Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

MUSIKA
Unang Markahan
STEADY BEATS AT SUKAT NG PULSO
MUSIKA 1

Pangalan: ____________________________________ Unang Markahan


Ikatlo, Ika-apat at Ikalimang Linggo
Baitang at Pangkat: __________________________ Petsa: ___________________

STEADY BEATS AT SUKAT NG PULSO


Susing Konsepto
Mayroong mga tunog sa ating kapaligiran na galing sa tao, hayop, mga
sasakyan, at iba pang mga bagay na nakalilikha ng tunog.
Sa musika, ang mga tunog na ito ay mayroong tinatawag na beats o
kumpas. Kung ang kumpas ay nagkakaisa at sabay-sabay ito ay tinatawag na
Regular na kumpas o Steady Beats na nagiging maganda sa ating pandinig.
Ang beat ay pulso na nadarama natin sa musika. Maaari itong mabagal o
mabilis subalit pantay ang daloy. Ito ang tinatawag nating Steady Beat.
Maaari tayong gumamit ng mga kilos tulad ng pagmartsa, pagtapik,
pagpalakpak, at pagtugtog ng instrumentong panritmo upang maipakita ang
pulso ng musika.
Ang PULSO ng musika ay maaaring pangkatin ng dalawahan (2), tatluhan (3)
o apatang (4) sukat. Ang MALAKAS NA PULSO sa bawat pangkat ay matatagpuan
sa UNANG KUMPAS.
Subukin:
Tignan at pag-aralan ang mga nota upang malaman ang kumpas ng bawat
rhythmic pattern sa ibaba. Pumalakpak ayon sa mga notang ipinapakita.

● ● ● ● ● ●

1 2 1 2 1 2
Ang rhythmic pattern na ito ay may dalawahang kumpas.

● ● ● ● ● ● ● ● ●

1 2 3 1 2 3 1 2 3
Ang rhythmic pattern na ito ay may tatluhang kumpas.

● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ●

1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4
Ang rhythmic pattern na ito ay may apatang kumpas.

Umawit at Kumilos:
Halina’t aralin ang awiting ”Tap, Tap, Ulan” mua sa tono ng “Twinkle, Twinkle
Little Star”.

TAP, TAP, ULAN

Tap, tap, tap, tap


Ay umuulan
Pumapatak,
Pumapatak
Sa halaman

Awitin ang “Tap, Tap, Ulan”. Sa bawat linya nito, sundan at gawin ang sumusunod
na mga kilos:
1. Pagtapik sa lamesa
2. Pagmartsa
3. Pagpalakpak

Kasanayang Pampagkatuto:
Performs steady beat and accurate rhythm through clapping, tapping chanting,
walking and playing musical instruments in response to sound (MU1RH-Ic-5)
- in groupings of 2s
- in groupings of 3s
- in groupings of 4s

Pagsasanay 1 : Bigkasin ang tugma habang nagmamartsa gabay ang mga linyang
patayo. Tandaan na ang padyak ng kanang paa ay ang unang kumpas. Bigyan ito
ng malakas na kumpas.
Tayo Nang Magmartsa (Awiting Pasalita)
Ni: Mary Jane M. Tubo

Isa, dalawa, tayo nang humanda.

Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa.

Isa, dalawa, tayo nang magmartsa.

Ipakita kung gaano kahusay ang iyong pagkatuto sa pagsasanay na ginawa.


Lagyan ng tsek (√) ang masayang mukha kung nagawa at malungkot na
mukha naman kung hindi.

Mga Kasanayan

1. Nagawa ng maayos at
tama ang pagsasanay.
2. Natutukoy ang kaliwa at
kanan sa pagpadyak.
3. Nasusundan ang mga
linyang patayo sa
pagmartsa.

Pagsasanay 2:
Sukatin at Tugtugin:
Ipalakpak ang bawat guhit sa ibaba. Bigyan ng mas malakas na kumpas ang
unang bilang. Maaari ding gumamit ng ibang improvised rhythmic instrument gaya
ng pagpalo ng dalawang patpat.

1 2 1 2 1 2 1 2 3 1 2 3 1 2 3

1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4
Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng nagagawa kung mahusay mu nagawa ang
kasanayan o hindi pa nagagawa kung hindi.

Mga Kasanayan Nagagawa Hindi Pa Nagagawa

1. Nakapapalakpak at
nakasusunod sa kumpas na
ibinigay.
2. Nakapapalakpak nang
tama sa kumpas na 2, 3 at
4.
3. Nakatutugtog nang may
tamang kumpas gamit ang
mga improvised rhythmic
instrumens.

Pagsasanay 3:

Pangkatin ang mga larawan sa ibaba ayon sa nakatalang bilang ng


kumpas. Gumamit ng patayong linya.

3
Pagsasanay 4:

Pag-aralan ang bawat sukat at iguhit ang nawawalang hugis sa guhit.

1.

2.

3.

4.

5.

Pangwakas:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang may dalawang bilang?

a.

b.

c.

2. Anong kumpas ang angkop gamitin sa ritmong ito?


a. dalawahan

b. tatluhan

c. apatan

3. Anong larawan ang bubuo sa ritmong ito?

a.

b.

c.

4. Anong bahagi ng kumpas ang binibigyan ng diin?

a. una

b. pangalawa

c. pangatlo

5. Anong kilos ang angkop sa dalawang kumpas?

a. lakad

b. martsa

c. takbo
Mga Sanggunian:
Revised MELCS for Music Grade 1
K to 12 Learner’s Materials in Music and Arts Grade 1
MUSIKA 1- Unang Markahan – Modyul 3
publicdomainvectors.org – microphone – image
wikiclipart.com – guitar – image
clipartkey.com – drum – image
clipart-library.com – speaker, piano – image

Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1:
Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-iba.
Pagsasanay 2:
Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkakaiba-iba.
Pagsasanay 3:

1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay 4: Pagsasanay 5:
1. 1. a
2. 2. c
3. 3. b
4. 4. a
5. 5. b

Inihanda ni:

KATHERINE M. PEREZ
Teacher I
Natividad L. De Leon Elementary School
Manunulat/ Naglapat/ Gumuhit

You might also like