Professional Documents
Culture Documents
Buwan ng Panitikan_draft
Buwan ng Panitikan_draft
(para sa hindi nakadalo ng seminar) Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento
na maaaring naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa
nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y kakilala. Ikuwento ito
dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.
Noong buhay pa ang aking lola, madalas siyang dumalaw mula sa Bicol upang bisitahin kami rito sa
lungsod. Kasabay ng kaniyang pagdating ay ang mga kuwento na gawa mula sa mga alaala ng tradisyon,
bawat kuwento ay isang kayamanang taglay ang karunungan na ipinamana sa pamamagitan ng
henerasyon. Ang pinaka paborito niyang kuwento ay ang alamat ng duwende. Ang kwentong ito ay
kaniyang isinasalaysay tuwing gabi, bago matulog. Nagsisilbi itong isang mahinahong paalala na laging
tiyaking nakasara ang mga binto at bintana bago matulog, at maingat na suriin ang tangke ng gas upang
maiwasan ang panganib ng sunog. Sa kaniyang bawat pagbisita, ang kuwentong ito ni lola ay naging higit
pa sa basta libangan. Ito ay naging gabay na naglilinaw sa landas ng pag-iingat at pagbabantay sa aming
araw-araw na buhay.
Ang kuwento ay nag-uumpisa sa isang tahimik na bayan na nakatago sa gitna ng mga burol. May isang
ina ang nagbabahagi ng karunungan sa kaniyang dalawang anak na babae, pinapa-igting ang kahalagan
ng maayos na pagsasara ng pinto sa gabi. Habang ang gabi ay bumabalot sa kanilang lugar, tinipon ng ina
ang kaniyang dalawang anak at kinuwento ang mapanlinlang ng duwende. Ang mga nilalang na ito,
pagbaba niya, ay nahuhumaling sa mga bahay na may mga bukas na pinto at bintana, at mahilig silang
magkulikot sa mga bahay na ito. Mataimtim na nakikinig ang magkapatid, ang kanilang imahinasyon ay
nagtatanghal ng mga maliliit na nilalang.
Habang ang gabi ay lumilipas, ang pagod ay pumapaw sa alaala ng magkapatid sa babala ng kanilang ina.
Sa kanilang pagmamadali matulog, hindi na nila naalala na panatilihin ang pinto at ang mga bintana nang
mahigpit, walang kamalay-malay na iniimbitahan ang kapahamakan sa kanilang tahanan. Sa pagsapit ng
hatinggabi, isang bahagyang pag-uga sa labas ng kanilang bintana ang nagpahinto ng kanilang pagtulog.
Ang takot ay umusbong sa kanilang mga pandama habang inaalala nila ang kuwento ng kanilang ina
tungkol sa mga duwende. Sa malabong liwanag, nakita nila ang isang anino na lumusot sa nakabukas na
pinto, siyang nagparamdam ng kilabot sa kanilang mga katawan.
Sa bawat kuwento na ibinabahagi ng ating mga ninuno, nakaukit na rito ang mga aral at kaaralamang
walang kapantay. Sa simpleng kuwentong ito sa mga duwende, nakuha ko ang mahalagang paalala ng
pag-iingat sa tahanan. Sa pamamagitan ng mga salaysay na ito, hinahabi ng ating mga ninuno ang
pagpapahalaga at aral na magbibigay patnubay sa ating mga buhay. Ang aking lola, na nagpamana sa
akin ng mga kuwento at karanungang ito, ay lubos kong papahalagahan at igagalang sa bawat yugto ng
aking buhay. Ang aral ng kuwentong ito ay hindi lamang tungkol sa pisikal nap ag-iingat, kundi pati na rin
sa pagpapahalaga at paggalang sa pinagmulan ng ating mga karunungan at sa mahalagang papel ng ating
mga lolo at lola sa pagpapalaganap ng mga ito.