Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

V.V. Soliven Avenue ll, Cainta Rizal, Philippines

Bachelor of Elementary Education

Mala susing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Ika- Apat na Baitang sa Elementarya

l. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…..

a. Makilala at matukoy ang mga Gulay sa Halamanan

b. Magpakita ng pagpapahalaga sa mga halaman sa pamamagitan wastong

paggamit.

c. Maipakita ang pag-unawa sa pamamagitan ng kilos o galaw.

ll. Paksang Aralin:

a. Paksa : Mga Gulay sa Halamanan

b. Kagamitan: Panturong Biswal, Larawan ng ibat-ibang uri ng halamang gulay

c. Pagpapahalaga : Wastong paggamit ng gulay sa halamanan


d. Istratehiya: Gawaing Indibidwal / Pangkatang Gawain

lll. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagsasaayos ng silid Aralan

4. Pagtsetsek ng liban sa klase

5. Mga alintunin at regulasyon sa loob ng silid aralan

6. Balik-aral

B. Pagganyak
Ang guro ay mag tuturo ng awit na “Bahay Kubo” at sasabayan naman ito
ng mga estudyante.

“Bahay Kubo”

Bahay kubo, kahit munti

Ang halaman doon ay sari-sari

Singkamas at talong, sigarilyas at mani

Sitaw, bataw, patani

Kundol, patola, upo't kalabasa

At saka mayroon pang labanos, mustasa

Sibuyas, kamatis, bawang at luya

At sa paligid-ligid ay puno ng linga.


C. Paglinang ng Gawain

Magpapakita ng iba’t-ibang larawan ng iba’t ibang gulay

magtanong: Kilala niyu ba kung ano ang mga nasa larawan?

D.

Pagtatalakay

Tatalakayin ang 3 Uri ng Iba’t-ibang klase ng Halaman…

1. HALAMANG NAGBIBIGAY PAGKAIN

Sa halamang nagbibigay pagkain ay may 5 bahagi ang una ay…

a. Madahong Tangkay ng Gulay

 Kangkong

 Saluyot

 Malunggay

 Alugbati

 Talbos ng Kamote

b. Bunga o Buto

 Bayabas
 Buto ng langka

 Munggo

 Black Beans

 Sesame Seeds

c. Bulaklak at Usbong

 Puso ng Saging

 Bulaklak ng Kalabasa

 Cauliflower

 Bulaklak ng Malunggay

d. Aquatic at Lamang Ugat

 Kamote

 Gabi

 Patatas

 Labanos

 Luya

e. Baging – Ito ay mga halamang gulay na gumagapang o tinatawag na baging.

 Sitaw

 Patani

 Patola

 Upo

 Ampalaya
f. Herbs o Spices – Ito ay halamang gulay na nagbibigay pampalasa sa ating

pagkain.

 Bawang

 Sibuyas’

 Luya

 Bell Pepper

 Parsley

2. HALAMANG ORNAMENTAL – Ito ay mga halamang nagbibigay o nagdaragdag

ng kagandahan at nag papalamig sa ating paligid. Ang mga halimbawa ito ay…

 Sampaguita

 Orchids

 Chinese Bamboo

 Rosas

 Bougainvillea

3. HALAMANG MEDICINAL – Ito ay halamang gulay na maaring gamot o

nagbibigay lunas sa mga sakit o karamdaman ng isang tao. Maaari itong

dikdikin, itapal, kainin o inumin ang katas nito.

 Ampalaya - Pampababa ng asukal sa dugo sa mga may diabetes.

 Bayabas – Gamot sa pagtatae at panghugas sa katawan na nakakaalis ng

mikrobyo.
 Sambong – Gamot sa highblood

 Oregano - Gamot sa ubo’t Sipon

 Dahon ng Pandan – Sinasama sa sinaing upang bumango ang kanin.

E. Paglalahat

Kung lubos na naunawaan ang aralin, ang guro ay magbibigay ng mga

katanungan tungkol sa mga 3 Uri ng Gulay sa Halamanan

 Ibigay ang tatlong uri ng gulay sa halamanan

 Ilang bahagi mayroon ang halamang nagbibigay pagkain? Anu-

ano ito?

 Mabigay ng 2 halimbawa ng halamang ornamental

 Magbigay ng 3 halimbawa ng halamang medicinal

F. Pagpapahalaga

 Anu-ano ang inyong natutuhan sa ating pinag aralan?

 Baakit mahalagang malaman natin ang iba’t ibang uri ng halamang

gulay?

 Ano kaya ang maaring mangyari kapag hindi tayo kumain ng gulay?

IV. Paglalapat

Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay

bibigyan ng kanya kanyang mga gawain.

Magbibigay ang guro ng mga pamantayan para sa kanilang pangkatang


Gawain.
RUBRIKS

NILALAMAN 30%

PAGPAPALIWAG 25%

PAGKA MALIKHAIN 20%

KOOPERASYON 15%

KAAYUSAN HABANG GUMAGAWA 10%

100%

PANGKAT 1

Para sa unang pangkat magbigay ng 5 halimbawa ng Halamang nagbibigay ng

pagkain iguhit at kulayan ito. Pagkatapos ay ibahagi sa klase at ipaliwanag.

PANGKAT 2

Para naman sa ikalawang pangkat ayusin ang mga salita na angkop o naayon sa

bawat litrato. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang nabuong salita at tukuyin kung saang

uri at bahagi ito kabilang.

Jumbled Letter Larawan Sagot


1. Yotsalu

2. Amspatagui

3. Masngbo

4. Kongangk

5. Otemak

6. Usibsay

7. Nogareo

8. Osup gn Ngsaig
9. ungogm

10. Watis

PANGKAT 3

Sa ikatlong pangkat gumawa ng maiksing tula patungkol sa tamang pagkain ng

gulay. Ibahagi sa klase ang tulang nalikha.

PANGKAT 4

Mag-isip ng kanta na angkop sa ating tinalakay. Ibahagi sa kalse ang napiling

kanta.

V. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng halaman ang ibibigay kong halimbawa. Isulat

ang titik o lettra ng tamang sagot.

Pagpipilian:

a. Halamang nagbibigay pagkain


b. Halamang ornamental

c. Halamang Medicinal

1. Kalabasa 6. Chinese bamboo

2. Sampaguita 7 .Saluyot

3. Kangkong 8. Kamote

4. Sambong 9. Munggo

5. Ampalaya 10. Puso ng Saging

VI. Takdang Aralin

1. Ibigay ang iba’t ibang uri ng pananahi. Isulat sa isang buong bond paper.

Inihanda ni:

PANAGUITON, JIEZL MAE A.

TA180349 | BELEMED

You might also like