Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Puso ni Maria, Ina ng Diyos at amin ding Ina. Pusong kaibig-ibig, lugod ng kaibig-ibig na
Trinidad at karapat-dapat sa lahat ng paggalang at pagmamahal ng mga anghel at
ng mga tao; pusong lalong katulad ng Puso ni Hesus, na ikaw ang tunay Niyang larawan;
pusong tigib ng kabutihan, laging mapagmahal sa mga nagdaralita. Loobin mo sanang papag-
alabin ang mga nanlalamig naming puso at yaon ay itulad mo sa Puso ni Hesus. Itanim mo sa
kanila ang pag-ibig sa iyong mga kabanalan, papag-apuyin sila sa banal na apoy na
laging nag-aalab sa iyong puso. Bayaan mong sa iyo makatagpo ng kanlungan ang
Simbahang Banal; ikaw nawa ang maging moog ng kanyang lakas na matibay laban sa lahat ng
pagsalakay ng kanyang mga kaaway. Ikaw nawa ang maging landas na patungo kay
Hesus; ikaw nawa ang maging tunay na daraanan ng lahat ng biyayang kailangan sa aming
kaligtasan. Ikaw nawa ang maging saklolo namin sa pangangailangan, ang
aming aliw sa mga bagabag, ang aming lakas sa tukso, ang katangi-tangi naming tulong sa
huling sandali ng aming pakikibaka sa buhay, sa sandali ng aming kamatayan, sa
sandaling yaon na ang lahat ng hukbo ng impiyerno ay magsisikap na maagaw ang aming
kaluluwa. Sa sandaling yaong lubhang kakila-kilabot, na doon nasasalalak ang aming buhay
sa walang hanggan – Oh, Mahal na Birhen, sa sandaling yaon ay ipadama mo sa amin ang
katamisan ng iyong pusong ina, kung gaano kalaki ang iyong kapangyarihan sa Puso ni Hesus.
Sa sandaling yaon ay buksan mo sa amin yaong batis ng habag, ang ligtas naming takbuhan,
nang pagsapit ng araw kami man ay makasama mo sa paraiso sa pagpupuri sa Puso
ni Hesus magpakailanman. Siya Nawa.

PANALANGIN NG ANGHEL

Ang pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Fatima noog taong 1917 ay pinangunahan at pinaghandaan sa
pamamagitan angpagpapakita ng isang Anghel ng Kapayapaan noon pa mang taong 1916. Ang Anghel ay nagturo sa
tatlong batang pastol ng dalawang panalangin na nararapat dasalin ng may pamimitagan bilang kabayaran sa
ating mga kasalanan.

O Diyos Ko, ako’y sumasampalataya sa Iyo, ako’y sumasamba sa Iyo, ako’y


nananalig at ako’y umiibig sa Iyo. Hinihingi ko po sa Iyo na patawarin ang mga hindi
sumasamba sa Iyo, hindi nananalig at hindi umiibig sa Iyo. (3x)

Kabanal-banalang Trinidad, Ama, Anak at Espiritu Santo, ako’y sumasamba sa Iyo na


may buong pamimitagan. Iniaalay ko sa Iyo ang Kamahal-mahalang Katawan at Dugo,
Kaluluwa at Pagka-Diyos ni Hesukristo na nasa lahat ng Tabernakulo sa buong daigdig,
bilang kabayaran para sa lahat ng aming mga kasalanan na siyang nagbibigay ng
pasakit sa Kanya. Sa pamamagitan ng walang hanggang kahalagahan ng Kamahal-
mahalang Puso ni Hesus at sa pamamagitan na rin ng Kalinis-linisang Puso ng
Mahal na Birheng Maria, hinihiling ko po sa Iyo ang pagbabalik-loob ng mga
makasalanan. Amen.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA

O Maria, matamis na Birhen, Reyna ng Rosaryo, alang-alang sa maka-inang pagdalaw mo


sa Cova da Iria ng Fatima upang ipahayag ang makatarungang plano at
pagmamahal ng Diyos sa lahat ng tao, kami ay lumalapit sa iyo at nagpapampon sa iyo
bilang aming makalangit na Ina. Dala ng mahabang panahon na pakikipag-uganay ng aming
parokya sa iyo, at sa iyong walang sawang pagdalangin para sa aming mga
kahilingan, na nagpapahayag ng iyong maka-Inang paglingap sa amin, ikaw ay nagkaroon
ng bahagi sa aming puso. Noong ikaw ay nagpakita sa tatlong batang pastol, iyong
ipinahayag ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo upang matamo ang kapayapaan ng
daigdig, gayundin ang pagpapakasakit para sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan
at bilang pagbabayad-puri sa mga kalapastangang ginawa namin laban sa iyong
Kalinis-linisang Puso.
Bilang pagtugon sa iyong kahilingan, kami ngayon ay nangangako na iaalay namin
sa araw-araw ang mga pagpapakasakit na kaakibat ng aming pagganap sa aming banal na
gawain; gayundin ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo kasama ang buong angkan
habang pinagninilayan ang mga misteryo nito at lalo’t higit ang pagtatalaga ng aming sarili at
pamilya sa iyong Kalinis-linisang Puso. Idalangin mo po kami na nawa’y igawad ng
Diyos sa amin ang Kanyang dakilang habag at patawad sa lahat ng mga nagawa naming
pagkakasala na labis na nakasasakit sa Kanyang kalooban. Tulungan mo kami mahabaging
Ina na umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa Diyos na siyang maylalang
sa ating lahat. Sa iyong kalinis-linisang Puso, Mahal na Ina ng Fatima, kami ay nagtitiwala na
matatagpuan namin ang awa at habag ng Diyos at makapamuhay kami sa kapayapaan,
pagkakaisa, at pagmamahalan. Patuloy mong ipamalas ang iyong maka-Inang
pagkandili sa aming lahat at ituro mo sa amin ang landas na patungo sa iyong Anak na si Hesus
na aming Panginoon at Tagapagligtas na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan at
pagmamahal. Sa iyong kandili pinakamamahal na Ina ng Banal na Rosaryo, huwag
mong siphayuin ang aming mga pagsamo bagkus sa iyong habag ay ipagkaloob mo sa amin ang
mga biyayang ipinakikiusap sa iyo lalung-lalo na ang mga kahilingang ito : (banggitin ang mga
kahilingan) Dinggin mo ng buong giliw ang aming mga pagsamo sa iyong Kalinis-
linisang Puso, O Mahal na Birhen. Siya Nawa.
UNANG ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno: “....dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi upang
maglingkod at ibigay ang Kanyang buhay bilang pantubos sa marami” (Marcos 10:45)
( sandaling katahimikan )

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno: O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo: “Maihahandog ba ninyo


ang inyong sarili sa Diyos, at tanggapin ang mga pagpapakasakit na kanyang
piniling ipadadala sa inyo bilang pagbabayad-puri sa mga kasalanang ginawa sa Kanya at
para sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan? (Fatima, Mayo 13, 1917)

Lahat: Ang katanungang ito ay isang paanyaya na makiisa sa banal na layunin


ng iyong pagpapakita sa Fatima: ang ikapagbabalik-loob at muling paglapit ng
puso ng lahat ng tao sa pagmamahal ng Diyos. Labis mong ikinabahala ang
paglayo ng maraming tao sa kalooban at pagmamahal ng Diyos, kung kaya’t
inaanyayahan mo kami, tulad ng ginawa ng tatlong batang pastol na makiisa sa iyong
banal na layunin. Sa ganitong paraan, kami ay makasusunod sa halimbawa ng
paglilingkod at pagpapakasakit ni Hesukristong aming Panginoon. Sa pagsisimula ng
pagsisiyam na ito sa iyong karangalan, Mahal naming Ina, ipinagsusumamo namin sa
Iyo na aming makamtan ang biyaya na tumugon sa iyong panawagan na maihandog ang aming
sarili sa Diyos at mahalin Siya ng lubos. Isinasamo rin namin sa iyo na kami nawa’y
makaiwas sa pagkakasala at maging kasangkapan ng ipaglalapit ng puso ng aming kapwa
sa Diyos. At sa iyong Kalinis-linisang Puso ay idinudulog namin ang biyayang ito:
(Dito ay banggitin ang pansariling kahilingan). Dinggin mong buong giliw ang aming
taimtim na dalangin. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKALAWANG ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno: “Kaya sinasabi ko sa inyo: ‘Humingi kayo at kayo’y bibigyan,humanap kayo at


kayo’y makatatagpo, kumatok kayo at angpinto’y bubuksan para sa inyo.’” (Lucas 11:9)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno: O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo: ‘Dasalin ang


rosaryo araw-araw para sa ikapagtatamo ng kapayapaan sa daigdig at sa
pagwawakas ng digmaan.’(Fatima, Mayo 13, 1917)

Lahat: Ninais mong dasalin ang Santo Rosaryo araw-araw sapagkat ito ay
“isang panalanging may dakilang kahalagahan sa ikapagtatamo ng bungang
kabanalan.” Taglay nito “ang lahat ng lalim ng mensahe ng Mabuting Balita, na
maaaring masabing isang kabuuan ng Mabuting Balita.” At sa pagdarasal ng rosaryo,
kaming mananamapalataya “ay tumatanggap ng masaganang biyaya” na wari’y
tinatanggap naming mula sa iyong palad, Ina ng aming Tagapagligtas. Ipinagsusumamo namin
sa iyo, Mahal na Ina, na tunay naming pahalagahan ng pagdarasal ng Rosaryo araw-araw sa
pamamagitan ng pag-uugnay nito sa paglalakbay-espiritwal ng Kristiyanong pamumuhay
upang “muling maipahayag na si Hesus ay Panginoon at Tagapagligtas.” At maging
mabisang kalasag-espirtwal nawa ang rosaryo laban sa kasamaan ng sa aming lipunan.
At sa iyong Kalinis-linisang Puso at idinudulog namin ang biyayang ito (banggitin
ang pansariling kahilingan) Sa iyong pag-ibig, dinggin mo ang aming mga hibik. Siya
Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKATLONG ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno: “Tandaan ninyo: ‘Ako’y lagging kasama ninyo hanggang sakatapusan ng


sanlibutan.’” (Mateo 28:30)(sandaling katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno:: O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo: “Hindi ko kayo


pababayaan. Ang aking Kalinis-linisang Puso ang inyong magiging tanggulan at
daan patungo sa Diyos.”(Fatima, Hunyo 13, 1917)

Lahat: Ang mga wikang ito ang ikinagagalak ng aming puso sapagkat ito ay
isang katiyakan kami’y hindi nag-iisa sa buhay, katiyakan na sa tuwa, liwanag, hirap at
luwalhati ng nararanasan ay kasama ka namin, kaisa ng iyong Anak na aming
Panginoong Hesukristo. Salamat aming Ina, salamat. Sapagka’t sa kabila ng aming
naghihinawa sa iyong maka-inang pagkalinga ay patuloy ka pa rin sa pagtatanggol sa
amin laban sa masama at paghihikayat na maranasan ang walang hanggang pagmamahal
ng Diyos. Ipinagsusumamo naming sa iyo, Mahal naming Ina, na huwag mo kaming
pabayaang mawalay sa iyong piling at sa piling ni Hesukritso na aming Panginoon sapagkat
“tanging sa hiwaga naman ng salitang nagkatawang-tao makikita ang hiwaga
naman ng tao sa kanyang tunay na kahulugan (Redemptor Hominis#22).”Nawa sa
paglalakbay naming sa buhay na ito, “dini sa lupang bayang kahapis-hapis”. Ika’y aming
maging kaginhawaan. At sa iyong Kalinis-linisang Puso ay idinudulog naming ang
biyayang ito (banggitin ang pansariling kahilingan) Sa iyong maawaing puso ay ipagkaloob
mo ang aming kahilingan. SiyaNawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKAAPAT NA ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno : “Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan niyo ng tulong ang


pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan. Itataboy ang mga ito sa
kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na
walanghanggan.” (Mateo 25: 45-46)(sandaling katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima winika mo: “Nakita


ninyo ang impiyerno ng kung saan napupunta ang kaluluwa ng mga kaawa-awang
makasalanan? (Fatima,Hulyo 13, 1917 Unang bahagi ng mensaheng lihim)

Lahat: Ang pagpapahayag na ito sa tatlong pinagpakitaan sa Fatima ay


pagpapatunay ng iyong pagmamalasakit sa maaring maging kahantungan ng sangkatuahan.
Hangad mo na maligtas ang lahat at maranasan namin, ‘di lang sa buhay na ito ang pagmamahal
ng Diyos bagkus ang manirahan ng walang hanggang sa “Tahanan ng Panginoon.”
Ipinahayag mo ito sa tatlong batang pastol, na kahit sila ay nasa murang kaisipan, ay naniniwala
ka na maipapahayag nila ang iyong mga mensahe. Patuloy kang umaasa na
panininwalaan namin ang mga pahayag na ito tungkol sa impiyerno na
pinawawalang-halaga ng kasalukuyang pag-iisip. Tulungan mo kaming lagi naming
sambitin “O Hesus ko, patawarin mo kami sa aming pagkakasala. Iligtas mo kami sa
apoy ng impiyerno, akayin mo sa langit ang lahat ng kaluluwa, lalo na yaong nangangailangan
ng Iyong awa.” Ipagnagsusumamo namin sa iyo, Mahal na Ina, na makaiwas kami sa kasalanan,
at sa tulong ng iyong mabisang pagdalangin, kami nawa’y dinggin ni Hesus “na iligtas kami sa
apoy ng impiyerno” at huwag maging sanhi ng ikapapahamak ng aming kapwa.
Nawa sa pagdarasal namin ng Rosaryo ay lakipan namin ito ng mabubuting gawa
upang sa katapusan ng aming buhay sa daigdig na ito, kami ay makapiling mo at ni Hesus sa
Kaharian ng Diyos Ama. At sa iyong kalinis-linisang puso ay idinudulog namin ang
biyayang ito. (idalangin ang pansariling kahilingan at hangarin) Igawad mo sa amin
o maawaing Ina ang iyong paglingap at pagtangkilik. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKALIMANG ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno : “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa


inyong pasanin at kayo’y pagpapahingahin ko.”(Mateo 11:28)(sandaling katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima, winika mo: “Ninanis ng


Diyos na maitatag ang pandaigdigang debosyon sa aking kalinis-linisang puso. Kung
matutupad ninyo ang mga itinagubilin ko sa inyo, maraming kaluluwa ang maliligtas
at magkakaroon ng kapayapaan.” (Fatima, Hulyo13, 1917 Ikalawang mensaheng lihim)

Lahat: Ang hangarin na ito ng Diyos at sa walang hanggang kapakinabangan ng


pagliligtas ni Jesus, ay muli kaming nagtatalaga sa iyo Mahal na Ina bilang daan
ng aming kaligtasan. Dahi sa pamamagitan mo, Nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos,
kung kaya’t sa pamamagitan mo rin magkakaroon ng bukal ng kabanalan sa lahat ng tao.
Dahil ang puso mo ay lubos na kaisa ng Puso ni Hesus, kaya ang sino mang lumapit sa iyong
Kalinis-linisang Puso taglay ang pusong nagsisisi at nagbabalik-loob ay tiyak na makatatagpo
ng biyaya ng kabanalan at tiyak na matatagpuan ang kanilang sarili sa Kamahal-mahalang Puso
ni Hesus, na siyang tunay na bukal ng awa at biyaya. Ipinagsusumamo namin sa iyo,
Mahal na Ina, na panatilihin mo kami sa iyong Kalinis-linisang Puso, na
magbibigay ng tiyak na kaligtasan at pagtulong ng Maykapal. At sa aming pananatili ay
matularan ka namin na ingatan sa aming puso ang kahanga-hangang ginawa ng Diyos.
At nawa’y maging handa kami sa pagsunod sa hangarin ng iyong puso na: “Gawain
ninyo ang anumang ipag-utos Niya (Kristo) sa inyo.”

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKAANIM NA ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno : “Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng
Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.’” (Marcos 1:3)(sandalian
katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno : Wika ng Anghel “Magpakasakit! Magpakasakit! Magpakasakit!”


(Fatima, Hulyo 13, 1017 – Ikatlong Bahagong Mensaheng Lihim)

Lahat: O Mahal na Birhen ng Fatima, hangad mo na iligtas angs angkatauhan


mula sa apoy ng impiyerno at muling mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng iyong
Kalinis-linisang Puso. Ngunit mariin mong pinaalalahanan kami na pahalagahan
ang pagpapakasakit. Sa pamamagitan ng dakilang halimbawa ng iyong Anak na si Hesus at
ng lahat ng mga banal na martir, ang pagpapakasakit ay ang tamang tugon sa
pangkasalukuyang pangyayari sa aming kasaysayan upang makaiwas sa kinatatakutang
pagkasira ng daigdig, ng lipunan, ng mga pamilya, at ng aming sarili. Ipinagsusumamo namin
sa iyo, Mahal na Ina, na turuan mo kaming tumugon sa panawagan ng
pagpapakasakit. Turuan mo kaming ituon ang aming isip, puso, at gawain bilang
pagmamahal sa Diyos. Turuan mo kami na ang bawat sakit, pagsubok at
kabiguang nararanasan ay ialay namin para sa ikapagbabalik-loob ng aming sarili at ng
aming kapwa. Upang sa pagsapit ng wakas ng aming buhay at matapos maisaktuparan
ang pagpapakasakit na inialay ay matagpuan namin ang amingsarili na kapiling mo at ng aming
Panginoong Hesukristo at ng simbahang matagumpay sa kalangitan. At sa iyong Kalinis-
linisang Puso ay idinadalangin namin ang biyayang ito (banggitin ang
pansariling kahilingan) Magtagumpay ka sa lahat ng Puso O Ina ng Awa, Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKAPITONG ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno : “Nang Makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal Niyang alagad sa tabi
nito, Kanyang sinabi “Ginang narito ang iyong anak! At sinabi Niya sa alagad, Narito ang iyong
ina!”(Juan 19:27)(sandaliang katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno: Minamahal naming Ina, winika mo: “Ako ang Mahal na Birhen ng
Rosaryo. Patuloy ninyong dasalin ang rosaryo araw-araw...” (Fatima, Oktubre 13, 1917)

Lahat: Pinakilala mo ang iyong sarili upang sundan namin ang iyong mabuting
halimbawa at luwalhatiin ang Ama naming nasa langit na gumawa sa iyo ng mga dakilang
bagay. Sinasabi na ang rosaryo ay ang “dakilang halimbawa (epitome) ng buong
ebanghelyo.” Kaya’t marapat lamang na ipakilala mo ang iyong sarili bilang Birhen ng Rosaryo
sapagkat saksi ka at isinabuhay mo ang mga hiwaga ng tuwa, liwanag, hapis at luwalhati ni
Hesus. Kahit na ang panalanging ito at patungkol sa iyo, sa pinakabuod nito, tulad ng
iyong buhay ay nakasentro kay Kristo. At sa aming pagdarasal ng rosaryo ay sinasamahan
mo kami na kilalanin si Kristo. Tunay na dapat naming pasalamatan ang Panginoong
Hesus sa pagbibigay Niya sa iyo sa amin upang ariing maging Ina, ang Birhen ng Rosaryo.
Ipinagsusumamo namin, mahal na Ina, na kaming mga kristiyano ay patuloy mong
turuan at akayin sa pagninilay ng Mukha ni Kristo at maranasan ang lalim ng
kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, “ang
matamis na kadenang nag-uugnay sa amin sa Diyos.” At sa iyong kalinis-linisang
Puso ay idinudulog namin ang biyayang ito (tumahimik sandali at banggitin ang
kahilingan) O maawain, at matamis na Reyna ng Rosaryo. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKAWALONG ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno : “Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mgamamamayan, gaya


ng paglukob ng isang inahin sa kanyangmga sisiw, ngunit ayaw mo” (Lucas 13:34)(sandaling
katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno : O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima, winika mo: “Sabihin mo sa


kanila na huwag ng pasakitan ang loob ng Diyos kailanman, sapagkat Siya’y labis
nang pinasasakitan” (Fatima, Oktubre 13, 1917)

Lahat: Tunay ngang malimit naming pinasasakitan ang loob ng Diyos. Naniniwala
kaming mayroong Diyos ngunit kadalasan ay nabubuhay kami na parang walang Diyos.
Batid naming ang mga utos, aral at mabubuting halimbawa ni Kristo ngunit kulang
ang pagsasabuhay ng “kaparaanan ni Kristo.” Bilang mga binyagan, kami ay tinawag
upang “sundan si Kristo” ngunit maraming bagay ang hinangad at sinundan namin
na nagiging dahilan ng aming pagkakasala. Ipinagsusumamo namin sa Iyo, Mahal na Ina,
turuan mo kaming “pagsisihan at talikdan ang aming pagkakasala,” tupdin ang inyong
kahilingan at magsagawa ng pagpapakasakit. Gayundin, turuan mo kaming lagi
na alalahanin ang walang hanggang pagmamahal ng Diyos upang ang puso nami’y
matulad sa iyo na ang bawat tibok ay pagmamahal sa Diyos at kapwa. At sa iyong Kalinis-
linisang Puso ay idinudulog namin ang biyayang ito (Banggitin ang pansariling
kahilingan) Dinggin mo ang pagsamo ng iyong mga anak. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
IKASIYAM NA ARAW (tumayo)

Namumuno : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon

Namumuno: “Lakasan ninyo ang inyong loob! Mapagtatagumpayan ko na ang sanlibutan.”


(Juan 16:33)(sandaling katahimikan)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo

(lumuhod)

Namumuno: O Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Fatima, winika mo: “Sa katapusan,


ang aking Kalinis-linisang Puso ay magtatagumpay.” (Fatima, Hulyo 13, 1917)

Lahat: Ang kadahilanan ng pagtatagumpay ng iyong Kalinis-linisang Puso sa katapusan ay sa


dahilan na ang puso Mo ay punong-puno ng biyaya, pagmamahal, pananalig, at pag-asa. Ang
puso mo ay magtatagumpay sapagkat ito ay bukas sa Diyos, na nilinis ng pagninilay sa
Diyos, at higit na malakas kaysa baril at anumang sandata. Ang iyong pagtugon o
“Fiat” na salita ng iyong puso ay napagbago ang kasaysayan ng daigdig dahil hinayaan mong
pumasok ang Tagapagligtas sa daigdig. Kaya’t ang iyong tagumpay ay ang katagumpayan at
paghahari ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo. Ipinagsusumamo namin sa
iyo, Mahal na Ina, na sa pagtatapos ng aming pagsisiyam na ito sa iyong karangalan ay tunay
ka nawang magtagumpay sa aming buhay, sa aming pamilya, sa aming lipunan at sa
aming bansa. Patuloy mo nawa kaming paalalahanan na magtiwala sa Diyos na
siyang buod ng iyong mensahe sa Fatima. Upang mamayani ang kapayapaan, pag-ibig at
pagkakaisa sa buong daigdig at tanggapin ang paghahari ni Kristo na aming buhay. At sa iyong
Kalinis-linisang Puso ay idinudulog namin ang biyayang ito (Banggitin ang Kahilingan)
Dinggin mo ng buong pagmamahal ang aming pagsusumamo, O Reyna ng Kasantu-
santuhang Rosaryo. Siya Nawa.

Yugto ng Paghahandog
Litanya sa Kalinis-linisang Puso
Pangwakas na Panalangin
Panalangin Para Sa Pagtataposng Nobena
YUGTO NG PAGHAHANDOG SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA

“Kami’y dumudulog sa iyong pagtangkilik, Banal na Ina Diyos!” Ikaw na


nakababatid ng aming paghihirap at ng aming hinahangad sa buhay. Ikaw na may maka-
inang kaalaman sa aming pakikipagtunggali na gumawa ng mabuti at umiwas sa
kasalanan, tanggapin mo ang aming pagsusumamo sa iyong Kalinis-linisang Puso.
Lukuban mo ng iyong maka-inang pagmamahal ang buong daigdig, ang aming bansa,
lipunan, pamilya, at ang aming sarili. At sa iyong pagkakandili ay aming ipinagkakatiwala
ang aming mga alalahanin at hinaharap sa buhay na ito. Kami’y dumudulog sa
iyong pagtatangkilik Banal na Ina ng Diyos; huwag mong siphayuin ang aming pagluhog,
bagkus sa iyong habag, ay pakinggan mo kami. Masdan mo kaming nakaluhod sa iyong
harapan, O Ina ni Kristo, sa harapan ng iyong kalinis-linisang puso, ninanais namin,
kaisa ng buong simbahan na isama ang aming sarili sa paghahandog na ginawa ng
iyong Anak sa ating Ama nang dahil sa pagmamahal saaming lahat: “Alang-alang
sa kanila kanyang winika, “ay Aking itinatalaga ang aking sarili upang sila man
ay maihandog din sa katotohanan (Jn 17:19) Ninananis naming isama ang aming sarili sa
aming mananakop sa kanyang pagtatalaga para sa sangkatauhan, sapagkat sa
kanyang Banal na Puso ay matatagpuan ang kapangyarihan ng pagkakaloob ng
pagpapatawad at pagbabayad-puri. Mula sa lahat ng nilalang, ikaw nawa ay ipagdangal, ikaw
na Abang Alipin ng Panginoon na sumusunod ng buong laya sa tawag ng Maykapal.

Papuri sa iyo, ikaw na buong ganap na nakiisa sa mapagligtas na pagtatalaga ng


iyong Anak. O Ina ng Banal na Simbahan, liwanagan mo ang sambayanan ng Diyos
tungo sa landas ng pananampalataya, pag-asa at pagmamahal! Liwanagan mo lalo na yaong
mga naghihintay sa bunga ng isinasagawa naming paghahandog at pagtatalaga. Tulungan
mo kaming mamuhay sa katotohanan ng paghahandog na ito ni Kristo para sa sangkatauhan
ng makabagong daigdig. Sa pagkakatiwala namin sa Iyo, O Ina ng sangkatauhan,
ng aming parokya at sambayanan at ng daigdig ay ipinagkakatiwala rin namin sa iyo itong
aming paghahandog sa sambayanan at amin ito ngayong inilalagay sa iyong maka-inang
pangangalaga. Kalinis-linisang Puso ni Maria! Tulungan mo kaming mapaglabanan
ang tukso ng kasamaan na madaling makapasok sa puso ng tao ngayon at lalo na ang
di-masukat na bunga nito na labis nang nagpapabigat sa aming kasalukuyang panahon at
nagiging hadlang sa pagtahak sa landas patungo sa hinaharap. Mula sa lahat ng salot at digmaan,
ipag-adya mo kami! Mula sa digmaang nuclear, mula sa sariling pagkasira, mula sa iba’t-ibang
uri ng digmaan, ipag-adya mo kami! Mula sa kasalanan laban sa buhay ng tao mula sa kanyang
simula, ipag-adya mo kami! Mula sa lahat ng galit at pagbagsak ng dignidad ng mga anak ng
Diyos, ipag-adya mo kami! Mula sa iba’t-ibang uri ng kawalang-katarungan ng buhay ng
lipunan, maging pambansa at pandaigdigan, ipag-adya mo kami! Mula sa pagnanasang
alisin sa puso ng lahat ng tao ang katotohanan ng Diyos, ipag-adya mo kami! Mula sa
kawalan ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama, ipag-adya mo kami! Mula sa kasalanan
laban sa Espiritu Santo, ipag-adya mo kami! Tanggapin mo nawa, O Ina ni Kristo, ang
hinaing ng aming puso at nawa’y mamalas uli sa kasaysayan ng daigdig ang
kapangyarihan ng Pagliligtas ng Kabanal-banalang Puso ni Jesus at ang
pagtatagumpay at pagkukupkop ng iyong Kalinis-linisang Puso, at pigilan ang kasamaan, at
baguhin ang kalooban ng lahat, Nawa ang iyong Kalinis-linisang Puso ay ipahayag sa
lahat ang liwanag at pag-asa upang ang buong sangnilikha ay magpuri sa Diyos
magpasawalang hanggan. Amen.

LITANYA SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA

Panginoon, mahabag Ka sa amin.


Panginoon, mahabag Ka sa amin.
Kristo, mahabag Ka sa amin.
Kristo, mahabag Ka sa amin.
Panginoon, mahabag Ka sa amin.
Panginoon, mahabag Ka sa amin.
Kristo, dinggin Mo kami.
Kristo, dinggin Mo kami.
Kristo, pakipakinggan Mo kami.
Kristo, pakipakinggan Mo kami.

Diyos Ama sa langit, mahabag Ka sa amin.


Diyos Anak na Tumubos sa sanlibutan, mahabag Ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, mahabag Ka sa amin.
Kamahal-mahalang Trinidad, tatlong Person sa iisang Diyos,mahabag Ka sa amin.

Puso ni Maria, ipanalangin mo kami!*


Puso ni Maria, ayon sa puso ng Diyos, *
Puso ni Maria, kaanib ng Puso ni Jesus, *
Puso ni Maria, sangkap ng Espiritung Banal, *
Puso ni Maria, tahanan ng Kabanal-banalang Trinidad, *
Puso ni Maria, tabernakulo ng Diyos na nagkatawang-tao, *
Puso ni Maria, walang bahid-sala sapol pa ng paglilihi sa iyo, *
Puso ni Maria, punong-puno ng biyaya, *
Puso ni Maria, bukod na pinagpala sa lahat ng puso, *
Puso ni Maria, luklukan ng kaluwalhatian, *
Puso ni Maria, handog ng pag-ibig-Diyos, *
Puso ni Maria, kasama ni Jesus na ipinako sa Krus. *
Puso ni Maria, aliw ng mga nagdadalamhati, *
Puso ni Maria, takbuhan ng mga makasalanan, *
Puso ni Maria, pag-asa ng mga naghihingalo, *
Puso ni Maria, luklukan ng habag, *
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sadaigdig, pakinggan Mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan, pakapakinggan Mo


kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan, mahabag Ka sa amin,


Panginoon.

Kristo, dinggin Mo kami.


Kristo, pakipakinggan Mo kami.

Namumuno: Kalinis-linisang Puso ni Maria, maamo at mapagkumbabangpuso

Lahat: Itulad mo ang puso namin sa Puso ni Hesus.

Manalangin Tayo:

Oh lubhang mahabaging Diyos, na alang-alang sa katubusan ng mga makasalanan, at


upang maging takbuhan ng mga nagdadalamhati, ay minabuti Mong ang Kalinis-
linisang Puso ni Maria ay matulad sa kagandahang-loob at habag sa Puso ng Diyos, ni Hesus
na Iyong Anak; loobin Mo sanang kaming gumugunita sa katamis-tamisan at kaibig-
ibig na pusong ito, pakundangan sa mga karapatan at pamamagitan ng Mahal na Birhen, ay
matagpuan ayon sa Puso ni hesus. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon, SiyaNawa.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

“Kami’y dumudulog sa iyong pagtangkilik, Banal na Ina ng Diyos! ”Ikaw na


nakababatid ng aming paghihirap at sa aming hinahangad sa buhay. Ikaw na may inang
kaalaman sa aming pakikipagtunggali na gumawa ng mabuti at umiwas sa kasalanan,
tanggapin mo ang aming pagsusumamo sa iyong Kalinis-linisang Puso. Lukuban mo ng iyong
maka-inang pagmamahal ang buong daigdig, angaming bansa, lipunan, pamilya at ang
aming sarili. At sa iyong pagkakandili ay aming ipinagkakatiwala ang aming mga
alalahanin at hinaharap sa buhay na ito.“Kami’y dumudulog sa iyong pagtatangkilik, Banal
na Ina ng Diyos; huwag mong siphayuin ang aming pagluhog, bagkus sa iyong habag,
pakinggan mo kami at ipagtanggol sa lahat ng kapahamakan, na makamit nawa naming
ang biyaya ng katapatan sa aming mga ipinangako nang kami ay binayagan, at
ng aming pagsumikapang tupdin ang iyong mga mensahe sa Fatima ang “muling
pagsasang-ayon sa Mabuting Balita.” Tanggapin mo nawa, O Ina ni Kristo, ang hinaing ng
aming puso at nawa’y mamalas uli sa kasaysayan ngdaigdig ang kapangyarihan ng
Pagliligtas ng kabanal-banalang Puso ni Hesus at ang pagtatagumpay at pagkukupkop
ng iyong Kalinis-linisang Puso, upang ang buong sangnilikha ay magpuri sa
Diyos magpasawalang hanggan, Amen.
PANALANGIN PARA SA PAGTATAPOSNG NOBENA

Makapangyarihan at mahabaging Diyos, taglay ang pusong lipos ng pag-ibig sa Iyo, ay


ipinaaabot namin ang isang taos-pusong pasasalamat sa iyong kagandahang-loob at habag
sa pagkakaloob mo sa amin ng isang makalangit at butihing Ina na kumakalinga at
nangangalaga para sa kapakanan naming mga anak mong makasalanan.
Nagpapasalamat kami sa Iyo, Panginoon sa pagpapadala mo sa Mahal na Birhen sa kanyang
taguri bilang Birhen ng Fatima upang kami ay paalalahanan na magbagong-buhay at magbalik-
loob sa Iyo. Hindi mo pa rin pinababayaan ang iyong mga anak na mapalayo sa Iyo, bagkus
patuloy mo pa rin kaming inaakay sa landas ng kabanalan upang makaisa ka
namin sa kaluwalhatian ng langit sa oras ng pagsapit ng wakas ng aming buhay.
Ipagkaloob mo sa amin, Mahabaging Diyos, na sa pagtatapos ng aming pagsisiyam na ito
sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Fatima ay pagkalooban mo kami ng
biyaya na kami ay magsisi sa aming pagkakasala, umiwas sa paggawa ng anumang
ikasasakit ng iyong Banal na Kalooban, magbagong buhay at sumunod sa Iyong
kalooban nang sa gayon, ay makamtan namin ang pangako Mong kaligtasan at
kapayapaan ng daigdig. Sa pagwawakas na ito ng aming pagpaparangal sa aming
makalangit na inang si Maria, nawa’y makatugon kami sa kanyang mga panawagan at
tularan siya sa kanyang mga magagandang halimbawa upang lalo naming
maipagdangal at dakilain ang Iyong kabanalan at kaluwalhatian, O Diyos Ama naming
mapagmahal kaisa ni Kristong aming tagapagligtas at sa patnubay ng Espiritu Santo,
iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, O Dakilang Ina ng Diyos.

Lahat: Nang kami aymaging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristong


amingPanginoon. Amen.

You might also like