DLP VALUES W3 D 1 - 2 (SEPTEMBER 18 - 22, 2023)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

National Capital Region


Division of Taguig City and Pateros
Cluster VI
KAPT. JOSE CARDONES INTEGRATED SCHOOL
Teacher: Jonathan M. Briagas Grade level: VIII
Grades 8
DAILY LESSON School: Kapt. Jose Cardones Integrated School Learning Area: ESP
PLAN
Teaching date: Day 1 & 2 (September 18 & 22, 2023) Quarter: First

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na


institusyon ng lipunan.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa


pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.

I. Mga Sanayan sa Pagtuturo:


Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa. (EsP8PB-Ib -1.3)

II. Mga Nilalaman: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

III. Mga Kagamitan sa Pagtuturo:


References: Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 95-98
Materyales: Video Clip mula sa Internet, LCD projector, laptop, paper, pen.

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Oryentasyon
2. Pagganyak:
Sabihin kung ang pangungusap ay tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.
__________1. Sa magulang unang nakikita ng mga anak ang tamang kahulugan
ngpagmamahal.
__________2. Ang pagsusuot ng mask at pagsunod sa social distancing ay
pampolitikang papel ng pamilya.
__________3. Hindi na kailangang magpakasal upang tumibay ang pamilya.
__________4. Wala sa layunin ng pamilya ang pag-aanak.
__________5. Sa pamilya nagsisimula ang lipunan.

3. Balik-Aral:
Panuto: Sa loob ng ating pamilya ay kinakikitaan ng pagmamahalan, pagtutulungan
at pananampalataya. Suriin kung may umiiral na pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya sa isang pamilya sa mga sumusunod na sitwasyon na dinaranas sa
panahon ng matinding dagok sa buhay katulad ng pandemya. Isulat ang Oo sa
patlang kung may umiiral na pagmamahalan, pagtutulungan o pananampalataya sa
mga sumusunod na sitwasyon at Hindi naman kung wala.
__________1. Gumawa ng facemask si Gng. Reyes mula sa pira-pirasong tela na
mayroon sila upang maibenta ito online at maidagdag sa pambili ng pagkain.
__________2. Nagtanghal si Gary V. ng libreng konsiyerto online upang makalikom
ng salapi para makatulong sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.
__________3. Nagtinda ng tingi-tinging bote ng alkohol si Marvin sa halagang mas
mataas kaysa sa tamang presyo nito upang makalikom ng malaking tubo mula sa
maliit na puhunan.
__________4. Gusto ni Mark na makabili ng bagong laptop upang may magamit sa
darating na pasukan kaya pinahiram siya ng pera ng kanyang kuya sa kasunduang
bibigyan niya ito ng malaking tubo kapalit ng perang pinahiram.
_________5. Natigil sa pagpasada ng Grab si Raul dahil sa ECQ. Maging ang
kaniyang asawa ay hindi na din nakapagtinda sa kanilang puwesto sa palengke.
Umaasa na lamang sila sa tulong na dadating mula sa lokal na pamahalaan at sa mga
kaibigan na di nakakalimot magbigay ng mga sobrang pagkain sa kanila.

4. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:

Batay sa ating balik-aral ano ang pinakatampok na paksa sa araling ito? Tiyak na
ito’y iyong mahuhulaan. Punan ang kahon ng letra na tutugon sa tamang sagot.

Pagsusuri:
a. Ano ang salitang nabuo mo sa kahon?
_______________________________________
b. Ano pa ang ibang konseptong batid mo na nakapaloob sa salitang ito?
_________________________________________________

5. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1:

Ang pamilya bilang isang natural na institusiyon. Ano nga ba ang


kahulugan nito?
• Natural- likas, o sadyang inaasahan na orihinal
• Institusiyon- isang organisasiyon o lipunan na pinatatag ng isang misyon
• Ang pamilya ay likas na organisasiyon o lipunan na pinatatag ng isang misyon.

May mga paniniwala kung bakit ang pamilya ay isang likas na institusiyon at ito ang
tatalakayin natin sa bahaging ito ng ating aralin.

B. Talakayan:
1. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng bagong
Kasanayan #2:

Subukin ninyong buuin ang mga kaisipang ipinahihiwatig na ipapakita sa telebisyon


na bawat grupo ng mga salita sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang salita sa
bawat patlang upang mabuo ang mga paniniwala kung bakit ay pamilya ay isang
likas na institusiyon.

1. Pagsasanay 1 (Guided Practice):

Panuto: Ang mga sumusunod ay iba’t ibang sanhi ng mga gawaing nakapaloob
sa konteksto ng isang pamilya. Tumukoy ng isang posibleng maging bunga nito
sa pamilya at sa kasapi nito.
2. Pagsasanay 2 (Independent Practice):

Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga kaisipang natutuhan
mula sa aralin. Magsulat ng isang salita sa bawat bilohaba na tumutukoy sa
iyong sagot tungkol sa pamilya bilang natural na institusiyon.

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat sa Aralin:

Panuto: Sa panahon ng mabigat na pagsubok tulad ng dinaranas ng bawat isang


pamilya ngayon dulot ng pandemya, ano-ano ang mga naging reyalisasyon mo
tungkol sa iyong pamilya? Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng
paglalagay ng sarili mong saloobin sa bawat bilang.

1. Dahil sa Covid 19, nadiskubre ko na_____________________________.


2. Sa haba ng aking naging bakasyon, naramdaman kong
____________________________________________________________________.
3. Nasaksihan ko ang mga __________________________________________ ng
aking magulang sa araw-araw.
4. Nagawa kong __________________________________________________
habang nagtitiis sa loob ng bahay para lamang hindi mabagot.
5. Ipinakita sa akin ng Diyos na siya ay_______________________________.

2. Tahayin:
Sa panahon ng pandemya, paano naipakita ng bawat miyembro ng
inyong pamilya ang pagmamahalan at pagtutulungan? Buuin ang
pangungusap batay sa iyong sariling pananaw mula sa araling
tinalakay.

Ang pamilya ay natural na institusiyon ng pagmamahalan at


pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad sa sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa dahil
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________.

V. Takdang Aralin:

Sa iyong palagay, paano mo nakakamit sa sarili mong pamilya ang


pagmamahal at pagtutulungan? Pumili ng isang kasapi ng iyong pamilya na
maari mong sulatan upang ipadama sa kaniya ang mahalagang papel na
ginagampanan niya sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Padalhan mo siya ng
liham gamit ang anumang uri ng social media. Lakipan ng sagot ang mga
sumusunod:

a. Petsa ng pagsulat-___________________________
b. Pangalan ng ginawan ng sulat-_______________
c. Uri ng social media na ginamit- _______________
d. Maikling tugon ng sinulatan
(Isulat ang buod ng naging tugon sa iyo):
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

VI. Pagninilay:

Bilang ng mag-aaral na Bilang ng mag-aaral na


Bilang ng mag- nakakuha ng 80% sa nangangailan ng iba
Pangkat aaral pagtataya. pang gawain para sa
Remediation

Garnet

Prepared by: Checked by:


Jonathan M. Briagas ERWIN S. FORCADO
Teacher I Master Teacher I

Recommending Approval: Approved by:

DR. ROMEO O. OLALO Bernadeth D. Bautista


Principal III Public Schools District Supervisor
Cluster VI

You might also like