Week5_Q1_LAS_AP1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 1: Week 5
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 1

Pangalan:_____________________ Unang Markahan: Ika-limang linggo


Baitang at Pangkat: ___________ Petsa: ____________________________

PAGPAPATULOY AT PAGBABAGO BATAY SA KUWENTO NG SARILI

Susing Konsepto

Ang bawat bata ay dumaranas at nakararanas ng


pagkakaibang mga nagaganap sa buhay. Ito ay ating tinatawag na
pagpapatuloy at pagbabago.

Ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago sa sarili, na


nararanasan ng bawat bata, ay maaring katangian pisikal o gawain.
Sa kabila ng mga ito, mayroon pa ring mga bagay na nananatili sa
ating sarili, tulad ng pangalan at petsa ng kapanganakan.

Pagpapatuloy at Pagbabago sa Sarili

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

Tingnan ang pagkasunod-sunod ng mga larawan sa itaas.


Nagpapakita ang mga ito ng kaganapan sa buhay ng tao. Habang
lumalaki ang sanggol nagkakaroon ng pagbabagong pisikal sa
kanyang anyo, ito rin ay patuloy na nagaganap habang siya ay
tumatanda.

Kasabay ng pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami ng


mga kaya nilang gawin. Mula sa paggapang ng sanggol, hanggang
sa pagtayong mag-isa, at paglakad nito ay bahagi ng pagpapatuloy
at pagbabago sa kanyang sarili.

Kasanayang Pampagkatuto

Napaghihinuha ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago sa


pamamagitan ng pagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkasunod-
sunod.
2
Pagsasanay 1

Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkasunod-sunod ng mga


kaganapan. Gamitin ang mga bilang 1, 2, 3, at 4,. 1 para sa
pinakaunang pangyayari at 4 sa pinakhuli. Isulat sa loob ng kahon ang
tamang bilang.

https://www.netclipart.com/isee/xRwxx_infant-clipart-baby-brother-chubby-baby-girl-clipart/
https://samutsamot.com/2016/08/19/mga-kasapi-ng-mag-anak/

Pagsasanay 2

Panuto: Panahon ng pandemiya ngayon, bilang pangangalaga sa


ating sarili, kailangan natin panatilihing malinis at malakas ang ating
pangangatawan. Pagsunud-sunurin ang mga larawan, ng mga
gawaing ating ginagawa upang mapanatiling malusog ang
pangangatawan. Isulat sa loob ng bilog ang mga titik A, B,C,D. Titik A
para sa una at D sa pinakahuli.

https://www.bulacandeped.com/wp-content/uploads/2013/08/MTB-Activity-Sheet-Units-3-4-Final.pdf
https://www.bulacandeped.com/wp-content/uploads/2013/08/Edukasyon-sa-Pagpapakatao-Apr-10-
TAGALOG.pdf

3
Pagsasanay 3

Panuto: Kulayan ang loob ng mga larawan na nagpapakita ng


sunod-sunod na kaganapan/pangyayari sa buhay ng tao. Gamitin ang
pula para sa una, dilaw sa pangalawa, berde sa pangatlo, asul sa
pang-apat at kulay tsokolate sa panlima.

Pedro Ito ay ang batang si Pedro.


Iniisip niya ang mga bagay na
nagawa na niya noong siya ay bata
pa lamang, at kung ano pa ang
kanyang makakayang gawin
4
habang siya ay lumalaki o
tumatanda. Tulungan nating siyang
ayusin ang mga ito ayon sa tamang
pagkasunod-sunod ng mga
kaganapan sa kanyang buhay.
Handa na ba kayong tulungan
si Pedro?

https://www.google.com/search?q=clip+art+karpintero&tbm=isch&ved=
https://www.google.com/search?q=clip+art+infant&source
https://clipartstation.com/eating-healthy-breakfast-clipart-3/

4
Pagsasanay 4:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang


ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi.

_______ 1. Ang ating pangalan ay nananatili sa ating sarili,


hindi ito nagbabago at napapalitan.
_______ 2. Ang petsa ng ating kapanganakan ay hindi
nababago.
_______3. Nag- iiba ang sukat ng damit habang lumalaki ang
bata.
_______4. Hindi nagpapatuloy ang pagbabago sa buhay
ng bata.
_______5. Patuloy na nadaragdagan ang mga gawain na
kayang gawing mag-isa ng bata habang siya ay lumalaki.

Pagsasanay 5 (Performance Task)

I. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Mga bagay na hindi nagbabago sa ating sarili hanggang sa


paglaki.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Mga bagay na nagbabago at nagpapatuloy sa ating sarili.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
II. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang iyong mga larawan mula nang
ikaw ay sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.

1. Pagkasilang

2. Edad 3 - 5 taong gulang

3. Kasalukuyang edad

6
Pangwakas na Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kolum tungkol sa natutunan


mo sa araling ito.

Layunin Oo Hindi Hindi Sigurado


1. Natutukoy ang mga
bagay na hindi
nababago sa sarili.
2. Napagsusunod-sunod
ang tamang
kaganapan sa buhay
ng tao.
3. Napahahalagahan
ang mga
pagpapatuloy at
pagbabago sa sarili.
4. Naihahambing ang
mga gawain mula
noong bata
hanggang sa paglaki.
5. Naibibigay ang mga
kayang gawin ng bata
hanggang sa paglaki

Sanggunian:

Agcaoli, Czarina B., at Maria Vanessa P. Lusung- Oyson,


“Pagpapahalaga sa Sarili”, Araling Panlipunan-
Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog
(Department of Education Instructional Materials
Council Secretariat DepEd- IMCS, 2012), 38-44

7
8
Teacher II
RACHELL M. PERALTA
Inihanda ni:
Pagsasanay 1
4, 2, 1, 3
Pagsasanay 2
C, D, A, B
Pagsasanay 3
dilaw , asul, tsokolate, berde, pula
Pagsasanay 4
1.Tama
2.Tama
3. Tama
4.Mali
5.Tama
Pagsasanay 5 (Performance Task)
Ang kasagutan sa bawat katanungan ay batay sa
sagot ng mag-aaral.
Pangwakas na Gawain
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto:

You might also like