PT-AP6-Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Laguna
Distrito ng Luisiana
Luisiana, Laguna

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN 6
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS

Understanding
Bahagdan

Remembering
Bilang Bilang

Evaluating
Pamantayan sa Pagkatuto ng ng

Analyzing
Applying

Creating
Araw Aytem

Nasusuri ang uri ng pamahalaan at 5 14% 7 1,2,3, 7 6 4 5


patakaran na pinatupad ng mga
Amerikano
Uncoded
Naipaliliwanag ang mga 5 12% 6 8,11 10 9,12 13
pagsusumikap ng mga Pilipno
tungo sa pagtatag ng nagsasariling
pamahalaan
Uncoded
Natutukoy ang mga dinaanang 5 12% 6 14,15 19 18 17 16
proseso tungo sa pagpapatibay ng
Saligang Batas ng 1935
Naibibigay ang mahahalagang
naisagawa ng mga Pilipino sa
pagkamit ng adhikaing pagsasarili
Nailalarawan ang balangkas at
layunin ng Pamahalaang
Komonwelt at naisa-isa ang mga
nagawa ng mga Pilipino sa
Pamahalaang Komonwelt
Uncoded
Natatalakay ang Sistema ng 5 14% 7 20,21, 25,26 23 24
edukasyon na ipinatupad ng mga 22
Amerikano
Natutukoy ang kahalagahan ng mga
pagbabago sa edukasyon
Pagtalakay sa kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino
Pagtukoy sa kahalagahan ng mga
pagbabago sa edukasyon
Uncoded
Natatalakay ang mga layunin at 5 12% 6 27,28, 32 30 31
mahalagang panyayari sa 29
pananakop ng mga Hapones
a.Pagsiklab ng digmaan
b. Labanan sa Bataan
c. Death March
d. Labanan sa Corregidor
AP6KDP -IIe - 5
Nasusuri ang mga patakaran at 5 12% 6 34 36 33,35
resulta ng pananakop ng mga ,37,3
Hapones 8
Uncoded
Naipaliliwanag ang paraan ng 5 14% 7 39,40, 45
pakikipaglaban ng mga Pilipino
41,42,
para sa kalayaan laban sa Hapon
43,44
Uncoded
Napahahalagahan ang iba’t ibang
paraan ng pagmamahal sa bayan 46,47
ipinamalas ng mga Pilipino sa 5 10% 5 ,48,4
panahon ng digmaan 9,50
Uncoded
TOTAL 40 100% 50 20 10 7 8 5 0
30 15 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot at isulat bago ang numero.

1. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?


A. Pangulo B. Gobernador Militar C. Pangalawang Pangulo D. Gobernador
Sibil
2. Sino ang unang gobernador ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Heneral Wesley Meritt B. Heneral Artemio Recarte C.Commodore George Dewey D. Fermin Jaudenes
3. Ito ang patakarang ipinatupad ng mga Amerikano na may layuning masupil ang diwang makabayan ng mga Pilipino.
A. Mga Patakarang Pasipikasyon C. Parusang Kamatayan
B. Pamahalaang Mlitar D. Habang buhay na pagkabilanggo
4. Ano ang batas na ipinatupad ng mga Amerikano na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga
samahan at kilusang makabayan?
A. Reconcentration Act noong 1903 C. Brigandage Act ng 1902
B. Flag Law ng 1907 D. Sedition Law ng 1901
5. Ito ay ang batas na nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderitas, sagisag o anumangginamit
ng mga kilusang labansa Estados Unidos.
A. Reconcentration Act noong 1903 C. Brigandage Act ng 1902
B. Flag Law ng 1907 D. Sedition Law ng 1901
6. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. Wesley Merritt B. William H. Taft C. William Mckinley D. Jacob Schurman
7. Anong uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar?
A. Pamahalaang Taft B. Pamahalaang Militar C. Pamahalaang Sibil D. Pamahalaang
Schurman
8. Ano ang tawag sa mga gurong ipinadala ng mga amerikano sa Pilipinas upang magturo sa mga Pilipino?
A. American B. Thomas C. SS Thomas D. Thomasites
9. Alin sa mga sumusunod ang naitayo sa panahon ng mga Amerikano?
A. San Juan De Dios Hospital C. San Lazaro Hospital
B. Philippine General Hospital D. Cardinal Santos Medical Center
10. Ito ang batas na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso taong 1934 at isang pederal na batas ng Estados Unidos na
nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) pagkatapos ng
sampung taon.
A. Batas Hare Hawes Cutting C. Philippine Autonomy Act of 1916
B. Batas Tydings-Mcduffie D. Philippine Organic Act of 1902
11. Inihanda ang pamahalaang militar ang pundasyon ng pamahalaang sibil,isa sa mga ito ay ang pagbubukas ng mga
paaralang pampubliko na ang unang guro ay mga sundalong Amerikano. Kung sakaling ikaw ang tumayong guro noong
panahon na iyon, magsisilbi ka bang tunay sa mga Pilipino na hindi mo naman kadugo?
A. Hindi, dahil hindi ko naman sila kadugo
B. Oo, dahil bukas sa kalooban ko ang tumulong bagamat hindi ko sila kadugo
C. Gustuhin ko kung may pera na ibibigay nila.
D. Hindi, wala akong pakialam.
12. Sino ang napiling Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal at pinamunuan niya ang pagbuo ng Saligang Batas ng
1935?
A. Claro M. Recto B. Franklin Delano Roosevelt C. Manuel Roxas D. Manuel L. Quezon
13. Ano ang magiging epekto kung patuloy ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dayuhang produkto o stateside?
A. Pag-angat ng produkto ng mga Pilipino
B. Pagbagsak ng ekonomiya at industriya ng bansa
C. Wala sa nabanggit
D. Lahat ng nabanggit
14. Sino ang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth?
A. Manuel L. Quezon B. Sergio Osmeńa C. Jaime De Veyra D. Victorino Mapa
15. Alin ang isa sa mahalagang nagawa ng Pamahalaang Commonwealth para sa mga kababaihan?
A. Pagbibigay ng mga pagsasanay sa pananahi at pagluluto
B. Pagkakaloob ng gantimpala sa mga kababaihan na tumulong sa pakikipaglaban ng mga Pilipino.
C. Pagkakaloob ng karapatang bomoto.
D. Lahat ng nabanggit
16. Ito ang kautusan na nagtalaga ng Wikang Tagalog bilang Wikang Pambansa at gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan.
A. Kautusan Blg. 134 C. National Council for Education Act
B. Kautusan Blg. 225 D. Pambansang Wika Act
17. Upang mabigyan at makamit ang solusyon sa mga katarungang panlipunan, ang mga sumusunod na programa ay
isinagawa sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt maliban sa isa, alin ito?
A. Ahensya para sa kalakalang Tingian
B. Minimum Wage Law
C. Eight Hour Law
D. Tenancy Act
18. Paano pinalaganap ng mga Amerikano ang edukasyon sa bansa?
A. Nagtatag ng libreng edukasyon para sa elementarya ang mga Amerikano
B. Sinanay ang mga Pilipino na magluto.
C. Nagtayo ang mga Amerikano ng mga pasyalan.
D. Pagsusulat ng nobela.
19. Ano ang naging bunga ng pakikipaglaban ng mga kababaihan sa kanilang karapatan upang makaboto?
A. Hindi dininig ang kanilang hianing.
B. Nawalan ng saysay ang kanilang pakikipaglaban.
C. Naging matagumpay sila at nakamit ang mithiin.
D. Napakinggan sila ngunit hindi pa rin nabigyan ng karapatan.
20. Sa pagbibigay pansin ni Pangulong Quezon sa katarungang panlipunan para sa lahat, paano niya ipinakita ang
malasakit sa mga manggagawa?
A. Pagbibigay ng batas sa pasahod at walong oras lamang na pagtatrabaho.
B. Tiniyak niya na magkakaroon ng karapatan ang maliliit na may-ari ng lupain.
C.Pantay na distribusyon ng lupa sa kasama at may-ari.
D. Pagbibigay ng libreng buwis sa mga magsasaka.
21. Ang mga sumunsunod ay naging epekto ng pamamahala ng mga Amerikano sa mga Pilipino maliban sa isa, alin ito?
A. Nabigyan ang mga Pilipino na magsanay upang pangasiwaan ang bansa.
B. Naitatag ang libreng edukasyon para sa elementarya.
C. Napabilis ang transportasyon sa bansa.
D. Naging sundalo ang mga kalalakihang edad 18 pataas.
22. Kalian binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawii sa utos ng Hukbong Imperyal ng Hapon?
A. Ika-8 ng Disyembre, 1941 C. Ika-8 ng Nobyembre, 1940
B. Ika-7 ng Disyembre, 1941 D. Ika-7 ng Nobyembre, 1941
23. Ito ang tanging partidong tinangkilik ng mga Hapones kapalit ng mga lapiang pampolitika.
A. Samahang Makabayan B. Nacionalista C. KALIBAPI D. HALIBAPI
24. Sino ang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas?
A. Benigno Aquino Sr. B. Jose P. Laurel C. Jose Vargas D. Marcos Agustin
25. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakikipagtulungan sa mga hapones bilang espiya?
A. Kempeitai B. Pilipinos C. Makapili D. Taksil
26. Dumanas ang mga mamamayang Pilipino ng paghihirap bunga ng patakarang Hapones, paano ito natugunan ng mga
Pilipino?
A. Nagtayo ang pamahalaan ng mga paaralan.
B. Ipinadala ang mga skolar ng bayan sa ibang bansa.
C. Hinikayat ang mga Pilipino na magtanim ng mga gulay.
D. Nagbenta ang mga Pilipino ng mga lupang sakahan.
27. Ang Pilipinas ay naging isang Puppet Republic sa panahon ng mga Hapones. Ano ang naging bunga nito sa bansa at
sa mga Pilipino?
A. Naging maunlad ang buhay ng mga Pilipino.
B. Naging huwaran ang mga Pilipino sa ibang bansa.
C. Nakatulong ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
D. naging sunud-sunuran ang mga pinunong Pilipino at namuhay na may takot.
28. Anong uri ng ekonomiya ang nagbunsod sa matinding kahirapan sa kabuhayan ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Hapones?
A. War economy B. Home economy C. Survival economy D. Philippine Economy
29.Kailan lubusang nasakop ng mga Hapones ang Maynila?
A. Enero 2, 1942 C. Mayo 4, 1942
B. Pebrero 20, 1942 D. Mayo 6, 1942
30. Ano ang hiniling ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika kay Pangulong Manuel Quezon pagkatapos masakop
ng mga Hapones ang Maynila?
A. Ipagpatuloy niya ang pamumuno sa pakikipaglaban.
B. Sumuko na siya sa mga Hapones.
C. Ilikas niya ang pamahalaang Commonwealth at kanyang pamilya sa Amerika.
D. Wala sa mga nabanggit.
31. Sino ang naatasan bilang kapalit ni Heneral MacArthur na lananan ang mga Hapones?
A. Heneral Jonathan Wainwright C. Heneral Luke Edward Wright
B. Heneral William Howard Taft D. Heneral Henry Clay Ide
32. Paano naranasan ng mga sundalo sa Corregidor ang bagsik ng mga sundalong Hapones?
A. pagpaparanas ng Martsang Kamatayan
B. pagsunog sa mga kuta nila
C. walang tigil na pagbobomba sa kanila
D. Lahat ay tama.
33. Noong Mayo 5, 1942, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng makakaya sa pagtatanggol sa
Corregidor. Ano resulta ng pakikibaka nila sa mga sa Hapones?
A. Umurong sila sa labanan upang hindi mamatay.
B. Tumakas sila at nagtago sa kabundukan.
C. Ipinagpatuloy nila ang pakikipaglaban.
D. Nagapi pa rin sila ng mga Hapones.
34. Sa iyong tingin, bakit kaya nagtatag ng pangkat gerilya ang mga sundalong Pilipino sa labanan sa Corregidor?
A. Upang humiwalay sila sa pangkat ng Amerika.
B. Upang maisalba ang sarili sa kamatayan.
C. Upang makamit ang hinahangad na kalayaan.
D. Upang makakuha ng pagkain.
35. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil sa ___________________.
A. Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
B. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
C. Pilipino lahat ang namumuno.
D. Laruang Puppet ang paboritong nilang laro.
36. Ano ang naging epekto ng ekonomiyang pandigmaan sa panahon ng mga Hapones?
A. Nagkaroon ng kasaganaan sa pamumuhay ng mga Pilipino.
B. Maraming trabaho ang ipinatupad ng mga Hapones.
C. Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto.
D. Umunlad ang aspetong agrikultura sa Pilipinas.
37. Ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano na lulupig sa mga Hapon.
A. Heneral Hideki Tojo C. Heneral Edward King
B. Heneral Douglas MacArthur D. Heneral Jonathan Wainwright
38. Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng mga magsasakang labis na naghirap.
A. KKK B. Gerilya C. HUKBALAHAP D. USAFFE
39.Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
A. Luis Taruc B. Jose Santos C. Luis Santos D. Manuel Quezon
40. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones.
A. HUKBALAHAP B. Gerilya C. Makapili D. KALIBAPI
41. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag sa panahon ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Papet C. Pamahalaang Totalitaryan
B. Pamahalaang Demokratiko D. Pamahalaang Komonwelt
42. Ito ang isa sa programang ipinatupad ni Pangulong Jose P. Laurel na nangangasiwa at kumukontrol sa maayos at
makatarungang pagbabahagi ng mga pangunahing bilihin.
A. BIBA B. HUK C. NADISCO D. PRIMCO
43. Paano nilutas ni Pangulong Laurel ang paghihirap ng mga Pilipino sa kanyang panahon ng pamamahala?
A. Gumawa siya ng mga programang pangkabuhayan. C. Gumawa ng mga pagkakakitaan
B. Nagpatulong siya sa mga Hapones. D. Nanatiling tahimik dahil sa takot
44. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas?
A. Nagkaroon ng malawakang taggutom at bumagsak ang ekonomiya.
B. Nawalan ng karapatang pantao ang mga Pilipino
C. Inabuso ang mga kababaihan at ginawang comfort women
D. Lahat ng nabanggit
45. Alin sa mga sumusunod ang naging pagbabago sa Sistema ng edukasyon sa pananakop ng mga Hapones?
A. Pagtuturo ng Wikang Niponggo at pagtigil sa paggamit ng Ingles
B. Pagdating ng mga gurong nagmula sa bansang hapon
C. Pinagbawalan ang mga babae na makapag-aral
D. Pagpapahalag at pagpapaunlad sa kulturang Pilipino
46. Ano ang naging resulta ng pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino?
A. Naging maunlad ang kanilang pamumuhay
B. Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang mga Pilipino at Hapones
C. Lumaganap ang mga kilusang gerilya o lumalaban sa mga Hapones
D. Naging sentro ng kalakalan ang Pilipinas sa mga bansang nasakop ng mga Hapones.
47. .Bakit nanatili si Pangulong Laurel sa pamamahala ng mga Hapones?
A. Upang hindi siya mapatay
B. Upang purihin siya ng mga Hapones
C. Upang may isang Pilipino na mangagasiwa pa rin sa karapatan ng mga Pilipino
D. Upang magkaroon ng mabuting pamumuhay sa kabila ng pananakop ng mga Hapon
48. Siya at ang kanyang asawa ay tumulong sa mga sundalong bilanggo sa Capas, Tarlac upang mamigay ng pagkain,
damit at gamot. Sino siya?
A. Carmen Planas B. Carmen Rosales C. Josefa Llanes Escoda D. Trinidad Roxas
49. Hindi matatawaran ang kabayanihang ginawa ni Josefa Llanes Escoda kaya siya ay pinatay ng mga Hapones. Alin sa
mga sumusunod ang pinakita niyang kabayanihan noong panahon ng digmaan?
A. nagbigay ng pagkain at damit sa mga Makapili
B. nagbigay ng pagkain at damit sa mga Hapones
C. nagbigay ng pagkain at damit sa mga kasapi ng Kalibapi
D. nagbigay ng pagkain at damit sa mga bilanggo ng digmaan
50. Bakit nilalagay ang mga larawan ng mga bayani sa perang ginagamit ng ating bansa?
A. dahil sila ay mayayaman C. dahil sila ay mga artista sa pelikula at telebisyon
B. dahil sila ay nagpamalas ng kabayanihan D. dahil sila ay miyembro ng matataas na uri o ilustrado
1. B 26.D
2. C 27.A
3. A 28.C
4. C 29.A
5. D 30.C
6. A 31.D
7. B 32.C
8. A 33.D
9. B 34.D
10. A 35.A
11. C 36.C
12. B 37.C
13. D 38.B
14. A 39.B
15. B 40.B
16. A 41.A
17. C 42.C
18. B 43.D
19. D 44.B
20. A 45.C
21. B 46.B
22. C 47.A
23. C 48.A
24. D 49.A
25. B 50.B

SECOND PERIODICAL TEST


IN AP
ANSWER KEY

You might also like