Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PAG-USBONG NG MGA KABABAIHAN

Sa bawat paglipas ng panahon ay napagtanto ng lahat na ang kakayahan ng


bawat tao ay pantay lamang na binigay o ibinahagi ng Diyos, na kung matutunan nating
pagsama-samahin ito ay makabubuo ng isang maunlad na kumunidad na kung saan ay
matatamasa ang kalayaan o mamuhay kasama ng ibang tao at iba pang nilalang na
naninirahan sa mundong ito, maaaring ito ay mga tkababaihan, kalalakihan, mga hayop
, halaman at iba pa.
Ang mga kababaihan ay kinilala bilang mahihinang nilalang sa lahat ng tao,
kinilala rin bilang mangmang, walang kakayahang makapag desisyon para sa sarili,
walang silbi sa lipunan at iba pang klase ng deskriminasyon at pagapak sa pagkatao ng
mga kababaihan ang narinig mula sa ibang tao. Sa takot at patuloy na panghuhusga
mula sa mga kinilalang perpektong tao ay ang siyang rason ng pagkawala ng boses na
ipaglaban ang karapatan ng kababaihan, isama mo pa ang pagkawala ng kanilang
kumpiyansa sa sarili.
Samu’t saring karahasan, at mga mapangabusong pangyayari ang naranasan ng
mga kababaihan bago makamit ang pinakainaasam na kalayaang mamili ng
pamumuhay na siyang ninanais, na makawala sa pangaalipusta at pagmamaliit ng
ibang tao. Nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaiihan upang baguhin ang
perspsyon ng mga tao tungkol sa mga kababaihan sa pamamagitan ng edukasyon na
siyang susi sa pagbukas ng oportunidad upang sila’y makatayong muli, unti unti rin ay
nabawasan ang pagmamaliit at pang aabuso ng mga kalalakihan sa mga kababaihan.
Hindi natin masasabi na tuluyan na talagang malaya ang mga kababaihan sa
deskriminasyon ngunit hindi ito kasing tindi katulad ng nakaraan. Hanggang ngayon,
tayo ay maaaring makaranas parin ng deskriminasyon at pang aabuso mula sa mga
kalalakihan, ito ay nararapat na lamang na palakasin ang kapagyarihan ng mga
kababaihan upang matigil ang anumang karahasan nagaganap. Hindi man maniwala
ang mga tao sa ating naranasan, may kakayahan naman tayong makaalis sa
masalimuot na pangyayari.
Natamasa ng mga kababaihan ang magkaroon ng batas upang maprotektahan
ang kanilang sarili mula sa anumang pang aabuso laban sa kalalakihan. Napatunayan
natin sa lahat na kaya nating tumayo sa mga sariling paa at gawin kung ano rin ang
kayang gawin ng mga kalalakihan, matuto o mag aral, magdesisyon para sa sarili,
matatag na kalooban at iba pa. Naipakita rin natin ang ating kakayahang lumaban mula
sa mapang-alipustang kalalakihan,
Ang babae ay dapat ginagalang. Ang babae ay dapat inaalagaan at minamahal.
Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay mawawalang halaga kung hindi tayo
marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Ang karahasan sa kababaihan ay isang
pagyurak ng dignidad hindi lamang ng babae, kundi ng sangkatauhan.
SANGGUNIAN:
http://manueltonidobanquito.blogspot.com/2012/02/para-sa-mga-kababaihan.html
https://www.veritas846.ph/karahasan-laban-sa-kababaihan/

You might also like