Maligayang pagbati sa inyong lahat. Ako ay nandito sa harap ninyo upang
ipahayag ang aking layunin. Sisimulan natin ito sa tanong, ano ang kinahaharap na suliranin ng mga pamliyang malaki ngunit kulang ang panustos sa pangunahing pangangailangan sa araw-araw? Ngayong araw ay tatalakayin natin ang isa sa pinakalaganap na suliranin, ang kahirapan sa ating bansa. Isang salik ng kahirapan ay ang paglobo ng populayson na may masamang dulot satin, may kaakibat din itong suliranin sa kapaligiran na kilala sa tawag na polusyon, at marami pang iba sa suliraning pang ekonomiya.
Dahil masisipag ang mga tao ngayon na gumawa ng kanilang tinuturing na
supling, nagkakaroon ng pamilya. Ang bilang ng mga kasapi sa karaniwang pamilya na nakatira sa iisang bubong ay humigit o kumulang sa 5 katao. Ngunit hindi natin maiiwasan ang magkaroon ng mas madami pang anak kung sila ay nasisipagang gumawa. Pero may epekto ito sa kanila, kung ang kabuuang kinikita ng mag anak ay 30,000 Piso ( Tatlompung piso ) sa bawat buwan, at sila ay may mas hihigit pa sa 2 anak, maaring magkulang sila sa pera habang tumatagal. Bakit? Kasi habang tumatagal ay mas dumarami ang kailangang tustusan ng pamilya gaya ng pag aaral at baon.
Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay limitahan natin ang ating
gagawing pamliya, hindi ito ipinagbabawal ngunit kailangan nating maging responsible. Kung magkakaroon tayo ng pamilya ay dapat yung kaya nating buhayin.
Hindi natin matutuluyang masusugpo ang kahirapan sa isang hakbang
lamang, kailangan natin ng paghahanda at panahon, mga programa at aksiyon. Ngunit sabi nga nila, “No matter how big, no matter how small, progress is progress”. Yun lamang po at maraming salamat sa pakikinig.