Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa ating minamahal na tagamasid pampurok Ginang Christine

Heidi B. Garcellano na kinatawan ni Ginoong Ryan Jose T. Reyes, sa


ating masipag na ulong guro, Ginang Liberty I. Capistrano, sa ating
iginagalang na purong barangay, Hon. Odenor F. Ferras, sa ating
masisipag na mga opisyal ng barangay, sa ating mga PTA officers na
pinangungunahan nina Ginoong Marcos Jabuen, at Ginang. Ruperta A.
Chua, Mga dalubguto, mga kaguro, mga magulang, at mga mag-aaral,
isang mapagpalang hapon po sa inyong lahat.

Isag malaking karagalan para sa akin ang maatasan na magpakilala


sa inyo ng ating panauhing tagapagsalita, siya po ay isang inspirasyon para
sa ating lahat lalo na sa mga kabataan dahil sa kanyang mga nagawa na at
narating. Patutunayan niya na ang angking talino, sipag, at determinasyon
sa buhay na kinambalan ng magandanng edukasyon ang tunay na
kaagapay ng isang tao upang matamo niya ang isang maningning na
kinabukasan.

Siya po ay ipinanganak sa Brgy. Marcilla, Coron, Palawan noong


Mayo Labing Apat, taong labing siyam siyamnapu’t apat. Anak nina
Ginang at ginoong Myrna Longenos Aniar at Welfredo Caabay Aniar

Siya po ay nagtapos ng elementarya sa Paaralang Marcilla


Elementary School at ng Sekondarya sa Borac National High School taong
dalawampu labing isa (2011). Kumuha siya ng kursong Bachelor of
Science in Elementary Education Sa Fullbright College, Puerto Princesa
City. Sa taong dalawampu labing siyam ay naipasa ang Licensure
Examination for Professional Teacher at naging matagumpay na guro. Sa
kasalukuyan siya ay nagtuturo sa Paaralan ng Marcilla Elementary School.

Ipinagkakapuri ko pong ipakilala sa inyo ang mabunyi nating


panauhing pandangal. Sabay-sabay tayong tumayo at palakpakan ang
masigasig at masipag na Guro, Ginoong Andie Boy Longenos Aniar.

You might also like