Lourdes Novena

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PAGSISIYAM SA KARANGALAN NG

MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES


PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa
akin, na sinasampalatayanan ko, pinananaligan ko at iniibig kong mahigit sa lahat ng
bagay, pagkaluhod ko po ng buong kapakumbabaan sa harap ng iyong di matingkalang
karangalan, inlaamo ko po sa inyo, na ipatawad sa akin ang nangaglalakihang
kalapastanganan, kapalamarahang ginawa ko po laban sa inyo. Nakikilala ko po, Diyos
na Poon, na ako'y di karapat-dapat na lumagay sa inyong mahal na harapan dahil sa
bagay na ito, dumudulog po ako sa inyo na aking kinakalasag ang pamamagitan ng
masintahin ninyong Ina, at aking ipinagmamakaawa sa kaniya na kalarahin niya ako,
upang aking makamtam ang kapatawawan sa mga salang nagawa ko, na akin ngang
kinapopootan ng taos sa puso at pinagtitikahang di na muling gagawin sa tulong ng
inyong mahal na grasya. Siya Nawa.

Ama Namin...
Aba Ginoong Maria
Luwalhati sa Ama

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ohl Mariang Kalinis-linisan, kasanta-santahang Birhen sa Lourdes! Sa pagnanais ko


pong magawa ng buong paggalang at kaningasan ng loob ang pagsisiyam na ito, at
umalinsunod sa matamis ninyong anyayang ginawa sa lahat ninyong mga anak, noong
tawagin po ninyo ang mapagkumbabang loob na si Bernardita, nagpapatirapa po ako
mahal ninyong paanan at aking didinggin isasaloob ang inyong sasabihin, tuloy
ipagsakdal yaring mga pangangailangan nagmamakaawang inyong kalingain. Huwag po
ninyo akong akong itakwil, Inang kaibig-ibig, kahima't di ako karapat- dapat, ang
lingapin po lamang ninyo ay yaring pagsisising taglay ko dahil sa aking
pinapagdalamhati ang puso ninyong Ina at pinapanariwa ang hirap at sakit na dinalita ng
inyong mairuging Anak. Dinggin po ninyo ang hibik niyaring aking mga karaingan, at
ako'y inyong saklolohan dito sa buong pagsisiyam na ito, sapagkat panata ko nang
pakalinisin sa mga araw na ito yaring kaluluwa upang makamtan ang tanging biyaya na
hinihiling ko sa Diyos na lubos na makapangyarihan. Siya nawa.
PANALANGIN SA BAWAT ARAW

Panalangin sa Unang Araw

Oh! Mariang Kalinis-linisan! Hiniling po naming sa inyo ang grasyang ikalalago ng


aming pananampalataya at iniaamo po namin ng buong kapakumbabaan sa inyo na
inyong ipagkamit ng isang sinag ng ilaw sa langit ang mga nagupiling sa kadiliman ng
kasalanan. Palaganapin po ninyo ng lalo't lalo ang kahairan ng Diyos, ilayo sa amin ang
tanang maling aral, at gawin po ninyo na ang sangkapuluang Pilipinas, at lalong lalo na
ang Ciudad na ito ay huwag paraya sa mga malasong turo ng mga kaaway ng Diyos at
alagad ng impiyerno. bagkus nganing ariin ng mga nananahan dito sa Pilipinas na ang
lalo nilang dakilang karangalan ay ang mabuhay sila sa tunay na pananampalataya at sa
laging pagkaanib at pagtalima sa Santa Iglesia Romana hanggang sa huli niyang paghinga.
Dahil sa pakay na ito dinarasal po namin sa inyo ang mga Aba Ginoong Maria at ang
mga karaingan kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!

Panalangin sa Ikalawang Araw

Oh! Birheng kalinis-linisan! Pasiyang lubos na tutuparin ko itong matibay na tika ng


aking loob na di ko pababayaang dumaan ang isang araw na di ako manalangin o
magdasal man lamang ng Santo Rosario. Ngunit ang aking kahinaan at karupukan, kundi
po ninyo tulungan, ay totoong malaki at lubhang mapanganib. Naninimdim po yaring
puso na kundi ninyo saklolohan, ako ay mawawalan ng kasaysayan at mapapagayon
lamang ang aking panata. Ipagkamit po ninyo ako ng grasya, hindi lamang ng kayo'y
aking mapuri sa paraan nitong banal na gawang pagsasanay, kundi naman nang tamuhin
ko ang mahalagang biyayang pagkahilig ng loob sa pag-oorasyon (Espiritu de Oracion)
alang-alang sa pagsinta po ninyo sa kagalang-galang na Puso ni Hesus, at nang matamo
namin ang kahilingang ito, dinadasal po namin sa inyo ang mga kasunod na Aba Ginoong
Maria at pagmamakaawa.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!
Panalangin sa Ikatlong Araw

Birheng kasanta-santahan sa Lourdes! Sa kilala ko po sa mga di maulatang biyaya na


alang-alang sa inyong pamamagitan ay aking kinamtan, at lalong-lalo dahil sa inyo pong
pagpanaog dito sa lupa mula sa langit upang ako'y tawagin, muling umaalalay po ako sa
paglilingkod sa inyo at inihahandog ko ang buong kasangkapang ipinangyayari ng aking
kaluluwa at ikinararamdam ng aking katawan, iibigin kong makalilibong mamatay na
muna bago magkasala sa inyo pong kamahal-mahalang Anak, na aking Mananakop at
tanang aking kabutihang ligaya. Pagtibayin po ninyo yaring magandang aking nais at
gawin po ninyo, na ako'y maging inyong tapat na tagapaglingkod dito sa lupa, upang
ako'y makipaghari diyan sa langit. At nang makamtan namin ang kahilingin ito, binabati
po naming kayo ng tatlong Aba Ginoong Maria pagmamakaawang kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!

Panalangin sa Ika-apat na Araw

Oh! Ina ng magandang pag-ibig! Ipagtamo po ninyo kami sa inyong Kamahal-mahalang


Anak, ng isang pusong malinis at nag-aalab sa ningas ng pagsinta sa Diyos upang sa
pagkahabag namin sa karalitaang kinasadalakan ng mga makasalanan, ay aming
pakadalangining madalas, na sila'y kasihan ng grasyang ikapagbalik loob nila sa Diyos.
Palaguin po naman ninyo sa aming puso ang tunay na banal na pag- ibig upang sa araw-
araw ay kapuotan naming ang kasalanan, at aming ibigin ang Diyos, hanggang sa kami ay
sumapit diyan sa kaluwalhatian ng langit na ligtas na sa lahat ng panganib at nang
tamuhin namin ang biyayang ito binabati po namin kayo sa mga Aba Ginoong Maria at
pagmamakaawang kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!
Panalangin sa Ika-limang Araw

Ina ng dilang habag! Alalahanin po ninyo na habang ang mundo'y nabubuhay, walang
makapagsasabi na mayroon po kayong pinabayaang di binigyan kaaliwan sa sinumang
dumulog sa inyo na nagmamakaawa ng buong kapakumbabaan, kalian ma'y di nadinig na
sa mga nagdaralitang humarap sa inyo, may pinabayaan kayong umalis na di binigyang
kagamutan. Sa pag-asa ko po sa kabutihang loob na ito nagsasakdal ako sa inyo, at kalian
man di ko naliligtaan ang pagdulog sa inyong pagkakandili kapag napapanganib yaring
kaluluwa na parang abang sasakyan na ibig ilubog ng malalaking daluyong ng sakuna't
kapighatian. Inaakala ko po yaring aking mga karaingan ay inyong didinggin at inaasahan
ko na sa panghihina ang aking loob, ay pasisiyahin kong matibay ang lalo't lalong
paglilingkod sa Diyos na Panginoon, upang maakit ang mga kapurihan ng Diyos diyan sa
langit. Upang ang aming tamuhin ang biyayang ito, binabali po naming kayo ng mga Aba
Ginoong Maria at mga pagmamakaawang kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!

Panalangin sa Ika-anim na araw

Sa aking pagpapatirapa sa harapan ng luklukan ng mga pagkaawa ng Diyos. Oh!


Mairuging Birheng Maria! Iniluluhog ko po ang ako'y patawarin at kahabagan.
Nagkasala ako, Diyos ko, dahil sa aking kahinaan laban po sa inyo, Amang magpakailan
pa man ay lubos na makapangyarihan, dahil sa aking kamangmangan, nagkasala ako
laban sa inyong Bugtong na Anak, karunungang walang hanggan; at nagkasala ako dahil
sa kasamaan laban sa Espiritu Santo; wagas na Kasantuhan, sa aking pagkakasalang ito
tinampalasan ko po kayo, kataas- taasang Santisima Trinidad. Ngayong aking napagkilala
ang pangangailangan ng tunay na pagsisisi, iniaamo ko po sa inyo na patawarin ako sa
mga nagawa kong sala at tikang matibay na loob ko na sa tulong po ng inyong grasya,
magbabago na ako ng buhay. At kayo po naman, Kasanta-santahang Birhen, yamang
kami'y inyong inaanyayahang magsisi't magbalik-loob, huwag po ninyo kaming
pabayaan; bagkus nganing ipagkamit ng lakas ng ipagsisi namin sa lahat ng kasalanan at
nang huwag na kaming muling magkasala, ay binabati po naming kayo ng mga Aba
Ginoong Maria at mga pagmamakaawang kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes, L: Ipanalangin mo kami!


Panalangin sa Ikapitong Araw

Oh! Kalinis-linisang Birhen sa Lourdes! Narito po kami sa mahal ninyong harapan,


tikang matibay ng loob naming kami'y dadalo sa inyo pong mga pagtawag, at
ipagkukumpisal namin ang tanang aming mga kataksilan, sapagka't lubos na po naming
kinapopootan ang tanang sala. Tulungan po ninyo kami, sapagkat ang aming kahinaa't
kaabahan ay totoong malaki, ipagkamit po ninyo kami ng grasyang ikapaging tunay at
mabisa ng aming tika, upang pagkalinis namin sa kasalanan makainom kami sa kahanga-
hangang bukal diyan sa kamahal- mahalang Sakramento, ng mabuhay kaming naaanib
kay Kristo, na aming kagalingan ngayon at magpakilanman pa man. Nang makamtan
namin ang biyayang ito, binabati po naming kayo ng mga Aba Ginoong Maria at mga
pagmamakaawang kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!

Panalangin sa Ikawalong Araw

Oh! Kalinis-linisang Birhen Maria! Yamang buhat sa unang sandali ng paglilihi po sa


inyo, kayo'y puspos ng kagandahan at walang karungis-dungis, ipagkamit po ninyo ako
ng kadalisayan ng kaluluwa't katawan at ng kalinisan sa lahat ng sala, upang ako'y
makadulog sa Kagalang-galang na Santisimo Sakramento sa altar. Kung ang isang
nauuhaw ay tumatakbong lumapit sa batis, upang maampat ang kanyang uhaw, lalong
masidhi ang uhaw na nararanasan ng aking kaluluwa, ang paglapit sa Kamahal-mahalang
Sakramento ng pag-ibig at ng kagandahang-loob. Gawan po ninyo ng paraan Birhen
Santa na makamtan ko ang gayong grasya, pagtanggap ko bukas sa kamahal-mahalang
Sakramento na kailan man ay huwag ng mawalay sa aking kaluluwa, sapagkat kung wala
si Hesus na aking buhay, aking magandang kapalaran at buo kong kaaliwan hindi
maaaring ako'y mabuhay at magkaroon ng kapayapaan. Maano nawa na ang lahat na ito
ay maging sa ikapapagaling ko, na siya kong ninanais sa pagsasakdal ko po at pagbati
ngayon sa inyo ng mga Aba Ginoong Maria.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!
Panalangin sa Ika-siyam na Araw

Kalinis-linisang Ina ng Diyos! Mataas na lubhang mga aral ang itinuro po ninyo sa amin
dito sa pagnonobenang ito; dakila't mairog na mga pag-aanyaya ang tinanggap naming:
ayaw na po kaming magpalamara at magpatigas ng loob. Panata po naming matibay ang
maglingkod sa Diyos, ibigin siya ng buong pag-irog ng aming kaluluwa at pintuhuin kayo
na para naming Ina. Ikintal po niyo ang mga karamdamang ito sa aming puso, upang
kailanma'y huwag naming malimutan, ipagkamit po ninyo kami ng grasyang
ikapananatiling lagi sa mga banal na kaisipang ito hanggang sa huling sandal ng aming
buhay, na marapat ngayon at sa lahat ng panahon na kami po'y inyong ampunin hanggang
sa kami at magkapalad na tamuhin naming maligaya doon sa langit, ang walang
hanggang mga kaluguran at kasayahan, na inihanda ng Diyos sa mga tunay na umiibig sa
Kanya. At ng lalong marapat na inyong tanggapin yaring aking mga panata, binabati ko
po kayo ng mga Aba Ginoong Maria at pagmamakaawang kasunod.

Aba Ginoong Maria…3x

N: Mahal na Birhen ng Lourdes,


L: Ipanalangin mo kami!
PANALANGIN NI SAN BERNARDO (MEMORARE)

Alalahanin po ninyol Oh!. Lubhang mahabaging Birheng Maria na kailanman ay di


narinig na sa mga napapaampon sa inyo, dumudulog sa inyong awa at humihingi ng
inyong tulong, ay mayroon kayong pinabayaan, dala ng pag-asang ito sa Inyo po naman
ako'y nagsasakdal, Oh! Birheng Ina ng mga Birhenes! At kahit ako'y nahibik sa ilalim ng
bigat ng aking mga sala, nangahas din akong lumagay sa inyong kagalang-galang na
harapan. Huwag po ninyong iwaksi, Ina ng Diyos, yaring nagpapakumbabang mga
pagmamakaawa, bagkus nganing inyo pong dinggin at marapating tanggaping
malumanay.
Siya Nawa.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES UPANG


PAGALINGIN ANG MGA MAY SAKIT

Oh! Kalinis-linisang Birhen ng Lourdes, Ina ng Diyos at Ina namin! Dumudulog kami sa
iyong harapan na may pusong punung-puno ng pighati at tumatagistis ang luha sa mga
mata, dito sa kapait-paitang sandall ng pagkakasakit, upang hilingin sa lyo na ilawit ang
mga kamay mo na punung- puno ng kayamanan ng lyong Anak. Di man karapat-dapat
kaming dinggin dahil sa aming mga kasalanan, ngunit alalahanin mo po ang sasabihin sa
lyo ng kasama ko po si San Bernardo, na kailan ma'y walang makapagsasabi na ang
bawat dumulog sa lyo ay pinabayaan mo Inang maawain! Inang kagaling- galingan!
Inang katamis-tamisan! Yayamang ang Diyos ay gumaganap dahil sa pamamagitan mo
ng walang bilang na pagpapala sa mga may sakit, doon sa kahanga-hangang grotto na
mapaghimala sa Lourdes, pinagaling ang mga may sakit. Kamtan nila nawa nila sa iyong
Anak na kay Hesus ang ninanasang kagalingan kung siyang lalong kapurihan ng Diyos,
lalo't higit kung makamtan naming lahat ang patawad sa aming mga kasalanan,
makapagtiis at malaayon sa lahat ang isang dakilang pagsinta na di magmamaliw sa
aming Diyos na nalilihim sa amin sa mga sanctuario ng altar.

N: Oh! Birhen de Lourdes, L: Ipanalangin mo kami!


N: Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, L: Ipanalangin mo kami
N: Mapagpagaling sa mga may sakit, L: Ipanalangin mo kami

(Tatlong Aba Ginoong Maria)


PANALANGIN

O Diyos! Yamang sa pamamagitan ng kalinis-linisang paglilihi sa Mahal na Virgen ay


hinandaan mo po ang iyong Anak ng isang tahahan, ipinagmamakaawa po namin sa lyo,
upang dahil sa pagdarangal na ginagawa. namin sa pagsipot ng naturang tahanan, ay
aming tamuhin, ang kagalingan ng aming kaluluwa't katawan alang-alang kay
Hesukristong Panginoon namin. Amen.

Namumuno: Mahal na Virgen ng Lourdes


Lahat: Ipanalangin mo po kami

PANALANGING PANGWAKAS SA ARAW-ARAW

Kalinis-linisang Poon at aking Ina alang-alang sa malaking pag-ibig na ipinakita po ninyo


sa mga tao, niyong marapatin ninyong kayo'y pakita doon sa isang bagol na yungib upang
maturuan ang mapalad na batang si Bernardita, ipinagmamakaawa ko po sa inyo, na
mangyaring aliwin yaring aking puso ng makapangyarihan ninyong tulong at pagpapala.
At yamang pinabalong po ninyo, Poan, doon sa yungib ng Lourdes yaong masaganang
bukal na malinaw at mapagpagaling nå tubig, sa sakit na dinadamdam ng katawan,
ibuhos po naman ninyo sa aba kong kaluluwa ang katamism-tamisan at mapagpalagong
tubig ng grasya, na ikapawi niyaring uhaw ko sa mga bagay na nauukol sa lupa, at
ikalinis ng aking kaluluwa upang marapat kaluwalhatian doon sa langit. sa
Siya Nawa.

You might also like