REA-FINAL-DEMO-MAY-3-2024-SUPER-FINAL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

DETAILED School: Bebe Anac Elementary Grade Level: 2

LESSON School
PLAN (DLP) Teacher: Rea Margarette De Vera Learning Area: Filipino 2
Teaching Dates and May 3, 2024 Quarter: 4th Quarter
Time: Week 5
I. LAYUNIN
Grammar Awareness
A.Pamantayang Natutukoy ang salitang kilos sa mga pangungusap.
Pangnilalaman Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga salitang kilos o galaw.
Nagagamit ang mga salitang kilos o galaw sa pangungusap.

Grammar Awareness
B. Pamantayang Natutukoy ang salitang kilos sa mga pangungusap.
Pagganap Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga salitang kilos o galaw.
Nagagamit ang mga salitang kilos o galaw sa pangungusap.
Grammar Awareness
C.Mga Kasanayan sa Natutukoy ang salitang kilos sa mga pangungusap.
Pagkatuto Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga salitang kilos o galaw.
Nagagamit ang mga salitang kilos o galaw sa pangungusap.
II. NILALAMAN Paggamit sa mga pandiwa o salitang kilos o galaw.
III. MGA
KAGAMITAN
PANTURO
A. Sanggunian Q4 Modyul, Week 5
1. Pahina sa Gabay pp. 198-199
ng Guro
2. Pahina Kagamitan Q4 Modyul, Week 5
ng Mag-aaral
3. Pahina sa Pahina 1-22
batayang aklat
B. Iba pang mga Mga larawan, Power Point Presentation, TV, malaking aklat, tarpapel, chalk at
Kagamitang Panturo blackboard
C. Integrasyon ESP,HEATH, ARALING PANLIPUNAN, RASA BASA
D. Values Pagtulong sa mga gawain sa bahay.
IV.Pamamaraan GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A.Balik-aral sa 1. Pamangadi
Nakaraang Aralin at/o 2. Balik-aral
Pagsisimula ng
Bagong Aralin Kahapon ang ating pinag-aralan ay
tungkol sa mga salitang magsalungat.
Ano nga ba ang mga salitang
magkasalungat.
Mga salitang magkabaligtad ang
kahulugan.
Magbigay nga kayo ng mga halimbawa
ng mga salitang magkasalungat.
1. mabango-mabaho
2. malinis-madumi
3. masaya-malungkot
4. maputi-maitim
5. mataba-payat

B. Paghahabi sa Ngayon naman ay maglalaro tayo mga


Layunin ng Aralin bata.Ang tawag sa larong ito ay
“KUMPLETUHIN ANG MGA
SALITA”.Meron akong pangungusap
dito ngunit hindi ito kumpleto. Ang
gagawin ninyo ay kukumpletuhin ninyo
ito gamit ang mga patinig para mabuo
ninyo ang grupo ng salita. Ano-ano kasi
ang mga patinig? A,E,I,O,U po.
Magaling!
Uulitin ko mga bata gagamitin natin ang
mga patinig na A,E,I,O,U upang
mabuo ang parirala? Opo.
Handa na ba kayo mga bata?
Simulan na natin mga bata.

Kumpletuhin ang mga nawawalang letra


sa bawat salita gamit ang mga patinig
upang makumpleto ang grupo ng salita.

Ano-anong mga patinig kaya ang


nawawala sa mga kulay asul na kahon?
Titik A po.

Magaling! Ano ang nabuo nating salita?


PAGGAMIT

Ano naman kaya ang nawawalang titik


sa kahon na kulay berde?

Titik A din po.

Magaling! Ano naman ang nabuo nating


salita?
NG MGA

Sunod, ano naman ang mga


nawawalang patinig sa mga kulay dilaw
na kahon?
Letrang I po ulit.

SALITANG

Tama ka! Basahin mo nga ang nabuong


salita.
Sa mga kahon naman na kulay pula ano
naman sa tingin ninyo ang nawawalang Titik O naman po.
letra?
Magaling! Basahin nga ang nabuong KILOS
salita?

Sa mga kahon na kulay KAHEL naman.


Ano kaya ang mga nawawalang patinig
para mabuo natin ang huling salita?
Titik I po.

Ano ang nabuong salita?

PANDIWA po
Ang galing nyo naman mga bata at
nabuo natin ang parirala?

Ngayon ay basahin nga natin ng sabay-


sabay ang pariralang nabuo natin.

Paggamit ng mga salitang kilos o


pandiwa.
Magaling!
Ang ating pag-aaralan sa araw na ito ay
tungkol sa mga pandiwa o salitang kilos
o galaw.

Ulitin nyo nga mga bata.


Pandiwa ito ay salitang kilos o galaw.
Pandiwa ito ay salitang kilos o galaw.
Magaling mga bata.

C. Pag-uugnay ng Ngayon upang higit ninyong


mga Halimbawa sa maunawaan ang ating leksyon mayroon
Bagong Aralin akong kwentong babasahin sa inyo.
Ang pamagat nito ay “SI CHLEO ANG
BATANG MASIPAG”
Tingnan ninyo ang batang nasa larawan
na si Chleo. Ano ang ginagawa ni Chleo
sa larawan? Ilarawan nyo nga si Chleo
sa palagay ninyo anong klaseng bata si
Chleo?

Pero bago ko basahin ang kwento ay


gusto ko munang alamin natin ang mga
dapat tandaan kapag nakikinig kayo ng
kwento? MGA DAPAT TANDAAN SA
PAKIKINIG NG KWENTO
1.Panatilihin ang katahimikan.
2.Makinig ng maayos sa guro.
3.Intindihin ang kwento.

Tama mga bata!


Ngayon ay babasahin ko na ang kwento.
(Gagamit ng big book ang guro)
(Habang binabasa ang kwento
nagtatanong na ang guro)

SI CHLEO, ANG BATANG MASIPAG


NI: REA MARGARETTE DE VERA

Maagang nagising si Chleo dahil


araw ng sabado at walang pasok.
Nagdasal siya ng taimtim sa Diyos.
Pagkatapos ay hinugasan na niya
ang mga plato. Winalisan narin niya ang
kanilang bakuran. Kinuskos narin niya
ang kanilang sahig. Lumabas si Nanay
Lourdes sa kwarto at nakita niyang
malinis na ang lahat.
Ang sipag mo naman anak! Bakit
hindi ka nagpatulong sa paglilinis?
Okay lang po nanay! Gusto ko pong
makatulong sa mga gawaing bahay.
Nais ko rin pong makapagpahinga kayo
paminsan-minsan.
Napangiti si Nanay Lourdes at
hinaplos niya ang ulo ni Chleo. Hay!
Napakabait at napakasipag naman ng
anak ko.

Ngayon mga bata, may itatanong ako sa


inyo tungkol sa binasa ninyong kwento.
Tingnan natin kung nakinig kayo ng
maayos at kung naiintindihan ninyo ang
kwento.

Handa naba kayo mga bata.


1.Ano ang pamagat ng kwento?
1. Si Chleo ang Batang Masipag

2.Sino-sino ang nag-uusap sa kwento?


2. Si Nanay Lourdes po at Chleo

3.Ano-ano ang mga ginawa ni Chleo


pagkagising niya? 3.nagdasal, naghugas ng plato
nagwalis sa bakuran at nagkuskos ng
sahig.

4. Bakit hindi nagpatulong si Chleo sa


kanyang nanay? 4. Dahil gusto po niyang tulungan ang
kanyang nanay at gusto niyang
magpahinga ang kanyang nanay
paminsan-minsan.

5. Kayo rin ba ay tumutulong sa mga


gawaing bahay kagaya ni Chleo?
5.Opo.

6.Dapat ba tayong tumulong sa mga


gawaing bahay kagaya ng ginawa ni
Chleo? Bakit?
6.Opo. Para matuwa po ang ating mga
magulang at makapagpahinga din po
sila.

Ang gagaling nyo naman mga bata!

Tama mga bata. Kailangan ay tumulong


tayo sa mga gawaing bahay lalu na
yung mga magagaan lang na trabaho
para matuwa inyong mga magulang at
makapagpahinga sila.

Sa bahay ba mga bata ano-ano ang


inyong mga ginagawa? nagwawalis, naglilinis, nagkukuskos
May gumagamit ba ng cellphone sa
inyo sa bahay? Ilang oras kayong
gumagamit ng cellphone sa maghapon?
kalahating araw, maghapon, oras-oras
po

Tama ba ang paggamit ng cellphone ng


mahabang oras? Bakit?
Hindi po! Kasi pwedi kang magkasakit
o mabulag.
Ang gagaling ninyo mga bata!

Tama maaari tayong magkasakit dahil


sa sobrang paggamit ng cellphone.

Ngayon mga bata ay babasahahin natin


ang mga pangungusap na ginamit sa
kwento at aalamin natin ang mga
salitang kilos o pandiwa na ginamit sa
kwento. Ang mga pandiwa ay mga
salitang kilos o galaw. Ulitin ninyo nga
mga bata. (Isusulat ng guro ito gamit
ang chalk at blackboard)

1.Maagang nagising si Chleo dahil araw


ng Sabado at walang pasok.
nagising
2. Nagdasal siya ng taimtim sa Diyos.
nagdasal
3.Pagkatapos ay hinugasan niya ang
mga plato.
hinugasan
4.Winalisan narin niya ang kanilang
bakuran.
Winalisan
5. Lumabas si Nanay Lourdes sa kwarto
at nakita niyang malinis na ang lahat.
lumabas,nakita
6. Ang sipag mo naman anak! Bakit
hindi ka nagpatulong sa paglilinis?
nagpatulong,paglilinis
7.Okay lang po nanay! Gusto ko po
kayong tulungan sa mga gawaing
bahay. makatulong

8. Nais ko rin pong makapagpahinga


kayo paminsan-minsan.
makapagpahinga
9. Napangiti si Nanay Lourdes at
hinaplos ang ulo ni Cheo. Hay!
Napakabait at napakasipag mo naman
anak.

napangiti,hinaplos

Ang PANDIWA ay salitang kilos o


galaw. Ulitin nyo nga mga bata. Ang
PANDIWA ay salitang kilos o galaw.
Ulitin nyo nga mga bata.

Ang PANDIWA ay salitang kilos o


galaw.
D. Pagtalakay sa Ngayon mga bata, ay mayroong mga
Bagong Konsepto at halimbawa ng mga salitang kilos dito sa
Paglalahad ng Bagong pisara na may kasamang premyo. Ang
Kasanayan sino mang makagamit nito sa
#1Modeling pangungusap ay mapapasakanya ang
Explicit Teaching premyo. Gusto nyo ba yon mga bata.

Halimbawa kung ang salitang kilos ay


NAGLUTO gagamitin natin ito sa
pangungusap.

Ngayon ay gagamitin ko na ito sa


pangungusap.
NAGLUTO
Nagluto ng masarap na lugaw si nanay.
Ngayon mga bata nandito sa pisara ang
mga listahan ng mga halimbawa ng
salitang kilos na gagamitin ninyo sa
pangungusap.

(Gagamitin nila ito sa pangungusap)


E. Pagtalakay sa Ngayon mga bata ay may mga inihanda
Bagong Konsepto at akong gawain para mas lalo ninyong
Paglalahad ng Bagong maintindihan ang ating aralin.
Kasanayan #2
Pormatibong
Pagtataya Handa na kayo mga bata.
Opo.

Mayroon akong MAGIC BOX dito sa


harapan. Kukunin natin sa loob ng
magic box ang mga pangungusap at
pagkatapos ay babasahin ninyo ang
pangungusap at bibilugan ninyo ang
mga pandiwa o salitang kilos gamit
naman ang magic pen.

Kung sino ang makakasagot ay


bibigyan ko ng magic prize.

Handa na ba kayo mga bata? Opo.

Okay. Sino ang nais bumunot ng unang


pangungusap dito sa magic box?

Basahin nga ninyo mga bata.

Bilugan nga ninyo ang salitang kilos sa


pangungusap.

1.Kapag mainit ang panahon ang mga


bata sa paaralan ng Bebe Anac ay sa
bahay lamang nag-aaral ng kanilang
mga leksyon.

Sino naman ang susunod na kukuha ng


ikalawang pangungusap sa loob ng
MAGIC BOX?
Sino ang nais bumasa.

Ano-ano ang mga salitang kilos na


ginamit sa pangungusap?

Sino ang nais pumunta sa harapan


upang bilugan ang mga pandiwa na 2. Ang mga bumbero sa Masantol ay
ginamit sa pangungusap? nagpunta sa paaralan upang magturo
ng mga dapat gawin tuwing may
sunog.

Sa ikatlong, sino naman ang susunod


na bubunot ng pangungusap sa loob ng
MAGIC BOX?
Pakibasa ang pangungusap?

Ano ang salitang kilos sa loob ng


pangungusap? Sino ang may nais
pumunta sa harapan upang bilugan ang
salitang kilos?

Para ikaapat na pagbunot sino ang nais


pumunta sa harapan upang bumunot at
bumasa ng pangungusap?

Ano ang salitang kilos sa loob ng


pangungusap? Pakibilugan nga.

3. Ang mga SELG Officers ay


namigay ng mga kendi sa mga bata
noong nakaraang Araw ng mga Puso.
Para sa ating panglima at panghuling
pangungusap.

Sino naman ang nais bumunot at


bumasa ng pangungusap?
Ano ang salitang kilos sa loob ng
pangungusap? Pakibilugan nga. 4.Nagtambak ng lupa ang mga
magulang sa paaralan ng Bebe Anac.

Magaling mga bata!


Ngayon ay bigyan ninyo ng tatlong
palakpak ang inyong sarili.

5.Si Ginang Rhea ay nagtuturo ng


magagandang leksyon sa amin.
F. Paglinang sa Ngayon naman ay mayroon kayong
Kabihasaan (Tungo sa pangkatang gawain. Kanina ay hinati
Pormatibong kona kayo sa tatlong grupo.Ang unang
Pagtataya ) pangkat ay tatawaging pangkat kilos,
ang ikalawang pangkat naman ay
tatawaging pangkat galaw at ang
ikatlong grupo naman ay ang pangkat
pandiwa.

Bago natin umpisahan ang inyong mga


gawain ay alamin munan natin ang mga
dapat gawin kapag tayo ay gagawa ng
mga pangkatang gawain.
DAPAT GAWIN KAPAG MAY
PANGKATANG GAWAIN
1. Makinig sa Lider.
2. Magtrabaho bilang grupo.
3. Gumawa ng tahimik.

(Ipapaliwanag ng guro ang mga


pangkatang gawain)
Ngayon ay bibigyan ko lamang kayo ng
limang minuto upang gawin ang inyong
pangkagtang gawain. At kapag natapos
na kayo. Pumalakpak lang kayo ng
tatlong beses.At maghanda na para sa
pagtatama ng inyong mga gawain.

(Itatama ng guro ang mga gawain ng


mga bata habang nakikinig ang lahat at
bibigyan ng mga mag-aaral ng
palakpak ang bawat grupo)

G. Paglalapat ng Ngayon naman ay magbigay kayo ng


Aralin sa Pang –araw- mga halimbawa ng mga salitang kilos
araw na Buhay na ginagawa ninyo sa pang-araw-araw
ninyong buhay pagkatapos ay gamitin Magbibigay ng mga halimbawa ang
ninyo ito sa pangungusap. mga bata at gagamitin ito sa
pangungusap.

(Hayaan ang mga bata na magbigay ng


mga halimbawa hanggang lima)
H. Paglalahat ng Ano ang tawag natin sa mga salitang Tinatawag po natin itong mga
Aralin kilos o galaw? pandiwa.

Ano ang ibig sabihin ng pandiwa? Ang pandiwa ay mga salitang kilos o
galaw.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahing mabuti ang mga


sumusunod na pangungusap. Tukuyin at
bilugan ang titik ng tamang pandiwa.

MGA DAPAT GAWIN TUWING


MAINIT ANG PANAHON UPANG
MAKAIWAS SA MGA SAKIT

1._____________araw-araw upang
maging mabango at presko ang
pakiramdam.
a. Maligo b. Maglaro c. Magtago

2._____________ ng mga preskong


damit kagaya ng sando at salawal.

a. Maglaba b. Magsuot c. Maghugas

3._____________ ng payong sa tuwing


lalabas ng bahay.

a.Gumupit b.Magtabi c.Gumamit

4.___________ng sunblock lotion sa


katawan bilang proteksyon sa init ng
araw.
a.Maglagay b.Magwalis c. Magtapon

5.__________ng maraming tubig upang


maiwasan ang pagkakasakit.
a.Magtira b.Uminom c. Magtapon

J. Karagdagang Panuto:Gumupit ng 5 larawan na


Gawain para sa nagpapakita ng kilos at gamitin ito sa
Takdang-aralin at pangungusap.
Remediation

V. MGA TALÂ
I. PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istrateheya ng
patuturo nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyonan sa tulong
ng aking punongguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking na
dibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by:
Rea Margarette De Vera
Student Teacher

Checked by:
Allen May Y. Bonifacio
Teacher III

Approved by:

Jocelyn Y. Sarmiento
Principal I

You might also like