Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII
Schools Division of Northern Samar
CATARMAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Catarman III District
Catarman, Northern Samar
___________________________________________________________________________________________________________________________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ______________________________________ Grade at Seksyon: ____________________________ Petsa: _____________

GOD BLESS

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

I-PAGKILALA
1. Ito ay tumutukoy sa hindi patas o hindi makatuwirang pagtingin o pagtrato sa isang tao o grupo ng mga tao
dahil sa anyo, lahi, paniniwala o relihiyon, kasarian, gender o sekswalidad at iba pa.
A. Pang-aalipusta B. Diskriminasyon C. Inequality D. Imoralidad
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin na itinakda ng lipunan para sa mga lalaki o babae. Ito ay
natutunan, nakukuha, napag-aaralan at nahuhubog ng kultura, pamilya, gobyerno, relihiyo at media.
A. Gender B. Sex C. Sexuality D. Male at Female
3. Ito ay tumutukoy sa biyoholikal at pisikal na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
A. Gender B. Sex C. Sexuality D. Male at Female
4. Marahas o agresibong gawi sa loob ng tahanan. Paulit- ulit na pang-aabuso sa isang kasulukuyan o dating
asawa, kinakasama o anak.
A. Domestic Violence B. Sexual Abuse C. Sexual Harassment D. Sexaul Assault
5. Gawaing sekswal na may kapalit na kabayarang salapi o iba pang materyal na bagay na may halaga gaya ng
alahas at ari-arian o kapalit ng ibang pabor.
A. Prostitusyon B. Rape C. Sexual abuse D. Sex
6. Anumang berbal o pisikal na gawi na nasa uring seksuwal na hindi naman hinhingi ng isang tao. Kabilang diti
ang tinatawag na “unwelcome sexual advances” at “request for sexual favors. Pambabastos ang tawag nito sa
Filipino.
A. Domestic Violence B. Sexual Abuse C. Sexual Harassment D. Sexaul Assault
7. Kasalan o pag-iisang dibdib ng taong may magkatulad na kasarian.
A. Gay Couple B. Same-Sex Marriage C. Househusband D. gay lifestyle
8. Sila ay grupo ng mga primitibong tao sa Papua New Guinea kung saan sila ay mga walang pangalan, kapwa
ang mga babae at lalaki ay maalaga, matulungin, mapayapa at kooperatibo sa kanilang pamilya.
A. Arapesh B. Tchambuli C. Mundugamor D. Tasaday
9. Isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China sa pamamagitan ng pagbabali ng arko ng mga
babae upang hindi ito lumaki nang normal. Simbolo ng yaman, ganda at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal.
A. Foot Binding B. Catcalling C. Breast Ironing D. FGM.
10. Mula sa salitang Griyego na pornea (prostitusyon) at grapo (ilustrasyon). Tumutukoy sa malalaswang palabas,
babasahin at larawan.
A. Cybersex B. Pornograpiya C. Rated SPG D. Virtual World
11. Sila ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa parehong kasarian gayundin sa ibang
kasarian.
A. Lesbian B. Gay C. Bisexual D. Transgender
12. Ito ay isang proseso ng pagbabago ng ari ng kababaihan nang walang anumang benepisyong medikal.
Maaaring maging sanhi ng pagdurugo,impeksyon at kamatayn.
A. Foot Binding B. Catcalling C. Breast Ironing D. Female Genital Mutilation.
13. Ito ay isang uri ng kondisyon ng kasarian ng isang tao na kung saan siya ay may parehong kasarian ng
panlalaki at pambabae.
A. Queer B. Asexual C.Transgender D. Intersex/ Hermaprhodite
14. Ito ay anumang uri ng seksuwal na gawaing ginagawa nang labag sa kalooban ng biktima, kasama na ang
panghihipo, panggagahasa at tangkang panggagahasa, paninilip, pamboboso, exbitionism at pagkuha ng
litrato o video.
A. Domestic Violence B. Sexual Abuse C. Sexual Harassment D. Sexaul Assault
15. Ito ay isinusulong ng RH Law upang makatulong na magkaroon ng kabatiran ang ga mamamayan, lalo na
ang kabataan ukol sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng gobyerno at paaralan upang magkaroon ng tamang
pananaw sa responsableng pakikipagtalik.
A. Contraceptive Methods B. Sex Education C. Calendar Method D. Family Planning

II. Pag-unawa.
16. Bakit may mga insidente ng gang rape sa mga tomboy o lesbian sa ibang mga bansa sa South Africa?
A. Ito ay bahagi ng kanilang kultura. C. Ito ay kaparusahan sa kanilang pagiging lesbian.
B. Mababa ang pagtingin sa mga lesbian. D. Pinaniniwalang mababago ang kanilang oryentasyon.
17. Anong oryentasyon mayroon si Jay kung siya ay nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa
kapwa nya babae?
A. Asexual B. Gay C.Lesbian D. Transgender
18. Sa panahon ng Pre-kolonyal, ang mga lalaki ay pwedeng mag-asawa ng higit sa isa at maaaring bawiin ang ari-
arian na ibinigay niya sa kanyang asawa sa panahon ng kanilang pagsasama. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang mga lalaki at babae.
B. Ang mga babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang mga lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malaki ang karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan noon kaysa sa mga kababaihan.
19. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon ng pagsisimula ng pampublikong paaralan para sa mga kababaihan
at kalalakihan, mahirap o mayaman man. Nabuksan ang isipan ng mga kababaihan na hindi lamang bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.Anong ideya ang ipinahihiwatig sa panahon ng pagdating ng mga
Amerikano?
A. Nagkaroon ng ideya ang mga babae na ipaglaban ang kanilang karapatan.
B. Nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga mamamayan.
C. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan at pagkapantay-pantay sa Pilipinas.
D.Namulat ang isipan ng mga Pilipino sa mga ideya ng mga Amerikano.
20. Alin sa mga sumusunod ang malaking dahilan ng paglaganap ng prostitusyon sa Pilipinas.
A. Kahirapan B. Impluwensya ng kaibigan C. Pagkalulong sa droga D. Walang edukasyon
21. Bakit nararanasan ng mga LGBTQ ang diskriminasyon?
A. Bahagi ito ng kasaysayan.
B. Mahirap unawain ang mundo ng LGBT.
C. Itinuturing silang walang silbi.
D. Hindi pantay-pantay ang pagtingin ng lipunan sa iba’t ibang kasarian.
22. Ano ang pangunahing dahilan sa pagkamatay ng mga kababaihan sa panganganak?
A.Dahil sa di tamang pagbubuntis. C. Malnutrisyon ng babaeng buntis.
B. Dahil sa pagpapalaglag D. Kahirapan sa buhay at pagkabuntis nang wala pa sa
tamang edad/
23. Ano ang ibig sabihin ng “LGBT Rights are human rights”?
A. May pantay na karapatan ang lahat ng tao. C. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao.
B. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa mga karapatang pantao
24. Layunin ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
HINDI layunin ng CEDAW.
A. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkapantay-pantay sa kababaihan.
B. Nilalayon nito na maging pabor ang lipunan sa mga kababaihan sa lahat ng pagkakataon.
C. May responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
D. Hinahamon nito na baguhin ang stereotype, tradisyon at mga gawain na nagdidiskrimina sa mga
kababaihan.
25. Ang RA9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay binuo upang bigyang proteksyon
ang mga kababaihan at mga bata. Alin sa mga sumsunod ang HINDI sinasaklaw ng kahulugan ng women sa ilalim ng
batas?
A. Kasalukuyan o dating asawa. C.Babaeng nagkaroon ng anak sa isang relasyon
B. Babaeng walang karelasyon at mga anak D.Babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki
26. Ang RA9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay binuo upang bigyang proteksyon
ang mga kababaihan at mga bata. . Alin sa mga sumsunod ang HINDI sinasaklaw ng kahulugan ng children sa ilalim
ng batas?
A. Mga anak ng babaeng inabuso.
B. Mga anak na wala pang 18 taong gulang, lehetimo man o hindi.
C. Hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga
D. Mga anak na may edad na 18 taong gulang at pataas na may kakayahan alagaan at ipagtanggol ang sarili.
27. Paano isinusulong ng RH Law ang kapakanan ng mga kababaihan?
A. Pagbibigay hanapbuhay sa mga kababaihan.
B. Labanan ang diskriminasyon sa kasarian sa lipunan.
C. Libreng edukasyon para sa mga kababaihan.
D.Kompletong pisikal at mental na kagalingan ng mga ina, maternal care at kabatiran sa pagpipigil ng
pagubuntis.
28. Layunin ba ng RH Law na kontrolin ang populasyon?
A. Oo, upang matugunan ng bawat pamilya ang mga pangangailangan.
B. Oo, upang maibsan ang kahirapan.
C. Hindi, dahil layon nito na magkaroon ng population development.
D.Hindi, dahil ito ay lumalabag sa karapatang pantao.
29. Si Jane ay hindi tinanggap sa trabaho na kanyang pinag-aplayan sa kabila ng pagiging qualified niya. Anong salik
ng diskriminasyon ito?
A. Diskriminasyon sa relihiyon C. Diskriminasyon sa trabaho.
B. Diskriminasyon sa edukasyon D. Diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan
30. Ang mga sumusunod ay mga pananaw na nagpapahintulot (sang-ayon) sa pagsasalegal ng same-sex marriage
maliban sa isa.
A. Ang same –sex marriage ay isang karapatang pantao.
B.Ang legalisadong same-sex marriage ay maaaring maging isang malaking tulong sa mga bahay-ampunan.
C.Wala raw mali sa same-sex marriage kung nagmamahalan naman ang dalawang tao.
D.Ang pagsasama ng magkaparehong kasarian ay maaaring magdulot ng trauma at kalituhan sa mga bata.

III. Aplikasyon. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag. Piliin ang titik ng tamangsagot na nagpapakita
ng tamang aksyon sa bawat aksyon.
31. Kung ikaw ay kabilang sa organisasyon ng inyong paaralan at nakasaksi ka ng mga panlalait sa miyembro ng
LGBT, ano ang nararapat mong gawin?
A. Makialam at sumama sa panlalait sa kanila.
B. Hayaan na lang sila dahil hindi ka naman kabilang sa LGBT.
C. Pagsasabihan ang mga kamag-aaral at gagantihan ng paglalait.
D. Payuhan na huwag ng uulitin ang mga panlalait dahil lahat tao ay may damdamin at pantay na karapatan.
32. Kung ikaw ay isang miyembro ng LGBT, ano ang pwede mong gawin upang higit na maitaas ang dignidad ng
iyong grupong kinabibilangan?
A. Magkaroon ng programa tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
B. Bigyan ng atensyon ang sarili at huwag ng pansinin ang iba.
C. Maging magandang halimbawa o modelo sa bawat isa.
D. Ipagmalaki ang sarili sa iba.
33. Bilang isang babae, paano ka makakaiwas sa seksuwal na pang-aabuso?
A. Ugaliing maging alerto sa mga nagaganap sa paligid.
B. Maging palakaibigan kahit sa mga estranghero.
C. Maging kampante na kasama ang nobyo kahit sa mga alanganing lugar.
D. Magsuot nang pang-seksing damit basta alam mo kung paano dadalhin ito upang hindi mabastos.
34. Bilang isang kabataan, paano mo hihikayatin ang iyong kapwa kabataan upang hindi masadlak sa mundo ng
prostitusyon?
A. Turuan ng mga libangan sa social media at mobile games upang may mapaglibangan.
B. Impluwensiyahan na sumali sa mga dating apps.
C. Payuhang mag-aral nang mabuti at hikayatin na sumali sa mga organisasyong makatutulong mapaunlad
ang kanyang talent at kakayahan.
d. Isali sa grupo na tanging mga kapwa babae at lesbian ang magiging kababaihan.
35. Paano mo ipaglalaban ang iyong sarili laban sa akusasyon ng mga kalalakihan na ang mga kababaihan ang
unang nagbibigay ng motibo (pagsusuot ng mga seksing pananamit) upang mabastos?
A. Sadyang likas na sa panahon ngayong ang mga lalaking walang respeto sa mga babae.
B. Ang kasuotan, kilos, o kahit anong aspeto ng isang tao ay hindi nagbibigay ng karapatan sa sinuman na
abusuhin ang mga kababaihan.
C. Ang pagsuot ng mga kababaihan ng seksing kasuotan ay nakakapagdaragdag ng self-confidence.
D. Ang mga kalalakihan ay talagang madaling magkaroon ng atraksyon sa mga babae kaya nambabastos.

IV. Pagsusuri. Suriin kung anong uri ng pang-aabuso ang mga sumusunod a sitwasyon o pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

A. Physical Abuse B. Emotional/ Psychological Abuse C. Sexual Abuse D. Economic Abuse

36. Pinasok sa mundo ng prostitusyon si Kyla ng kanyang ka-live in partner.


37. Hindi pinapayagang magtrabaho si Rose ng kanyang asawa kahit kapos sila sa budget.
38. Walang awang pinagbubugbog si Kaye na adik niyang asawa.
39. Nahuli ni Brenda na may kalaguyo ang kanyang asawa.
40. Pinagbantaan na papatayin si Lara ng dati niyang asawa kung magsumbong ito sa kanyang mga magulang.
41. Sinabihan si Aya ng kanyang kasintahan na magpapakamatay kung makikipaghiwalay siya.
42. Gutom ang inabot ng kanyang pamilya sapagkat hindi nagsusustento ang ama.
43. Pinipilit si Luna na manood ng malaswang palabas ng kanyang step father.
44. Ayaw payagan si Girlie na makipagkita sa kanyang mga magulang at malapit na kaibigan.
45. Gusto sanang bumili ng bagong damit ni Rose ngunit hindi niya ito magawa sapagkat kinokontrol ito ng
kanyang kinakasama ang kanyang sariling pera.
46.
V. Ebalwasyon.
46. Bakit kinakailangang magkaroon nang pantay-pantay na karapatan ang lahat ng tao ng tao kahit ano pa ang
kanilang kasarian?
A. Dahil lahat ng tao, anuman ang kasarian ay mabubuti.
B. Dahil ito ay ipinaglalaban ng mga kilalang personalidad
C. Dahil lahat tayo ay mamamayan ng ating sariling bansa.
D. Dahil ang lahat, anuman ang kasarian ay dapat igalang at pahalagahan.
47. Ang mga batas tulad ng Anti-Violence Againts Women at Magna Carta of Women ay makakatulong upang__.
A. Upang sumigla ang kalakalan ng bansa.
B. Upang maitaguyod ang lahat ng ninanais na gawin ng isang tao.
C. Upang magkaroon ng oportunidad sa trabaho ang lahat ng anuman ang kasarian nito.
D. Upang maitaguyod ang pagtanggap, paggalang at pagkapantay-pantay ng tao bilang isang kasapi ng
pamayanan.
48. Ang breast ironing at female genital mutilation ay mga kaugalian sa ilang bansa sa Africa. Ipinaliliwanag na ang
pagsasagawa nito ay kultura na kanilang pamayananan at ang kapakanan lang ng mga kababaihan ang iniisip kaya
ito isinasagawa upang mapanatiling walang bahid dungis, maiwasan ang maagang pagbubuntis, mahinto sa pag-
aaral at maiwasang magahasa. Paano mailalarawan ang kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag ng karapatan ng mga kababaihan at ang pagsasagawa nito ay
nag-ugat sa maling paniniwala.
B. Kasakiman ng tungkulin ng mga kalalakihan.
C. Ang kanilang kaugalian ay nagdulot ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno lipunang kanilang ginagalawan.
49. Maituturing ba na panggagahasa o rape ang pamimilit ng isang lalaki sa kanyang asawa?
A. Hindi, sapagkat ito ay obligasyon ng babae sa kanyang asawa.
B. Hindi, sapagkat pangangailangan ito ng mga kalalakihan.
C. Oo, sapagkat ang mga babae ay may karapatang umayaw.
D. Oo, sapagkat ang pahintulot ay isang pangunahing aspeto ng anumang sekswal na aktibidad, at ang
kawalan nito ay nagiging dahilan ng paglabag sa karapatan ng isang tao.
50. Bakit nagaganap ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso?
A. Dahil sa kawalan ng respeto at karapatan ng iba at maling paniniwala tungkol sa kapangyarihan.
B. Naabuso ang ibang kababaihan sapagkat sila mismo ang nagpapakita ng motibo.
C. Dahil sa pagkalulong sa bisyo.
D. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Inihanda ni:

ANALYN VIBAR- ALBINA


Secondary School Teacher III

IRENE TIDO- GARABEL


Secondary School Teacher III

Iniwasto: Itinala ni:

NOIME ANACTA- PINANGAY FLORENDA SABILAO- CASCANO


Master Teacher I Head Teacher II, Department Head

You might also like