Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TEKSTONG NARATIBO

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari


sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na
may maayos na pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.

MGA LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:


1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-aliw
at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.

MGA HALIMBAWA:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan,
anekdota, parabula, science fiction

PANGKALAHATANG KATANGIANG TAGLAY NG BAWAT


URI NG TEKSTONG NARATIBO
A.May Iba’t Ibang Pananaw O
Punto De Vista (Point Of View)
sa Tekstong Naratibo

1.Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay


ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ako.

2.Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang


pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.

3.Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng


isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa labas siya sa
mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
a. Maladiyos na panauhan- nababatid niya ang galaw at iniisip ng
lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan
at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito
sa mga mambabasa.

b. Limitadong panauhan- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa


sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

c. Tagapag-obserbang panauhan- hindi niya napapasok o nababatid


ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang
mga nakikita o naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang
ang kaniyang isinalaysay.

4.Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi lang iisa ang


tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga
pangyayari ay sumasakop ng mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata.

B.May Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng mga Tauhan sa Kanilang


Diyalogo, Saloobin, at Damdamin sa Tekstong Naratibo

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay direkta o tuwirang


nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin.
Ito ay ginagamitan ng panipi.
Hal: “Donato, kakain na ,Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-
abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan, “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba
talaga ang balak mo, ha? ”
2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang
naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong
uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Hal: Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga
ang balak niya.

C.May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo


1. Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang
pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.

 Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan


o Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
o Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil
sa kaniyang pagkilos o pagpapahayag
 Karaniwang Tauhan

o Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga


pangayayari sa kuwento simula hanggang sa katapusan
o Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga
ng pangunahing tauhan
o Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat
o kalaban ng pangunahing tauhan
o Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.

 Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E. M., Froster


o Tauhang Bilog (Round Character)- Isang tauhang may
multi-dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
o Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang nagtataglay ng
iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o
predictable.

2. Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng


mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at
maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang, takot, romantikong
paligid, matinding pagod, kalungkutan at iba pa.

3. Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga


tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

 Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo


o Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan
maipakilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or
introduction)
o Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga
tauhan partikular na ang pangunahing tauhan (problem)
o Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa
pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin (rising action)
o Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang
kasukdulan (climax)
o Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o
kakalasan (falling action)
o Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

 Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi Nakaayos Sa Tamang


Pagkakasunod-Sunod
o Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
o Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
o Ellipsis- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay
na tinanggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema - sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo

Tekstong Naratibo
Alam natin na ang alamat, nobela ,pabula ,kwento ay ilan lamang sa mga halimbawa
ng tekstong naratibo . Ang lahat din ng mga ito ay akdang piksyon , subalit hindi lahat
ng naratibo
ay piksyon .Mayroon din tayong tinatawag na di-piksyon .Halimbawa, sumulat ka ng
kasaysaysan ng iyong buhay o ng iyong pansariling talambuhay. Ikaw ay tiyak na
magkukuwento tungkol sa iyong pagkatao na naaayon sa katotohanan . Sa bawat araw
sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento
niya sa iba.
Ang tekstong naratibo ay katulad ng isang pagkukuwento ng mga pangyayari
ayon sa wastong pagkakasunud-sunod mula sa simula hanggang sa katapusan. May
layunin itong makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nagbibigay-aliw
o saya .Nakapagturo ito ng kabutihang-asal at mga pagpapahalagang pangkatauhan.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo
at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang sinasalaysay. May iba’t ibang uri ng
naratibo ngunit may iisang pagkakapareho : ang bawat isa ay nagkukuwento.
May mga katangian ang tekstong naratibo ,subalit ang tinatalakay natin ay
ang pangkalahatang katangiang taglay ng bawat uri ng tekstong naratibo. Ito ay ang
sumusunod:
A. May iba’t ibang pananaw o punto de vista ang tekstong naratibo
B. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo ,saloobin, o damdamin ang
tekstong naratibo
C. May mga elemento ang tekstong naratibo
Bawat pangkalahatang katangiang ito ay may mga bahagi na
maayos na inilalahad at ipinaliwanag sa mga mag-aaral. Nilakipan pa ito ng
pagbibigay ng kahulugan at mga halimbawa upang matamo ang kaalaman sa
aralin. Bukod sa mga halimbawang ipinakita , ang mga mag-aaral ay binigyan
din ng iba’t ibang gawain at pagsasanay upang mailalapat ang natutuhan sa
pagtamo ng mga kasanayang mapapakinabangan bilang mag-aaral.

Halimbawa ng tekstong naratibo


ALAMAT NG LITSON
Noong panahon na bata pa ang sibilisasyon, ang magkauring tao ay
namumuhay ng sama-sama sa isang tribu. May isang pamayanan ng mga
Intsik na namumuhay ng masaya at mapayapa.

Ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan at nagbibigayan. Makikita


mo sa kanila ang kasipagan. Ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop
ang pangunahing hanapbuhay ng mga intsik sa pamayanang iyon.

Bawat pamilya ay nagtatanim ng iba't ibang uri ng gulay, gayundin


ang pag- aalaga ng iba't-ibang uri ng hayop tulad ng baka, manok at baboy.
Ang mga intsik ay mahilig sa baboy kaya minabuti nilang mag-alaga ng
maraming baboy.

Hanggang sa dumating ang araw na ang tribu ay napuno ng


maraming baboy. Napagkaisahan ng kanilang pinuno na gumawa ng
malaking kulungan at pagsama- samahin ang mqa alagang baboy.

Isang araw, nasira ang kulungan. Maraming baboy ang nakatakas at


tumakbo palayo. Nagkagulo ang mga tao sa nakawalang mga alaga.

Sa pagmamadaling iyon, isang ginang ang nakaiwan ng kanyang


lutuin na lumikha ng sunog sa buong tribu. Kasama sa naabo ay ang mga
naiwan pang baboy.

Nanlumo ang mga tao ng magbalik sa kanilang tribu.

Naging abo ang kanilang mga tahanan. Wala kahit ano man, liban sa
mga nahuli nilang baboy.

Maya-maya'y may naamoy sila, isang napakasarap na amoy.


Sinundan nila ang pinagmulan ng amoy at namangha ang lahat nang
malaman nila na sa nasunog na baboy pala galing ang katakam-takam na
amoy.

May isang matabang babae ang hindi nakapagpigil. Kumurot ito ng


kapirasong balat at laman ng nasunog na baboy. Ganoon na lang ang
kanyang katuwaan ng matikman niya ang napakalinamnam na lasa nito.
Nahikayat din ang iba at tumikim, hanggang ang bawat isa ay kumakain na.
Ang mga tao sa tribung iyon ay naging masayang muli.Ipinagbili nila sa
ibang

tribu ang mga baboy na nasunog. Simula noon, ang pagbebenta na ng lutong
baboy ang malakas na pinagkakakitaan ng pera para sa mga Intsik.

Di nagtagal, lalo pang umasenso ang tribu. Salamat sa nasunog na baboy.

Hanggang ngayon ayon sa marami, hindi raw kumpleto ang handaan


kapag walang nakahain na LITSON.
SIMULA

SULIRANIN/
WAKAS
SAGLIT NA KASIGLAHAN

KAKALASAN KASUKDULAN

You might also like