Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Oriental
Lungsod ng Dumaguete

UNANG MARKAHANG PASULIT SA FILIPINO 6

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa inyong sagutang papel.

Para sa bilang 1 – 6, basahin at unawain ang talata.

Ang mga hayop, tulad ng ibang nilikha sa mundo ay may karapatan din. Itinadhana ito
ng R.A. 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998. Layunin ng batas na mabigyan ng
proteksyon ang mga hayop. Bahagi ng batas na ito ang pagbibigay ng superbisyon at
regulasyon sa mga operasyon ng mga pasilidad na ginagamit para sa pagpaparami,
pagtatago, pagtrato, at pagbibigay kasanayan sa lahat ng uri ng hayop. Ito man ay alaga
o gamit sa pangangalakal. Sakop din ng batas na ito ang mga alagang ibon.
(Acosta, P.R. p. 4)

1. Anong batas ang naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga hayop?


A. Animal Welfare Act of 1998 C. Republic Act 8584
B. Animal Welfare Act of 8485 D. Republic Act of 2021
2. Anong nilikha pa ng mundo ang sakop ng batas na ito?
A. bundok C. Karagatan
B. ilog D. ibon
3. Kung ikaw ay may mga hayop na gamit sa pangangalakal sakop din ba ito sa
Animal Welfare Act of 1998?
A. hindi C. ewan
B. oo D. wala
4. Bakit kaya ipinasa ang batas na ito?
A. Para mapangalagaan ang mga hayop
B. Para maraming makakain ang mga tao
C. Para gawing palamuti ang kanilang natutuyong katawan
D. Para maraming maibebenta
5. Paano mo mapapangalagaan ang iyong alagang hayop?
A. Busugin nang busugin para lumaki kaagad
B. Paliguan buong maghapon para malinis
C. Patakbuhin buong araw para malusog ang pangangatawan
D. Patulugin sa kanyang lugar o tirahan na malinis

6. Ang sumusunod ay karapatan ng bawat alagang hayop maliban sa isa. Ano ito?
A. Mabigyan ng sapat na pangangalaga
B. Mabigyan ng sapat na pagkain
C. Mabigyan ng lugar na matulugan
D. Mabigyan ng chemical na pamuksa sa mga insekto
Ikaw at ako ay kasali sa seminar na ito.

8. Ano ang panghalip na angkop ihalili sa may salungguhit?

1
A. Tayo C. Kanila
B. Sila D. Kanya
9. Kami ay pupunta sa Palawan sa darating na Disyembre. Ang sinalungguhitan na
mga salita ay _________ .
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pang-uri D. Pangngalan

10. Nais mong dumaan sa may pinto ngunit nag-uusap ang kuya mo at bisita niya.
Alin ang angkop na sasabihin mo?
A. Dadaan po ako
B. Tabi, dadaan ako
C. Doon kayo mag-uusap, dadaan ako
D. Makikiraan po

Hinabol ng plantsa ang suot niyang damit.

11.Ang mga salitang sinalungguhitan ay nangangahulugang _______ .


A. Tumakbo nang mabilis
B. Bago ang damit
C. Magusot ang damit
D. Mabango ang damit

Pantay na ang kanyang mga paa nang kami ay dumating. Huli na ang lahat

12. Ano ang kahulugan ng “pantay ang mga paa”?


A. Naghihingalo C. Makati ang paa
B. Patay na D. Hindi makalakad

Para sa bilang 13-15, basahin at unawain ang pabula.


Dalawang alimango, isang ina at isang bata ang naglalakad sa kabila ng buhangin. Ang
inang alimango ay nagagalit sa kanyang anak dahil sa maling paglalakad nito. Sabi ng ina
ay lumakad ito nang mas maganda. Ipinaliwanag ng batang alimango na hindi nya alam
kung paano at hiniling sa ina na ipakita sa kanya ang tamang paraan ng paglalakad.
Sinubukang ipakita ng ina subalit bigo ito dahil pareho lamang sila ng lakad ng kanyang
anak.
(FIL 6, Q1, Modyul 3)

13. Sino-sino ang dalawang alimango na tinutukoy sa pabula?


A. Si inang alimango at si batang alimango
B. Si ateng alimango at si tatay alimango
C. Si kuyang alimango at si inang alimango
D. Si inang alimango at si tatay alimango

14. Ano ang hiniling ng batang alimango sa kanyang ina?


A. Na ipakita sa kanya ang ganda ng buhangin
B. Na ipakita sa kanya ang tamang paraan sa paglalakad
C. Na ipakita sa kanya ang karagatan
D. Na ipakita sa kanya kung ano ang nasa kabila

2
15. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari?

1. Ngunit bigo ito dahil pareho lamang ang lakad nila.


2. Isang mag-inang alimango ang naglalakad sa kabila ng buhangin
3. Nagalit ang inang inang alimango sa kanyang anak dahil sa maling paglakad nit.
Sinubukang ipakita ng ina ang tamang paraan ng paglakad.

A. 2-3-4-1 B. 1-3-4-2 C. 3-2-4-1 D. 2-4-3-1

16. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa pag-aawit kahit panahon ng


pandemya. Ano ang sasabihin mo kung gusto mong lumabas kasama ang iyong
mga kaibigan?
A. “Papayag ka man o hindi, talagang lalabas ako kasama ang aking mga
kaibigan.”
B. “ Ano? Hindi mo ako papayagan?”
C. “ Walang haharang, lalabas ako kasama ang aking mga kaibigan.”
D. “ Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?”

17. Modyul ang ginamit ng mga mag-aaral sa dibisyon ng Negros Oriental sa


pagpapatuloy ng kanilang edukasyon. May isang guro na nagtanong sa kanila kung
ano ang masasabi nila sa ganitong sitwasyon.
Ano ang akmang isasagot nila?
A. “Napakadali. Nandyan naman ang answer key.”
B. “Modyul, modyul; wala akong naiintindihan.”
C. “ Wala akong pakialam.”
D. “ Kung babasahin mo talaga, meron kang makukuha at maisasagot mo ang
mga pagtataya.”

18. Gipit sa pera ang mga tao ngayon dahil sa pandemya. Isa na rito ang iyong
pamilya na hindi makabili sa inyong mga pangangailangan. Anong hinuha ang
maibibigay mo dito?
A. Hindi na lang kakain.
B. Mamamalimos na lang sa lansangan.
C. Aasa sa tulong ng gobyerno.
D. Magsusumikap sa pagtatanim o anumang mapagkakakitaan.

19. Kung ikaw ang magdesisyon, ano ang gagawin mo sa pamamahagi ng


pagbabakuna ngayong panahon ng pandemya kung saan gipit na gipit na di lamang
ang mga tao pati na rin ang gobyerno?
A. Planuhin nang maigi kung sino ang mas nangangailangan ng bakuna na s’yang
uunahin.
B. Gastusin ang lahat ng pera para sa pagbabakuna.
C. Hindi na lang bibili ng bakuna dahil sayang ang pera.
D. Ipangmudmud ang mga pera sa mga tao at sila na ang bahala kung
magpapabakuna ba sila o hindi.

3
20. Alam natin sa ngayon na laging napabalita ang patayan, kaliwa’t kanan ang may
nabaril o di kaya’y nagpatiwakal. Ikaw, bilang isang mabuting mamamayan, ano
ang maiaambag mo sa ganitong sitwasyon?
A. Hikayatin ang pamahalaan na dapat lahat na mamamayan ay may baril para
makadepensa sa sarili.
B. Ipaalam kaagad sa pulis kung may mangyayari.
C. Wala nang magawa, patungo na tayo sa katapusan ng mundo.
D. Disiplinahin nang maigi ang mga kabataan, turuan ng mabuting asal na may
takot sa Panginoon dahil dito nag-uugat ang lahat.

21. Ano ang tawag sa pamalit sa pangalan ng tao?


A. panghalip na pamatlig C. panghalip na paari
B. panghalip na panao D. panghalip na pananong

22. Humahalili ito sa ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari sa paraang patanong.
A. panghalip na paari C. panghalip na pamatlig
B. panghalip na pananong D. panghalip na panaklaw

23. Ang mga sumusunod na salita ay ginagamit sa pagtatanong sa tao, hayop, lugar
at pangyayari maliban sa isa.
A. saan B. ano-ano C. alin D. siya

24. Uri ng panghalip na ginagamit na pansaklaw sa bilang, dami, kaisahan at


kalahatan ng pangngalan
A. panghalip na paari C. panghalip na panaklaw
B. panghalip na pamatlig D. panghalip na pananong

(Para sa aytem 25) Piliin ang angkop na reaksyon sa mga sumusunod na sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

25. Si Tonette ay nasa ika-anim na baitang. Siya ay madaldal na mag-aaral. Tinawag si Tonette ng
kanyang guro sa kalagitnaan ng talakayan. Hindi siya nakasagot.

A. Hindi nakinig si Tonette sa talakayan dahil siya’y nakipagkwentuhan sa katabi.


B. Nahiya siya sa kanyang mga kaklase kaya hindi siya nakasagot.
C. Tumalikod siya sa guro at kaklase.
D. Gutom na siya masyado.

26. Anong sanggunian ang nagbibigay kahulugan ng salita, tamang pagpapantig ng


salita, pagbigkas, pagbaybay at pagbabantas.

A. atlas B. ensayklopedya C. almanac D. diksyunaryo

27. Dito mo makikita ang mga mapa, iba’t ibang kontinente at bansa sa mundo.

A. ensayklopedya B. atlas C. almanac D. diksyunaryo

28. Uri ng sanggunian na iyong gagamitin kung nais mong magkaroon ng


impormasyon tungkol sa mga bagay sa mundo.

4
A. diksyunaryo B. almanac C. ensayklopedya D. atlas

29. Anong sanggunian ang iyong gagamitin kung nais mong malaman ang sukat o
laki ng isang lugar sa bansa?
A. ensayklopedya B. diksyunaryo C. atlas D.
almanac

30. Anyo ng panitikan na ang layunin ay magsalaysay ng mga pangyayari sa


buhay ng pangunahing tauhan.
A. dula B. maikling kwento C. pabula D. epiko

31. Ito ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan makakamtan ng


pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

A.suliranin B.tunggalian C.wakas D.kakalasan

32. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa


kanya.

A. suliranin B.tunggalian C.kakalasan D.kasukdulan

(Para sa aytem 33) Panuto: Basahin ang talata at piliin ang angkop na pamagat sa
mga pagpipilian na kasunod nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

33. Ang pinya ay isang matinik na prutas at may maraming mata. Kakaiba ito na
prutas dahil bukod sa matamis at masarap kainin, pagkahiwa nito ay maaari ring
sangkap sa pagluluto ng ulam at pampatunaw naman ng taba ang katas nito. Ano
ang pinakaangkop na pamagat sa talatang ito?

A. Ang Pinya C. Ang mga Gamit ng Pinya


B. Ang Puno D. Ang mga Pinya
34. Bakit kailangan nating magtanim ng pinya?
A. Upang may makikitang tanim sa ating bakuran
B. Upang gawing bakod sa bakuran natin
C. Upang magkaroon tayo ng masustansyang prutas sa ating sariling bakuran
D. Upang makapagbenta nito at makabili ng chicherya

35. Kung kayo ay may puno ng pinya sa inyo, ano ang gagawin mo rito?
A. Bubunutin at ibebenta ito
B. Susunugin dahil matinik
C. Patayin dahil nakakatakot
D. Kahit matinik alagaan pa rin ito ng mabuti

(Para sa bilang 36) Piliin ang angkop na reaksyon sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

36. Gutom na gutom sina Wileen at Leeneth galing sa paaralan.Pagpasok nila sa bahay ay
nakaluto na ng pagkain ang kanilang ina at agad itong inihanda sa hapag kainan para sa
kanila.

5
A. Panis na ang mga pagkaing inihanda
B. Naubos na lahat ang pagkain sa kanila
C. Silang dalawa ang nagluluto pagdating sa bahay.
D. Natugunan ang gutom na kanilang naramdaman.
37. Nais mong malaman ang balitang nagaganap sa ating bansa. Anong pangkalahatang
sanggunian ang gagamitin mo?
A. pahayagan B. almanac C. ensayklopedya D. diksyunaryo
38.Bahagi ng isang kwento na siyang ginuguhitan ng mga pangyayari sa kuwento.
A.simula B.gitna C.banghay D.wakas

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng talata sa ibaba. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Ang Ilog Pasig Noon. Makikita sa unang larawan ang kagandahan at kalinisan na tinataglay nito.
Malalanghap mo ang sariwang hangin sa paligid-ligid, mga isda na tila nakikipaglaro sa isa’t isa at tubig
na tila humahalik sa kalangitan.
Ang Ilog Pasig ngayon, halos hindi mo na makikitang may tubig pa pala, sa sobrang kapal na ng
basura ay nagmistula na lamang itong lupa kung titingnan sa malayo. Napakadumi at nakasusukang
tingnan, bakit kaya umabot sa ganito ang Ilog Pasig? May pananagutan ba ang mga tao sa
kapabayaang ito? Tayo mismo ang makasasagot sa mga katanungang iyan, tayo mismo ang
responsable sa lahat ng mga likas na yaman ng mundo, kung kaya’t anuman ang ikasisira ng ating
kapaligiran ay magreresulta rin sa ating kapahamakan.

Halaw mula sa: https://bit.ly/2CKi1zK

39. Bakit kaya nagbago ang dating maganda at malinis na Ilog Pasig?
A. Dahil sa malakas na ulan at pagbaha ng mga kanal
B. Dahil sa pagdaan ng mga bangka rito
C. Dahil sa pagsusunog ng mga basura
D. Dahil sa pagtatapon ng mga basura sa ilog

40. Sa iyong palagay, mayroon bang suliraning ipinahihiwatig ang talata? Ano ito?
A. Oo, ang suliranin ay kung paano maibabalik ang dating Ilog Pasig
B. Oo, kaunti na lang ang tubig
C. Oo, kaunti na lang ang mga isda sa ilog
D. Oo, maraming bangka ang dumadaan ditto

Inihanda nina:
JUANITA P. ADANZA
ZAMOANGUITA CENTRAL SCHOOL
DSS-FILIPINO

VICTORIA A. SOJOR
TUGAWE ELEMENTARY SCHOOL
DAUIN DISTRICT

6
QA TEAM GRADE VI
BEVERLY M. DELUBIO- CANLAON DISTRICT 1
MARILYN J. DELIMA – CANLAON DISTRICT
JANETTE
NEMSI

SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 21. B

2. D 22. B

3. B 23. D

4. A 24. C

5. D 25. A

6. D 26. D

7. B 27. B

8. A 28. C

9. D 29. C

10. D 30. D

11. C 31. C

12. B 32. B

13. A 33. C

14. B 34. C

15. A 35. D

7
16. D 36. D

17. D 37. A

18. D 38. C

19. A 39. D

20. D 40. A

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Oriental
Lungsod ng Dumaguete

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO VI

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang talaarawan sa titik A at anekdota sa titik


B,
pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

A. Disyembre- Sabado

Maaga kaming gumising na mag-anak. Pupunta kami sa Bohol upang dalawin


ang Lolo at Lola ng aking mga anak. Sumakay kami ng sasakyang pandagat patungo
roon. Nang malapit na kami sa Bohol, nalanghap namin ang malamig at sariwang
hangin. Tuwang-tuwa sina Lolo Andoy at Lola Bening nang kami’y makita.
Nagmamano ako at ang aking mga anak sa lahat ng mga tiyo at tiya naming naroon.
Kaagad kaming pinakain ng inihandang sariwang gatas ng kalabaw, inihaw na hito at
pritong itlog para sa aming almusal. Isinama kami sa bukid upang mamitas ng sitaw,
kamatis at kalabasa. Pumunta rin kami sa may magagandang tanawin sa Bohol, ang
Chocolate Hills, napakagandang tingnan ng mga bundok-bundok na kulay tsokolate.

8
Nang pauwi na kami ay hindi namin halos madala ang isang basket ng gulay at
bayabas. Ipinamigay namin sa kapitbahay ang iba.

1. Sino-sino ang gumising ng maaga upang dalawin sina lolo at lola?


A. kapitbahay
B. mag-anak
C. kaibigan
D. pinsan
2. Ano ang dahilan ng paggising nila ng maaga?
A. Dadalawin nila ang kanilang Lolo at Lola
B. Pupuntahan nila ang dating kaibigan
C. Mamasyal sila sa mga magagandang tanawin
D. Titira na sila sa bahay ng Lolo at Lola

B. Ang Minsang Pagsakay ko ng Kabayo

Naranasan mo na bang sumakay sa kabayo? May kapitbahay kami noon na


mahilig sumakay sa kabayo. Siya’y naging matalik kong kaibigan. Palagi niya akong
niyayaya tuwing pupunta siya sa ilog para painumin ang kanyang kabayo. Sasakay ako
sa likod niya at tuwang-tuwa kaming dalawa habang lakad-takbo ang kabayo. Isang
araw, pumunta kami sa bukid, tatlo kami noon. Nakalimutan kong magpaalam sa aking
mga magulang dahil sa tuwang makasakay na naman ulit ng kabayo.
Isa, dalawa, tatlo! Sa bilang na tatlo kumaripas ng takbo ang kabayo, patuwad-
tuwad pa sa pagtakbo. Nasa ganoong sitwasyon nang biglang huminto at nahulog
kaming tatlo. Nang magkatinginan kaming tatlo, sabay kaming nagtawanan dahil sa
dumi ng kalabaw na tumakip sa mukha namin.
Galit na galit ang mga magulang namin sabay sabi na huwag na itong uulitin.
Kailangang magpaalam bago umalis. Humingi kaming tatlo ng tawad sa aming mga
magulang.

3. Batay sa anekdota, sino ang mahilig sumakay sa kabayo?


A. kasamahan C. kaanak
B. kapitbahay D. kakilala

4. Bakit nahulog ang tatlong bata?


A. dahil sa bilis nang takbo ng kabayo
B. dahil sa biglang paghinto ng kabayo
C. dahil nahulog sa bangin ang kabayo
D. dahil sa patuwad-tuwad na pagtakbo ng kabayo

5. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong magkuwento ng mga kawili-


wiling

9
mga pangyayari sa masining na pamamaraan.

A. Pagsasalaysay C. Simula
B. Karanasan D. Katapusan
6. Nakalimutan kong magpaalam sa aking mga magulang dahil sa tuwang
makasakay na naman ulit ng kabayo. Sa bahaging ito matatagpuan ang mahalagang
elemento na kailangan abangan at subaybayan.

A. gitna C. wakas
B. tauhan D. simula

7. Batay sa nailahad na pahayag, ano ang hinuhubog na kakayahan ng isang tao na


makapagsulat at makapagbasa?

A. Nasaksihang pangyayari C. Likhang-isip


B. Nabasa D. Nakita

Para sa bilang 8-12. Basahin at unawaing mabuti ang teksto at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

Mayroong iba’t ibang paraan upang maprotektahan ang sarili sa COVID-


19. Hugasan nang madalas ang iyong kamay. Iwasan ang paghawak ng iyong
mata, ilong at bibig. Takpan ang iyong bibig sa tuwing uubo o babahing gamit ang
siko o tisyu, itapon kaagad sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Iwasan ang matataong lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat
at ubo. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit. Kumunsulta kaagad sa doktor
kung ikaw ay may lagnat, ubo at nahihirapan sa paghinga.

8. Ano ang paksa ng binasang teksto?

A. Mga Paraan Upang Pagtibayin ang Sarili Laban sa COVID-19


B. Mga Paraan Upang Labanan ang Sarili sa Sakit na COVID-19
C. Mga Paraan Upang Arugahin ang Sarili Laban sa COVID-19
D. Mga Paraan Upang Maprotektahan ang Sarili sa COVID-19

9. Ayon sa tekstong binasa, kanino ka kukunsulta kapag ikaw ay may


lagnat, ubo at nahirapan sa paghinga?

A. nars C. doktor
B. guro D. tindera

10. Anong lugar ang dapat mong iwasan?

A. matataong lugar C. masasayang lugar


B. malinis na lugar D. lugar na may masaganang ani

11. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong hugasan nang madalas?

A. paa C.ilong

10
B. kamay D. mukha

12. Alin ang dapat mong iwasang mahawakan?

A. mata, ilong at bibig C. mata, ilong at kamay


B. paa, kamay at mata D. mata, ilong at mga paa

13. Hindi nakikipag-away si Regina dahil siya ay may pusong-mamon. Anong


kayarian
ng pang-uri ang sinalungguhitang salita.

A. payak C. maylapi
B. inuulit D. tambalan

14. Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito. Anong kayarian
ng
pang-uri ang sinalungguhitang salita ?
A. payak C. maylapi
B. inuulit D. tambalan

15. Nais niyang tumira sa bayan na payapa. Anong kayarian ng pang-uring


sinalungguhitan?

A. payak C. maylapi
B. inuulit D. tambalan
16. Gumamit ng dinamita si Mang Ramon sa pangingisda. Nakita siya ng mga bantay
dagat. Ano ang posibleng kahihinatnan sa kanyang ginawa?

A. Ipagpaumanhin nalang si Mang Ramon sa kanyang ginawa.


B. Hahabulin ng bantay dagat si Mang Ramon at ito’y dadakpin.
C. Hahayaan nalang si Mang Ramon na gumamit ng dinamita sa pangingisda.
D. Kukunin ng mga bantay dagat ang hinuling isda ni Mang Ramon.

17. Nagtatanim ng maraming gulay si Mang Karding sa kanilang bakuran. Anong


hakbang
ang makakatulong sa kanyang ginawa?

A. Maraming ahas ang maninirahan sa bakuran ni Mang Karding.


B. Makatitipid ang pamilya ni Mang Karding dahil hindi na sila bibili ng mga
gulay sa palengke.
C. Pagagalitan si Mang Karding ng Punong –Barangay sa kanilang lugar.
D. Mawawalan ng pagkain sina Mang Karding.
18. Nasira ang paborito mong face mask. Wala kang magagamit sa darating na
pasukan. Ano ang iyong gagawin?

A. magpapabili kaagad sa nanay


B. kukunin ko ang face mask ng kapatid ko
C. hahanap ako ng mga luma ngunit malinis na damit at ipatatahi sa nanay
upang gawing face mask.
D. iiyak ako kung hindi ako bibilhan kaagad

11
Para sa bilang 19-20. Basahin ang maikling salaysay at ibigay ang iyong palagay
na maaaring mangyayari.

19. Ilang araw pang nag-iipon ng pera si Nestor para makabili ng isang bisikleta. Sa
daan ng paaralan sa looban nakapulot siya ng isang daang piso. Kinabukasan,
nakiramdam si Nestor kung may naghahanap ng pera. Hapon ay wala pa ring
naghahanap. Biglang sumagi sa kanyang isip ang mga Batang Iskawt. Nanlambot si
Nestor. Nabuo na niya sa kanyang isip ang gagawin kinabukasan.

A. Ibigay ito sa kanyang tatay


B. Idagdag sa pambili ng bisikleta
C. Ibigay sa guro upang hanapin ang may - ari
D. Itago nalang ang pera at tumahimik na lamang

20. Malungkot na malungkot si Juan. Wala siyang kinikita. Mapagagalitan na naman


siya ng kanyang ina. Namahinga sandali si Juan sa ilalim ng malaking puno. Walang
ano-ano ay may tumawag sa kanya. “Juan, kawawa ka naman. Tutulungan ka namin
sa iyong problema.” Sabi ng duwende sa harapan niya. Hindi nakapagsalita si Juan.

A. Namangha si Juan sa kanyang nakita.


B. Nagulat si Juan.
C. Nanpahiya si Juan.
D. Nagiging masaya si Juan dahil may tutulong sa kanyang problema.

21.Kagigising lang ni Paulo nang makita niyang lumabas ang nanay niya mula sa kwarto.
Anong aspekto ng pandiwa ang salitang may salungguhit?

A. Aspektong Naganap o Perpektibo


B .Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
C. Aspektong Magaganap
D. Perpektibong katatapos
22. Alin sa pangungusap ang nasa aspektong naganap na?

A. Nalunod ang bata sa balon.


B. Kaaalis pa lamang ng mga bisita.
C. Maglalaba ang mga babae sa ilog.
D. Nag-uusap ang magkakaibigan.

23. Kumakain pa si Lito nang iwan siya ng kanyang ate. Anong aspekto ng pandiwa ang
salitang may salungguhit?

A. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo.


B. Aspektong Naganap o Perpektibo
C. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
D. Perpektibong Katatapos
24.Humahaba na ang buhok ni Alyanna dahil sa pamamalagi sa bahay bunsod ng
COVID-19. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang may salungguhit?

A. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo.


B. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
C. Perpektibong Katatapos

12
D. Aspektong Naganap o Perpektibo
25.Nagpunta sa palengke ang nanay kahapon. Alin ditto ang pandiwa?
A.palengke B. nagpunta C. nang D. kahapon

26.Gusto kong manirahan sa Amerika sa susunod na buwan. Sa anong kapanahunan


napabibilang ang sinalungguhitang salita.
A. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
B. Pangkasalukuyan
C. Perpektibo
D. Kapanahunan
27.Ito ay nagpapahayag o nagsasabi ng kilos, galaw o pangyayari. Ito ay nagbibigay buhay
sa pangungusap.

A. Pangngalan B. Panghalip C. Pang-uri D. Pandiwa

28.Si Analyn ay sasayaw sa entablado mamaya. Alin dito ang pandiwa?

A. Analyn B. entablado C. sasayaw D. mamaya

29.Ito ay isa sa bahagi ng liham na ang buong pangalan at lagda ay nakasulat.

A. Pamuhatan B. Patunguhan C. Lagda D. Bating Pangwakas


30.Ito ay nagsasaad ng tinitirhan ng sumusulat at petsa ng isinulat ang liham.

A. Pamuhatan B. Patunguhan C. Lagda D. Bating Pangwakas

31.Ito ay bahagi ng liham na mababasa ang pangalan ng taong sinusulatan.

A. Pamuhatan B. Patunguhan C. Lagda D. Bating Pangwakas


32.Ito ay naglalarawan ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng sumulat sa
sinulatan. Kumbaga sa pagkain, ito ang sustansya na mahalagang makuha natin.

A. Katawan ng Liham B. Lagda C.Patunguhan D. Pamuhatan

33.Kung ikaw ay susulat ng liham pangkaibigan. Saang bahagi mo isusulat ang pangalan ng
iyong padadalhan?

A. Pamuhatan B. Katawan ng Liham C. Lagda D. Bating Panimula

34.Dito mo isusulat ang iyong pangalan kung sinulatan mo ang iyong kaibigan.

A. Lagda B. Patunguhan C. Pamuhatan D. Bating


Panimula

35.Alin sa mga uri ng sulatin ang naglalayong mang-aliw at magbiro?


A. pormal B.di-pormal C. liham D. mensahe
36.Ang liham pangkaibigan ay halimbawa ng sulating di-pormal. Sa palagay mo sang-ayon
kaba sa pahayag na ito?

A. Hindi, dahil nakaka-bored ang laman ng liham


B. Oo, dahil nagbibigay ito ng saya
C. Minsan taliwas ang pahayag na inaasahang mabasa
D. Sakali nagdudulot ng pangamba
37.Ito ay isinusulat kung umoorder ng mga bagay na gagamitin o ititinda, nag-aaplay ng
trabaho o nagtatanong.

13
A. pormal B. liham pangangalakal C liham D.di-pormal

38.Ano ang kadalasang nakasulat sa lagda?

A. Pangalan ng pinadalhan
B. Pangalan ng nanay
C. Pangalan ng nagpadala
D. Pangalan ng kapitbahay
39.Alin sa mga nakasulat sa ibaba ang halimbawa ng sulating pormal?

A. sanaysay B. tesis C. kuwento D.talaarawan


40.Ito ay sulatin na may makatotohanang impormasyon na may layuning maingat na
tinatalakay, maka-agham at lohikal.

A. Pormal B. di-pormal C.liham D. Mensahe

INIHANDA NINA:

BENJE R. CAGALITAN
JANAYJANAY ELEMENTARY SCHOOL
DSS- FILIPINO/SAN JOSE DISTRICT

SUSAN B. ESTURAS
BALUGO ELEMENTARY SCHOOL
DSS-FILIPINO/SIBULAN 2 DISTRICT

14
SUSI NG PAGKATUTO

1.B 21.A

2. A 22.A

3.B 23.A

4.D 24.A

5.A 25.B

6.A 26.A

7.A 27.D

8.D 28.C

9.C 29.C

10.A 30.A

11.B 31.B

12.A 32.A

13.D 33.D

14.B 34.A

15.A 35.B

16.A 36.B

17.B 37.B

18.C 38.C

19.C 39.B

20.D 40. A

Republic of the Philippines

15
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Negros Oriental
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

PANLAHAT NA PANUTO; Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag at sagutin ang


mga tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel .

A. Para sa bilang 1 – 4. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

Isang araw si Leanna ay pumunta sa Cebu kasama ang kanyang anak na si Engr. Liam
Leandros. Masaya silang namasyal pagdating doon. Pumunta sila sa iba’t-ibang lugar na may
mga magagandang tanawin. Habang sila ay naglalakad, nakita nila si Hanna na isa ng doktor.
Si Hanna ay pinsan ni Liam na matagal ng hindi nakauwi sa kanilang lugar. Nagkayayaan
silang pumunta sa isang restawran upang kumain. Masaya sila sa kanilang pagkikita. Habang
sila’y kumakain napag-usapan nila na magbigay ng donasyon sa mga tao sa kanilang lugar na
higit na nangangailangan.

1. Sino-sino ang pumunta sa Cebu?


A. Hanna at Liam C. Leanna at Liam
B. Leanna at Hanna D. Leanna at si Dok

2. Bakit sila pumunta sa Cebu?


A. upang mamasyal C. upang bumili ng sasakyan
B. upang hahanapin si Hanna D. upang manood ng sine

3. Anong katangian ang taglay ng magpinsan?


A. mayabang C. masungit
B. matulungin D. maganda

4. Bakit gusto nilang tulungan ang mga tao sa kanilang lugar?


A. dahil ang mga tao ay nanghingi sa kanila
B. dahil nakita nilang marami ang higit na nangangailangan
C. dahil sumulat sila na gusto magpatulong
D. dahil karapatan nilang tumulong

B. Para sa bilang 5-6. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

Ang Aming Tahanan


Ang aming tahanan ay binubuo ng masayang pamilya. Tatlo kaming magkakapatid.
Si Tatay ay nagtatrabaho bilang isang Inhinyero. Si Nanay naman ay nasa bahay at nag-
aalaga sa aming magkakapatid. Bawat araw ginagawa niya ang lahat na gawaing bahay. Siya
ang kumukuha at naghahatid ng aming mga modyul sa paaralan. Tinutulungan rin kami ni
nanay sa pagsagot ng aming mga modyul. Masaya kami dahil marami kaming natutunan at
kami rin ay nagtutulungan.

5.Alin dito ang tamang buod sa nabasang teksto?

16
A.Kami ay masayang pamilya dahil kami ay nagtutulungan sa mga gawain at pag-aaral.
B. Kami ay mag-aaral nang mabuti upang laging ay masaya.
C.Masaya kami dahil pupunta kami sa Cebu pagdating ng Sabado.
D.Masaya ang aming pamilya dahil bibili si Tatay ng kotse.
6. Ano ang maaaring mangyayari sa pamilya kung sila ay nagtutulungan?
A. Ang pamilya ay magiging masaya at matiwasay ang pamumuhay.
B. Ang pamilya ay laging lumalabas sa bahay.
C. Ang pamilya ay laging hihingi ng tulong sa mga kapitbahay.
D. Ang pamilya ay makapupunta sa parke araw-araw.

C. Para sa bilang 8-10. Basahin at unawaing mabuti ang tekstong argumento sa


ibaba. Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

MASAMA BA ANG PAKIKIPAGBARKADA?


(Tekstong Argumentatibo)

Sa kasulukuyan, makikita natin na maraming mga kabataan na tumatambay o kaya ay


pumunta sa iba’t-ibang lugar kasama ang kanilang mga kaibigan na hindi man lang alam ng kanilang
mga magulang. Kadalasan ang kanilang mga ginagawa ay hindi nakatutuwa sa kanilang mga
magulang. Para sa kanila, iyon ay maganda ngunit hindi iyon dapat nilang gawin kasi nakapagdudulot
iyon ng hindi magandang kahihinatnan. Akala ng magulang ay gumagawa ng maganda ang mga anak
dahil pinagkatiwalaan nila ito dahil kadalasan abala sa trabaho ang mga magulang. Ito minsan ang
dahilan kung bakit nakagawa ng kasamaan ang mga kabataan. May mga kabataan naman na nadoon
lang sa bahay ang magulang kaya sila ay nagpaalam sana kung umalis ngunit taliwas naman ang
kanilang sasabihin para lamang sila ay makaalis ng bahay. Halimbawa magpapaalam sa magulang na
umalis ng bahay upang mag-aral sa bahay ng kanilang kaklase iyon pala ay nag-iinuman doon o di
kaya ay nanonood ng malaswang palabas at gabi na uuwi. Dito nagsisimula ang pagsisinungaling at
minsan ay nagdudulot ng masama sa mga kabataan. Samantala, mayroon namang mga kabataan na
hindi gumawa ng masasama kapag sila ay nasa labas. Mayroon din naming magkakaibigan na puro
kabutihan lamang ang ginagawa at laging nagtutulungan sa isa’t isa sa hirap at ginhawa. Tulad ng
pagkakaroon ng “group study”. Pinagtutuunan nila ng pansin ang pag-aaral dahil gusto nilang
magtagumpay balang-araw. May masama at mabuting naidudulot ang pagbabarkada. Kailangan lang
talaga ng patnubay ng mga magulang at nakatatanda.

7.Batay sa teksto, alin dito ang dapat mong gawin kung gusto mong magkaroon ng magandang
kinabukasan?
A. Sasama sa mga barkada na minsan lang gumagawa ng gawain sa modyul.
B. Sasama sa mga kaibigan na nakapokus sa pag-aaral at gumawa ng mabuti.
C. Laging tatawag sa mga kaibigan upang lumabas.
D. Magpapaalam lagi sa magulang kapag lalabas ng bahay.

8.Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang pagbabarkada?


A. Laging makinig sa payo ng mga magulang at sundin ito.
B. Lalabas ng bahay na hindi man lang nagpaalam sa magulang.
C. Laging nakatuon ang pansin sa mga dapat gawin sa labas.
D. Hikayatin ang mga kaibigan na pupunta sa bahay.

9.Ano ang magandang maidudulot sa pagkakaroon ng mga mabuting kaibigan o kabarkada?


A. Ang mga magulang ay hindi na magbibigay ng payo.
B. Ikaw ay magiging isang mabuting anak at makapagtapos sa pag-aaral.
C. Lagi kang pagagalitan sa mga magulang.
D. Lahat ng nabanggit

17
10.Bilang isang bata, ano ang maipapayo mo sa iyong kaibigan na may masamang gawain kasama
ang ibang mga kaibigan?
A. Itigil na ang pakikisama sa mga kaibigan at makinig sa payo ng mga magulang.
B. Laging pumunta sa labas kahit hindi pinayagan.
C. Ituloy ang pagpunta sa labas kasama ang mga kaibigan.
D. Huwag nang lumabas at laging nakaselpon lamang.

D. Piliin ang wastong impormasyon na kailangan sa patlang ng bawat bilang upang


mabuo ang balangkas. Isulat ang titik ng tamang sagot.

11.
I. Ang Pagpapanatiling Malinis sa Kapaligiran
A. Pagtatanim ng mga punong kahoy
B. __________________________

A. Pagpitas ng mga magagandang bulaklak


B. Paglalagay ng mga basura sa wastong lalagyan
C. Pagputol ng mga kahoy sa paligid
D. Paglalagay ng mga plastic sa kanal

12.
I. Paraan ng Pagpapamamalas ng Paggalang sa nga Magulang
A. Pagmamano sa mga magulang
B. ________________________

A. Ang paggamit ng mga magagalang na pananalita palagi


B. Ang pagtulong sa mga gawaing bahay
C. Ang madalas na pagsama sa mga kaibigan
D. Ang hindi pagsunod sa mga utos ng magulang

E. Punan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

13.Pupunta tayo sa parke_______hindi uulan.


A. at B. dahil C. ngunit D. kung

14.Sa kamay ng mga kabataan nakasalalay ang kinabukasan ng bansa ______ dapat silang magsikap.
A. kapag B. kaya C. habang D. ngunit

15. Magsuklay ka ng buhok mo__________naghihintay ako.


A. kapag B. kaya C. habang D. dahil

F. Punan ng wastong pangatnig ang bawat patlang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

16. Si Leanna ay masipag__ matulungin.


A. ngunit B. at C. habang D. kapag
17. Si Albert ay pupunta sa bukid umulan man ____ umaraw.
A. ni B. ngunit C. kapag D. o
18. Sinabi ko sa iyo ____mag-aaral nang mabuti.
A. kapag B. na C. habang D. ngunit

18
G. Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

19. Maaari mo ba akong sama_____ sa palengke?

A. -han B. -in C. -an D. -um

20. Ang magkapatid ay _____aaral para sa pagsusulit sa susunod na araw.

A. mag- B. nag- C. hin- D. han-

21. Linis__ mong mabuti ang iyong silid-tulugan.

A. -han B. -in C. -an D. -um

22. Masaya___ ang mga tao sa aming barangay.

A. -mag B. -nag C. -hin D. -han

H. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng wastong pahayag.

23. Si Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pangulo sa Pilipinas.

A. katotohanan B. opinyon C. ordinansa D. resolusyon

24. Sa palagay ko tatakbo bilang pangulo si Sarah Duterte sa susunod na halalan.

A. katotohanan B. opinyon C. ordinansa D. resolusyon

25. Ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.

A. katotohanan B. opinyon C. ordinansa D. resolusyon

26. Kapag mayaman ang isang pamilya , masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro
nito.

A. katotohanan B. opinyon C. ordinansa D. resolusyon

27. Sino ang pangunahing tauhan sa teleseryeng Probinsyano?

A. Alyana B. Kardo C. Ony D. Lola Flora

28. Sa teleseryeng Probinsyano, bakit kaya tumutulong si Kardo sa bayan?

A. para maipakita ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan


B. para sumikat siya at makilala ang kanyang pangalan sa buong bansa
C. para maipakita ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban sa mga kaaway
D. para maging payapa at tahimik ang bayan

Sa mga bilang 29 – 33 anong uring pangungusap ang mga sumusunod:

29. Naku! May binaril na naman doon sa Mabinay.


A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap

19
30. Nagsusuot ka ba palagi ng face mask at faceshield tuwing lalabas ng bahay?

A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap

31. Maraming nawawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya.


A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap

32. Maaari bang ibigay mo ang bolpen na ito sa kanya?.


A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
33. Magbihis ka na para makapagsimba na tayo.
A. Pautos B. Patanonng C. Padamdam D. Pakiusap

Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa bilang 36 – 38.

Nagkalat ang mga basura sa paligid. Nagdadala ito ng sakit at mabahong amoy .
Ngunit alam ba ninyong ngayon ay may pakinabang na ang mga basura?
Ginagamit na ngayon ang mga basura tulad ng mga bulok na gulay, prutas, dumi ng
hayop, at iba pangnatutunaw na bagay sa paggawa ng isang uri ng panggatong; ang biogas.
Paano ba nagiging biogas ang mga basurang nabanggit? Madali lang. Ang mga
basurang nabubulok ay inilalagay sa isang storage tank o container na tinatawag ding digester
o bioreactor kung saan pinaiinitan ang mga ito.
Unti-unting natutunaw ang mga organic waste na ito sa tulong ng amaerobic bacteria o
mga bakteryang nabubuhay kahit walang hangin o oxygen. Ang prosesong ito ay tinatawag
na anaerobic digestion
---Halaw mula sa Landas sa Pagbasa 6 ni Paz M. Belvez sa pahina 153

34. Batay sa teksto, ano ang tinatawag na biogas?

A. uri ng hayop B. uri ng panggatong C. uri ng gamot D. uri ng sakit

35. Bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang paano ka nakatutulong para mapakinabangan


ang mga basura sa iyong pamayanan?
A. Ihihiwalay at itatapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
B. Magsasawalang kibo dahil bata pa.
C. Itatapon ang mga basura sa ilog.
D. Titingnan lang ang ginagawa ng mga basurero.
36. Ang angkop na pamagat sa tekstong binasa ay_______________

A. Ang Basura
B. Mabahong Basura sa Paligid
C. Ang Pakinabang ng Basura
D. May Pera sa Basura
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa bilang 37– 40.

Ang mga pangyayari sa ating paligid, sa ating pamayanan, sa ating lalawigan , sa


buong bansang Pilipinas at sa buong mundo ay nakababahala na dahil sa sakit na
nakahahawa tulad ng COVID-19 at maaari mo ring ikamamatay at sa mga kalamidad na
dumaan sa ating bansa na nakapinsala sa ating bayan, sa ekonomiya at sa marami nating
kababayan. Marami ang napinsalang kabuhayan dahil sa kalamidad tulad ng nagdaang
bagyong Rolly, mga buhay na nasawi sa nakahahawang sakit na lumalaganap.

20
37. Anong nakahahawang sakit ang lumalaganap sa ating bansa at sa buong daigdig?

A. TB B. Malaria C. Dengue D. COVID-19

38. Ang kalamidad na nakapipinsala sa kabuhayan ng maraming Pilipino ay_______

A. sunog B. bagyo C. tsunami D. pagputok ng bulkan

39. Batay sa teksto sa itaas, ano ang salitang naglalarawan sa mga napinsalang
kabuhayan?

A. marami B. kakaunti C. sagana D. malaki

40. Batay sa tekstong binasa, na tayong lahat ay nakaranas ng pandemya, anong salita
ang mailalarawan mo sa kasalukuyang sitwasyon?

A. masaya B. malungkot C. payapa D. magulo

Inihanda nina: Crescencia C. Panot Nenita Y. Tura


Santa Catalina 3 Bindoy 2

SUSI SA PAGWAWASTO – FILIPINO 6 – IKATLONG MARKAHAN

1. C 21. B

2. A .22. C

3. B 23. A

4. B 24. B

5. A 25. A

6. A 26. B

7. B 27. B

8. A 28. A

21
9. B 29. C

10. A 30. B

11. B 31. A

12. A 32. D

13. D 33. A

14. B 34. B

15. C 35. A

16. B 36. C

17. D 37. D

18. B 38. B

19. A 39. A

20. A 40. B

Inihanda nina: Crescencia C. Panot Nenita Y. Tura


Santa Catalina 3 Bindoy 2

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Negros Oriental
Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 6
S.Y. 2020-2021

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga bilang na sasagutin. Piliin at


isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Panuto: Basahin ang patalastas at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

22
Inaanyayahan ang lahat na magkakaroon ang Barangay, Tara, Mabinay Neg. Or. ng “Tree
Planting Program” ngayong darating na ika-15 ng Pebrero,2021. Sabado sa alas otso ng umaga.
Maaaring kayo ay magdadala ng ibat-ibang planting tools gaya ng asarol, pala, kalaykay at pandulos
upang mapadali ang ating pagtatanim. Ang iyong tulong ay isang malaking kontribusyon sa
pagpapanatiling ligtas ng ating Inang Kalikasan.

23
1. Saan pumapatungkol ang patalastas?
A.Gulayan Program
B.Waste Management Program
C.Tree Planting Program
D.Water Management Program

2.Ano ang dapat iligtas ng mga tao?


A. Inang Kalikasan
B. Planting Tools
C.katubigan
D.mga hayop sa paligid

3.Kailan magkakaroon ng Tree Planting Program?


A. Ika -14 ng Pebrero, 2021
B.ika-15 ng Pebrero ,2021
C.ika- 16 ng Pebrero,2021
D.ika -15 ng Pebrero ,2020

4.Bilang mag-aaral, ano ang maaaring dahilan kung bakit kailangang iligtas ang kalikasan?
A. upang manatiling berde ang kapaligiran
B. Upang magkakaroon na naman tayo ng mga bagong punong-kahoy na puputulin.
C.Upang manatiling malinis, kaaya-aya, sariwa at maiiwasan ang baha at nang ang
susunod na henerasyon ay may mga puno pang aakyatin.
D.lahat ng nabanggit
5.Ano ang paraan ng pag-aanunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t
-ibang anyo ng komunikasyong pangmadla?
A babala B. paunawa C. patalastas D. anunsyo

6. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang nagkauugnay maliban sa


A. pulis, guro, nars, klinika
B. dagat, sapa ilog , lawa
C. talong, kalabasa, upo ,malunggay
D. laptop printer, projector, mikropono
7.Alin ang mga salitang hindi angkop sa pangkat?
A. kamay, ulo, binti, paa
B. lapis, papel, bolpen ,barena
C. ubo sipon, lagnat, pagsusuka
D. bayabas, mansanas, ubas,saging

B. Basahin ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang titik ng salitang


maiuugnay rito.

8. sasakyan: ___________
A. transportasyon B. komunikasyon C. telepono D. liham
9. uling: __________
A. panggatong B. pagkain C. gulay D. prutas

10. dagat: __________


A. magsasaka B. mangingisda C. mag-aararo D. manananim

5. Hindi mapigilan ang pagkalat ng basura sa paaralan. Kahit na anong aral ang
ibinigay ng guro sa kanila, kalat pa rin ang mga basurang plastic at papel sa paligid
ng paaralan. Paano kaya ito maiiwasan?

24
A. Sasabihin sa titser na magkakaroon ng multa ang sinumang mahuhuling
nagkakalat ng basura.
B. Makikinig ka sa iyong guro dahil siya ay nagsisilbing pangalawang magulang
mo at susundin mo ang lahat na panuntunan sa iyong silid aralan.
C. Ilagay sa tamang lalagyan ang iba’t ibang uri ng basura.
D. lahat ng nabanggit

6. Ang coronavirus ay isang nakatatakot na sakit. Ito ay kalat na kalat na sa buong


daigdig. Bilang mag-aaral, ano ang gagawin mo upang maibsan ang paghawa at
pagkalat ng sakit na ito?

A. Mananatiling nasa loob lamang ka ng inyong bahay.


B. Kung lalabas ka ng bahay ay magsusuot kaagad ng face mask at face shield.
Iwasan din ang maraming tao.
C. Hindi ka maniniwala na may COVID talaga dahil hindi ka naman nahahawaan
matagal tagal ka na namang nagliliwaliw sa inyong lugar.
D. lahat ng nabanggit

13. Basahin ang sumusunod na talata, pagkatapos ay piliin sa ibaba ang iyong
maaaring maging reaksyon.
Noong unang panahon, ang dating mga ninuno ay nakarating sa malalayong
lugar sa pamamagitan ng paglalakad. Ngunit nang dumating sa kanilang buhay ang
gulong at iba’t ibang sasakyan tulad ng karwahe, kotse, trak, dyip at iba pa,
nababawasan o nawawala ang paglalakad. Magbalik sana ang gawaing paglalakad
upang hindi tayo matatrapik sa daan. Wala pang polusyon na dala ang mga
umuusok na sasakyan. Kung magbalik tayo sa paglalakad, makapag-ehersisyo
tayo at makatitipid pa sa pamasahe.

A. Ipagpapatuloy mo na lang ang pagsasakay sa mga modelong sasakyan at


nang ikaw ay makatitipid sa panahon.
B. Kalilimutan mo na lang ang mga nakaraan dahil nasa makabagong milenyo
na tayo.
C. Ayaw mo ng maglakad dahil ayaw mong mabilad sa araw ang makinis mong
balat.
D. Babalikan mo ang dating gawi kung saan tayo ay nakapag-ehersisyo na,
nakatitipid pa.

14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi nagsasaad ng kathang-


isip o piksyon?
A. Ang novel coronavirus ay isang nakatatakot na sakit.
B. Masayang nag-uusap ang kambing at usa.
C. Sina Pagong at Matsing ay nagiging matalik na magkakaibigan
D. Sa pelikulang pinamagatang “Frozen” ang magkakapatid na Elsa at Ana ay
mapagmahal sa isa’t isa.

15.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ngpiksyon?


A. Si Sen. Manny Pacquiao ay napabilang na isa sa mga mayayamang tao sa
bansa.

25
B. Ang Taj Mahal ay itinayo ni Emperador Shah Jahan bilang ala-ala sa kanyang
yumaong asawa na si Mumtaz Mahal.
C. Ang Bulkang Taal ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas.
D. Sina Superman at Wonderwoman ay nagiging tagapagtanggol natin sa
panahon ng pandemya.

16. Anong uri ng pelikula ang nagnanais na takutin o sindakin ang mga manonood
gamit ang mga multo, bangkay o mga nilalang na kakaiba?
A. drama B. animasyon C. katatakuta D. dokyu

17.Alin sa mga sumusunod na uri ng pelikula na nagpopokus sa mga personal na


suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang
mga manonood?
A. Animasyon B. Historical C. Pantasya D. Drama

Para sa aytem bilang 18-20. Tingnang mabuti ang larawan. Suriin kung anong
uring pelikula ito.

18.
A. pantasya B. drama C. Dokyu D. animasyon

19.
A. historical B. drama C.dokyu D.animasyon

vvv

20.

A.pantasya B. drama C. dokyu D. animasyon

C. Para sa aytem bilang 21-23. Basahin at unawain ang talata sa loob ng


kahon. Tukuyin kung alin ang sanhi at bunga ng pangyayari.

Inutusan si Juan ng kanyang nanay na bumili ng alimango sa


palengke. Habang papauwi na si Juan, nadaanan niya ang kanyang mga
kaibigan na naglalaro sa daan. Tinawag siya ng mga ito. Hindi naman
makatanggi si Juan kaya nakipaglaro siya sa mga ito. Tanghali na ng naka
uwi si Juan, galit na galit ang kanyang nanay na sumalubong sa kanya.

26
21.Bakit galit na galit ang nanay ni Juan sa kanya?
A. dahil mali ang binili ni Juan
B. dahil tanghali ng nakauwi si Juan sa kanila
C. dahil hindi tumalima si Juan sa utos ng nanay niya
D. dahil nakipaglalaro si Juan sa kanyang mga kaibigan

22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng bunga ng


pangyayari?
A. Bumili si Juan ng alimango sa palengke.
B. Nadaanan ni Juan na naglalaro ang kanyang mga kaibigan.
C.Napagalitan si Juan ng kanyang nanay.
D.Tanghali na nang nakauwi si Juan sa kanilang bahay.

23.Nakikipaglaro si Juan sa kanyang mga kaibigan kaya’t tanghali na siyang


nakauwi. Alin ang parirala na nagsasaad ng sanhi ng pangyayari?
A. Nakikipaglaro si Juan sa kanyang mga kaibigan.
B. Si Juan at ang kanyang mga kaibigan
C. Tanghali na siyang nakauwi.
D. kaibigan kaya’t tanghali na

D. Panuto: Para sa aytem bilang 24-28. Pag-aralang mabuti ang graph at


sagutin ang mga katanungan kaugnay nito.

BUWANG GASTUSIN NG PAMILYA TARUC

5%
Upa sa Bahay24%
10% Pagkain
26% Iba pang Gastusin
Bayad sa Paaralan
Bayad sa Ilaw at Tubig
10% Damit
Ipon

5%
20%

24.Ilang bahagdan ang naitabi ng pamilya ni G. Lopez?


A. 5% B. 8% C. 20 % D. 24 %

25. Aling gastusin ang pinakamalaki sa lahat?


A. bayad sa paaralan
B. upa sa bahay
C. pagkain
D. ipo

27
26.Aling mga gastusin ang magkakatulad ang bahagdan?
A. bayad sa ilaw at tubig at damit
B. ipon at Iba pang gastusin
C. pagkain at upa sa bahay
D. parehong A at B
27.Ilang bahagdan ang kalamangan ng bayad sa paaralan sa upa ng bahay?
A. 2% B.4% C.6% D.10%

28.Aling dalawang gastusin ang katumbas ng bayad sa paaralan?


A. iba pang gastusin at bayad sa ilaw at tubig
B. damit at bayad sa ilaw at tubig
C. iba pang gastusin at damit
D. pagkain at damit
E. Panuto: Isulat ang titik ng angkop na reaksyon sa sumusunod ayon sa
pangyayari:

29.Upang lumusog at lumakas, mag-eehersisyo tayo. Ngunit sa pagmamadali,


kulang naman tayo sa tulog at pahinga. Kaya sa halip na lumakas tayo ay
naghihina’t nagkakasakit.

A. Hindi nakabubuti sa katawan ang ehersisyo.


B. Minsan, hindi natin iniintindi ang ating sariling kakayahan.
C. Sa lahat ng panahon, ang ehersisyo ay nakabubuti sa tao.
D. Nababagay lamang ang ehersisyo sa mga taong may karamdaman.

30.Ipinagbabawal ng DOH ang pagtitipon at ang pamamasyal ng mga kabataang


may edad 0 hanggang 15 taong gulang at ng mga matatanda na may edad 70
pataas dahil madali silang mahawaan ng sakit na ito. Ano ang reaksiyon mo tungkol
dito?

A. Nararapat lamang ito dahil sila naman ang mas nakakaalam.


B. Tunay ngang mababa ang resistensiya ng mga bata at matatanda.
C. Mas higit na maapektuhan ang mga matatanda sa panukalang ito.
D. Dapat hingin muna ang opinyon ng nakatatanda.

31.Ikaw ay binigyan ng pagkakataong baguhin ang takbo ng panahon upang


maibalik ang dating ganda ng kapaligiran.
A. Sisimulan muna sa sarili ang paggawa ng mabuti o tama bago sa iba.
B. Iwasan ang paggawa ng nakasisira sa ating kapaligiran.
C. Susunod sa lahat ng mga tagubilin.
D. Pagandahin ang paligid.

Nasa ibaba ang balangkas ng bahagi ng isang liham sa editor. Isulat ang titik
ng bahagi ng liham.
32.

33.

28
34.
35.
A. Clarene V. Aranas

B. Isang makabuluhang pag-aaral ang aming natutuhan tungkol sa mga paraan


kung paano iligtas ang ating kalikasan. Hindi lingid sa ating kaalaman, ang
kahalagahan ng kalikasan.
Sa murang edad kong ito, napag-isipan kong sumulat sa iyong pahayagan
upang mabatid ninyo na sa baryo Mabato, Ayungon talamak pa rin ang pagputol ng
mga punongkahoy. Walang awa nila itong pinutol at ibinenta.
Batid na po ang mga nangyari sa aming lugar ngunit walang naglakas loob na
ipaalam ito. Tulungan niyo po kami, alang-alang po sa batang katulad naming
umaasam na mabuhay nang mapayapa at matiwasay.
C. Lubos na gumagalang,
D. Mahal kong patnugot,
F. Panuto: Suriin at piliin ang angkop na pangkalahatang sangguniang
naayon sa pahayag bilang 36-40.

36. Nais ni Era na malaman ang wastong bigkas ng isang salita. Alin kaya sa mga
sangguniang ito ang kanyang gagamitin?

A. Ensayklopidya B. Diksyunaryo C. Almanac D. Atlas

37.Ito ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya at lokasyon ng mga


lugar.

A. Ensayklopidya B. Diksyunaryo C. Almanac D. Atlas

38. Inatasan ang mga mag-aaral sa Ikaanim na baitang na magsaliksik tungkol sa


mga pangyayari sa nakaraang taon. Saan sila magsasaliksik ng impormasyon?

A. Atlas B. Almanac C. Diksyunayro D. Ensayklopidia

39.Sasagutan ng bata ang mga mahihirap na salita sa kwento. Aling sanggunian ang
kanyang gagamitin?

A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo D. Ensayklopidya

40.Gusto ni Andre na malaman ang lokasyon ng pupuntahang lugar, alin kaya ang
kanyang gagamiting sanggunian?

A.EnsayklopIdIa B.Diksyunaryo C.Almanac D.Atlas

29
Inihanda nina:

Liza M. Lubid
T-III/ Tara ES, Mabinay District
2

Kristine A. Cadeliῆa
T-III/ Ayungon CeS, Ayungon District

Grade VI SUMMATIVE QA TEAM:

CANLATAY GROUP

BEVERLY M. DELUBIO – CANLAON DISTRICT 1

MARILYN J. DELIMA – CANLAON DISTRICT 2

JANETTE L. MORAGA LALIBERTAD 1

NEMSIE A.CAMERO LALIBERTAD 2

ARLENE Y. ZUNIEGA – TAYASAN 1

MELUCHI B. GARCES – TAYASAN 2

ARLENE

30
SUSI NG PAGWAWASTO

1.C 11.D 21.B 31.A


2.A 12.B 22.C 32.B
3.B 13.D 23.A 33.D
4.C 14.A 24.B 34.A
5.C 15.D 25.C 35.B
6.A 16.C 26.C 36.B
7.B 17.D 27.D 37.D
8.A 18.C 28.B 38.B
9.A 19.A 29.B 39.C
10.B 20.A 30.B 40.D

31

You might also like