Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 1: Week 1
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 1

Pangalan:_______________________Unang Markahan:Unang Linggo


Baitang at Pangkat:______________Petsa: ________________________

PAGKILALA SA SARILI
Susing Konsepto
Ang Aking Sarili
Unang araw mo sa paaralan. May makikilala kang bagong
kamag-aral at mga kaibigan. Paano mo ipapakilala ang iyong
sarili? Ano- ano ang mga impormasyon sa iyong sarili ang gusto
mong ibahagi sa iyong bagong kamag-aral at kaibigan. Sa araling
ito inaasahang masasabi mo ang mga batayang impormasyon
tungkol sa iyong sarili.

Ako naman si
Ako si Miya B. Lito S. Manalo
Basa

Ang bawat bata ay may pangalan. Ibinigay ito ng iyong


mga magulang. Dapat mo itong ipagmalaki. Ikaw, ano
ang pangalan mo?

Ang tatay ko po ay si Pepe


Manalo at ang nanay ko ay si
Linda Manalo.

Ang bawat bata ay may sariling mga magulang. Sila ay


dapat nating igalang at mahalin. Ikaw, ano ang
pangalan ng mga magulang mo?

2
Kailan ka ipinanganak?

Ipinanganak ako noong Mayo 22, 2015

Ang bawat bata ay dapat alam ang buwan, araw at taon ng


kanyang kapanganakan. Dapat mo itong ipagpasalamat sa
Diyos at sa iyong mga magulang. Ikaw, kailan ka ipinanganak?

Ilang taong gulang ka na?

Ako ay anim na taong gulang.


na.
Ang bawat bata ay mahalagang malaman ang buwan, araw,
at taon ng kapanganakan upang masabi kung ilang taong
gulang na. Ikaw, ilang taong gulang ka na?

Nakatira ako sa Purok 5 Barangay


Balibago Segundo, Tarlac City

Ang bawat bata ay mahalagang malaman kung saan


siya nakatira. Ito ay makakatulong kung sakaling siya ay
maligaw. Ikaw, saan ka nakatira?

3
Nag-aaral ako sa Paaralang
Elementarya ng Capulong.
Matatagpuan ito sa Barangay Balibago
Segundo, Tarlac City.

Ang paaralan ay ang lugar kung saan ka nag-aaral.


Ang bawat bata ay dapat malaman kung saan siya nag-
aaral at ang lokasyon nito. Ito ay makakatulong upang hindi
siya maligaw sa pagpunta sa kanyang paaralan. Ikaw, saan ka
nag-aaral? Saan matatagpuan ang iyong paaralan?

Ang Aking mga Katangiang Pisikal


Sa araling ito, malalaman mo ang mga katangiang pisikal na
tinataglay ng isang batang Pilipino. Mailalarawan mo ba ang iyong
katangiang pisikal sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing
pamamaraan?
Ano ba ang katangiang pisikal? Ang katangiang pisikal ay
naglalarawan sa panlabas na anyo ng isang tao.
Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng isang batang Pilipino?

Ako si Rea Arroyo. Tuwid ang aking buhok.


Ako ay matangkad, bilugin ang aking mga
mata, at kayumanggi ang aking balat. Ako
ay isang Pilipino.

Ako si Lee Chan. Singkit ang aking mga


mata, may maputing balat, matangos
ang aking ilong at karaniwan ang aking
taas. Ako ay isang Pilipino.

Ako si Brenda Dela Cruz. Kulot ang aking


buhok, mababa, hindi matangos ang ilong at
may maitim na balat. Ako ay isang Pilipino.

4
Ang karaniwang Pilipino ay karaniwang may katamtamang
laki o taas. Kulay kayumanggi ang balat. Ang buhok ay
karaniwang tuwid at itim. Ang mga mata ay medyo singkit
at kulay itim. Ang ilong ay hindi gaanong matangos.
Magkakaiba man ang ating mga katangiang pisikal,
Pilipino pa rin tayong lahat.

Kasanayang Pampagkatuto
Batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang,
kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at
mga katangian bilang Pilipino.
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon tungkol
sa iyong sarili.

Bago ka ba rito? Ano ang pangalan mo?

1. Ang pangalan ko ay _________________________________________.

Kailan ka ipinanganak?

2. Ipinanganak ako noong _____________________________________.

Ilang taong gulang ka na?

3. Ako ay ___________ na taong gulang na.

Nawawala ka ba? Saan ka nakatira?

4. Nakatira po ako sa __________________________________________.

Saan ka nag-aaral?

5. Ako ay nag-aaral sa _________________________________________.


5
Pagsasanay 2 (Performance Task)
Panuto: Humarap sa salamin. Pagmasdang mabuti ang iyong
anyo. Iguhit mo ito sa isang malinis na papel at isulat ang iyong
palayaw o karaniwang tawag sa iyo ng iyong magulang sa
ibabang bahagi ng iyong iginuhit.

Sagutin ng pasalita ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang napansin mo sa iyong ginuhit?


2. Ano-anong katangiang pisikal mo ang katulad sa
iyong tatay? nanay? mga kapatid?
3. Ano ang naramdaman mo nang may makita kang
katangiang pisikal na katulad ng iyong tatay? nanay?
mga kapatid?
4. Masaya ka ba sa iyong iginuhit? Bakit?
5. Ipinagmamalaki mo ba ang iyong katangiang
pisikal?

Pangwakas na Gawain
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Unang araw ng pasukan nais ng guro na magpakilala ang


kanyang mga mag-aaral na nasa unang baitang. Isang batang
lalaki ang unang nagpakilala nang buong husay. “Ako si
Juanito Dela Cruz. Ako ay pitong taong gulang na. Nakatira

6
ako sa Barangay Balibago Segundo, Tarlac City. Ang mga
magulang ko ay sina Juan at Nida Dela Cruz. “

1. Ano ang pangalan ng batang nagpakilala?


a. Si Juan at Nida
b. Si Juanito Dela Cruz
c. Si Rey Ramos
d. Siya ay pitong taong gulang.

2. Saan nakatira si Juanito Dela Cruz?


a. Sina Juan at Nida ang kanyang mga magulang.
b. Siya ay nakatira Barangay Balibago Segundo, Tarlac City
c. Siya ay pitong taong gulang na.
d. Siya ay si Juanito Dela Cruz

3. Paano nagpakilala ng kanyang sarili si Juanito?


a. Siya ay buong husay na nagpakilala.
b. Siya ay masayang nagpakilala
c. Siya ay nahihiyang nagpakilala.
d. Siya ay nagagalit nang nagpakilala.

Sa unang araw ng pasukan sa unang baitang ay nais ng guro


na ipakilala ang kanilang sariling katangiang pisikal sa isang
malikhaing pamamaraan sa pamamagitan ng pagguhit.
Masayang ipinakita ni Anita De Leon ang kanyang iginuhit at siya
ay nagpakilala. “Ako si Anita De Leon, ang aking maliliit na mata
ay katulad ng mga mata ng tatay ko. Ang aking tuwid na buhok
ay katulad sa aking nanay.”

4. Ano anong mga katangiang pisikal ni Anita ang katulad sa


kanyang mga magulang?
a. biluging mga mata at kulot na buhok
b. biluging mga mata at tuwid na buhok
c. maliliit na mga mata at kulot na buhok
d. maliliit na mga mata at tuwid na buhok

5. Paanong paraan ipinagawa ng guro ang pagpapakilala sa


sariling katangian ng mga mag-aaral?
a. Sa pagguhit ng mga magulang.
b. Sa pagguhit ng pisikal na katangian.
c. Sa pagsulat ng sariling pangalan.
d. Sa pagguhit ng sariling tirahan
7
Sanggunian:
Agcaoli, Czarina B., at Maria Vanessa P. Lusung-Oyson,
Araling Panlipunan-Unang Baitang Kagamitan ng
Mag-aaral:Tagalog, (Department of Education
Instructional Materials Council Secretariat DepEd –
IMCS, 2012)

Susi sa Pagwawasto:

5. b
4. d
3. a
2. b
1. b
Pangwakas na Gawain
Pagsasanay 2 (Performance Task): (magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Pagsasanay 1: (magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Inihanda ni:

Rosalie S. Dizon
Teacher III

You might also like