PPTP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

- 80% na ating ginagawa as araw-araw ay nauukol as pagbabasa.

- Sa mga daan, binabasa natin ang iba’t-ibang uri ng anunsyo at pangalan ng mga daan.
- Pagpasok natin sa restawrant, binabasa natin ang mga menu.
- Sa paaralan, binabasa natin ang mga aklat na kinapapalooban ng ating mga aralin.
- Kung nais nating malaman ang mga nangyayari as paligid, binabasa natin ang mga
pahayagan.
- Kung nais naman nating magpalipas ng oras, nagbabasa tayo ng mga kwento sa wattpad,
mga post as facebook at twitter o di kaya’y nagbabasa ng mga magasin.

Pagbasa

Pagkuha Pagkilala Pag-unawa


 Ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng mga nakaimbak o
nakasulat na impormasyon o datos.

 Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala as mga simbolong nakalimbag kundi pagkuha ng
kahuligan ng nakalimbag na simbolo as pamamagitan ng wastong pag-unawa at
pagpapakahulugan as mensahe at layunin ng ating binabasa.

Kahalagahan ng Pagbasa
1. Nadadagdagan ang kaalaman
2. Napapalawak ang talasalitaan
3. Nakakakuha ng mahalagang impormasyon

Layunin ng Pagbasa
1. Nagbabasa tayo upang maaliw
2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng bagong kaalaman at maiimbak as ating isip.

Dalwang kategorya ng pagbasa


1. Intensibo
May kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang teksto.
(babasahin mo ng masinsinan ang bawat teksto)
Hal: Thesis

2. Ekstensibo
May kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales.
Hal: dyaryo, magasin, komiks

Dalwang uri ng pagbasa

1. Scanning
- Ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa.

- Mabilisang pagbasa upang hanapin ang tiyak na impormasyong gusting makuha mula
sa material, tulad sa paghahanap ng numero ng telepono sa direktoryo, paghahanap
ng katuturan sa diksyonaryo at paghahanap ng tiyak na sagot ng mga tanong mula sa
isang teksto.
2. Skimming

- Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung
paano inorganisa ang mga ideya o kabuoan ng diskurso ng teksto at kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat.

- Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya ng buong teksto.

- Maaaring ang basahin lamang ay ang una at huling pangungusap ng bawat talata
sapagkat dito karaniwang matatagpuan ang pangunahing ideya ng isang talata.

Quiz
Pagbasa 1. Ito ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng mga
nakaimbak o nakasulat na impormasyon o datos.
Skimming 2. Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang
teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuoan ng diskurso ng teksto at
kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
Scanning 3. Ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa.
Ekstensibo 4. May kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales.
Intensibo 5. May kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang teksto.
6. Kahalagahan ng Pagbasa
Nadadagdagan ang kaalaman
Napapalawak ang talasalitaan
Nakakakuha ng mahalagang impormasyon
Dalwang kategorya ng pagbasa
7. Intensibo
8. Ekstensibo
Dalwang uri ng pagbasa
9. Scanning
10. Skimming
Antas ng Pagbasa
1. Primarya
- Ito ang pinaka mababang antas ng pagbasa.
- Kinapapalooban ito ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya
ng: petsa, setting, lugar, mga tauhan
Hal. Sa pagbasa ng maikling kwento, natutukoy ng mambabasa kung sinu sino ang mga
tauhan, katangian nila, setting at ang pangyayari ng kwento.

2. Mapagsiyasat
- Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at
nakakapagbigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
- Nakakapagbigay ka ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyo sa binasang
teksto
- Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito.
Hal.
Masaya si aling dunisya ng mabasa nya ang balita tungkol sa pagkapanalo ng kanyang
anak na si many.

3. Analitikal
- Ginagamit ang mapanuring pagbasa o kritikal na pag iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin at pananaw ng manunulat.
Hal.
Inunawa ni milisa ang tekstomg kanyang binasa upang mas malaman ang kahulugan ng
buong teksto.
4. Sintopikal
- Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri sa kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t-ibang
teksto at akda na kadalasay magkakaugnay.
Hal.
Nagbasa si ___________ ng ibat ibang uri ng aklat upang mas marami pa siyang
matutunan sa ibinigay na takdang aralin ng kanyang guro.

You might also like