ARALIN-7-RIZAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

ARALIN 7

SI RIZAL AT ANG ANOTASYON NG SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS NI


ANTONIO DE MORGA
• Sinasabing pinakatampok na nagawa ni Rizal
sa kanyang pamamalagi sa Paris ay ang
pagkakalimbag noong 1890 ng ginawa niyang
Anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni
Morga na syang ginawa nya sa Museo ng
Britanya. Sa kahilingan ni Rizal, ang paunang
salita nito ay sinulat ng kanyang kaibigan na si
Blumentritt.
• Sa paunang salita ay pinuri ni Blumentritt ang
masusi at metikulosong pagkakasulat ni Rizal
sa kasaysayan subalit matapat at tahasan din
niyang sinabi ang ilang pagkakamali na
nagagawa ng ilang mananalaysay kasama na si
Rizal. At ito ay ang ;
• Pagsusuri sa nakaraan gamit ang batayan ng
kasalukuyan na kadalasang nagiging
pagkakamali ng ilang historyador.
• Di- makatwirang pagtuligsa ni Rizal sa
simbahan na nagpapasama sa Katolisismo, sa
halip na nakatuon lamang sana sa pang-
aabuso ng karamihan sa mga prayle.
• Ang sulatin ni Morga ay importante sapagkat
may mataas siyang katungkulan sa
pamahalaang Espanya at maituturing na first
hand-observer sa kasaysayan ng bansa. Sakop
ng librong ito ay ang pulitikal,sosyal,at
ekonomikal na aspeto ng mga mananakop at
sinasasakop. Kasama din dito ang
paglalarawan sa simpleng pamumuhay sa mga
Isla, mga patakaran ng pamahalaan at mga
kalakasan at kahinaan nito
• .Ang una hanggang pitong kabanata ay
tungkol sa mga nahanap, nasakop, at i!an
pang nangyari sa bansa at sa mga kalapit na
bansa hanggang sa administrasyon at sa
pagkamatay ni Don Pedro Acuna. . Ang ika-
walong kabanata ay tungkol sa mga natives,
gobyerno,konbersyon sa pananampalataya ng
mga Pilipino mula animismo tungong
Kristiyanismo, at i!an pang nangyari sa bansa
na nakatuon sa mga Pilipino
• .Sa kanyang paglalakbay ay pinagbuti niya ang
pag-aaral sa kasaysayan, kultura ng Pilipinas,
at sa pananalita ng wikang Pilipino. Binigyan
niya ng malaking importansya ang
pambansang wika sapagkat alam niya na ito
ang mabuting gabay ng isang bayan upang
maintindihan at makilala ang pinanggalingan
at makita ang paroroonan.
• Samakatwid, ang Anotasyon ng ating bayani ay
tunay na maituturing na isang henyong
material ng isang histograpiya. Inihandog ni
Rizal ang bagong edisyon ng Morga sa mga
Pilipino upang malaman nila at
mapahalagahan ang kanilang marangal na
nakaraan.
• Pinatunayan ng sulating ito ni Rizal na ang mga Pilipino
ay sibilisado na, bago pa man dumating ang mga
Kastila. Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng
kasuotan,pamahalaan na pinamumunuan ng mga datu,
batas, pamamaraan ng pagsulat,panitikan,
relihiyon,sining, agham, at pakikipag-kalakalan sa mga
kalapit-bayan sa Asya.Pinabulaanan ni Rizal ang
nasasaad sa ilang kasulatang ipinalaganap ng ilang
manunulat na Espanyol ukol sa pagiging barbaro at
kawalan ng kaalaman at sibilisasyon ng mga Pilipino.

SI JOSE RIZAL BILANG HISTORIADOR

Nang makarating sa Europa, pangarap ni


José Rizal na ipunin ang mga sinulat ng
mga Pilipino upang makagawa ng isang
salaysay ukol sa nakaraan na maka-Pilipino
sa wikang Espanyol.
• Para kay Quibuyen, ito sana ang misyon ni Rizal sa
kanyang pagtungo sa Europa subalit hindi naging
masigasig ang mga Pilipino sa pagtanggap nito
(Quibuyen 2008, 123-126).Hindi natupad ang
pangarap niya na ito subalit hindi titigil si Rizal sa
pagtuklas sa nakaraan at magkakaroon siya ng
mahalagang bilang ng mga sulatin na patungkol
sa kasaysayan na hindi na kalabisan na tawagin
siyang “payunir na nasyunalistang hisyoryador.”
• Ang kanyang pagiging historyador ay malaki
ang papel sa kanyang papel sa pagbubuo ng
bansa.
• Ang pananaliksik ni Rizal sa Museo ng
Britanya ( London) at Bibliotheque Nationale
(Paris) ay nagpayaman sa kanyang kaalamang
pangkasaysayan. Ipinakita ng anotasyon ni
Rizal ang kanyang pagiging pamilyar sa mga
pamantayang dapat sundin sa historiograpiya
• . Nakatulong ng malaki ang kaalaman ni Rizal
sa iba’t ibang wika upang magawang niyang
basahin ang mga dokumento at mga aklat
pangkasaysayan na nakasulat sa ibang
wika.Narito ang mga tala ng mga aklat na
nasulat sa ibang wika na binasa ni Rizal;
• Ang Unang Paglalakbay sa Palibot ng Daigdig
ni Pigafetta na nasulat sa wikang Italyano
• Mga pangkasaysayang isinulat sa wikang
Ingles nina Marsden, Raffles, Lord Stanley, at
Wallace
• Mga isinulat sa Aleman nina Blumentritt,Jagor,
at Virchow
• Mga aklat sa Pranses nina M. Jacquet, J.
Mallat,at A. Marche

• Mga isinulat sa Espanyol nina Pedro A.


Paterno, T.H. Pardo de Tavera, at Pi y Margall.
• Nakatulong ang pagbabasa niya ng maraming
aklat ng kasaysayan at sanggunian mula sa
iba’t ibang bansa upang mas higit na lumawak
ang kanyang kaalaman sa kasaysayan ng
Pilipinas at maging ang kasaysayan ng
kolonisasyon ng Europa sa Asya. Narito ang
ilan pang mga sinulat ni Rizal na nagpapatunay
ng kanyang pagiging Historyador;
• Komentaryong Pangkasaysayan ng Ma-yi
(Disyembre 6, 1888 )
• Komentaryong Pangkasaysayan ng Tawalisi ni
Ibn Batuta (Enero 7, 1889)
• Filipinas de Cien Anos ( Ang Pilipinas sa
Darating na Sandaang Taon ) sa apat na isyu
nito, noong Setyembre 20, Oktubre 31, at
Disyembre 15,1889, at Pebrero 15, 1890
• La Politica Colonial on Filipinas ( Mga
Patakarang Kolonyalismo sa Pilipinas)
• Manila en el mes de Diciembre ,1872 ( Ang
Maynila noong Buwan ng Disyembre 1872)
• Historia de la Familia Rizal de Calamba (
Kasaysayan ng Mag-anak na Rizal ng Calamba )
• Los Pueblos de Archipelago Indico ( Ang mga
Tao ng Kapuluang Indian)

PAGTATAYA:
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad gamit ang Venn Diagram ng
Sucesos de las Islas na sinulat ni Morga at ang anotasyon ni Jose Rizal.

ANOTASYON NI RIZAL
• Ipaliwanag ang tatluhang pananaw sa
kasaysayan ng Pilipinas na ipinamana ng mga
propagandista sa pagsusulat ng kasaysayan ng
Pilipinas.
• Anong uri ng historyador si Rizal kung bibigyan
ng analisasyon ang kanyang mga nasulat sa
kasaysayan?
• Ano ang iyong opinion ukol sa paunang salita
na ginawa ni Blumentritt na nagsasaad ng
ilang pagkakamali ni Rizal sa pagsulat ng
kasaysayan.
• May naitulong ba sa kasaysayan ang mga
nasulat ni Rizal upang mas higit nating
makilala at maunawaan ang ating nakaraan?
Ipaliwanag

You might also like