Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

CLemenso, CriseLda A.

BSA 1A

Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends sa Akademikong


Pagganap

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa

Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral. Inilalahad ng pananaliksik na ito ang mga maaaring

maging kahihinatnan ng pag-aaral ng mga estudyante dahil sa paglalaro ng Mobile Legends.

Kung ito ba ay may magandang dulot o nagiging sagabal lamang sa kanilang edukasyon. Ito ay

naglalaman din ng mga sentimento ng mga mag-aaral tungkol sa paglalaro ng Mobile Legends

habang sila ay nag-aaral pa.

Ang pag-aaral ng epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa akademikong pagganap ay

mahalaga upang maunawaan ang potensyal na impluwensiya nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa usapin na ito, maaaring matukoy ang mga posibleng epekto

ng pagkahumaling sa laro sa pagiging produktibo at nakakapagpabagal ng pag-unlad sa pag-

aaral. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng mga suhestiyon at solusyon upang

matulungan ang mga mag-aaral na mapanatili ang balanse sa kanilang paglalaro at pag-aaral.

Makatutulong din ito sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga magulang at guro sa kung paano nila

maaring gabayan ang mga kabataan sa tamang paggamit ng oras at teknolohiya. Sa huli, ang

pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay naglalayong mapangalagaan ang kabataan at matiyak ang

kanilang maayos na paglaki at pag-unlad sa larangan ng edukasyon.

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na mga

tanong:
A. Ano sa tingin mo ang naidudulot ng paglalaro Mobile Legends sa iyong pag- aaral?

B. Ilang oras ang ginugugol mo sa paglalaro ng Mobile Legends?

C. Bakit ka nahuhumaling na maglaro ng Mobile Legends?

D. Ano sa tingin mo ang benepisyong nakukuha mo mula sa paglalaro ng Mobile

Legends?

Ang online games ay isa sa mga libangan na tinatangkilik ng mga tao. Ito ay karaniwang

nakikita sa mga computer shops. Ang online games, ayon kay Garcia (2017), ay halos palaging

gumagamit ng internet o kung anumang teknolohiya ang mayroon. Mayroon ding mga online na

komunidad dito na siyang nagpapakita ng pagkakaroon ng maayos na pakikisalamuha at

komunikasyon ng mga manlalaro. Ang mga larong gaya nito ay sikat sa mga kabataan sapagkat

madali nitong nakukuha ang interes at pansin ng mga kabataan. Ayon pa sa pag-aaral ni Garbe

(2019), ang mga online games ang pinakahinahangad na aktibidad sa paglilibang ng mga

kabataan. Dahil sa pagkaadik na ito, lalong dumadami ang mga online games na binubuo ng mga

online gaming company na siyang tinatangkilik naman ng mga kabataan.

Isa sa mga online games na kinahuhumalingan ng mga tao, lalong-lalo na ng mga mag-

aaral, ay ang Mobile Legends. Ayon kay Chua (2019), ang Mobile Legend ay isang multiplayer

online battle arena (MOBA) para sa mga iOS at Android devices na inilunsad at nai-publish ng

Shanghai Moonton Technology, isang kompanya na gumagawa ng mga laro at naka base sa

Kuala Lumpur, Malaysia. Ang mga larong gaya nito ay nagdudulot ng kasiyahan sa mga mag-

aaral, ganumpaman, ito ay mayroon pa ring kaakibat na masamang epekto. Ayon sa pag-aaral ni

Norberte (2019), ang sobrang paglalaro ng Mobile Legends ay maaaring magdulot ng pagkabigo

na magawa ang mga responsibilidad, gaya ng pag-aaral.


Karaniwang manlalaro ng Mobile Legends ay mga mag-aaral. Ito ay dahil mabilis lang

para sa kanila ang magka-interes sa mga bagay na nakakapag-bigay katuwaan sa kanila. Dahil

dito, madalas na nilang nauubos ang kanilang oras sa paglalaro na nagbubunga naman ng

kawalan ng oras sa pag-aaral. Ayon kay Javremois (2019) sa kaniyang pag-aaral inilahad niya na

dahil sa paglalaro ng Mobile Legends ay nakakalimutan na nila ang kanilang mga tungkulin

bilang isang mag-aaral. Sa halip na mag-aral at gawin ang mga takdang-aralin at iba pang

proyekto ay nauubos ang oras nila sa paglalaro. Dahil dito ay nakakakuha sila ng mababang

marka sa kanilang mga asignatura.

Karamihan sa mga hilig gawin ng mga kabataan ay nakukuha nila mula sa kanilang mga

kaibigan. Madali lang para sa kanila ang magkaimpluwensiyahan sa mga bagay na kinahihiligan

nila sapagkat hindi nalalayo ang kanilang mga personalidad. Dala na rin ng mga impluwensiyang

ito ang hilig sa paglalaro ng mga online games gaya ng Mobile Legends.

Karamihan sa mga mag-aaral ay nakakaramdam ng stress. Ito ay dulot ng mga patong-

patong at sunod-sunod na mga gawain sa paaralan. Kaya naman marami sa kanila ang

nahuhumaling na maglaro ng Mobile Legends dahil sa tuwing naglalaro sila nito ay

nababawasan ang mga negatibong pakiramdam gaya ng stress na nararamdaman nila. Ayon kay

Uppal (2017) sa kaniyang pag-aaral, ang paglalaro ng Mobile Legends ay nagdudulot ng stress

relief sa mga manlalaro nito. Ito rin ay nakakatulong para makapagpahinga ang mga manlalaro

nito mula sa mga gawain na pinagmumulan ng kaniyang stress. Dahil sa pag-unlad ng mga

online games gaya ng Mobile Legends ay nagagawa na nilang maglibang kahit sa kaunting oras

lamang. Ayon kay Malibiran (2019) sa kaniyang pag-aaral, ang paglalaro ng Mobile Legends ay

nakapagbibigay kasiyahan sa mga manlalaro at isang magandang aktibidad para sa paglilibang.


Madali lang para sa mga kabataan ang mainip, lalong-lalo na kapag walang ginagawa o

di kaya ay nawawalan na ng interes sa mga gawain. Dahil dito, naghahanap sila ng mga gawain

na pwedeng pampalipas ng oras, gaya ng paglalaro ng Mobile Legends na kinaaadikan ng

maraming mag-aaral. Ayon kay Martin (2012), ang paglalaro ng mga online games ay isang

epektibong paraan sa pagpapalipas ng oras. Nagagawa nitong palitan ng kasiyahan ang kainipang

nararamdaman ng mga manlalaro nito.

Isasagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng interview sa mga

mag-aaral na nasa unang taon sa kursong Akawntansi sa Carlos Hilado Memorial State

University. Sampung (10) mag-aaral lamang ang magiging kalahok ng pananaliksik na ito. Sila

ay haharap sa isang one-on-one interview tungkol sa mga epekto ng Mobile Legends sa kanilang

Akademikong Pagganap. Ayon sa pag-aaral ni Grimshaw (2019), ang one- on-one interview ay

isang paraan ng pakikipanayam kung saan ang mananaliksik ay makakasalamuha nang personal

ang kaniyang mga kalahok. Ang kanilang mga sagot ay itatala ng mga mananaliksik pagkatapos

ay susuriin nang mabuti. Dito magmumula ang mga resulta na ilalahad ng mga mananaliksik.

SANGGUNIAN:

Garcia, R. (2017). Pag-unawa sa Epekto ng Online Gaming sa mga Adolescente: Isang

Pagsusuri ng Literatura. Journal of Child and Adolescent Substance Abuse, 26(2), 123-126.

DOI: 10.1080/1067828X.2017.1274972

Garbe, M. (2019). Ang Ugnayan ng Online Gaming at Well-Being ng mga Adolescente: Isang

Sistemikong Pagsusuri ng Literatura. Journal of Youth and Adolescence, 48(4), 615-632. DOI:

10.1007/s10964-018-0952-3
Chua, S. (2019). Mobile Legends: Bang Bang. Kunin mula sa [https://www.mobilelegends.com]

(https://www.mobilelegends.com)

Norberte, J. (2019). Ang Epekto ng Labis na Paglalaro ng Mobile Legends sa Pagganap sa

Akademiko: Isang Pag-aaral sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo. International Journal of Research

and Innovation in Social Science, 3(6), 34-39.

Javremois, A. (2019). Ang mga Epekto ng Pagkaadik sa Mobile Legends sa Pagganap sa

Akademiko ng mga Senior High School Students. Journal of Education, Psychology, and Social

Sciences, 9(2), 45-51.

Uppal, M. (2017). Pagpapawi ng Stress sa Pamamagitan ng Mobile Gaming: Isang Pag-aaral

sa mga Manlalaro ng Mobile Legends. Journal of Digital Leisure Studies, 5(1), 78-82.

Malibiran, L. (2019). Mobile Legends: Isang Pag-aaral sa Epekto Nito sa Well-Being at

Kasiyahan sa Paglilibang ng mga Manlalaro. Leisure Studies, 15(2), 210-225.

Martin, K. (2012). Ang Sikolohiya ng Online Gaming: Isang Pag-aaral sa Epekto Nito sa

Boredom at Kasiyahan sa Paglilibang ng mga Manlalaro. Journal of Leisure Research, 40(3),

345-359.

Grimshaw, J. (2019). Mga Paraan ng Kwalitatibong Pananaliksik: Isang Praktikal na Gabay

para sa mga Mag-aaral at Mananaliksik sa Agham Panlipunan. Wiley.

You might also like