Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL (LEARNING ACTIVITY SHEET)

FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo

PAMAGAT: FLORANTE AT LAURA (Kay Selya at sa Babasa nito)

PANIMULA: Sino kaya ang inpirasyon ni “kiko” sa pagsulat ng Florante at Laura? Sa gawaing
ito ating tuklasin kung paano ilalahad ang napakinggan at susuriin ang damdamin o
saloobin ng may akda, gamit ang wika ng kabataan.

(FILIPINO 8 MELC, QUARTER4 WEEK2)

1. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may akda, gamit ang wika ng kabataan.
(F8WG-Iva-b-34)
2. Nailalahad ang mahalagang pangyayari sa napakinggang aralin. (F8PN-IVc-d-34).
3. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa. (F8PB-IVc-d-
34)

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel ang tamang sagot.
1. Ano ang naging libangan ni “kiko” sa kulungan?
A. Pag-awit
B. Pagsulat ng Kwento
C. Pagsulat ng Tula
D. Pagsulat ng Iskrip

2. Anong salita ang wika ng kabataan sa may salungguhit na pangungusap? Wala na


siyang werpa kaya siya’y nadapa.
A. nadapa
B. siya’y
C. werpa
D. wala

3. Anong uri ng pag-ibig ang iniukol ni Balagtas kay Selya?


A. Iniukol niya ang kanyang isang pag-ibig
B. Iniukol niya ang kanyang wagas na pag-ibig
C. Iniukol niya ang kanyang sawing pag-ibig
D. Wala sa nabanggit
Para sa Mahal Ko
4. Sa saknong na nasa loob ng kahon, ano ang
kahahantungan sa kanilang pag-iibigan? Sa akin kalang habambuhay
A. Sila ay mag-iibigan habambuhay At kung ako ay mararatay
B. Sila ay maghihiwalay kung mararatay Kahit ako man ay maging bangkay
C. Sila ay nangangako na maging bangkay Ikaw pa rin sa aking buhay.
D. Papalitan ang unang mamamatay

1
5. Ano ang kasingkahulugan ng salitang lumawig?
A. tumagal
B. lumayo
C. dumako
D. tumawid

6. Ano ang binibigyan diin sa mga talata sa Babasa nito?


A. Huwag baguhin ang berso
B. Huwag baguhin ang nakasanayan
C. Huwag baguhin ang stanza
D. Huwag baguhin ang talata

Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo nang tama? Kung marami ang
mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng gawain na ito upang maitama
mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral.

May pagkakaiba ba ang wika noon sa wika ng kabataan ngayon? Ano-anong mga salita
ang kadalasang maririnig natin sa mga kabataan sa pagpapahayag ng kanilang saloobin at
damdamin?

Bago natin basahin ang Florante at Laura, atin munang alamin ang Bahagi ng Talata at ang
mga wika na ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Mga Bahagi ng Talata:
1. Pangunahing kaisipan. Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng buong talata.
Ang diwa ay ang kaisipan o ideya na binibigyang diin sa talata. Kadalasan itong matatagpuan
sa pangunahing pangungusap.

2. Pantulong na kaisipan. Ang pantulong na kaisipan ay siyang mga kaisipan na tumutulong


upang mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan. Sa tulong ng mga pantulong na kaisipan ay
mas mauunawaan ng mambabasa ang diwa na nais iparating ng talata.

3. Paksang pangungusap. Ang paksang pangungusap naman ay mga


pangungusap na matatagpuan sa unahan o hulihan ng isang talata. Ito ay
tinatawag na paksang pangungusap sapagkat nasa pangungusap na ito ang diwa
o ang pangunahing kaisipan. Kapag ang pangunahing pangungusap ay nasa
hulihan tinatawag ito na inverted paragraph.
Halimbawa: Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Malalampasan
ng isang tao ang pagsubok kung siya ay matatag. Walang pagsubok ang kanyang
inaayawan. Sa halip, buong tapang niya itong hinaharap. Kaya mahalaga ang may
matatag na kalooban.
Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. – paksang pangungusap
Katatagan ng loob – pangunahing kaisipan
Malalampasan ng isang tao ang pagsubok kung siya ay matatag. Walang
pagsubok ang kanyang inaayawan. Sa halip, buong tapang niya itong hinaharap.
Kaya mahalaga ang may matatag na kalooban. – pantulong na kaisipan

2
Wika ng kabataan – mga wikang kalimitan ginagamit ng mga kabataan ngayon.

Balbal/Slang – antas ng wika na itinuturing na pinakamababa ang antas. Maaring


tawagin ng salitang kalye o lansangan. Tinatawag din itong singaw ng panahon
sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita.

Halimbawa:
yosi – sigarilyo praning- baliw
parak – pulis juding – bakla
erpat – papa syota – kasintahan

Salitang binaliktad – salitang ginamit pabaliktad


Halimbawa:
Lispu – pulis petmalu – malupit
Werpa – power lodi – idol
Tomgu – gutom sakalam – malakas

Tumpak! Ngayong alam mo nang may mga naidagdag na mga wika sa kasalukuyan.
Bago natin basahin ang isang natatanging akda, kumuha ng isang malinis na papel at
mag-take note kung may mga salita ba na may bagong wika na ginagamit sa kabataan sa
kasalukuyan at simulan na nating basahin ang awit na gawa ni Balagtas para sa kanyang
minamahal na si Selya.

Kay Selya
1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip 7 Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
ang nangakaraang araw ng pagibig, sa lansanga’t ngayong iyong niyapakan;
may mahahagilap kayang natititik sa ilog Beata’t Hilom na mababaw,
liban na kay Selyang namugad sa dibdib? yaring aking puso’y laging lumiligaw

2 Yaong Selyang laging pinanganganiban, 8 Di makakailang puno ng panimdim


baka makalimot sa pag-iibigan; sa puno ng manggang naraanan natin;
ang ikinalubog niring kapalaran sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
sa lubhang malalim na karalitaan. ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

3 Makaligtaan ko kayang ‘di basahin 9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


nagdaang panahon ng suyuan namin? sa buntung-hininga ng ika’y may sakit,
kaniyang pagsintang ginugol sa akin himotok ko noo’y inaaring-langit
at pinuhunan kong pagod at hilahil? Paraiso naman ang may tulong-silid.

4 Lumipas ang araw na lubhang matamis 10 Liniligawan ko ang iyong larawan


at walang natira kundi ang pag-ibig, sa Makating ilog na kinalagian;
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip. yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila, 11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, dito ang panahong masayang lumipas;
nagdaang panaho’y inaalaala, na kung maliligo’y sa tubig aagap,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa. nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel, 12 Parang naririnig ang lagi mong wika
kusang inilimbag sa puso’t panimdim Tatlong araw na di nagtatanaw-tama
nag-iisang sanlang naiwan sa akin, At sinasagot ko na may sabing tuwa
at di mananakaw magpahanggang libing. Sa isa katao’y marami ang handa

13 Anupa nga’t walang di nasisiyasat, 18 Ito’y unang bukal ng bait kong kutad,
Ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas, na inihandog sa mahal mong yapak,
3
Sa kagugunita, luha’y lalagaslas, sabay ang tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
taghoy kong “O, nasawing palad!” nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

14 Nasaan si Celing ligaya ng dibdib? 19 Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop,


Ang suyuan nami’y bakit di lumawig? tubo ko’y dakila sa pununang pagod,
Nahan ang panahong isa niyang titig, kung binabasa mo’y isa mang himutok
Ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit? ay alalahanin yaring naghahandog.

15 Bakit baga noong kami’y maghiwalay, 20 Masasayang nimpas sa Lawa ng Bai,


ay di pa nakitil yaring abang buhay? Sirenas, ang tinig ay kawiliwili,
Kung gunitain ka’y akong kamatayan, kayo ngayo’y siyang pinipintaksi,
sa puso ko Celia’y di ka mapaparam. ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.

16 Itong di matitiis na pagdaralita, nang 21 Ahon sa dalata’t pampang na naglipid,


Dahil sa iyo, o nalayong tuwa, toonohan ng lira yaring abang awit,
ang siyang umakay na ako’y tumula, na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
awitin ang buhay ng isang naaba. tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.

17 Celia’y talastas ko’t malabis na umid, 22 Ikaw ay bulaklak niring dili-dili,


mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig, Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.
di kinabahagya kung hindi malait, sa birheng mag-ina’y ipamintakasi
palaring dinggin mo ng tainga’t isip. ang tapat mong lingkod na si F.B.

Ang pagkabigo ni Balagtas kay Ma. Asuncion Reyes ay nagsilbing inspirasyon upang
mabuo ang isang dakilang awit na “Florante at Laura. Inialay niya ito kay Ma. Asuncion Rivera
na tinawag na Selya na hango sa santo patrona ng mga taong may hilig sa musika. Si Ma.
Asuncion Rivera ay mahusay tumugtog ng lira kaya inihalintulad ni F.B. ang pangalang Selya
rito. Ang masaklap na kabiguan ni Balagtas sa pag-ibig, panibugho na dulot ng pagpapakasal
ni Selya kay Nanong Kapule at wagas na pag-ibig niya kay Selya ay ipinadama ni Balagtas sa
kanyang mga tula. Ang Pandacan at Makati ay binanggit bilang pag-alaala sa masayang araw
at malulungkot na pangyayari sa buhay ni Balagtas at Selya.

Mahusay! Marahil nanabik kang ipagpatuloy ang pagbasa ng tungkol “Sa Babasa nito”.

Sa Babasa Nito 4 Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo,


bago mo hatulang katkatin at liko,
1 Salamat sa iyo, O nanasang irog, pasuriin muna ang luwasa’t hulo
kung halagahan mo itong aking pagod; at makikilalang malinaw at wasto.
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.
5 Ang may tandang letra alinmang talata
2 Kung sa biglang tingi’y bubot at masaklap Di mo mawatasa’t malalim na wika,
palibhasa’y hilaw at mura ang balat Ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap Buong nahuluga’y mapag-uunawa.
masasarapan din ang babasang pantas.
6 Hanggang dito ako,
3 Di ko hinihinging pakamahalin mo, O nanasang pantas
tawana’t dustain ang abang tula ko; Sa gayong katamis Wikang masasarap,
gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo, ay sa kabango ng tula’y umalat.
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Nagbigay ng paalala si Balagtas sa mga mambabasa na huwag baguhin ang awit na sinulat
niya, panatilihin ang anyo at nilalaman. Umani ito ng papuri at kinilala sa ibang bansa ang akda
niyang FLORANTE AT LAURA. Ginamitan ni Balagtas ng matalinghagang pananalita, at iba’t
ibang sagisag na nagpaganda sa kanyang awit. Nagpapakita ito ng kalagayan ng mga Pilipino
sa panahon ng Kastila at makatotohanang pangyayari sa buhay. Itinuturing ang Florante at
Laura na epiko ng mga Tagalog sa kasalukuyan.
4
Magaling! Ngayong natapos mo na ang pagbasa, upang masukat ko kung iyong naunawaan
ang mga saknong ng tula, sagutin at ipaliwanag ang aking ibibigay na Gawain.

GAWAIN 1.
Panuto: Pumili ng limang wika ng kabataan na nasa loob ng kahon at gamitin sa
pangungusap upang mailahad ang saloobin o damdamin sa mga sitwasyon o
katanungan. Dalawa o tatlong pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa
inyong sagutang papel.

1. Sa nabasang awit ni Balagtas, paano mo mailalahad ang pag-ibig ni Balagtas kay


Selya gamit ang wika ng kabataan?

a. __________________________________________________________________.

b. ___________________________________________________________________.

c. ___________________________________________________________________.

2. Ano ang mahalagang pangyayari sa binasang akda na maiuugnay sa kasalukuyang


panahon?

a. ___________________________________________________________________.

b. ___________________________________________________________________.

c. ___________________________________________________________________.

GAWAIN 2.
Panuto: Mula sa tekstong binasa, suriin at ilalahad ang mga saloobin sa isyung
pinaksa at iugnay sa mga nangyayari ngayon. Gumamit ng sagutang papel sa
pagsagot.

Kay Selya

Tiyak na
Paksang pangyayaring Kaugnay na isyu Mungkahing
tinatalakay binanggit sa sa kasalukuyan solusyon
tekstong binasa

Pampamahalaan
Panlipunan

Pag-ibig

5
GAWAIN 3.
Panuto: Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng mga katanungan.

1. Anong uri ng pag-ibig ang iniukol ni Balagtas kay Selya? Ipaliwanag gamit ang wika
ng kabataan.
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

2. May takot si Balagtas tungkol sa kanila ni Selya, Ano ito at bakit?


_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

3. Ipaliwanag ang kasabihan na ito “Isang solong kabaitan ay pwedeng makakabago


sa lahat.”.
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain.


Ngayon ay inanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga kaalaman at
nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa gawain na ito.

I. PANUTO: Piliin ang titk ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ano itong madalas magunita ni kiko sa kulungan?


A. Paglubog ng araw
B. Malungkot na lumipas nila ni Selya
C. Masayang lumipas nila ni Selya
D. Pagtataksil ni Selya

2. Kanino nakikiusap si Balagtas na wag baguhin ang kanyang tula?


A. manunualt
B. mambabatas
C. makata
D. mambabasa

3. Anong salita ang wika ng kabataan sa may salunnguhit na pangungusap? Wala na


siyang werpa kaya siya’y nadapa.
A. nadapa
B. siya’y
C. werpa
D. wala

6
4. Sa anong kadahilanan nakararanas ng kahirapan si kiko?
A. Kakulangan ng pera.
B. Pagsuway sa magulang
C. Pangingibig kay Selya
D. Pagtapat ng pag-ibig kay Selya

5. Ano ang angkop na wika ng kabataan ang bubuo sa pangungusap na ito?


Lodi ko ang petmalu na _______ sa may kanto.
A. parak
B. idol
C. werpa
D. erpat

6. Ano ang binibigyan diin sa mga talata sa akdang “Babasa nito”?


A. Huwag baguhin ang berso
B. Huwag baguhin ang nakasanayan
C. Huwag baguhin ang stanza
D. Huwag baguhin ang talata

7
8
EPS-Filipino
IRENE G. AJOC JEREH M. FLORES
Sinuri ni: Inihanda ni:
Filipino 8 Florante at Laura ni Francisco Baltazar” AMOS BOOK INC.
Sanggunian:
Panimul
ang
PAGTATAYA pasulit:
1. C 1. C
2. D 2. C
3. C 3. B
4. C GAWAIN 1- Guro ang magwawasto 4. A
5. A GAWAIN 2 Guro ang magwawasto 5. A
6. A GAWAIN 3 Guro ang magwawasto 6. A

You might also like