(COT) PANGHALIP NA PAMATLIG LESSON PLAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
RegionVII, Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
MATUOG ELEMENTARY SCHOOL
Matuog, Tayasan, Negros Oriental
TAYASAN DISTRICT 1

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin
a. nakakakilala sa mga panghalip na pamatlig sa pangungusap
b. nagagamit ang mga panghalip na pamatlig sa pangungusap
c. masasabi ang kahalagahan ng mga hayop

II. Paksang Aralin


A. Kasanayan: “Paggamit ng mga Panghalip na Pamatlig sa Pangungusap”
B. Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, K to 12 Teachers Guide Page
92-95
Mga kagamitan: worksheets, PowerPoint presentation

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panimulang Pagsasanay

Kilalanin ang panghalip na panao sa


pangungusap. Piliin titik ng tamang sagot.
1. Nila/natin
1. Alam na nila ang sikreto natin. 2. Ka/mo
2. Makinig ka nang mabuti sa guro
mo. 3. Niya/natin
3. Ano ang sinabi niya tungkol sa
proyekto natin? 4. Sila/ naming
4. Sila ba ang tuturuan namin ng
sayaw? 5. Mo/ko
5. Basahin mo ang aklat na ibinigay
ko.

2. Balik-Aral Ang panghalip na panao (mula sa


salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig
Anu-ano ang mga panghalip na panao?
na "para sa tao" o "pangtao") ay
Magbigay kayo ng isang pangungusap nakikilala sa Ingles bilang personal
na gamit ang panghalip na panao. pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan
ng tao.

3. Pagganyak (Nagpapakita ng video)


Nagpapakita ang guro ng mga video na
may kinalaman sa panghalip na panao.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad

Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit


sa paghalili sa pagtuturo ng tao, hayop,
pook, gawain at pangyayari. May
tatlong panauhan ang panghalip
pamatlig. Isinasaad ng tatlong panauhan (Nakikinig ang mga bata)
ang layo o distansiya ng pangngalang
kinakatawan sa taong nagsasalita at
nakikinig batay sa limang uri nito

Gagamitin ang bawat uri ng pamatlig sa


pangungusap.
Ang guro ang unang magbibigay ng
mga halimbawa gamit ang mga mag
aaral at pagkatapos ay ang mga larawan.
Pagkatapos,

Ito ay aking lapis.


Ito ay kulay dilaw.

(Nagbibigay ng pangungusap)

(Nagbibigay ng pangungusap)

(Nagbibigay ng pangungusap)

(Nagbibigay ng pangungusap)

(Nagbibigay ng pangungusap)

Note: Integrate lesson to Science (living and


non-living things)
Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan?
Tama, alam niyo ba kung alin sa mga lawaran May lapis, mga pusa at kabayo
ang nabibilang sa may buhay at ano naman ang
walang buhay?
Values Integration:
Paano natin mapapangalagaan ang mga
hayop?
Magaling, dapat alagaang mabuti ang mg (Ibat-ibang sagot)
a hayop dahil ito ay nakatutulong sa ating
pamumuhay at minsan sila din ay isa sa mga
nagpapasaya sa atin.

Kumuha ng mag-aaral

2. Gawin Natin

Pangkatin ang mga bata sa 5 grupo.


Atasan ang bawat pangkat na gamitin
sa makahulugang pangungusap ang
naturang uri ng panghalip pamatlig sa
iba’t ibang sitwasyon na ibibigay.
Magbigay lamang ng dalawang sagot
sa bawat uri ng panghalip pamatlig.
Isulat ang mga ito sa mga makukulay na
papel na ibibigay ng guro.

3. Gawin Ninyo
(Gumawa ang mga bata)
Gawin ang gawain sa ibaba ng pares
pares.
Isulat sa talahanayan ang pangngalang
kinakatawan at panghalip na pamatlig sa
sumusunod na mga pangungusap.

1. Maganda at napapanahon ang binasa


mong tula. Sino ang sumulat niyan?
2. Nagbakasyon ang mag-anak sa Baguio.
Doon din nagtungo ang kapatid ko.
3. Nagustuhan ko ang ulam. Ito ba ang
bago mong recipe?
4. Gusto mo raw ng tinapay. Hayan sa
mesa. Kumuha ka.
5. Sa mesang may bilang 8 ko ipinatong
ang aking gamit. Bakit wala na
roon nang ako’y bumalik?
6. Kailangan ng nanay ang pera. Heto,
dalhin mo agad sa kanya.
7. Natatanaw mo ba ang kotseng
nakaparada sa kanto? Iyon ang binili ni
Mang Romy para sa kanyang anak.
8. Nag-aaral ka pala ng beisbol.
Ganito ang paghawak ng bat.
9. May napulot akong wallet kahapon.
Ito ba ang nawala sa iyo?
10. Ganyan ang hinihingi ko kay Daddy.
Magkakapareho tayo ng bisikleta.

Pangngalang Panghalip na
Kinakatawanan Pamatlig
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6. (Sinagutan ng mga bata ang talaan)
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.

4. Sabihin Mo

Panuto: Sabihin ang pangalang


kinatawan at ang panghalip pamatlig.
1. Nagtungo sa palayan si Lolo Tasyo.
Doon siya magpapalipas maghapon.
2. Ganito ang wastong paghawak ng (Sumagot ang mga bata sa mga
bat para mapalo mo nang malakas tanong)
ang bola.
3. Matamis ang santol na kinakain
ko. Unang bunga ito ng tanim ni Itay.
4. Aba, hayun si Rudy at papaalis na
yata.
5. Heto ang baon mo. Umuwi ka
ng maaga, ha?

5. Paglalahat
Anu-ano ang mga panghalip na
pamatlig? Paano ito gagamitin sa
pangungusap?

Ang Panghalip na pamatlig ay


6. Paglalapat ginagamit sa paghalili sa pagtuturo
ng tao, hayop, pook, gawain at
Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Ibigay pangyayari.
sa bawat pangkat ang kanilang Gawain

Pangkat 1 ‘’HANAPIN MO AKO’’

Panuto: Basahin ang maikling kwento


at bilugan ang mga panghalip pamatlig.

Isang araw, pumanta kami sa


Kagubatan ang dami naming nakita.

‘’Ito ang mga magagandang bulaklak sa


kagubatan at hayan pa ang mga
magagandang paru-paru na dumadapo
roon sa mga puno’’ Sabi ni Anna.

Heto din oh! Ang dami kong nakuhang


itlog ng ibon’’ Sabi ni Anton.

‘’ Baka makita ka niyan ng Inang ibon.


Ibabalik mo ba ang mga iyan, doon sa
pugad?’’ Tanong ni Anna. (Kumilos na ang bawat pangkat sa
kanilang gawain)
‘’Hindi dito lang ang mga ito sa aking
bulsa.’’ Sagot ni Anton.

Pangkat 2. ‘’ GAMITIN MO AKO’’

Panuto: Salungguhitan ang tamang


Panghalip pamatlig na gagamitin sa
pangungusap.

1. May upuan sa likod mo.


(Dito, Diyan, Doon) ka umupo.
2. (Dito, Diyan, Doon) sa malayo
nakaparada ang kotse.
3. May nakita akong kalapati sa bubong.
Nasaan kaya ang bahay (nito, niyan,
niyon)?
4. Sino ang may-ari (nitong, niyang,
niyong) basketbol na hawak mo?
5. Ito ang bisikleta ni Joseph. May butas
raw ang gulong (nito, niyan, niyon).

(Kumilos ang mga bata sa kanilang


Gawain)

Pangkat 3 ‘’ ISALI MO AKO SA USAPAN’’

Panuto: Punan ng tamang panghalip pamatlig ang


bawat patlang.

( Kumilos na ang mga bata sa


kanilang gawain.

Pangkat 4 ‘’PILIIN MO AKO’’

Panuto: Ikahon ang mga pamatlig na


nakikita sa kahon.

Ang siya po diyan anu tala

hayan dito Iyan Yaon ganito araw

doon papel iwan noon hayun ganyan

Siya tayo rito luto palayan

(Kumilos na ang mga bata sa


kanilang Gawain.)

IV. Pagtataya
A. Pumili ng Panghalip pamatlig sa ibaba at gamitin ito sa pangungusap ayon sa
sitwasyong ibinigay sa bawat bilang.

ganito, hayan, nito, ito, iyon, iyan, diyan, ganoon, dito

1. (naghuhugas ng pinggan) _________________________________


2. (kumakain ng biskwit) _________________________________
3. (nagtatahi ng tela) _________________________________
4. (nagtuturo sa klase) _________________________________
5. (may hinahanap na bagay) _________________________________

B. Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na bubuo sa pangungusap.


Pumili sa tatlong panghalip sa loob ng panaklong.
1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan,
iyon)?
2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang
mga (ito, iyan, iyon).
3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang
(ito, iyan, iyon).
4. Halika (rito, riyan, roon). May sasabihin akong sikreto sa iyo.
5. Huwag kang dumaan (dito, diyan,doon)

V. Takdang Aralin
Lumikha ng isang talata na gumagamit ng iba’t ibang uri ng panghalip pamatlig.
Pumili lamang ng paksa sa ibaba.

Masayang Pagdiriwang sa Paaralan


Pagdating ng Isang Malakas na Ulan
Magagandang Pangyayari sa Bakasyon

Inihandani:

BUENCRISTIE O. GRABILLO
TEACHER - II

You might also like