reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aralin 2: Pambansang Kita

KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA

Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems and Policies
(1999) ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng


produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o
kababa ang produksiyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang


direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o
pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.

3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano
sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performanceng bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang
magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-
paniwala.

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng


ekonomiya.
Gross National Income - Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo
na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.

Gross Domestic Product - Ito ay sumusukat sa kabuuhang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.

Mga Paraan sa pagsukat ng GNI

PARAAN BATAY SA PAGGASTA ( Expenditure Approach) formula: GNI= C + I + G +(X-M) + SD + NFIFA

a. Gastusing Personal (C)- napapaloob dito ang mga gastos ng mamamayan tulad ng
pagkain,damit,paglilibang atbp. Lahat ng gastusin nga mamamayan ay kabilang dito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)- kabilang ang mga gastos ng bahay kalakal tulad ng mga
gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksyon, sahod ng manggagawa atbp.

c. Gastusin ng pamahalaan (G)- mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong


panlipunan at iba pang mga gastusin nito.

d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M)- makukuha ito kung ibabawa ang iniluluwas o export sa
inaangkat o import.

e. Statistical Discrepancy (SD)- Ito ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkukuwenta na hindi
malaman kung saan ibibilang.

f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)- tinatawag ding net primary income. Makukuha ito
kapag ibinabawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhan
sa loob ng bansa.

PARAAN BATAY SA PINAGMULANG INDUSTRIYA (Industrial origin / value added approach)

Masusukat ang Gross Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuhang halaga ng
produksyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kung Isasama ang Net Factor Income
from Abroad o Net Primary income sa kompyutasyon ay masusukat din nito ang Gross National
Income (GNI) ng bansa.

Mga Pangunahing Industriya ng Bansa

• Sektor ng Agrikultura (A)

• Sektor ng Industriya (I)

• Sektor ng Serbisyo (S)


PARAAN BATAY SA KITA (Income Approach)

a) Sahod ng mga manggagawa- Ito yung sahod naibinabayad sa sambahayan mula sa mga
bahay-kalakal at pamahalaan.
b) Net operating surplus- Ito ay tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at
pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo.
c) Depresasyon - Pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at tuloy tuloy na
paggamit paglipas ng panahon.
d) Di-tuwirang buwis – Subsidiya
1. Di-tuwirang buwis - Ito ay pinapataw sa mga produkto o serbisyo na hindi
namamalayan ng mga tao na nababayaran nila.
2. Subsidiya - Ito ang salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan ng hindi
tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo.

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES GROSS NATIONAL INCOME

Current o nominal GNI - Kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng
takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.

Real GNI o GNI at constant prices - Kumakatawan sa kabuuhang halaga ng mga tapos na produkto at
serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan
ng paggamit ng batayang taon o base year.

Price Index- Sinusukat ang average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo. Malalaman
kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng price index.

Real constant prices GNI- Ginagamit upang masukat kung talagang may pagbabago o paglago sa
kabuuhang produksyon ng bansa nang hindi naapektuhan ng pagtaas ng presyo.

Growth Rate - Sumusukat kung ilang bahagdan ang nagging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon.

Limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita

• Hindi pampamilihang Gawain- Sa pagsukat ng pambansang kita hindi kabilang ang mga
produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan tulad ng pag-aalaga ng
anak, Paghuhugas ng pinggan , Pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran.

• Impormal na sektor- Mga Gawain na hindi nabibilang sa pambansaang kita bagamat may mga
produkto at serbisyong nabuo at may kinikitang salapi Ex. Black market, Pamilihan ng illegal na
droga, Nakaw na sasakyan at kagamitan, Illegal na pasugalan ,pagbebenta ng segunda manong
kagamitan, Vendora at marami pang iba.

• Externalities o hindi sinasadyang epekto- Ang hindi sinasadyanng epekto o externaalities ay


may halaga na kalimitang hindi nakikita sa pagsukat ng pambansang kita. Ex.Gastos ng isang
planta upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pambansang kita subalit ang
halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang sa pambansaang kita.

• Kalidad ng buhay- Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay pagbuti rin ng
katayuan sa buhay ng mga tao. Dapat tandan na ang karagdagang produkto at serbisyong nabuo
sa bansa ay hindi katiyakan ng kasiyahanng natamo ng isang indibidwal. Sa katunayan
maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ang nakatutulong sa pagbuti
ng pamumuhay ng tao tulad ng Malinis na kapaligiran, Mahabang oras ng pahinga, Malusog na
pamumuay, Sinusukat ng pambansang kita ang kabuuhang ekonomiya ngunit hindi ang kalidad
ng buhay ng tao.

You might also like