Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANDIBISYONG IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Filipino 5
Panuruang Taon 2023-2024

Pangalan: __________________________________________Seksyon: _______________


Guro: ____________________________Paaralan: _________________Iskor: _________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong o pahayag sa bawat


bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang na katabi ng bilang.

Para sa bilang 1-2

(1) Ang pagbabasa ay isang gawaing kapaki-pakinabang. Marami kang matututunan


kapag mahilig kang magbasa. (2) Puwede kang dalhin nito sa ibang lugar at palawakin ang
iyong kaalaman. (3) Kaya, palaging iminumungkahi sa inyo na kabataan na gamitin ang mga
libreng oras sa pagbabasa ng mga aklat o mga babasahing makadagdag ng iyong kaalaman.
(4) Sadyang napakasuwerte ng batang marunong magbasa kumpara doon sa walang alam sa
pagbabasa. (5) Ang hindi marunong magbasa ay madaling maloko, maligaw, ma-bully, hindi
makagagawa ng takdang- aralin at nahihirapan sa mga pagsusulit. (6) Kung sakaling
mayroon kang kilalang bata na hindi marunong magbasa, tulungan mo siya.
Isinulat ni Analyn C. Balanon
Master Teacher I,
Catarman II Central School Northern Samar Division

_____1. Alin sa sumusunod ang benepisyong makukuha mula sa pagbabasa?


A. Nakapagbibigay ng stress B. Nagpapalawak ng kaalaman
C. Nababawasan ang bokabularyo D. Nakapagpapalito sa mga babasahin
______2. Ang sinalungguhitan bahagi ng pangungusap bilang apat (4) ay nagsasaad ng ____.
A. Sanhi B. Bunga C. Problema D. Solusyon
Para sa bilang 3-6
Panuto: Basahin ang usapan ng magkakaibigan at suriin ang mga pangungusap na
kanilang ginamit sa pagpahahayag ng saloobin.

Arvy: Napanood niyo na ba ang balita tungkol sa bakuna laban sa CoVid-19 virus?
Robelle: Dumating nan ga raw ang napakaraming trak na nagkarga ng mga bakuna para sa lahat ng Pilipino.
Wilson: Naku, parang ayoko yatang magpabakuna! Baka magiging zombie tayo niyan!
Khiarra: Maari kayang huwag na tayong isali sa bakuna?
Arvy: Hindi naman siguro magdudulot ng kapahamakan sa atin ang pagpapabakuna. Hwag na kayong matakot.
Robelle: Oon ga. Manalig lang tayo at magtiwala.

Sariling katha ni: Rosemarie B. Sagum


______3. Anong uri ng pangungusap ang ginamit ni Arvy sa una niyang pahayag?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
______4. Kaninong pahayag ang may masidhing damdamin?
A. Arvy B. Robelle C. Wilson D. Khiarra
______5. Sa pahayag na, “Huwag na kayong matakot.” Anong bantas ang ginamit?
A. Tuldok B. Tutuldok C. Tandang pananong D. Tandang padamdam
______6. Anong uri ng pangungusap ang ginamit ni Robelle sa kaniyang unang pahayag?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
_____7. Ito ang dokumentaryo na nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na
nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kaniyang film
subject, upang mas higit itong maging makatotohanan.
A. Dokumentaryong Pantelebisyon B. Dokumentaryong Pampelikula
C. Dokumentaryong Pampalakasan D. Dokumentaryong Pampatalastas
_____8. Bakit ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong
pampelikula?
A. Ito ay nagpaliliwanag kung paano binubuo o ginagawa ang isang pelikula.
B. Ito ay nagpaliliwanag kung ano ang pagsisimula ng pelikula.
C. Ito ay nagpaliliwanag kung ano ang katapusan ng pelikula.
D. Ito ay nagpaliliwanag kung bakit may pelikula.
_____9. Paano nagkakaiba ang dokumentaryong pampelikula at dokumentaryong
pantelebisyon?
A. Ang dokumentaryong pampelikula ay ekspresiyong biswal na nagtatampok ng
katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan habang ang
dokumentaryong pantelebisyon ay mga programa o palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo, mapanuri at masusing pinag-aralang proyekto o
palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
B. Ang dokumentaryong pampelikula ay may mga paksang may kinalaman sa kultura
at pamumuhay ng mga tao habang ang dokumentaryong pantelebisyon ay may
layuning magbigay impormasyon, manghikayat, at magmulat ng mga kaisipan
tungo sa kamalayang panlipunan.
C. Ang dokumentaryong pampelikula ay hindi ginagamitan ng ICT habang ang
dokumentaryong pantelebisyon ay ginagamitan ng ICT.
D. Ang dokumentaryong pampelikula ay may layuning aliwin ang mga manonood
habang ang dokumentaryong pantelebisyon ay palaging tumatalakay sa mga
patalastas ng produkto lamang.
_____10. Ano ang parehong kaisipan ng dokumentaryong pampelikula at pantelebisyon?
A. Ang dalawang dokumentaryo ay magkatulad sapagkat ito’y parehong paborito ng
karamihan.
B. Ang dalawang dokumentaryo ay magkatulad sapagkat ito’y mga kuwento ng buhay
ng isang tao.
C. Ang dalawang dokumentaryo ay magkatulad sapagkat ito’y parehong naghahatid
ng mahabang daloy ng impormasyon.
D. Ang dalawang dokumentaryo ay magkatulad sapagkat ito’y tumatalakay sa kultura
at pamumuhay sa ibang bansa.
_____11. Palaging huli sa pagpasok sa klase si Jessy dahil lagi siyang puyat. Ano ang
maaaring solusyon sa kalagayang ito?
A. Magpagising sa kaniyang ina. B. Matulog siya nang maaga tuwing gabi.
C.Matulog na lang siya sa paaralan. D. Huwag siyang pumasok sa unang asignatura sa umaga.
_____12. May patimpalak sa pagsasayaw sa paaralan. Naisip ni Marie na ipalista ang
kaniyang mga kapatid dahil magagaling silang sumayaw at gustong-gusto nilang sumali
sa mga kompetisyon. Pero hindi pumayag ang komiteng nangangasiwa dahil kailangan
ang mga kalahok mismo o isa sa kanila ang dapat magpalista. Alin sa sumusunod ang
maaaring solusyon sa kalagayang ito?
A. Aatras na lang siya.
B. Sasali siya sa grupo para makapagpatala na.
C. Hindi niya ipaaalam sa kaniyang mga kapatid ang kompetisyon.
D. Ipaaalam sa mga kapatid ang patimpalak at hihikayatin silang magpalista.
_____13. Maraming gawain sa bahay ang pamilyang Soriano dahil sa darating na kaarawan
ng
bunso nilang kapatid. Ano ang dapat gawin ni Mila bilang nakatatandang kapatid
para makatulong?
A. Hikayatin ang mga kapatid na tumulong silang lahat sa mga gawaing-bahay.
B. Makipaglaro sa kapitbahay at hayaan ang mga kapatid.
C. Manood ng telebisyon at mga online games. D. Matulog at kumain lamang.
Para sa bilang 14-16
Basahin ang usapan ng magkaibigan at punan ng pinakaangkop na pangungusap
ang bawat patlang.
(Magka-chat sa messenger ang magkaibigan)
_____14. Bea: Nakita ni’yo na ba si Rea?
Silena: Oo. _________________________________________________.
A. Gutom na gutom na siya. B. Wala akong nasabi sa kanya.
C. Siguradong marami tayong mapagkukuwentuhan.
D. Nakita ko siya kanina habang nagwawalis ako sa aming bakuran.
_____15. Bea: Kailan pa ba sila bumalik ng Pilipinas?
Silena: ______________________________________________________.
A. Dumating sila noong Lunes. B. Dito raw muna sila sa Pilipinas.
C. Masaya akong dumating na sila. D. Magpiknik tayo sa bukid para maging masaya.
_____16. Bea: Eh, hanggang kailan daw sila rito?
Silena: ______________________________________________________.
A. Bakit hindi sila tumawag? B. Alam ninyo masaya ako para sa kanila.
B. May pasalubong silang dala para sa atin.
C. Mamalagi raw muna sila habang wala pang pasok sa paaralan.
_____17. Ikaw ay manager ng malaking kompanya. Alin ang dapat mong itanong sa isang
aplikanteng naghahanap ng trabaho?
A. Puwede ka nang umupo? B.Ipakilala mo ang iyong sarili?
C. Ang iyong naibahaging karanasan sa trabaho ay isang inspirasyon?
D. Bakit dito mo naisipang magsumite ng aplikasyon para sa trabaho?
_____18. Pakisagot na lang po batay sa iyong sariling karanasan. Anong uri ng pangungusap
ang nabanggit?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
_____19. Ito ay isinasagawa upang makakuha ng makahulugang kaalaman o impormasyon
buhat sa isang taong may sapat na kaalaman tungkol sa paksa.
A. Pakikipag- usap B.Panayam C. Debate D. Balita
_____20. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng matinding damdamin?
A. Wow! Napakalamig ng Coke! B. Magkano ang isang bote ng Coke?
B. Pinakapaborito kong inumin ang Coke. D.Bigyan mo nga ako ng isang bote ng
Coke.
_____21. Gustong malaman ni Saicy kung bagong luto ba ang bibingka. Ano ang kanyang
sasabihin?
A. Naku! Ang sarap ng bibingka! B. Mainit pa po ba ang bibingka?
C. Pakibalot nga ng bibingka. D. Napakainit ng bibingkang nabili ko.
_____22. Sa pagkilatis ng produkto, anong itatanong mo upang matiyak ang kalidad nito?
A. Kailan po binili ang mga sardinas? B.Kailan po binuksan ang mga
sardinas?
C. Kailan po ang expiration date ng sardinas?
D. Kailan po ang manufactured date ng sardinas?

Para sa bilang 23-25


Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

_____23. Ang pagiging matapat na paglilingkod ni Julia ay sadyang kinahahangaan ng lahat


sa kanilang komunidad.
A. matalino B. mayabang C. totoo D. umaasa
_____24. Lahat ng kanyang kasagutan sa pasulit ay wasto kaya siya ang nakakuha ng
pinakamataas na marka
A. Maakit B. mapanganib C. talunan D. tama
_____25. Nasa huli ang pagsisisi kapag nawaldas ang salapi sa mga bagay na walang
kabuluhan.
A. Nawala B. nagamit C. nalustay D. nasinop
_____26. Anong grapikong larawan ang nagsasaad ng mga pangalan at lokasyon ng mga
lugar?
A. Dayagram B. Grap C. Mapa D. Tsart
_____27. Bakit nakatutulong sa pag-unawa ng aralin ang mga grapikong larawan?
A. Dahil naiiba ito B. Dahil kailangan ito sa aralin
C. Dahil nagpapaganda ito ng presentasyon ng aralin
D. Dahil nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na madaling unawain

_____28. Batay sa grap, aling bahagi ang may pinakamalaking badyet ng oras ng isang mag-
aaral?
A. Pag- aaral
B. Pahinga
C. Paglinang ng Talento
D. Pagtulong sa Magulang

_____29. Alin sa sumusunod ang dapat tandaan sa pagsulat ng balita?


A. Magbibigay ng opinyon B. Gumamit ng mga malalim na mga salita
C. Dapat maraming ideya ang nasa bawat pangungusap
D. Tiyaking maayos ang pagkahanay ng mga kaisipan
_____30. Ito ay ang kaalaman o impormasyong nagaganap sa araw- araw sa loob at labas ng
bansa.
A. Editoryal B. Anunsiyo C. Libangan D. Balita
_____31. Saang bahagi ng pahayagan nasusulat ang opinyon ng mga manunulat o editor?
A. Editoryal B. Anunsiyo C. Libangan D. Balita
_____32. Si Luis ay nais maghanap ng trabaho. Anong bahagi ng pahayagan ang kanyang
babasahin?
A. Lifestyle B. Libangan C. Anunsiyo-Klasipikado D. Isports
_____33. Paulit-ulit ang nararanasang lindol sa bansa, dahil dito nais mo ring malaman ang
kalamidad sa ibang bansa. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong
babasahin?
A. Pitak Pantahanan B. Balitang Pandaigdig
C. Balitang Panlalawigan D. Pangulong- Tudling
_____34. Ito ay isang pamamaraan ng pagsahimpapawid ng mga impormasyon o balita sa
pamamagitan ng paggamit ng waves sa tulong ng radyo.
A. Balita B. Iskrip C. Teleradyo D. Radio Broadcasting
_____35. Alin sa sumusunod ang hakbang na dapat isaalang-alang upang makapagsulat ng
iskrip sa radio broadcasting o teleradyo?
A. Gumamit ng malaking titik sa pagsulat ng diyalogo.
B. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at emosyonal na
reaksiyon ng mga tauhan.
C. Kailangan may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya.
D. Maglagay ng tuldok o kuwit pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang
magsasalita.
_____36. Ang mga sumusunod ay nararapat gawin ng isang broadcaster o tagapagbalita,
MALIBAN sa isa.
A. Ang mga itinatampok na balita at istorya ay dapat bago at makabuluhan para
sa araw na iyon.
B. Ang isang tagapagbalita o broadcaster ay dapat may iskrip na gagawin sa isang
programa sa radyo.
C. Kapag ang isang salita ay binilugan sa iskrip ng tagapagbalita, ito ay
nangangahulugang hindi dapat basahin.
D. Ang tagapagbalita ay hindi na kailangang alamin ang tamang oras ng kaniyang
programa sa radyo kung kailan siya magsisimula at magtatapos.
Para sa bilang 37-40
Piliin ang tamang sanggunian na dapat basahin o gamitin.
_____37. Gustong matutuhan ni Ben ang iba’t ibang uri ng mga lutuin dahil hangad niyang
maging isang chef.
A. Aklat na naglalaman ng Siyensiya B. Aklat na naglalaman ng Kasaysayan
C. Aklat na naglalaman ng mga Recipe D. Aklat na naglalaman ng Teknolohiya
____ 38. Tungkol sa nervous system ang pinag-aralan ninyo sa Science at gusto mo pa
sanang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito.
A. Aklat na naglalaman ng Siyensiya B.Aklat na naglalaman ng Kasaysayan
C. Aklat na naglalaman ng mga Recipe D. Aklat na naglalaman ng Teknolohiya
____39. Gusto mong malaman ang tungkol sa gadgets at kompyuter na ginagamit sa pag-
aaral.
A. Aklat na naglalaman ng Siyensiy B. Aklat na naglalaman ng Kasaysayan
C. Aklat na naglalaman ng mga Recipe D. Aklat na naglalaman ng Teknolohiya
____40. Isa sa paboritong pag-aralan ng aking kapatid ang kabayanihang ginawa ni Lapu-
lapu.
A. Aklat na naglalaman ng Siyensiya B. Aklat na naglalaman ng Kasaysayan
C. Aklat na naglalaman ng mga Recipe D. Aklat na naglalaman ng Teknolohiya

You might also like