Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Page 1 of 10

I.PROSESYONAL
A: Magandang araw po sa inyong lahat. Sa ilang
sandali ay muli na naman nating masasaksihan ang
isang palatuntunang sadyang inilaan para sa mga
batang nagsikap na maabot ang kanilang pangarap, ang
kanilang pagtatapos. Muli na naman nating
mamamalas ang kaligayahang nakalarawan sa mukha
ng mga magulang ng mga magsisipagtapos sa araw na
ito.

II. PAMBANSANG AWIT AT


III. PANALANGIN
S: Ngayon ay sama-sama nating tunghayan ang
pagpasok sa tanghalan ng mga batang magsisipagtapos
kasama ng kani-kanilang magulang, mga guro, at mga
panauhin .
Sa pagsisimula po ng ating palatuntunan, inaanyayahan
po ang lahat na tumayo at sabay sabay nating awitin
ang ating pambansang awit na kukumpusan ng ating
guro mula sa pangalawang baitang Bb. .
At susundan ito ng isang awit panalangin na
pamumunuan ng mga piling mag-aaral.
Page 2 of 10

IV. PAMBUNGAD NA PANANALITA


A: Maaari na pong maupo ang lahat. Upang
pangunahan ang pambungad na pagbati, tinatawagan
ko po ang batang nagpamalas ng ibayong pagsisikap sa
pag aaral. Pasalubungan po natin ng masigabong
palakpakan ang batang nagkamit ng may karangalan
_________________
V. PAGBATI MULA SA
(A. BARANGAY)
S: Salamat ___, naway makamit mo ang iyong
pangarap at magsilbing inspirasyon ka sa iba. Hindi ba’t
napakaganda ng kanyang mga sinabi.
A:Oo naman mam. Ngayon naman, isa muling pagbati
ang ating maririnig at magmumula sa ating supportive
na punong barangay.. Kapitan ___________
*****
(B. BAYAN)
S: Marami pong salamat Kapitan___, Sa pagkakataong
ito, isang tao na naging malapit sa ating puso dahil sa
patuloy niyang pagsuporta sa ilang proyekto sa ating
paaralan. Nang nagkaroon ng pandemya ay hindi nya
talaga pinabayaan ang mga guro, mga mag-aaral at ang
Page 3 of 10

ating bayan. Maituturing siyang ama ng edukasyon dito


sa ating bayan. Tinatawagan ko po ang ating butihing
punong bayan... Kagalang galang. Mayor
_____________
***
(C. PAARALAN)
A: Marami pong salamat Mayor____, Kalidad na
edukasyon, maayos na pasilidad, itoy ilan lamang sa
mga hangarin ng ating punong guro para sa ating
paaralan.Isang Pagbati pa rin po ang ating maririnig
ngayon at itoy magmumula sa ating butihing punong
guro... Gng. ___________

VI.
PAGPAPAKILALA
S: Marami pong salamat Mam ________sa
napakagandang mensahe... Dumako naman po tayo sa
pinakamahalagang bahagi ng ating palatuntunan
ngayong araw ... Ang pagpapakilala sa magsisipagtapos
ng kanilang guro Gng._________ na papatunayan
naman ng ating punong guro Gng. _________ at
pagtitibayin ang magsisipagtapos ng ating
Page 4 of 10

napakasigasig at napaka punctual na pinuno, ang ating


_____________District Supervisor ____________

PAGPAPATUNAY
A: Maraming salamat, Sir at Mam, Para sa mga
nagsipagtapos , ang pagtanggap ng katibayan ng
kanilang pagtatapos ay napakahalaga. Dahil ito ay
sisimbolo sa kaganapan ng kanilang tagumpay sa
elementarya. Isa pa rin pong pagbati ang ating
maririnig mula naman sa taong di matatawaran ang
sipag at sikap upang mapabuti ang edukasyon sa
distrito ng__________. Ang ama po ng edukasyon sa
Hermosa... Ginoong _____________

PAGPAPATIBAY SA MGA MAGSISITAPOS


S: Marami pong salamat Sir. Tayo po ay mapalad sa
umagang ito sapagkat kapiling natin ngayon sa
pamamagitan ng Audio Visual Presentation ang isang
taong masidhi ang hangaring mapataas ang kalidad ng
edukasyon sa buong lalawigan. Narito po at ating
pakinggan ang pagbati ng ama ng edukasyon sa
lalawigan ng________. A man of action and hardwork.
Page 5 of 10

Ladies and gentlemen our Schools Division


Superintendent ... Sir ___________

VII. PAGKAKALOOB NG DIPLOMA AT MEDALYA


A: Marami pong salamat Sir____. Tunghayan po natin
ngayon ang pagkakaloob ng diploma sa mga
nagsipagtapos na pangungunahan ng kanilang guro
Gng. _______at ng ating punong Guro
Gng.____________ at ng ating District Supervisor
Ginoong ____________
****pagtanggap ng diploma****

VIII. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING


TAGAPAGSALITA
S: Marami pong salamat Sir_______, Mam ______ at
Mam ___, Sa Bawat pagtatapos na katulad nito, may
isang tao tayong inaanyayahan upang tumalakay sa
ating paksa at magbigay inspirasyon na rin sa bawat isa
sa atin. Upang ipakilala po ang ating panauhing
tagapagsalita para sa umagang ito, akin pong
tinatawagan ang ating Master Teacher.. _________
Page 6 of 10

IX. MENSAHE
****
A: Marami pong salamat ________, Tunay ngang
nakapagbigay inspirasyon sa bawat isa ang inyong
mensahe lalo na sa mga graduates.Ngayon naman poy
tinatawagan ko ang ating punong guro, ating district
supervisor (at ang Schools division superintendent)
para po igawad ang sertipiko sa ating panauhing
tagapagsalita

S: Marami pong salamat Sir ____at mam____. Ngayon


naman po ay dumako tayo sa pinakahihintay ng lahat...
Ang pagpapakilala at pamamahagi ng medalya sa mga
nagkamit ng karangalan sa mga nagsipagtapos.
Inaanyayahan ko po sina Gng. _________ang kanilang
guro, ang ating panauhing
tagapagsalita____________, Pangulo ng ating GPTA
Pres__________, at ang ating punong barangay
Kapitan ____________
**pamimigay ng medalya**
Page 7 of 10

A: Maraming salamat po sa pamamahagi ng medalya.


Hindi lamang po bata ang ating pinararangalan ngayon,
nais din po naming kilalanin ang kontribusyon ng ating
mga magulang na walang sawang sumusuporta sa ating
paaralan kayat atin din nating palakpakan ang inyong
mga magulang.

S: Ayan dapat na parangalan at palakpakan po natin


ang mahuhusay na bata at supportive na parents.
Ngayon, Tinatawagan ko po ang ating punong guro
_________upang ipakilala ang ating Dakilang Guro at
sina Ginoong ___________upang ipagkaloob ang
sertipiko.
**pagbigay ng dakilang guro award**
X. PASASALAMAT
VANESSA: Congratulation mam______!! Marami pong
salamat mam_________. Narating ng mga
Page 8 of 10

nagsipagtapos ang araw na ito sa tulong ng mga taong


naging kaagapay nila sa kanilang pag-aaral. Upang
iparating ang kanyang pasasalamat, ating pakinggan si
__________ang batang nagkamit ng May Karangalan

XI. PANUNUMPA NG KATAPATAN


S: Thank you so much ____ and Congratulations! Sa
pagkakataong ito, tinatawagan ko naman ang batang
nagkamit ng may karangalan, _________upang
pangunahan ang panunumpa ng Katapatan ng batang
nagsipagtapos.

XI. AWIT PAGTATAPOS


A: Maraming salamat ______sa panunumpa ng
Katapatan. Naway inyong maisakatuparan ang
pangakong inyong binitawan.
Page 9 of 10

Ngayon naman muli naming ibinibigay sa inyo ang mga


batang nagsipagtapos para sa kanilang awit
pagtatapos.

S: Salamat graduates, Sa Likod ng tagumpay ng mga


batang nagsipagtapos, ang kanilang mga magulang na
silang pumatnubay nang husto upang matustusan ang
anumang kanilang pangangailangan..Kayat silay
nararapat pasalamatan at bilang pasasalamat, saksihan
po natin ang pag aalay ng bulaklak ng mga batang
nagsipagtapos sa kanilang mga magulang.

XII. PANGWAKAS NA PANANALITA


A: Maraming salamat graduates at muli
congratulations sa inyong lahat. Inaasahan naming sa
pagdating ng araw na kayoy babalik sa paaralang ito
kayoy aming maipagmamalaki. Sa pagkakataong ito,
tinatawagan ko naman ang ating pangulo ng GPTA
Gng. _______________para sa pangwakas na
pananalita. Palakpakan po natin siya.
Page 10 of 10

S :Maraming salamat sa ating GPTCA Gng.


______________, Dito po nagtatapos ang ating
palatuntunan. Muli po graduates and parents
congratulations.
THE END

You might also like