SG_Filipino 4 and 7_Session 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 68

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s.

2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Session Guide Form

Pamagat ng Sesyon Sipat – Suri sa Pagbabagong Hugis ng MATATAG

(Title of the Session) Kurikulum

Roseta V. Comiso-Gallo
Bumuo ng Sesyon Eliza Rose R. De Leon
(SG Developer) Evangeline Calinisan
Kinabibilangang Antas Proficient and Highly proficient Teachers
Propesyunal (Domeyn/ Domain 1:Content Knowledge and Pedagogy
Strand/Indikeytor) PPST Strand 1:4
(Professional Standards Strategies for Promoting Literacy and Numeracy
Covered) (Domain/s, Strand/s, PPST Strand 1.4.2
and Indicator/s) Use a range of teaching strategies that enhance learner
achievement in literacy and numeracy skills
Iskedyul at Haba ng Sesyon
(Session Schedule and Dalawang Oras (120 minuto)
Duration)

Pagkatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang mahahalagang katangian ng

Mga Layunin
Shaping Paper ng MATATAG Kurikulum
(Objectives)
2. Naibabahagi ang kahalagahan ng Shaping Paper
sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto

• Accomplished Activity Sheet 1 – Magawa ang

Inaasahang Awtput Activity Sheet 1
(Expected Outputs) • Reflection – Pagninilay-nilay

Susing Nilalaman
Pagbabagong Hugis ng MATATAG Kurikulum
(Key Content)
Mga Kagamitang
Pampagkatuto Learning Area Shaping Paper
(Learning Resource Materials)
Mga Sanggunian Language Curricula Shaping Paper
(References) Gabay Pangkurikulum
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Masusing Deskripsyon ng mga Inaasahang

Itinakdang Oras Masusing Balangkas Mga Kagamitan
Pamamaraan/Gawain Awtput
ng Nilalaman
2:30 – 3:00 P.M. PANIMULA Gawin: Slide Blg. 4
Ipakilala ang sarili at ilahad ang paksa ng sesyon.
Paglalahad ng Layunin
at Daloy ng Sesyon Sabihin:
30 minuto
Magandang araw! Ikinalulugod kong makasama
kayong lahat sa sesyong ito. Ito ang pagsipat at
pagsusuri sa pagbabagong hugis ng kurikulum. Ako
po ang inyong lingkod na magiging tagapagdaloy
ninyo ngayong araw na ito.
Ako si _________________, mula sa ______________.

Gawin:
Ilahad ang panuto para sa gawaing, “Bilang Mo, Slide Blg. 5
Tandaan Mo” at hintaying makapagpakilala ang
lahat ng kalahok sa mga kasama.

Sabihin:
Bago tayo magsimula, gusto ko muna gawin natin
ang Bilang Mo, Tandaan Mo. May mga bilang na nasa
upua o mesa ninyo. Isulat ninyo ang inyong pangalan
sa likuran. Pagkatapos, magpakilala sa katabi, nasa
harapan at sa taong nasa likuran mo. Hayan, kahit
papaano ay magkakakilala na kayo. Ang bilang ninyo
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

ay may hiwaga dahil iyan ang tatawagin natin

mamaya. Halimbawa, si Bb. Filipino 21… atbp.

Ipakita: Mga Layunin ng Sesyon

Sabihin: Slide Blg. 6

Ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang layunin ng ating
sesyon.

Pagkatapos ng sesyon na ito, inaasahan na ang mga

kalahok ay naipaliliwanag ang mahahalagang
katangian ng Shaping Paper ng MATATAG Kurikulum.
Partikular sa kaligiran, at katangian ng bagong
kurikulum.

Inaasahan ding naibabahagi ng mga kalahok ang

kahalagahan ng Shaping Paper sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto.

Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay at pagbuo ng

reflection sa kahalagahan ng nasabing papel.

Ipakita: Kinabibilangang Antas Propesyunal

Slide Blg. 7
Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

PPSS – Domain 1: Supporting Curriculum

Management and Implementation;
PPSSH – Domain 3: Focusing on Teaching and
Learning
PPST - Domain 4: Curriculum and Planning

Ipakita: Daloy ng Sesyon

Sabihin:
Ang mga paksang tatalakayin natin para sa sesyong
ito ay:
• Resulta ng Pagsusuri ng Kurikulum
• Balangkas ng Kurikulum
• Mga Pokus ng Pagkatuto ng Bawat Yugto
• Mahahalagang Katangian ng Kurikulum

Note: Maaring ipabasa sa mga kalahok: Hal.

Basahin mo nga Bb 27; 24;23;26

Ipakita: Tuklasin! Alamin!

Sabihin:
Sa gawaing ito, kailangan ninyong alamin ang
salitang tumutukoy sa larawang ipapakita sa Slide Blg. 8
harapan.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sabihin:
Ano ang ginagawa nila? Ano kaya? Nagpupulong?
Ano kaya ang posibleng dahilan bakit may pulong?
Maaring nagpaplano para solusyunan ang problema.
Ano pa?

Oo, Plano. Ang Shaping Paper ay naging plano at

gabay para mabuo ang MATATAG Kurikulum.
Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang naging blue
print ng MATATAG Kurikulum ng Filipino.

Sa pagbuo ng kurikulum, maraming nakatulong sa Slide Blg. 9

pagpaplano at ang pangalan ng mga taong
babanggitin ko ang may mahahalagang kontribusyon
sa pagbuo ng Gabay pangkurikulum ng Filipino. Sino-
sino sila?

Ipakita: Mga Pangalan ng Bumuo ng Kurikulum

Sabihin:
Noong binuo ang kurikulum, pinamunuan ito ng
Bureau of Curriculum Development:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sa pangunguna nina Direktor Jocelyn DR Andaya,

Director III Samuel R. Soliven, at hepe ng Curriculum
Standards Development, Dr. Isabel A. Victorino.

Katuwang at kaagapay sa asignaturang Filipino sina

Gng. Roseta Comiso-Gallo, G. Restituto Mendoza, Slide Blg. 10
Gng. Evangeline Calinisan, Gng. Ma. Luisa Cantillo,
at Bb. Eliza Rose de Leon na mula rin sa BCD.

Gayundin sina G. Gaudencio Luis Serrano at Michelle

Tolentino na mula naman sa BLD o Bureau of
Learning Delivery.

Gawin:
Ipakilala ang mga resource persons at consultants.

Sabihin:
Hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng mga
manunulat ng kurikulum mula sa kagawaran at ang
mga consultants na hindi napagod at palaging
gumabay sa pagbuo nito.

Sa halos dalawang taon na pagbuo ng kurikulum,

nakasama ang mga dalubhasang consultants na
sina:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

• Nina Christina Zamora - Philippine Normal

University
• Dinalene Castanar-Babac – Miriam College
• Gary Devilles - Ateneo de Manila
• Teresita Fortunato - De La Salle University
• Mark Gleen O. Cidro - Philippine Normal
University
• Pamela C. Constantino – University of the
Philippines
• Leonor Ercillo Diaz – University of the
Philippines
• Heidi Macahilig- Philippine Normal University
• Amur Asuncion – University of Sto. Tomas
• Elizabeth Nuncio – Malayan Colleges Laguna

Slide Blg. 11
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 12
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

ACTIVITY Ipakita: Link at Code ng Mentimeter Slide Blg. 13-14

Pagtulungan Natin Sabihin:

Bago simulan ang talakayan, itala muna natin ang
mga batayan sa pagbuo ng kurikulum sa Filipino. Sa
loob ng limang (5) minuto, ilista ang mga ito sa
mentimeter.

Sabihin:
Atin ding sagutin ang ilang mga tanong hinggil sa
bagong kurikulum. Sa loob ng limang (5) minuto
tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag.
Slide Blg. 15 - 20
1. Maraming kasanayang pampagkatuto sa
bawat kuwarter at baitang sa 2016
Kurikulum. TAMA
2. Ang mga pangunahing ideya o BIG IDEAS ay
Literasi, Wika at Media. MALI
3. Ang pokus ng pagkatuto sa ikalawang yugto
ay Literasi. MALI
4. Mananatili ang Asyano at Pandaigdigang
Panitikan sa ikatlong yugto. MALI
5. Mayroong tatlong sub-domeyn ang ikalawa at
ikatlong yugto. TAMA
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

ANALISIS Ipakita: Mga tugon sa mentimeter Slide Blg. 21

Pagtalakay sa batayan Sabihin:

sa pagbabago ng Narito ang mga itinala ninyong batayan ng
3:00-3:20 pagbabago ng kurikulum.
kurikulum
PM
Sabihin:
20 minuto Mula sa mga ito, sagutin natin ang mga tanong na
nakapaskil sa harapan.

1. Ano-anong kaisipan ang natuklasan mo sa

talakayang natapos?
2. Alin sa mga ito ang bago sa iyong pandinig at
kaalaman?
3. Paano ito nakatulong sa pag-unawa ng
MATATAG Kurikulum?

3:21-4:20PM ABSTRAKSYON Ipakita: Resulta ng Pagsusuri ng Kurikulum Slide Blg. 22

Pagtalakay sa Shaping Sabihin:

Paper ng asignaturang Balikan natin ang aktibidad na ginawa kanina.
1oras
Filipino
Ang sagot sa unang tanong, tama, na maraming
kasanayang pampagkatuto sa bawat kuwarter at
baitang sa 2016 Kurikulum.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Upang mapalawak ito, balikan natin ang proseso ng

pagsusuri ng kurikulum.
1. Pagmamapa sa mga mahalaga at kanais-nais
na kasanayang pampagkatuto
2. Pagtukoy sa prerequisite na kaalaman at mga Slide Blg. 23
kasanayan
Noong 2019, nagkaroon ng pagrerebyu ng ating
intended curriculum, ito ang mga nakatala sa dating
Gabay Pangkurikulum. Kung saan isa sa mga
pinagdaanang proseso ay ang pagtukoy sa mga
essential at desirable competencies.

Masasabi nating essential kung ang mga

kasanayang pampagkatuto ay kailangan ng mag-
aaral para matutuhan ang iba pang asignatura at
kailangan sa susunod na baitang, samantalang
desirable naman kung hindi.
3. Pagtukoy sa ugnayan ng prerequisite na
kaalaman at mga kasanayan sa mga
kasanayang pampagkatuto para sa bawat
aralin
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sa madaling salita, inalam din sa pagrerebyu kung

may mga paunang kasanayan na kailangan para
matutuhan ang kasanayang pampagkatuto; at
gayundin ang koneksyon nito sa ibang asignatura.
Ipakita: Bilang ng Kasanayang Pampagkatuto Slide Blg. 24
Sabihin:
Sa ginawang pagrerebyu kasama ang ibang guro
mula sa UPIS, mga punongguro, mga dalubguro at
ilang tagamasid sa Filipino, mula sa kabuuang bilang
na 2378 kasanayang pampagkatuto mula baitang 1-
10, nakapagtala tayo ng 1790 Essential na
Kasanayang Pampagkatuto at 588 desirable
competencies.

Mula sa essential competencies na ito, kinuha natin

ang ginagamit ngayon na most essential
competencies. At mula rin sa Essential Learning
Competencies, naging hanguan ito ng mga
kompetensi na bahagi ng MATATAG Kurikulum.

Ipakita: Resulta at Tugon sa Ginawang Rebyu

Slide Blg. 24
Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ang naging resulta – Maraming kasanayang

pampagkatuto sa bawat kuwarter at baitang. Bilang
tugon dito, nilimitahan ang bilang ng kasanayang
pampagkatuto sa pamamagitan ng pag-angkla sa
Pangunahing Idea o Big Ideas.

Ipakita: Halimbawa ng Big Ideas

Sabihin:
Ano ang mga halimbawa ng Big Ideas?
1. Ang pag-unlad ng oras na wika sa mga unang
taon ay nagbibigay ng tulay sa pag-unlad ng
literasi sa paaralan.
2. Ang wika ay isang kasangkapan para sa
komunikasyon at pag-aaral sa iba’t ibang
asignatura.
3. Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng
kaalaman sa wika at sa ugnayan nito sa
kultura sa pamamagitan ng
pakikipagkomunikasyon gamit ang mga wika.

Ipakita: Mga Domeyn sa Filipino

Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Mula sa Big Ideas, papasok ang mga domeyn na

Literasi, Wika, at Teksto. Lahat ng kasanayang
pampagkatuto ay nakaangkla sa tatlong ito.
Slide Blg. 25
Ipakita: Resulta at Tugon sa Ginawang Rebyu

Sabihin:
Isa pang naging resulta ng ginawang rebyu ay ang
paulit-ulit na kasanayang pampagkatuto sa iba’t
ibang domeyn at baitang.

Bilang tugon, nilimitahan na sa MATATAG Kurikulum

ang bilang ng mga domeyn sa bawat yugto at ang
mga domeyn na magkakahawig ay pinagsama na
lamang.

Ipakita: Halimbawa ng Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin: Slide Blg. 26

Isa sa mga halimbawa nito ay ang pag-unawa at
pagsusuri ng mga teksto. Nakapaloob dito ang pag-
unawa sa binasa, estratehiya sa pag-aaral, pag-
unawa sa napakinggan, at kaalaman sa aklat at
limbag.

Ipakita: Resulta at Tugon sa Ginawang Rebyu

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sabihin:
Pinakahuli, hindi malinaw na nailahad ang mga
paunang kasanayan (prerequisite skills) sa Baitang
1-3. Ang naging tugon dito ay, pag-aayos ng mga
kasanayang pampagkatuto batay sa pagkakasunod-
sunod nito gamit ang macroscope.

Ipakita: Macroscope para sa Baitang 2 at 3

Slide Blg. 27
Sabihin:
Ang Macroscope ay latag ng mga kompetensi
kasama ang mga tukoy na makrong kasanayang
dapat linangin sa mga tiyak na kasanayang
pampagkatuto para sa isang partikular na baitang.

Narito ang macroscope para sa Baitang 2 at 3.

Ipakita: Macroscope para sa Baitang 4-6

Sabihin: Slide Blg. 28

Samantala, makikita sa macroscope para sa Baitang
4, Baitang 5, at Baitang 6 ang mga tsek na
nangangahulugan kung kailan dapat ituro ang mga
kasanayan. Dahil sa bagong subdomeyn, makikita
na pinagsama na ang mga makrong kasanayan.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Macroscope para sa Baitang 7-10

Sabihin:
Narito naman ang macroscope para sa Baitang 7
hanggang Baitang 10. Makikita rito na mula Baitang Slide Blg. 29
7 hanggang Baitang 10 ay mayroong pag-aaral ng
panitikan, impormasyunal na teksto at obra maestra.

Pakitandaan na ang macroscope ay talaan ng mga

essential na kasanayan. Ang ilan sa mga nabanggit
ay general ang pagkakasulat at tiyak na mismong
nasa Gabay Pangkurikulum.

Kung nais ninyong malaman ang mga essential na

kasanayan, sa macroscope makikita ang buod ng
mga kasanayang pampagkatuto at kung kailan ito
itinuturo.

Gawin:
Alamin ang mga natatandaan at natutuhan ng mga
kalahok at ipasulat sa kartolina.

Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ano-ano ang mga natatandaan ninyo? Isulat sa strips

ng kartolina ang mga natutuhan sa loob ng dalawang
(2) minuto at idikit ito sa Wall ng Natutuhan.

Ipakita: Balangkas ng Kurikulum

Sabihin:
Balikan natin ang pangalawang (2) tanong sa Slide Blg. 30
ginawang aktibidad kanina.

Ang mga pangunahing idea o big ideas ay Literasi,

Wika, at Midya. Ito ay mali dahil ang pangatlong
domain ay Teksto.

Ipakita: Balangkas ng Kasalukuyan at MATATAG

Kurikulum

Sabihin:
Tingnan ang dalawang (2) balangkas na nasa
harapan. Ano ang nakikita ninyong kaibahan at
pagkakatulad ng dalawa? Ano ang mga napansin
Slide Blg. 31-34
ninyong naging pagbabago?

Gawin:
Tumugon sa ilang sagot ng mga kalahok.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Pangunahing Pamantayan sa Pagkatuto

Sabihin:
Matapos ang ginawang rebyu, sinimulan ang
pagrerebisa ng kurikulum. Ang naging pangunahing
layunin ng asignaturang Filipino ay malinang sa mag-
aaral ang kasanayan sa literasi, kakayahang
komunikatibo, mapanuring pag-unawa sa iba’t ibang
uri ng teksto, at pagbuo ng multimodal na may lubos
na pagpapahalaga sa wikang Filipino at ibang wika
sa bansa, kultura, at mga teksto o mga babasahin na
magiging daan sa kanyang pagkatuto at paglinang ng
ika-21 siglong kasanayan para sa kapaki-
pakinabang na pagganap bilang makabansa at
global na mamamayan.

Ipakita:

Tunguhin ng asignaturang Filipino na makalinang ng

mga Pilipinong mag-aaral na taglay ang ika-21
siglong kasanayan na may masidhing
pagpapahalaga sa sariling wika at pagpapakilanlan.

Ito rin ay iikot sa mga pangunahing ideya o big ideas

kasama ang mga domeyn na kabilang dito – ang
Literasi, Wika, at Teksto.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sabihin:
Ang tatlong (3) domeyn na ito ay magkakaugnay sa
paraang ito ang pinanggagalingan ng mga
kinakailangang kasanayan para sa lubusang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Sakop ng tatlong
domeyn na ito ang paggamit ng mga angkop na
tekstong naratibo at impormasyonal sa bawat antas;
paglinang sa ika-21 siglong kasanayan ng mga mag-
aaral at paggamit ng Wikang Filipino tungo sa
intelektuwalisasyon at pambansang
pagkakaunawaan.

Sabihin:
Ang domeyn na Literasi ay tumutukoy sa pag-
unawa at paglikha/pagbuo ng mga teksto sa iba't
ibang mga sitwasyon at layunin, sa pamamagitan ng
mga makrong kasanayan: pagsasalita, pakikinig,
pagbasa, at pagsulat.

Tinitiyak ng domeyn na ito na ang kaalaman sa wika

ay napapalawak sa praktikal na pamamaraan.
Layunin nito na mabuo ang kaangkupan, kahusayan,
kumpiyansa, at pagiging epektibo muna sa L1 at sa
mga sumunod na wika.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sa domeyn ng Wika, natututuhan ng mga mag-aaral

ang mga wika at kung paano ang mga ito ginagamit.
Habang natutuhan nila ang wika at paggamit ng
wika, napapaunlad nila ang mga kasanayang
pangkomunikasyon, kaalaman sa gramatika, at
pang-unawang kultural upang makipag-ugnayan sa
iba nang naaayon at tama, at may kahusayan sa
aspeto ng kultura.

Ang Teksto ay tumutukoy sa mga nakasulat,

sinasalita, o multimodal na anyo ng komunikasyon
na ginagamit sa makabuluhang konteksto. Ang
multimodal na teksto ay pagsasama ng wika sa iba't
ibang sistema ng komunikasyon, halimbawa, ang
mga teksto sa print na may kasamang mga visual na
larawan, animasyon, soundtrack, at sinasalitang
salita gaya sa pelikula o multimedia na presentasyon Slide Blg. 35
ng computer.

Ang mga teksto ay nagbibigay ng mga pagkakataon

upang matuto tungkol sa mahahalagang aspeto ng
karanasan ng tao at tungkol sa halaga ng estetika.
Marami sa mga gawain na isinasagawa ng mga mag-
aaral sa loob at labas ng paaralan ay nauukit sa mga
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

literarong teksto, impormasyonal na teksto, at

transaksyunal na teksto.

Sabihin:
Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga
kagamitang pampagtuturo ng mga guro bilang
suporta sa kurikulum na magmumula sa
administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at Slide Blg. 36
publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba
pang sektor ng lipunan. May makabuluhang ugnayan
ang pedagohiya, kagamitang pampagkatuto at
pagtataya.

Sa proseso o paraan ng pagtuturo, nagaganap

ang pag-unawa ng mag-aaral sa mga konsepto at
pagsasagawa ng mga kasanayan sa tulong ng mga
estratehiyang pampagkatuto na binuo ng mga guro
batay sa konteksto ng mag-aaral. Kaugnay nito,
mahalaga ang pagtataya na nagsisilbing
mekanismo sa pagbibigay-puna upang masuri ang
kabisaan sa pagtuturo batay sa ipinamalas na
kaalaman, kasapatan ng pagkatuto at kahusayan sa
paglalapat ng mga natutuhan sa buhay.

Sa kabilang dako, ang mga kagamitang

pampagkatuto naman ay napakahalagang
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

kasangkapan na sumasaklaw sa lahat na Slide Blg. 37-38

bahagi/aspeto ng kurikulum. Ang mga nabuo at
naangkop na kagamitang pampagkatuto maging ito
ay print, non-print o digital ay tunay na tumutugon sa
mga pangangailangan sa kurikulum at suporta bilang
tugon sa inaasahang hangarin sa proseso ng
pagkatuto at pagtuturo.

Isinaalang-alang din sa pagbuo ng kurikulum ng

Filipino ang kalikasan at pangangailangan ng mga
mag-aaral, maging ang pangangailangang
panlipunan, lokal at global na pamayanan.
Pinagbatayan din ang mga (a) teorya sa kalikasan at
pagkatutuo ng pangalawang wika (b) mga teoryang
pilosopikal, (c) legal na batas pang-edukasyon at (e)
maka-Pilipinong teorya tungo sa isang makabayang
kurikulum.

Ipakita: Mga Pokus ng Pagkatuto sa Bawat Yugto

Sabihin:
Balikan natin ang ikatlong (3) tanong sa ginawang
aktibidad kanina.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sinabi na ang pokus ng pagkatuto sa ikalawang

yugto ay Literasi. Hindi nga tama ang pahayag na ito
dahil Wika ang pokus sa ikalawang yugto.

Hayaan ninyong isa-isahin ko ang mga pokus ng

pagkatuto sa bawat yugto.

Ipakita: Unang Yugto – Literasi

Sabihin:
Para sa unang yugto, ang pokus ay Literasi,
sapagkat ito ang yugto kung saan sinisimulang
hubugin ang mga kinakailangang kasanayan ng mga
mag-aaral – Pagbasa, Pagsulat, at Makapag-analisa.

Sa pamamagitan ng wika (na nakapaloob ang mga

makrong kasanayan) at teksto (na naaayon sa antas
ng mga mag-aaral), ang dalawang ito ay suporta para
sa matagumpay na pagtatamo ng literasi.

Sa Key Stage 1 nakatuon ang katatasan sa lahat ng

makrong kasanayan o kakayahang makapagsalita,
makapagbasa, at makapagsulat nang tama, mabilis,
maayos, at may angkop na ekspresyon.

Ipakita: Ikalawang Yugto – Wika

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sabihin:
Sa yugtong ito inaasahan na magagamit ng mga mag-
aaral ang payak na literasi na kanilang natamo sa
unang yugto para sa pagkakaroon nila ng kritikal na
literasi. Dito na papasok ang pag-aanalisa, Slide Blg. 39-40
pagpapakahulugan, at makatugon sa iba’t ibang uri
ng teksto.

Nailalapat ang mga batayang kasanayan na

natutuhan sa Key Stage 1 gamit ang wika sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na teksto.

Ito ang kakayahan nilang makapag-isip sa mga

pagbasa at pagsulat nang may layunin upang
magtagumpay sa komunikasyon na nasa angkop na
paraan.

Isa itong kasangkapan para maunawaan ang

panitikan, kultura, at ibang disiplina. Nakapaloob
dito ang pagtatanong at pagsusuri sa mga ideya at
kasanayang makapagbuod, makapagsuri,
makapagbigay ng interpretasyon at ebalwasyon, at
makatugon sa teksto.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Nakapaloob din dito ang kakayahang mag-analisa ng

dami ng impormasyon at maiugnay at mahusgahan
ang kahalagahan ng impormasyon.

Ipakita: Ikatlong Yugto - Teksto

Sabihin:
Ang pokus ng pagkatuto para sa ikatlong yugto ng
Baitang 7 hanggang Baitang 10 ay Teksto. Sa
yugtong ito inaasahan na magagamit ng mga mag-
aaral ang kanilang mga payak at kritikal na literasi
upang makapagsuri at makapagbuo ng iba’t ibang uri
ng teksto (Appplied Literacy).
Kung kaya ang mga kasanayang pampagkatuto ay
sumusuporta sa pag-aanalisa ng ebalwasyon,
pagbuo at paggawa gamit ang kasanayang
panliterasi at komunikatibo.

Ang tatlong (3) ito ay ang mga pangunahing ideya na

magkakaugnay, makabuluhan, at mahalagang
maunawaan ng mga mag-aarall upang kanilang
magamit at mapakinabangan, hindi lamang sa loob
ng paaralan, kundi maging sa kanilang
pangmatagalang pagkatuto.

Gawin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Alamin ang mga bagong natutuhan ng mga kalahok

at ipasulat sa kartolina.

Ipakita: Mga Bago kong Nalaman

Sabihin:
Ano-ano ang mga natatandaan ninyo? Isulat sa strips
ng kartolina ang mga natutuhan at idikit ito sa Wall
ng Natutuhan.

Ipakita: Tanong Blg. 3 sa TAMA o MALI

Sabihin:
Balikan natin ang ikalimang (5) tanong sa ginawang
aktibidad kanina.

Mayroong tatlong sub-domeyn ang ikalawa at

ikatlong yugto. Tama ang pahayag na ito. Tingnan
kung ilan ang bilang ng mga subdomeyn sa bawat
yugto.

Ipakita: Bilang ng Domeyn at Sub-domeyn sa Bawat

Yugto

Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ang big ideas ay nagluwal ng tatlong domeyn sa

asignaturang Filipino – ang Literasi, Wika, at Teksto.
Sa tatlong ito nabuo ang mga sub-domeyn na kasama
ring inangklahan ng mga kompetensing
kinakailangan ng mga mag-aaral sa partikular na
baitang. Sa kasalukuyang kurikulum, mayroon
tayong 12 domeyn para sa unang yugto, habang sa
MATATAG Kurikulum ay may anim (6) na lamang.

Sa ikalawa at ikatlong yugto naman ay may tig-

tatlong (3) sub-domeyn na lamang, mula sa siyam (9)
at walong (8) sub-domeyn.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Unang Yugto

Sabihin:
Makikita rito na sa MATATAG Kurikulum, pinagsama-
sama na ang mga magkakaugnay na sub-domeyn.
Halimbawa, pinag-isa na lamang ang Palabigkasan
at Pagkilala ng Salita, at ang Wikang Binibigkas, na
naging Palabigkasan at Kaalaman sa Salita na
lamang.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Unang Yugto

Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Samantala, sa Pag-unawa at Pagsusuri ng mga

Teksto nakapaloob ang Pag-unawa sa Binasa,
Estratehiya sa Pag-aaral, Pakikinig, Kaalaman sa
Aklat at Limbag.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Unang Yugto

Sabihin:
Habang sa Pagbuo ng Teksto naman, nakapaloob
ang Pagsulat at Pagbaybay at Komposisyon. Ang
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan ay hindi na rin
kabilang na subdomeyn ngunit makikita ito sa
pagpapahalaga sa mga babasahin.

Mapapansin na mayroon ding iba na pinanatili pa

rin.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Unang Yugto

Sabihin:
Isa-isahin nating talakayin ang mga sub-domeyn sa
unang yugto:
1. Kamalayan sa Ponolohiya
Kakayahang makilala, matukoy at maisaayos
ang bahaging binibigkas na salita at
pangungusap.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

2. Palabigkasan at Kaalaman
sa Salita
Bahagi ng panimulang pagbasa na tuon sa
pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag
na salita. Ito ay binubuo ng mga letrang may
sariling tunog upaang makalikha ng mga
salita.
3. Paglinang ng Talasalitaan
Proseso ng pagtukla sa kahulugan ng mga
salita sa loob at labas ng isang konteksto sa
pagpapa-unlad ng pag-unawa ng iba’t ibang Slide Blg. 41
teksto.
4. Pag-unawa at Pagsusuri ng mga Teksto
Kakayahang maunawaan at makapagbigay
ng kahulugan sa binasa o pinakinggang
teksto.
5. Gramatika
Kamalayan at kasanayan sa paggamit ng
Wikang Filipino sa pasalita at pagsulat na
anyo batay sa tuntunin sa gramatika.
6. Pagbuo ng mga Teksto
Kakayahang maipahayag ang kaisipan at
damdamin gamit ang Wikang Filipino sa
pagbuo ng tekstong pasalita at pasulat.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Ikalawang Yugto

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sabihin:
Para sa ikalawang yugto, ang kasalukuyang
kurikulum na may siyam (9) na sub-domeyn ay tatlo Slide Blg. 42
(3) na lamang sa MATATAG Kurikulum.

Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kasanayang Pagtanggap na nakapokus sa
Pakikinig at Pagbasa
2. Kasanayang Produktibo na nakapokus sa
Pagsasalita at Pagsulat
3. Panonood at Presentasyon

Ang Pakikinig, Pag-unawa sa Binasa, Pag-unlad ng

Talasalitaan, at Estratehiya sa Pag-aaral ay
pinagsama-sama na sa Pakikinig at Pagbasa.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Ikalawang Yugto

Sabihin:
Ang mga sub-domeyn na Wikang Binibigkas,
Gramatika, at Pagsulat ay pinag-isa na sa
Kasanayang Produktibo na Pagsasalita at Pagsulat.
Habang ang Panonood, ay dinagdagan lamang ng
Presentasyon sa MATATAG Kurikulum.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Samantala, ang Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

ay inaasahang gamitin sa pagtuturo.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Ikalawang Yugto

Sabihin:
Isa-isahin natin ang mga sub-domeyn na ito:
1. Kasanayang Pagtanggap (Receptive Skills) –
sakop nito ang pagpapaunlad ng mga
Slide Blg. 43
kasanayan sa pakikinig at pagbasa
2. Kasanayang Produktibo (Productive Skills) –
sakop nito ang paglinang ng mga kasanayan
sa pagsasalita at pagsulat
3. Kasanayan sa Panonood at Presentasyon
• Panonood – ito ang pagpapakahulugan
at pagsusuri sa mga ideya o kaisipang
ipinahayag sa napanood o nakita.
• Presentasyon (Representing) –
pakikipagtalastasan o pagpapahayag
ng kanilang mga ideya sa pamamagitan
ng mga iba’t ibang midya, kabilang ang
mga tsart, poster, diyagrama, mga
larawan, presentasyon sa video, sining
na biswal, drama, at mime.
Sa maraming mga kaso, ang
representing ay nagbibigay-daan sa
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

mga mag-aaral na maunawaan ang

kanilang natutunan at ipakita ang
kanilang pang-unawa.

Ipakita: Mga Sub-domeyn sa Ikatlong Yugto

Sabihin:
Sa ikatlong yugto naman ng Baitang 7 hanggang
Baitang 10, ang tatlong (3) sub-domeyn ay nakatuon
sa pagsusuri ng mga teksto:
1. Pag-unawa at pagsusuri sa mga tekstong
nasusulat
Paglinang ng kasanayan at kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagsusuri ng tekstong
nasusulat na kinapapalooban ng tekstong
pampanitikan at pang-impormasyunal,
akademik at transaksyunal.
2. Pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong
biswal
Paglinang ng mga kasanayan mula sa
pagtukoy sa mga elementong biswal patungo
sa analitikal na pagtanaw at interpretasyon ng
nilalaman ng teksto upang mapahalagahan
ang kagandahan at kabuluhang ambag ng
mga elemento sa teksto.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

3. Paglikha at Presentasyon ng Tekstong

Multimodal
Pagbuo at paglikha ng mga target na resulta o
mga produkto ng mga natutuhan sa mga
kasanayan kasanayan sa pag-unawa at pag-
aanalisa ng mga tekstong nasusulat (kabilang Slide Blg. 44
ang panitikan at akademiko) at biswal na
lilinang sa kakayahan ng mag-aaral na
makinig, magsalita, magbasa, magsulat at
manood upang matamo ang kahusayan sa
pag-aaral ng iba’t ibang tipo ng teksto na
nakatuon sa panahon, kultura, wika, midya,
at teknolohiya na angkin ng mga mag-aaral
ang pagka- (P) Filipino.

Gawin:
Ipasulat ang mga pahayag na natatandaan ng mga
kalahok sa mga strips ng kartolina.

Ipakita: Mga Natandaan Natin

Sabihin:
Ano-ano ang mga natatandaan ninyo? Isulat sa strips
ng kartolina ang mga natutuhan at idikit ito sa Wall
ng Natutuhan.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Mahahalagang Katangian ng Kurikulum

Sabihin:
Balikan natin ang ika-apat (4) na tanong sa ginawang
aktibidad kanina.

Dapat tandaan na hindi na mananatili ang Asyano at

Pandaigdigang Panitikan sa ikatlong yugto. Bakit?
Dahil may bago nang pokus ng pagkatuto.

Alamin natin ang mahahalagang katangian ng

bagong MATATAG Kurikulum.

Ipakita: Features of the MATATAG Curriculum

Sabihin:
Napag-usapan kanina sa sesyon ng General Shaping
Paper ang mga katangian ng MATATAG Kurikulum.
Mula sa mga nabanggit, ang mga katangiang
tumutugon sa asignaturang Filipino ay ang mga
sumusunod:
Slide Blg. 45
1. Focus on Foundational Skills
2. Decongested Curriculum
3. Balanced cognitive demands
4. Clearer Articulation of 21st Century Skills
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Critical Thinking

Sabihin:
Bilang halimbawa, bigyang-tuon natin ang isang
katangian ng MATATAG Kurikulum, ang Articulation
of 21st Century Skills.

Ang Filipino gaya ng ibang asignaturang pangwika

ay kinapapalooban ng pagbasa ng iba’t ibang teksto
gaya ng panitikan at impormasyunal. Nahahasa ang
kanilang kasanayan sa:
• Mapanuring pag-iisip
• Pagsusuri ng impormasyon
• Pag-aanalisa ng argumento
• Makabuo ng opinyon
• Pagbibigay ng konklusyon
• Pagbibigay ng lagom
• Pagtukoy ng pagkakaiba ng katotohanan sa
opinyon

Ipakita: Kasanayang Pampagkatuto sa 21st Century

Skills sa Ikaapat na Baitang
Slide Blg. 46
Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Narito ang integrasyon ng mga Kasanayang

Pampagkatuto sa 21st Century Skills sa ikapaat na
baitang.

Ikaapat na Baitang - Kuwarter 1

Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1. Pakikinig at Pagbabsa (Kasanayang
Pagtanggap)
Nauunawaan ang tekstong naratibo (alaman,
pabula, parabula, at anekdota)
a. Napagsusunod- sunod ang mga
pangyayaring hindi bababa sa anim
b. Nasusuri ang katangian at kilos ng tauhan
c. Nakikilala ang realidad at pantasya
d. Naibibigay ang natuklasang kaalaman sa
teksto
e. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat ng
teksto

Mga Kaugnay na 21st Century Skills:

• Information, media, and technology skills
• Information Literacy
• Learning and innovation skills
• Openness
• Critical Thinking Slide Blg. 47-507-51
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

• Communication Skills
• Interpersonal Skills

Ipakita: Kasanayang Pampagkatuto sa 21st Century

Skills sa Ikapitong Baitang

Sabihin:
Narito ang integrasyon ng mga Kasanayang
Pampagkatuto sa 21st Century Skills sa ikapitong
baitang.

Ikapitong Baitang - Kuwarter 4

Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1. Paglikha at Presentasyon ng Tekstong
Multimodal
a. Naibabahagi ang nilikhang tekstong
multimodal sa napiling platform na
isinasaalang-alang ang mga
kasanayang komunikatibo, at etikal na
kasanayan at pananagutan.

Mga Kaugnay na 21st Century Skills:

• Information, media, and technology skills
• Visual Literacy
• Media Literacy
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

• Technology Literacy
• Learning and innovation skills
• Critical Thinking
• Communication Skills
• Communicating in Diverse Environment
• Life and Career Skills
• Intercultural Understanding

Ipakita: MATATAG Kurikulum

Sabihin:
Ang MATATAG Kurikulum ng K to 12 ay nakatuon sa
paglinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may
kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa
kanyang pang araw-araw na gawain at danas na
maging daan upang maging “globally competitive” at
handa sa hinaharap o “future ready”.

Sa bawat yguto ng pagkatuto, mayroon tayong

pamantayan. Tingnan natin kung ano-anong mga
pamantayan ang makikita sa bawat yugto. Slide Blg. 51

Ipakita: Pamantayan sa Bawat Yugto

Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sa dulo ng Baitang 3, naipamamalas ng mag-aaral

ang katatasan sa paggamit ng wika, kakayahan sa
pag-unawa, at kahusayan sa pagsulat gamit ang
wikang Filipino na taglay ang kritikal na pag-iisip sa
pakikipagkomunikasyon.

Sa dulo ng Baitang 6, naipamamalas ng mga mag-

aaral ang pangunahin at kritikal na mga kasanayang
panliterasi, at komunikatibong kasanayan sa Filipino
gamit sa talastasang may iba’t ibang layon, kalahok,
at konteksto; nagagamit bilang pantulong na wika sa
pagkatuto ng mga kasanayan sa ibang asignatura;
naipakikita ang mapanuring pag-iisip at
pagpapahalaga sa pamanang kalinangan at iba’t
ibang uri ng tekstong angkop sa antas at pag-unlad
ng pagkatuto.

Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng mag-aaral

ang kasanayang komunikatibo sa wikang Filipino
bilang wikang intelektuwalisado tungo sa
multilingguwal at multikultural na literasi sa
pagkatuto at pagbuo ng mga teksto sa pamamagitan
ng tekstong nasusulat, biswal at multimodal sa
pagtamo ng makabayang edukasyon.

Ipakita: Tampok sa MATATAG Kurikulum

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Sabihin:
Kung sa kasalukuyang kurikulum itinuturo ang
Filipino sa Ikalawang Markahan ng Baitang 1, sa
MATATAG Kurikulum sisimulang ituro ang
asignaturang ito sa Baitang 2.

Ang asignaturang Language at Reading & Literacy

ang ituturo sa Baitang 1 na maglilinang din ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at
pagbasa.

Ipakita: Tuon ng Tekstong Pag-aaralan

Sabihin:
Isa pang malaking pagbabago sa Filipino ay ang tuon
ng tekstong pag-aaralan. Kung sa kasalukuyan
nakapokus lamang sa panitikan ang Baitang 7
hanggang 10, sa MATATAG Kurikulum ay nakatuon
na rin ito sa iba pang teksto – panitikan, impormatibo,
akademik, at transaksyunal.

Ipakita: Pokus na Teksto

Sabihin: Slide Blg. 52-53

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Narito ang talahanayan ng mga pokus na teksto sa

Baitang 7 at Baitang 8.

Mula sa rehiyonal na akda para sa Baitang 7, ang

mga teksto sa Panahon ng Katutubo hanggang sa
Panahon ng Pananakop ng Espanya ang tuon ng
bagong kurikulum.

Para naman sa Baitang 8, mula sa dating

Pambansang Akda, ang pokus ngayon ng MATATAG
Kurikulum ay ang mga teksto sa Panahon ng
Propaganda hanggang sa Panahon ng Pananakop ng
Hapon.

Ipakita: Pokus na Teksto

Sabihin:
Para naman sa Baitang 9, mula sa dating pokus na
mga Asyanong Akda, ang mga teksto sa panitikan sa
Panahon ng Kasarinlan hanggang sa Panahon ng
Bagong Milenyo ang bagong tuon ng kurikulum.

Para naman sa Baitang 10, mula sa Pandaigdig na

mga Akda, ito ngayon ay magiging tekstong
nakabatay sa Makabagong Panahon.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Mga Tatalakaying Obra Maestra sa Baitang

7 hanggang Baitang 9

Sabihin:
Tingnan naman natin ang talahanayan ng mga obra
maestra sa bawat baitang.

Para sa Baitang 7 ng bagong kurikulum, tatalakayin

ng mga mag-aaral ang Ibong Adarna sa Ikaapat na
Markahan. Habang sa Baitang 8 naman ay
tatalakayin ang Florante at Laura sa Ikaapat na
Markahan. Sa Ikaapat na Markahan din ng Baitang 9
pag-aaralan ang Noli Me Tangere.

Ipakita: Mga Tatalakaying Obra Maestra sa Baitang

10

Sabihin:
Para sa Baitang 10 ng MATATAG Kurikulum, ang El
Filibusterismo ay tatalakayin na sa Unang Markahan Slide Blg. 54
upang magkaroon ng pagpapatuloy ang talakayan
mula Noli Me Tangere.

Ang mga nabanggit na obra ay buong babasahin at

pag-aaralan ng mga mag-aaral.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Grade Level Filipino CG

Sabihin:
Tingnan naman natin ngayon ang bilang ng mga
kasanayang pampagkatuto sa bawat baitang ng
2016 Filipino Curriculum Guidie at MATATAG Filipino
Curriculum Guide.

Grade Level 2016 CG MATATAG CG

Grade 1 195 ---
Grade 2 284 94
Grade 3 272 85
Grade 4 343 72
Grade 5 312 80
Grade 6 274 76

Ipakita: Grade Level Filipino CG

Sabihin:
Makikita ninyo naman dito ang bilang ng mga
kasanayang pampagkatuto mula Grade 7 hanggang
Grade 10. Ang kabuuang bilang ng mga kasanayang
pampagkatuto sa 2016 Filipino Curriculum Guide ay
2, 378, nabawasan ang mga ito at naging 507 na
lamang sa MATATAG Kurikulum.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: Bilang ng Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin:
Nais ko ring ipakita sa inyo ang bilang ng mga
kasanayang pampagkatuto sa bawat kuwarter at
baitang. Mapapansin na mayroong isa (1) o dalawang
(2) kasanayang pampagkatuto sa isang kuwarter.
Pag-uusapan natin ang mga ito sa pamamagitan ng
mga halimbawa.

Sabihin:
Ang mga pangunahing kasanayang pampagkatuto na
gaya ng naka-pulang font ang kasama sa bilang ng
mga kasanayang pampagkatuto na ipinakita kanina.
Slide Blg. 55
Nasusuri ang mga detalye ng teksto para sa kritikal
na pag-unawa.

Ang pangunahing kasanayang pampagkatuto na ito

ay may kasamang mga paksa na makakatulong para
sa mga guro sa pag-unpack ng kasanayang
pampagkaturo.

Ipakita: 2016 Filipino CG at MATATAG Filipino CG

Sabihin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Suriin natin ngayon ang kasalukuyang Curriculum

Guide at ang MATATAG Curriculum Guide.

Ano ang nakikita ninyong pagkakaiba ng dalawang

(2) nakalatag na Curriculum Guide?

Makikita na sa Baitang 2 at Baitang 3 ay may mga

hanay para sa mga makrong kasanayan. Makikita rin
sa pamamagitan ng mga tsek kung anong makrong
kasanayan ang dapat linangin. Halimbawa, kung
ang PK at PS lamang ang may tsek, ang lilinangin sa
mga mag-aaral ay pagsasalita at pakikinig, hindi
pagsusulat.

Ipakita: 2016 Filipino CG at MATATAG Filipino CG

Sabihin:
Para naman sa Baitang 4 hanggang Baitang 6, wala
nang mga hanay ng makrong kasanayan dahil ang
mga subdomeyn na ang mga makrong kasanayan.

Ipakita: 2016 Filipino CG at MATATAG Filipino CG

Sabihin:
Ganito naman ang sa Baitang 7 hanggang Baitang
10.
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Ipakita: MATATAG Kurikulum Filipino

Sabihin:
Nais ko ring ibahagi sa inyo ang mga komponent ng
Gabay Pangkurikulum. Ito ang unang bahagi.

Ipakita: MATATAG Kurikulum Filipino

Sabihin:
Makikita sa umpisa ang Deskripsyon. Siguro ay
hinahanap ninyo ang Shaping Paper ng Filipino. Ang
mga Shaping Paper ay makikita sa unahang bahagi
ng mga Gabay Pangkurikulum, ngunit para sa
asignaturang Filipino, English, Reading & Literacy, at
Language ay pinag-isa na lamang ito. Mababasa
ninyo ito sa papel ng English Curriculum.
Kasalukuyan pa itong isinasalin at pinipili ang tiyak
na para lamang sa asignaturang Filipino.

Ipakita: MATATAG Filipino Kurikulum

Sabihin:
Narito naman ang mga pamantayan sa Filipino, ang
Pangunahing Pamantayan o Core Learning Area
Standard; Pamantayan sa Bawat Yugto o Key Stage
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Standards; Pamantayan sa Bawat Baitang o Grade

Level Standards.
Slide Blg. 56
Ipakita: MATATAG Filipino Baitang 2-3

Sabihin:
Makikita na sa bawat baitang, nakalagay ang
Pamantayan sa Baitang, mga Pamantayang
Pangnilalaman o Content Standards at Pamantayan
sa Pagganap o Performance Standards.

Sa Baitang 2 at Baitang 3 ay makikita rin ang mga

Makrong Kasanayan na may tanda kung ito ang
kasanayang lilinangin.
Slide Blg. 57
Ipakita: MATATAG Filipino Baitang 7-10

Sabihin:
Samantala, ganito naman ang pagkakasulat para sa
Baitang 7 hanggang Baitang 10.

Ipakita: Pag-usapan Natin!

Gawin:
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Alamin ang mga natutuhan ng mga kalahok gamit

ang mga tanong at tumawag ng mga kalahok na
sasagot.

Sabihin:
Narito ang mga tanong na babalikan natin.
• Ano-anong kaisipan ang natuklasan mo sa
talakayang natapos
• Alin sa mga ito ang bago sa iyong pandinig at Slide Blg. 58
kaalaman?
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 59
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 60

Slide Blg. 61
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 62
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 63

Slide Blg. 64

Slide Blg. 65
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 66
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 67
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 68
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 69

Slide Blg. 70-71

Slide Blg. 72-74

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

Slide Blg. 75-78

Slide Blg. 79-83

(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

APPLICATION Gawin: Magpasulat ng mga pagninilay gamit ang Slide Blg. 84-85
worksheet na ipapamigay. Bigyan ng 15 minuto ang
Pagnilayan Natin! mga kalahok para magsulat.

Ipakita: 15-minute video

Slide Blg. 86
Sabihin:
Naging malinaw na ba kung paano pagsama-
samahin ang mga kasanayan? Isahang gawin ang
4:20-4:35 PM huling worksheet sa sesyong ito.
15 minuto Ngayong tapos na ang talakayan, gaya ng nakasulat
sa kurikulum ng Baitang 7 hanggang Baitang 10, ang
mga awtput sa Unang Markahan ay bahagi ng mga
sumunod na markahan.
Gamit ang mga nilagay ninyong natutuhan sa
metastrips, bumuo kayo ng pangungusap o talata
para mabuo ang inyong pagninilay sa loob ng 15
minuto.
Slide Blg. 87

Sabihin:
Ang maayos na latag ng Shaping Paper at Gabay
Pangkurikulum ay magiging epektibo at kapaki-
(Enclosure No. 6 to DepEd Memorandum No. ______ s. 2023)

Republic of the Philippines

Department of Education

National Educators Academy of the Philippines

pakinabang kung ito ay maipatutupad nang maayos

sa mga paaralan at para sa ikatatagumpay ng
layunin ng MATATAG Kurikulum.
Ang ating Shaping Paper at Gabay Pangkurikulum ay
ganap na naisilang. Ito’y buong puso ng isinusulit
namin sa inyo ngayon upang hindi manatiling nasa
papel lang at plano manapa’y ganap na umiral at
magdulot ng pagbabago.

Sabihin:
“Isang Biyaya, ang maglingkod sa bayan..”

Slide Blg. 88

You might also like