masolusyonan.

Ibigay ang siyam na pangunahing 1. Pagpalaganap ng mga


suliranin o hamon na hinarap ng Ipinagbabawal na Gamot
mga Pilipino mula 1986 hanggang 2. Problema sa Kahirapan
sa kasalukuyan. 3. Suliranin sa Kalusugan ng
(Tinawag isa-isa ang mga mag- Sambayanan
aaral) 4. Suliraning Pang–
edukasyon
5. Suliranin sa Kabuhayan
6. Suliranin sa Pambansang
Seguridad at Katahimikan
7. Suliranin sa Pagkakautang
ng Bansa
8. Suliranin sa Kurapsiyon,
Katiwalian at Pandaraya sa
Pamahalaan
9. Isyu tungkol sa Teritoryo

I. Pagtataya Ngayon na natapus na ang ating


aralin, magkakaroon tayo ng
pagsusulit.

Panuto: Isulat ang “Tama” kung


ang pahayang ay tama, at “Mali”
naman kapag hindi.
1. Nagmumula sa loob at labas ng
Pilipinas ang banta sa seguridad at Sagot:
katahimikan ng bansa. 1. Tama
2. Ayon din sa NSCB tinatayang 2. Mali
30% ng pamilyang Pilipino ang 3. Tama
mahirap. 4. Mali
3. Ang kalusugan ay kayamanan. 5. Mali
4. Ang Spratlys ay pangkat ng
humigitkumulang 200 pulo na
matatagpuan sa kalagitnaan ng
Dagat Timog Tsina.
5. Pagdeklara sa Abu Sayaf at CPP-
NPA bilang kaalyado ng Pilipinas.
J. Takdang Aralin Bago natin tapusin ang araw,
magbibigay ako ng takdang aralin
at ipapasa kinabukasan.

Panuto: Isulat sa papel ang mga


makabagong suliranin ng Pilipinas.

Inihanda ni: G. Mark Reven A. Mirador

Page | 11
TEACHING AP
Iwinasto ni: G. Jansen A. Campos

Page | 12
TEACHING AP

You might also like