Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“Makapangyarihan ang mga salita.

Nitong Setyembre 21, unang beses akong


sumama sa mobilisasyon sa paggunita ng deklarasyon
ng Batas Militar mula sa Unibersidad ng Pilipinas –
Diliman hanggang sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Bitbit ko itong munting plakard. Nang maiuwi ko ito,
inilagay ko ito sa aking kuwarto. Araw-araw ko itong
nasisilayan at napagninilayan. Tunay ngang
makapangyarihan ang mga salita!

Nararahuyo o naaantig ako sa makapangyarihang sining na ito. Napupukaw ako hindi


lamang sa dating o estetika ng plakard kundi sa nakatagong misteryo rito. Ang totoo hindi
namin ito tinatawag na plakard lamang; dahil ito ay tinatawag naming “panawagan.” Isa itong
panawagan sa sambayanan lalo higit sa ating pamahalaan.

Una kong napansin dito ang mga kataga nitong “Activism, not terrorism.” Tulad ng
magaspang nitong tekstura, magaspang din ang pinagmumulan nito. Ang batas na tila makapal
ang mukhang mabiktima ng mga aktibista, ang Anti-Terrorism Act of 2020. Isa itong batas na
naglalayong mabawasan ang rebelyon sa ating bansa. Ngunit, sa kabilang banda, isa rin ito sa
paglalarawan kung paano nagiging instrumento ang batas upang ipahamak ang buhay ng
nakararami. Isa ito sa naipasa sa lehislatura na nagbibigay kahulugan sa sinumang taong ‘di
umano ay kasapi sa mga rebelde at teroristang grupo. Kung saan ang lahat ng tao ay maaaring
tawaging “terorista” o “komunista" kung sila ay magsasalita ng anumang hindi maganda laban
sa gobyerno, ito’y matapos na maisaad sa seksyon apat (4) ng batas ang hindi malinaw na
depinisyon ng “terorismo”.

Katampal-tampal na batas mula sa mga kabayong banal na maaaring kumitil sa ating


mga demokratikong karapatan. Sabi nga ng ilang mga progresibong grupo, ito ay lumalabag sa
ating konstitusyon. Dahil ang sinumang taong kritikal sa mga anomalya at pagkakamali ng
gobyerno ay maaaring na ngang tawaging kalaban ng estado—ang masama pwede silang
patayin at ikulong kahit walang mandamyento ng pagpaparakip o warrant of arrest.

Batay sa artikulo ni Prof. Richard Heydarian, ang Pilipinas ang isa sa may
pinakamahabang kasaysayan ng rebelyon sa daigdig. Ngunit, ito ay matitigil lamang kung
masusugpo ng gobyerno ang mga politikal at sosyo-ekonomikong mga problema ng bansa na
nagtutulak sa mga tao na magrebelde at lumaban. Marahil dapat nang itulak ang mga
makataong polisiya. Hindi na bago ang mga ganitong uri ng kultura ng impunidad at mga
kasong hindi makatarungan tulad ng ‘extrajudicial killings’ o mas kilalang EJK.
Tulad ng panawagang ito, may megaphone itong disenyo na tila sumisimbolo sa
pagpapatambol o pagpapa-ingay ng panawagang hindi pagiging terorista ang pagiging
aktibista. Gamit ang aking mga mata, mas minulat ako ng mensaheng ito sa mundo ng pagiging
aktibista. Dahil ito ay bahagi ng pagpapahalaga sa biyaya ng ating demokrasya: mula sa pang-
aalipin ng mga Kastila, patuloy na pananakop ng mga Amerikano, ang diktadura, at ngayon
ang mala-piyudal at mala-kolonyal na estado ng lipunan, ang aktibismo ay patuloy na pinaiiral
dahil ito ang nagiging daan tungo sa pagbabago sa lipunan.

Ang kulay itim na kulay sa panawagang ito ay sumisimbolo sa pagluluksa mula sa mga
kaluluwa ng mga magigiting na aktibistang pinatay dahil sa talamak na red tagging sa bansa
na mas pinaiigting ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-
ELCAC). Itim na sumisimbolo rin ng lumbay sa baluktot na pananaw ng ating pamahalaan
ukol sa pagiging aktibista. Samantala, ang kulay na pula naman ay kumakatawan sa giting at
tapang na sa kabila ng malawakang pamamasismo ng pamahalaan ay patuloy pa rin ang
pagtindig ng mga matatapang at magigiting na aktibistang nagpaparinig ng hinaing mula sa init
ng kahirapan ng mala-impiyernong lipunan. Panghuli, ang kulay puti ay representasyon ng
pagiging dalisay sa hangarin ng aktibismo na maghatid ng pagbabago sa bansa at pagpapalakas
sa demokratikong mga gawain tulad ng mapayapa na mobilisasyon upang iparinig at tindigan
ang mga panawagan ng iba’t ibang sektor ng ating bayan.

Kahit ang amoy nito ay tila luma na,


masasabi kong sariwa pa rin ang laman ng
plakard na ito. Habang patuloy akong
napupukaw rito ay mas lumalalim ang aking
pananaw sa aktibismo. Nabatid ko rin na ang
sining ay tunay na naglalapit sa atin sa
katotohanan tulad ng sinasabi ni Aristotle. Ito rin
ay mga panlipunang gamit (social function) na
maaaring maging instrumentong pagtugon at
sandata laban sa baluktot at bulok na sistema ng
lipunan. Kaya nga dapat pag-aaralan ang mga
teorya at isapraktika ito sa lipunan. Ngayon, gising na ako. Mulat na at hindi na muli pipikit
pa. Ito ang idinulot sa akin ng kapangyarihan ng mga salita. Tulad ng megaphone,
umaalingawngaw sa akin ang piliing maglingkod sa bayan at maging tinig ng mga hindi
makapagsalita. Itim, pula, at puti ang mga kulay na lilitaw upang ipaibabaw sa akin ang
ideolohiya na hindi terorista ang pagiging aktibista. Isa itong sistema ng panawagang
magkaroon ng isang makamasa, makabayan, at makatarungang pag-iral ng lipunan; dahil ang
mga salita ay taas kamao at totoong makapangyarihan!

You might also like