Mga Angkop na Salita sa Pagsasagawa ng Radio Broadcast

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ang ____________ ng radyo ang nangangasiwa sa mga balitang isasahimpapawid sa radyo at


namamahala sa kabuoan ng pagbabalita.

A. announcer C. komentarista

B. news director D. field reporter

2. Ang ____________ ay isang uri ng pamamahayag sa paraang pasalita at pasulat na nag-uulat ng mga
kaganapan sa ating bansa.

A. interbyu C. radio broadcast

B. komentaryo D. pagsasahimpapawid

3. Ang OBB ay nangangahulugang pagbubukas ng ____________ sa

pagsisimula ng pagsasahimpapawid.

A. billboard C. closing of the billboard

B. dead air D. opening of the billboard

4. Magsasagawa rin ng ___________ ang mga tagapagbalita sa mga taong may kinalaman sa isyung
tinatalakay upang mapatunayan ang totoong nangyari.

A. interbyu C. radio broadcast

B. komentaryo D. pagsasahimpapawid

5. Hindi na nagbibigay ng ____________ ang ilang tagapagbalita dahil sa kakapusan sa oras.

A. interbyu C. radio broadcast

B. komentaryo D. pagsasahimpapawid

6. Kailangang malinaw ang ___________ ng mga balita upang maintindihan ng mga tagapakinig ang mga
balita at mahikayat silang makinig sa programa.

A. interbyu C. radio broadcast

B. komentaryo D. pagsasahimpapawid

7. Sa pagbubukas ng programa sa radyo, kinakailangan ng pangalan ng istasyon. Alin sa mga sumusunod


na linya mula sa Florante at Laura ang maaaring pagbatayan nito?

A. Sintang Florante

B. Magandang dilag

C. Kupido ng Pag-ibig

D. Pebo ningning ng liwanag mo


8. Sa pagbuo ng balitang showbiz, anong hakbang sa paggawa ng kawili- wiling balitang panradyo ang
mainit na isyung mabubuo sa saknong 329?

“Lumago ang binhing mula sa Atenas

ipinunlang nasang ako’y ipahamak;

kay Adolfo’y walang bagay na masaklap,

para ng buhay kong hindi nauutas.”

A. Ang pagpugot sa ulo ni Laura.

B. Ang patibong ni Adolfo kay Florante.

C. Ang unang pagtatagpo nina Florante at Laura.

D. Ang tagumpay na tinamo nina Florante at Menandro.

9. Ayon sa saknong 306, anong komersyal ang angkop sa isinasaad nito?

“Tagumpay na ito’y pumawi ng lumbay

ng mga nakubkob ng kasakunaan;

panganib sa puso’y naging katuwaan,

ang pinto ng s’yudad pagdaka’y nabuksan.”

A. kabuktutan C. katagumpayan

B. kalungkutan D. kapaimbabawan

10. Ito ay isa mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling balitang panradyo na tumutukoy sa panahon.

A. balitang isports C. balitang panahon

B. balitang showbiz D. balitang komersyal

You might also like