Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

March 11,2024

Dear Diary,

First day of simulation at lahat talaga ng kaba at excitement ay naramdaman ko. Kaba
dahil ito ang unang araw naminin na sasabak sa ganito kabigat na gawain at excited sa
panilbagong lessons at experience na dadagdag.Gumising lako ng alas kwatro ng umaga,
nagluto ng ulam at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ng lahat ng aking dapat gawin ay nagchat ako
sa aming groupchat na kung pwede ay sunduin nila ako sa bahay pagkat marami akong dala.
Dumating si sham dala ang tricyle ng kaniyang lolo. lsinakay na namin ang lahat ng gamit na
dala ko. Habang bumabyahe kami ay nilipad ng hangin ang takip ng tab na dala namin kaya
binalikan namin ito at kinuha. Nang pasakay na ako a loob ay biglang pinaandar ni sham ang
tricyle, mabuti na lang at hindi naipit ang paa ko. Humingi naman siya ng pasensya dahil hindi
raw niya sadya. Nagchat naman si Diana sa akin na kung pwede siyang sunduin sa Malaga dahil
medyo madami ang kaniyang mga Dala. At dahil sa lubak-lubak at mabatong daan, sumakit ang
aking puson, dumagdag pa ang acid reflux. Nasa bayan na kami at naisipan naming magre-fill ng
tubig. Sakto namang chat ni Sheila na sasama siya.Nakarating kami sa school ng 7:30 am.
Pumunta agad kami sa assigned area, ngunit dahi sa sobrang sakit ng aking puson at acid at
hindi ko kayang humarap sa customer, tumulong na lamang ako sa kithen. lbang klaseng kaba
ang manaramdanan mo kung sa kitchen ka kasi halong kaba at taranta kung ano ang iyong
uunahing gagawin. Ngunit sa kabila noon ay nagtagumpay kami sa aming pagbebenta.
Nagrestock kami ng ingredients at nagluto ng mga pagkain dahil tanghali na at siguradong
maraming studyante ang bibili. Pumuntang bayan si Sham at Diana upang manili at kumuha ng
nga gamit pangkusin pagkat kulang ang aming gamit. Pagtapat ng alas dose ay nag-announce
ang school na walang klase sa hapon at a susunod na araw dahil sa sobrang taas ng
temperature. Sayang ang aming ingredients na pinamiki dahil ang iba ay kailangan nang gamitin
agad o hindi tatagal. Nagpulong kami kung ano ang magandang gawin lalo na sa nga bagong
lutong pagkain. Napagdesisyonan naming ilako ito sa mga teachers. Pumunta kaming faculty
office upang pagbentahan ang mga teachers. Nakalahati ang aming paninda. Naisip namin na
pwede naming ilako sa bayang at ipautang ang kayang mautang sa mga kasama naminKasama
ko si Yussel, Hope at Apple sa paglalako. Mabuti naman at nagustuhan ng mga tricycle driver
ang aming pagkain kaya naubos kaagad. Ang hindi ko lamang malimutan ay ang isang lalaki na
ikalawang beses na bumili sa amin, siya ang unang customer namin. Nagbigay siya ng labin-
limang pesos ngunit pinabalik niya kami dahil dadagdagan niya pa raw ng isa. Nagbigay siya sa
ikalawang bayad ng dalawang daang peso, sinuklian siya ng tama dahil binilang pa ito ni Yussel
sa harap niya. Nagulat na lamanng kami at pinuntahan niya kami sa paradahan ng mga tricycle
driver at sinabi g kulang daw ng sampung peso ang sinukli namin sa kanya, kaysa makipagtalo
ay binigyan na lamang namin siya ng isa pang pagkain na tinda namin. Sa kabila ng lahat ay
masaya naman kami kahit nakabilad sa araw.

Love,

Kay

March 13,2024
Dear Diary,

Second day of simulation. Isang araw at kalahati ang aming pahinga, pero parang hindi ito
sapat para mabawi ang aking lakas, siguro ay dahil naninibago pa ang aking katawan. Bago ang araw na
ito ay nagusap kami kagabing mga kasama ko kung ano ang mga natutunan namin at dapat naming
gawin para maslalo naming magamay ang mga gawain. Nagpasundo ako kay Jazmin dahil walang tricycle
na bumyahe sa amin. Dumating si Jazmin mga bandang alas siyete ng umaga. Madami-dami akong
dalang gamit at dalawang ice bucket na puno ng ice. Ang isa ay nilagay ni Jazmin sa kayang harapang at
ang isa naman ay pinagitnaan namin dalawa. Pagdating namin sa labasan ng school ay bumaba ako dahil
mahihiraoang ipasok ni Jazmin ang motor dahil sa mabato at lubak na daan. Hinintay ko ang iba kong
kasama na puntahan ako para tumulong na magbuhat ng mga gamit papasok sa loob. Pagdating namin
ng school ay tumulong akong magluto sa kitchen. Nang pumatak ang 9:30am ay lumabas na ako upang
sa harap naman tumulong. Tiga-kuha ako ng mga orders ng mga customers at taga harap kung may
problema or delayed ang orders at kailangang kausapin ang customers. Kahit hindi ako sanay sa mga tao
ay nagawa ko ng maayos at mabuti ang aking gawain. Sumakit ang aking panga kakangiti ngunit masaya
namang makipag-usao sa customers. Dahil sa karanasan ko masasabi kong masmadaki kung nasa
kitchen ka dahil walang makakarinig sa reklamo, panic, at tantrums. Samantalang sa harap namn ay
kailangan mong ngumiti kahit na nagpapanic ka na kung ano ang dapat mong unahin. Kung papipiliin ako
ay masgugustuhin kong magluto sa likod kaysa ngumiti at makipaginteract sa mga customers sa harap.
Sa tingin ko ay masdoble ang pressure kapag humaharap ka sa mga customers dahil iba iba sila ng ugali,
sa likod naman ang iyong kaharap lang ay pagkain na kailangang lutuin at mga juices na kailangang
timplahin.

Love,

Kay

March 14, 2024

Dear Diary,
Miyerkules at ikatatlong araw ng simulation. Kagaya ng dati ay gumising ako ng umaga. Naligo
ako at nag ayos ng sarili. Ngayong araw kami magdadagdag ng menu, napagusapan na namin itong
lahat. Hinintay ko ulit si Jazmin na sunduin ako sa bahay. Habanh bumabyahe ay nagchat si Eulene sa
amin na kung pwede naming daanan at kunin ang menu na pinaprint niya sa Beethoven. Hindi namin
alama kung saan ito banda basta ang sinabi niya ay nasa likod ito ng simbahan. Inikot-ikot namin ang
simabahan, ngunit hindi talaga namin makita ang sinasabi niyang Beethoven. Halos ilang minuto kaming
oaikot-ikot hanggang sa makita namin ang ilang istudyante na nakatayo sa isang maliit na tiyangge.
Nilapitan namin ito at nalaman namin na iyon ang Beethoven na sinasabi ni Eulene. Nagbayad ako ng 40
pesos para sa apat na pisarong pahina na pinaprint ni Eulene. Pagdating namin sa aming kiosk ay
nakaluto na ng ilang irasi ang mga kasama ko ng burger patty. Pinaluto ko na rin ang dala kong Hotdog
rolls na gawa na. Nagdagdag kami ng panibagong mga pahkain upang maslumaki ang kikitain namin.
Medyo kinakabahn pa kami dahil baka hindi ito maging patok sa mga customers. Una sa haral alo
pumwesto at tumulong pero kalaunan ay tumulong ako sa kitchen dahil kulang sila ng man power. Dahil
narin siguro sa bagong nadagdag sa menu namin ay parang bumalik kami sa unang araw ng simulation.
Lahat ng taranta, panic, at frustration ay present. Hindi pa namin alam kung ano ang dapat naming
gawin upang masmapabilis ang pagproduce ng mmga bagong pagkain lalo na at niluluto silang lahat,
kaya paliba-iba ng kawali ang ginagamit namin. Ang daming orders na dumadating mabuti na lang at
nakakapaghintay namn ang customers kahit saglit lang. Tumaas ng kunti ang aming sales. Pagkatapos ng
operation ay nagkaroon kami ulit ng maliit na pagpupulonh upang pagusapan ang lahat ng aming
napansin, opinyon, kaeanasana sa araw na ito. Isa isa kaming nagbigay ng aming saloobin kung ano ang
magandang gawin upang masmapa improve pa namin ang aming gawain. lahat kami ay nagpaalam sa
isa't isa na may ngiti sa mga labi dahil maganda ang kinalabasan ng aming operation sa araw na ito.

Love,
Kay

March 15,2024

Dear diary,

lka-apat na araw ng simulation. Unti-unti na kaming nasasanay sa mga gawain, medyo gamay
na namin ang pasikot-sikot upang maserve namin kaagad ang kanilang mga orders. Sinimulan ko ang
aking araw na may saya sa mukha. Gumising ako ng maaga, nagluto at nagayos ng sarili. Naging araw-
araw na namin ni Jazmin na routine ang sunduin ako ng maaga sa amin. Napagdesisyunan naming
gumawa ng mgacombos at idagdag si siomai rice sa panibagong menu. Naghanap muna kami ni Jazmin
ng mga bukas na store para mabilhan ng mga ingredients at gagamitin, ngunit lahat ay sarado pa, kaya
dumeretso na kami sa school. Hindi nagtagal ay inutusan kami ni Johnter na bumalik sa bayan upang
mamili ng mga kulang, kasama ko si Jazmin na bumalik sa bayan at namili. Halos dalawang oras kami sa
bayan dahil iba-ibang store ang aming binilhan. Pagkatapos naming mabili ang lahat ay bumalik na kami
sa school. Tumulong sa pagluluto at nag-ayos ng sarili dahil ngayong araw ay haharap ako at kukuha ng
mga orders ng customers. Sa tuwing nagkakaroon ako ngpagkakataon ay chinicheck ko ang mga tao sa
kitchen kung ayos lang ba sila. Medyo nahihirapan pa sila ng kaunti pero mukha namang nakakasabay na
sila sa mga gawain. Ginawa ko ng maayos ang aking gawain na may ngiti sa mukha. Pansin kong naging
patok sa mga customers at hinahanap talaga nila ang aming mga bagong product. llang araw na ngunit
hindi pa rin namin nababawi ang aming capital, kaya grabe talaga ang pressure na binigay nito sa amin.
Doon pumasok sa isip ko na hindi pala sapat ang pera upang lumago ang iyong negosyo kundi utak at
tiyaga. Nagtipon-tipon kami dahil mahaba-haba na namang pahinga, liban sa weekend ay may NAT
kamisa lunes at martes, Pinaghati-hati namin ong mga ingredients na kaila-ngang iuwi sa bahay at ilagay
sa ref. bigay ng aming mga feedback at opinyon. Lahat kami ay nagpa-alam sa isat-isa na may ngiti sa
mga labi dahil tumaas ang aming sales.

Love,

Kay

March 20,2024

Dear diary

Ngayong oras ang ika-limang araw ng simulation namin. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako
makakapunta, pagkat may iba akong mas importanteng pupuntahan. Ngayong araw ay pupunta oko sa
Talisay upang pumunta sa TUP Visayas upang kurmuha ng admission test. Maaga pa akong aalis kaya
gumising ako ng 4:00 am at nagsimula nang mayayas pagkatapos kong mag-ayos ay nilgay ko se plastik
na lalagyan ang lahat ng ingredients na ipinadala sa akin ng nakaraang biyermes. Nilagay ko ang lahat sa
isang lalagyan at iniwan ko sa aking nakababatang kapatid na kung may dumating na mga kaklase ko ay
iyan ang kanyang ibbigay. Nang mga bandang 7:.00 am ay lumabas na ako ng bahay upang umalis.
Nagpaalam na ako sa akng papa, kasama ko si kuya baron papuntong Bacolod dahil hindi ako marunong
bumyahe magisa. Sakto namang paglabas ko ay pagdating nila Jazmin at Eulene. Bumalik ako sa loob ng
bahay at ibinigay sa kanila ang mga ingredients. Nagpaalam din naman sila agad at bumalik na sa school.
Bumyahe narin ako papuntang bayan kasama si kuya. Sumakay kami ng bus papuntang Bacolad. Habang
nasa byahe ay nakikibalita ako sa kanila at nagbabasa na rin ako ng reviewer dahil masyado pang
mahaba-haba ang byahe. Kagaya ko ay pupunta din ng Tup-visayas si Johnter, dumaan lang siya sa
school upang siguraduhing maayos ang lahat bago siya umalis. lbinigay niya muna kay shiela ang
pagiging lleader ng grupo. Nagkita kamk ni Johnter sa SM Jollibee mga bandang 10:30am, kumain kami
saglit at dumeretso na sa TUP Visayas. Iniwan kami ni kuya sa isa ko pang kuya na nag-aaral sa TUP
visayas. Walk in lang si Johnter kaya naghiwalay kami, pumunta akong gym upang kumuha ng test at siya
naman ay pumila pa para kumuha ng slot. Natapos ako ng mga bandang 2:30pm. Hinintay ko siya dahil
last batch pa siya at ito ay sa 4:30 pm. Naghintay ako sa kaniya sa pabas nh School. Mga bandang 5:30
pm ay nakalabas na rin siya. Habang oauwi ay nagkamali pa kami ng jeep na sinakyan, mabuti na lang at
mabait ang kundoktor na nasakyan namin at tinuruan niya kami kung saan kami bababa at sasakay.
Gabing-gabi na kami naka-uwi. Pagdating ng bahay ay nagchat agad ako sa gc kubg maayos lang ba ang
operation, mabuti at ang sagot nila ay oo. Malapit na lang daw naminng makuha at mabawi ang aming
kapital.

Love,

Kay

March 21, 2024

Dear diary,

Huling araw ng simulation, ang pinaka na kakabang araw dahil dito na namin malalaman kung
mababawi ba namin ang aming kapital. Natanghali ako ng gising, dahil siguro sa pagod sa byahe. Medyo
masama pa ang pakiramdam ko na parang mabigat ang ulo ko. Hindi na ako nagpasundo kay Jazmin
dahil wala naman akong dalang mga gamit. Sumana ako sa service naming magkakapatid. Nakarating
ako ng shool mga bandang 7:45 am. Ramdam ko pa rin talaga ang pagod at antok. Dahil last day na,
lnubos namin ang lahat ng pwedeng lutuin inilako namin ni Mardy sa building 1 at building 2 ang lba,
nagulat lkami dahil nakalikop at nakabenta kami ng isang libo. Bumalik ako nang magrecess sa aming
kiosk upang tumuulang. Hindi na gaanong madami ang customers pero kahit na ganun ay tama na ito
upang madagdagan ang aming pera. Hindi na kami ng restock dahil baka masayang lamang. Pagdating
ng tanghali ay nakatulog ako sa loob ng kitchen namin pagkagising ko ay parang bumalik ang lahat ng
aking lakas. Ngunit hindi rin nagtagal ay kinabahan ako at baka hindi maibalik ang aming pera. Nagtago
ako sa ilalim ng lamesa sa kitchen at doon muna umiyak dahil naghalo-halo ang sakit ng katawan, kaba,
antak at pagod. Matapos ang operation ay naglinis kami ng kiosk, kinuha ang mga gamit ng bawat isa.
Pagkatapos namin sinira ang kiosk unti-unti naming inilagay sa tabi ng gym ang kawayan at inipon para
gamitin sa aming garden. Pagkatapos namin inilagay sa tabi ng gym ang kawayan, binuhusan namin ng
tubig at sinabunan ang sahig para mawala ang langsa at dumi sa sahig pagkatapos namin mag linis nag
paalam na kami sa isa't-isa para umuwi at dala-dala ang aming mga gamit pauwi. Masaya kaming lahat
dahil natapos na ang aming business simulation na hindi kami talo at nabawi ng sales ang aming kapital
at nagkaroon pa kami ng profit. Kahit isang week kami na pagod at kulang sa tulog masaya kami dahil
may babalik rin samin kapalit ng aming pagod at puyat.

Love,

Kay

You might also like