Diarrhea Topic

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DIARRHEA Ano ang diarrhea?

Ang diarrhea (pagtatae) ay madalas na pagdumi, pagdami ng dumi, o pagiging matubig ng dumi sanhi ng impeksyon sa tiyan or bituka na dulot ng mikrobyo tulad ng bacteria, parasites, fungi or virus. Maaaring maging sanhi din ng pagtatae pagiging lactose intolerant. Ito ay pagiging hirap sa pagtunaw ng gatas o mga dairy products at maaaring magtae kung iinom o kakain sila ng mga pagkaing naglalaman nito Kung hindi mawala ang pagtatae pagkaraan ng ilang araw, maaaring maging sanhi ito ng mas malubhang mga problema. Ang pinakamalubhang komplikasyon ng pagtatae ay ang panunuyo ng katawan (dehydration). Kung nagtatae ka, ang iyong katawan ay nauubusan ng tubig at ng mga importanteng mineral na kailangan sa maayos na pagtakbo ng katawan (tulad ng sodium at potassium). Kung patuloy pa rin ang pagtatae pagkatapos ng ilang linggo, itoy nagiging dahilan ng pagkawal ng mga nutrients o sustansya sa katawan. Ito ay nagpapapayat (wasting). Sintomas ng diarrhea: Madalas na pagdumi Pagdami ng dumi Pagiging matubig ng dumi Pagsakit ng tiyan Pagsusuka Lagnat Panghihina

Maaring mapansin na ang balat ay parang tuyo, mukhang maputla, at pag malala na, mapapansin din na parang nakalubog ang mga mata at tuyo ang lalamunan. Ito ay senyales na grabe na ang dami ng tubig na nawala sa katawan. Paraan upang maiwasan ang diarrhea: Bigyang-pansin at siguruhing ligtas at maingat ang paghahanda ng pagkain at iwasan ang pagkain ng di lutong karne o hilaw na gulay. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay sa paghahanda ng pagkain, bago at pagkatapos kumain.

Hugasang mabuti ang mga prutas at gulay bago ito kainin. Siguruhing malinis ang tubig inumin. Pakuluang mabuti ang tubig kung ito ay kontaminado. Siguruhing malinis ang lagayan ng tubig. Linising mabuti ang mga gamit sa pagkain tulad ng plato, kutsara, tinidor at baso.

Karagdagang Sustansya at lunas sa diarrhea: Ang diyetang mataas sa fibre o fibre supplements tulad ng Metamucil ay nakakapagpabawas sa pagtatae. Para sa pagtataeng sanhi ng bacteria o parasitiko, maaaring mangailangan muna ng espesyal na antibiotic na papatay sa mga mikrobyong ito bago masugpo ang pagtatae. Para sa ibang klase ng pagtatae, may mga gamot halimbawa na nagpapabagal sa galaw ng bituka. Kasama rito ang mga over-the-counter o mga gamot na nai-reseta tulad ng Imodium at Lomotil. Uminom ng maraming tubig. Maraming tubig sa katawan ang nawawala kapag nagtatae. Uminom ng maraming clear fluids para mapalitan ang nawalang tubig. Kung ang bata ay dumedede sa nanay, ipagpatuloy ang pagpapadede. Gawin itong mas madalas at mas matagal. Bigyan ito ng Oral Rehydration Salt solution or food-based fluids tulad ng sopas, rice water o (am), or buko juice. Bilang ng karagdagang tubig na dapat ipainum sa bata 0 - 2 taong gulang 50 to 100 ml pagtapos dumumi 2 taon pataas 100 to 200 ml pagkatapos dumumi Upang malaman ang bilang ng ORS na dapat ibigay alamin ang timbang ng bata in kilograms at i-multiply ito sa 75. Halimbawa: 20 kg x 75 = 1500 ml or isang litro at kalahati. Ipainom ang ORS ng pauntiunti. Kung ang bata ay sumuka, maghintay ng 10 minuto bago ito painumin ulit. Gawin dahan dahan ang pagpapainom. Baguhin ang diyeta o umiwas sa: dairy products, mga pagkaing mamantika, mga prito at pagkaing maraming taba; maaanghang na pagkain; caffeine (mula sa kape, tsokolate, tsaa at soft drinks); apple juice; whole wheat bread, mais. Dagdagan ang kain ng: saging, kanin, lugaw o pansit, cereal, nilagang itlo, kalabasa, tinustang white bread, crackers, yogurt.

Kung ang pagtatae ay hindi gumaling makalipas ang ilang araw, o kung may kasamang lagnat, o dugo sa dumi; kumunsulta agad sa doktor para malaman ang mga pangkaraniwang nagiging sanhi ng pagtatae na maaring gamutin.

You might also like