Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

School: PASONG BANGKAL ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: SIX

GRADES 1 to 12 HOMEROOM GUIDANCE


DAILY LESSON LOG Teacher: ANNALIZA D. RAMOS Learning Area: PROGRAM
3
WEEK 3
Teaching Dates and MARCH 15,22, 2024 (FRIDAY) Pagtugon sa mga Isyung
Time: 2:10 – 3 : 00 PM Quarter: Personal at Panlipunan

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Apply ability to protect oneself and others towards effective ways of problem-solving
B. Competency Apply effective ways of protecting oneself and others

C. Learning Increase the level of ability to appropriately address personal and social issues HGIPS-IIIc-7
Competencies/ Napatataas ang kakayahan upang angkop na matugunan ang mga isyung personal at panlipunan
Objectives
D. Enabling
Competencies

E. Specific Objectives Pagsasagawa ng mga angkop na pagtugon sa mga isyung personal at panlipunan

II. CONTENT Pagtugon sa mga Isyung Personal at Panlipunan

III. LEARNING
RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pagtugon sa mga Isyung Personal at Panlipunan Week 3 of the 3nd Quarter
Pages MELCs – HGIPS-IIIc-7
2. Learner’s Materials Pagtugon sa mga Isyung Personal at Panlipunan Week 3 of the 3nd Quarter
pages MELCs – HGIPS-IIIc-7
3. Text book pages

4. Additional
Materials
from Learning
Resources
B. Other Learning
Resources for
Development &
Engagement Activities
IV. PROCEDURES
Introductio What I I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
n need to
know?
Natutunan mo mula sa iyong nakaraang aralin ang mga paraan ng pagsasagawa kung paano mo mapapangalagaan ang iyong
sarili. Tinalakay din sa iyong nakaraang aralin ang mga kaalamang pangkaligtasan sa anomang oras ng pangangailangan.
Sa araling ito ay iyong matututunan kung paano mo mapapataas ang iyong kakayahan sa pagtugon sa mga isyung personal at
panlipunan sa angkop na pamamaraan. Mayroong iba’t ibang isyung personal na nangyayari mismo sa iyong sarili at sa iyong
pamilya. Ang iba naman ay mga isyung panlipunan katulad ng mga suliranin na kinakaharap ng ating komunidad na
kinabibilangan.
What’s
new? paano mo mapapataas ang iyong kakayahan sa pagtugon sa mga isyung personal at panlipunan sa angkop na pamamaraan?
Developme What I D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)
nt know?
What’s
in?
Basahing mabuti at unawain ang kuwento kung paano natukoy at napagtagumpayan ang personal at sosyal na isyu sa buhay ng
What is pangunahing tauhan nang may buong tapang at tatag.
it?
Tatlong Patak ng Luha
Si Ruth, 16 taong gulang na nakatira sa Biñan, Laguna ay isang dalaga na punong-puno ng kaalaman lalo’t higit pagdating sa
buhay at pamilya. Marami sa kanya ay nagigiliw at humahanga dahil sa kanyang mayamang kaalaman kahit sa murang edad pa
lamang niya. Ngunit isang araw, isang pangyayari ang sumubok sa kanyang katatagan sa buhay. Ang kanyang ina ay
nahablutan ng bag sa bayan na naglalaman ng 12 libong piso na benta mula sa kaniyang paninda. Hindi niya malaman ang
kanyang gagawin at uunahin dahil may apat siyang kapatid na dapat asikasuhin at alagaan. Ang kanyang ama naman ay
nagkaroon ng malubhang karamdaman na kinakailangan ng pangmatagalang gamutan.
Dagdag pa ang mga aralin na dapat niyang matapos at maipasa gayundin ang sa kanyang mga kapatid. Dahil siya ang panganay
sa kanilang magkakapatid, batid niya na kailangan niyang tumulong para sa kabuhayan nila upang makalikom ng salapi para sa
gamutan ng kaniyang ama dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang ina para sa lahat ng gastusin. Upang makatulong sa
pamilya, nagpasya siyang magsideline bilang kahera sa gabi at katuwang siya ng ina sa umaga.
Naging isang routine ang kanyang buhay. Napayakap at napaluha siya sa kanyang ina sa unang pagkakataon dahil sa hirap na
kanyang nararanasan. Ngunit ang kanyang ina ay hindi nawalan ng loob, bagkus ay nagwika pa, “Anak, mahirap man ang
sitwasyon natin ngayon, ngunit kahit kailan, hinding-hindi tayo pababayaan ng Diyos,” at gumanti siya ng yakap sa ina nang
pagkahigpit-higpit.
Habang lumilipas ang mga araw, pahina ng pahina ang kanilang ama at lalong hindi na kinakaya ng kanilang gastusin sa araw-
araw ang gamutan nito. Dumating pa sa punto na itutulog na lang ang pagkalam ng sikmura para sa gamutan na hindi dapat
malampasan. Hindi kalauna’y binawian ng buhay ang kanilang ama. Sa muling pagpatak ng mga butil ng kanyang luha ay
biglang bumalik sa kanyang gunita ang paalaala ng ama sa kanya, “Ruth, ikaw ay magpakatatag. Sa panahong ako ay mawala,
ikaw ang titingin sa iyong ina at mga kapatid. Huwag mong kakalimutan ang bawat ngiti sa iyong labi na dapat ay hindi
mapapawi. Ito ay magsisilbing lakas at tatag ninyo sa panibagong bukas.” At nalagutan na ng hininga ang kanyang ama.
Patuloy ang buhay-pakikibaka at pagbangon.
Isang araw, habang si Ruth ay nasa kanilang tahanan at tinatapos ang mga gawaing-bahay at pangakademya, siya ay napahinto,
huminga ng malalim at nanalangin. “O Diyos na mahabagin, ganang akin ay hindi ko kakayanin ang mga pagsubok na sa amin
ay dumarating. Muli at sa huling paglaglag ng aking luha, buong pusong pasasalamat at tiwala ang aking alay sa Iyo. Mangyari
po ang kalooban Ninyo,” piping dalangin niya kaalinsabay ng mga hikbi.

Tinugon ang kanyang panalangin sa wakas! May isang mabuting-loob na sa kanila ay tumulong. Sasagutin nito ang kanyang
pag-aaral sa kolehiyo at gayundin ang mga gastusin sa bahay at para sa kanilang pamilya. Ang mga patak ng kanyang luha ay
hindi nasayang, bagkus nagbigay ng panibagong saysay sa kanilang buhay.

Mga tanong:
1. Anong uri ng antas ng pamumuhay mayroon ang pamilya ni Ruth?
2. Ilarawan sa pamamgitan ng isang pangungusap ang naging kalagayan ng pamumuhay nina Ruth.
3. Paano hinarap ni Ruth ang mga isyu sa kanilang buhay?
4. Kung ikaw si Ruth, ano pa ang iyong gagawin upang mapaunlad mo pa ang iyong sarili?
5. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makatulong sa iba, sa anong paraan ka tutulong? Bakit Oo? Bakit Hindi?

Isyung Personal
Ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawang indibidwal o ilang malalapit na tao na kung saan ang solusyon ay nasa kamay ng isang tao at
sinusulusyonan sa pribadong pamamaraaan.
Halimbawa:
- Masinsinang pagkausap sa isang tao
- Pagpapayo
- Pagtulong ng bukal sa puso upang magkaroon ng solusyon ang isang problema
- Pagdamay at pakikinig

Isyung Panlipunan
Ito ay suliraning nakaaapekto ng malaki sa lipunan. Bukod dito, ito ay lupon ng mga pangkaraniwang problema ng mga tao na
kinakaharap sa araw-araw na pamumuhay na hindi lamang nakaaapekto sa isang tao, kundi sa kabuuan ng lipunan.
Halimbawa:
- Kahirapan
- Kawalan ng trabaho
- Diskriminasyon
- Pang-aabuso

What’s
more? E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)
What
other Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: ISYU MO, ISYU NATING LAHAT!
enrichme
nt Sa isang malinis na bond paper, gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng isyung personal o panlipunan na sa iyong
activities palagay ay dapat matugunan o mabigyan ng agarang aksyon. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
can I
engage
Gawin ito sa inyong sagutang papel.
it? Mga tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong iginuhit? Ipaliwanag ito.
2. Sa palagay mo, paano nakakatulong ang mga isyung ating nababalitaan sa pang-araw- araw nating
pamumuhay?
3. Paano ang mga isyung ito nakakaapekto sa iyo?
4. Ano ang maaari mong maiambag para sa isyung iyong iginuhit?
5. Bakit mahalagang bigyan agad ng aksyon ang mga ganitong uri ng isyu?

Gawain sa Pgkatuto Bilang 2: ISYU MO, PAGYAMANIN MO!

Sa pamamagitan ng isang poster, bigyang-buhay ang isyung personal na iyong kinakaharap bilang isang bata sa Ikaanim na
Baitang. Gamit ang mga kagamitang pangsining, gawing makabuluhan ito upang mailahad mo nang maayos ang gawain.
Gawing gabay ang mga pamatayan sa ibaba. Iguhit ang iyong gawain sa isang malinis na papel

Assimilati What I
on have A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)
learned?
Magandang balita! Tayo ay nakatapos na naman ng isang aralin. Kumusta ang mga natapos na gawain? Inyo bang naunawaan ang ating
aralin ngayon?
Alam nyo ba na sa bawat isyung ating kinakaharap, tagumpay sa dulo ang ating hangad. Kaya patuloy lang tayo sa buhay kahit ano pa
mang isyu ang ating harapin, dalangin nawa at hindi mapatid.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Sa inyong sagutang papel, buuin ang mahalagang kaisipang ito. Kapag nabuo mo ito, inaasahan na iyo itong isasaisip at
isasakatuparan sa araw-araw mong pamumuhay.
What can
I do? PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto) ● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

V. REFLECTION
A, I understand that

B. I realized that

C. No. of learners who


earned 80% on the
formative assessment
D. No. of Learners who
require additional
activities for
remediation
E. No. of learners who
have caught up with the
lesson.
F. No. of learners who
continue to require
remediation

Prepared by:

ANNALIZA D. RAMOS
Mastter Teacher I

You might also like