Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

DETAILED LESSON School: PUP BATAAN Campus Grade Level: 2

PLAN (DLP) Teacher: Danica Abadinas Learning Area: Filipino 2


Jessica Crizaldo
Jovie Ann Forio
Ronilyn Arsenal

Teaching Dates and Time: June 25, 2024 Quarter: 2nd quarter Week 3-4

I. LAYUNIN
A.Pamantaya Grammar Awareness
ng Naipamamalas ng mag-aaral ang kahusayan sa kamalayang ponolohikal, pagbigkas at pag aaral ng mga
Pangnilalam tunog at salita tungo sa pagpapa-unlad ng kasanayang pang gramatika, pag-unawa at pagsusuri ng
an tekstong naratibo at impormatibo na magiging daan sa pagbuo ng mga payak na pangungusap at teksto
tungkol sa sarili at pamilya na ginagamit sa pang araw-araw na paksa at sitwayon.

B. Grammar Awareness
Pamantayan Nagagamit ng mag-aaral ang patuloy na pagkakaroon ng kahusayan sa pag-unlad sa kasanayang
g Pagganap ponolohikal, pagbigkas ng mga tunog sa pagpapahayag ng ideya, karanasan at pagbasa ng mga
pangugusap nang may kawastuhan, katatasan at tamang ekspresyon tungkol sa sarili, pamilya at pang
araw-araw na paksang naratibo at impormatibo.

C.Mga Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari,


Kasanayan
sa Pagkatuto at lugar. (F2WG-IIc-d4)
Pagtapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa pangungusap. (Cognitive)
2. Nagagamit ng tama ang mga pang-uri sa pakikipagtalastasan. (Affective)
3. Nakakabuo ng pangungusap na may salitang naglalarawan sa mga bagay at tao. (Psychomotor)

II.
NILALAMAN Paggamit sa mga salitang naglalarawan o pang-uri
III. MGA Story book
KAGAMITAN
PANTURO

A. Gabay Pangkurikulum K-12,


Sanggunian
1. Pahina sa
Gabay ng
Guro
2. Pahina
Kagamitan ng
Mag-aaral
3. Pahina sa
batayang
aklat
B. Iba pang Bigbook, Mga larawan,
mga
Kagamitang
Panturo
C. ESP, AP
Integrasyon
D. Values Pagpapahalaga sa kalusugan
IV.Pamamara GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL ITINAKDA
an NG ORAS
NG
GAWAIN
A.Balik-aral “Magandang umaga mga bata” “Magandang araw din po mahal naming Limang
sa Nakaraang guro.” minuto
Aralin at/o
Pagsisimula “Mga bata natatandaan nyo pa ba ang ating aralin tungkol sa “opo”
ng Bagong ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari?”
Aralin “maari nyo bang sabihin sa akin kung ano ito?” “pangngalan po”

“mahusay mga bata”


“Ano nga ulit ang kahulugan pangngalan mga bata?” “ang pangngalan po ay tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop o pangyayari”

“magaling mga bata


B. Paghahabi “Ngayon naman ay mayroon akong inihandang laro mga bata. Limang
sa Layunin ng At ang tawag sa larong ito ay ”ITURO MO AT HAWAKAN minuto
Aralin MO” ituro mo kung ito ay naglalarawan sa bagay at hawakan
mo naman kung ito ay naglalarawan sa tao. Sa loob ng ating
paaralan mayroong nilalarawan ang mga bagay at tao. Ang
gagawin ninyo ay hahanap kayo ng halimbawa ng bagay at
tao at tukuyin ninyo kung ano ang nilalarawan nito.
“Ano nga ang nilalarawan ng bagay na lapis?” “matulis po”

“Ano naman ang nilalarawan ng isang guro?” “mabait po”

“Magaling!”
“Uulitin ko mga bata, ang naglalarawan o nagbibigay turing sa
mga. pangngalan o panghalip ay tinatawag na pang- uri.”
“Handa na ba kayo mga bata?”
“Simulan na natin. “
“Ituro ninyo ang makikita ninyong bagay at tukuyin ninyo kung
ano ang nilalarawan nito, at hahawakan ninyo naman ang tao
at tutukuyin ninyo kung ano ang nilalarawan nito.”
“Ano-anong mga halimbawa kaya ng bagay ang nakikita ninyo *Tinuro/ “Ma’am upuan po”
sa loob ng paaralan?”

“Magaling! Ano naman kaya ang inilalarawan ng upuan?” “Matigas po”


“Ano pa kaya ang halimbawa ng bagay ang nakikita ninyo sa *tinuro /”Ma’am krayola po”
loob ng paaralan?”

“Magaling! Ano naman kaya ang inilalarawan ng krayola?”


“Makulay po.”

Magaling mga bata!


Ano naman kaya ang mga halimbawa ng tao na nakikita
*hinawakan / kaklase ko po
ninyo?

Magaling! Ano naman ang inilalarawan ng iyong kaklase? Maganda po

Magaling!
Mayroon paba kayong nakikitang halimbawa ng tao na
nakikita ninyo rito sa loob ng paaralan? *hinawakan/ Ma’am ikaw po, guro po
Magaling! Ano naman ang inilalarawan ng isang guro? Mabait po

Ang galing nyo naman mga bata at nailarawan ninyo ang ibat
ibang halimbawa ng bagay at tao.
Ang ating pag-aaralan sa araw na ito ay tungkol sa pang- uri.
Ulitin nyo nga mga bata.
Pang-uri ito ay salitang naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip.
C. Pag- Ngayon upang higit ninyong maunawaan ang ating leksyon Labinliman
uugnay ng mayroon akong kwentong babasahin sa inyo. g minuto
mga
Halimbawa sa
Bagong Aralin Ang pamagat nito ay “SI JESSICA NA AYAW SA GULAY"

Tingnan ninyo ang batang nasa larawan na si Jessica. Ano


ang ginagawa ni Jessica sa larawan? Ilarawan nyo nga si
Jessica sa palagay ninyo anong klaseng bata si Jessica?

Pero bago ko basahin ang kwento ay gusto ko munang alamin


natin ang mga dapat tandaan kapag nakikinig kayo ng
kwento?
MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKINIG NG
KWENTO
1.Panatilihin ang katahimikan.
2.Makinig ng maayos sa guro.
3.Intindihin ang kwento.

Tama mga bata!

Ngayon ay babasahin ko na ang kwento.

(Gagamit ng big book ang guro)


(Habang binabasa ang kwento nagtatanong na ang guro)

SI JESSICA NA AYAW SA GULAY


NI: DANICA C. ABADINAS

May isang batang babae na pitong taong gulang na ayaw


kumain ng gulay. Ang pangalan niya ay Jessica. Tuwing oras
ng pagkain, palaging mayroong iba't-ibang gulay sa kanyang
plato, Ngunit lagi niyang itinatapon ang mga ito at mas pinipili
niyang kumain ng mga matatamis at malalasang pagkain.
Sa simula, wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng kanyang
mga magulang tungkol sa kahalagahan ng gulay sa kanyang
kalusugan. Sa halip, nagpapakasaya siya kumain ng mga
matatamis at walang sustansyang pagkain.

Ngunit isang araw, naranasan ni Jessicaang isang hindi


kanais-nais na pangyayari. Nahilo siya at nagkasakit dahil sa
hindi wastong pagkain. Doon napagtanto niya na ang kanyang
katawan ay mahina dahil sa pagkain ng mga pagkaing walang
sustansya.
Nang magaling na si Jessica nagdesisyon siyang subukan
ang mga gulay, sinubukan niyang kumain ng isang maliit na
piraso ng kalabasa. Sa una, medyo nag-aalangan pa siya
dahil sa lasa nito ngunit napagtanto niya na masarap pala ito.
Sinubukan rin niya ang repolyo at patatas, at iba't ibang gulay,
natuklasan niyang masarap rin ang mga ito.

Nakita ni Jessica na kahit na maliit na pagbabago sa kanyang


pagkain, malaki ang epekto nito sa kanyang kalusugan.
Naging mas malakas siya at mas aktibo sa paglaro.
Napagtanto niya rin na hindi dapat ang isang bata ay kumain
ng masustansyang pagkain lalo na ang mga gulay

Simula noon, naging paborito na ni Jessica ang mga gulay.


Tuwing oras ng pagkain, masaya siyang naghahanda ng
kanyang pagkain na puno ng mga gulay. Natutunan niya na
ang pagkain ng gulay ay hindi lamang para sa kanyang
kalusugan, kundi para rin sa kanyang kaligayahan.

Ngayon mga bata, may itatanong ako sa inyo tungkol sa


binasa ninyong kwento.
Tingnan natin kung nakinig kayo ng maayos at kung
naiintindihan ninyo ang kwento.

Handa na ba kayo mga bata?


1. Sino ang tauhan sa kwento? Si Jessica po.
2. Ano ang mga hilig niyang kainin? Matatamis at malalasang pagkain po.
3. Ano ang ginagawa ni Jessica sa gulay sa tuwing mayroon Palagi niya po itong itinatapon.
nito sa kaniyang plato?
4. Bakit nagkasakit si Jessica? Kasi po ayaw niya kumain ng gulay at mas
gusto niya po iyong mga matatamis at
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Jessica, tutularan mo ba malalasang pagkain.
ang kaniyang ginawa? Hindi po, kasi po maaari po kami
magkasakit kagaya niya, hihina rin po ang
resistensiya ng katawan namin at hindi po
kami magiging malusog.

Ang gagaling nyo naman mga bata!

Tama mga bata. Kailangan ay kumain tayo ng mga gulay para


maging malusog at malakas ang ating mga pangangatawan.

D. Pagtalakay Ngayon mga bata narito ang ilang halimbawa ng mga pang-uri Limang
sa Bagong na maaaring gamitin sa konteksto ng pagkain ng gulay. Ang minuto
Konsepto at sinong makakasagot sainyo ay mapapasa kanya ang premyo.
Paglalahad
ng Bagong Gusto nyo ba yon mga bata.
Kasanayan
Simulan na natin
#1Modeling
Explicit 1. ( Masustansiya) Ang gulay ay masustansiya para sa ating
Teaching katawan.
Tama!
2. (Malasa) Ang pinakbet ay malasang lutuin na may
iba't ibang gulay.
Mahusay!
3. (Malusog) Ang kale ay isang malusog na uri ng gulay
na puno ng bitamina.
Mahusay!
4. (Mapakla) Ang ampalaya ay mapaklang gulay na
maraming benepisyo sa kalusugan.
Magaling mga bata!
Ang bawang ay isang mabisang sangkap sa
5. ( Mabisa) pagluluto ng mga gulay.

Napakahuhusay mga bata!

Ang mga pang-uri na ito ay naglalarawan ng mga katangian


ng mga gulay at nagbibigay ng detalye sa kanilang lasa,
kalidad, at benepisyo sa kalusugan. Ang paggamit ng mga
pang-uri ay makakatulong sa pagpapalawak ng bokabularyo
at pagpapahayag ng detalye sa pagkain ng gulay.
E. Ngayon mga bata ay may inihanda akong gawain para mas Limang
Pagtalakay sa lalo ninyong maintindihan ang ating aralin. minuto
Bagong Opo.
Konsepto at Handa na ba kayo mga bata..
Paglalahad Simulan na natin.
ng Bagong
Kasanayan TUMAYO lamang kung tama at UMUPO Naman kung mali.
#2
Pormatibong Kung sino ang mas Maraming tama ay mag kakaron ng 5 star.
Pagtataya Handa naba kayo mga bata?
Ito Ang una
1.Masustansiya
Ang gulay ay masustansiya.
- Tama o Mali?
TUMAYO(tama)
2.Matamis
- Ang ampalaya ay matamis.
- Tama o Mali? UMUPO(mali)
3. Masarap
- Ang talong ay masarap.
- Tama o Mali? TUMAYO(tama)
4. Malambot
- Ang kamatis ay malambot.
- Tama o Mali? TUMAYO(tama)
5. Masarap
- Ang patatas ay masarap.
- Tama o Mali? TUMAYO (tama)

Sa pamamagitan ng palarong ito, maaaring masubok ang


kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng mga
pang-uri sa paglalarawan ng mga gulay. Makakatulong ito sa
kanilang pag-unawa sa mga katangian ng mga gulay at kung
paano ito maipapahayag gamit ang mga tamang pang-uri.

F. Paglinang Ngayon naman ay mayroon kayong pangkatang gawain. Sampung


sa Mayroon akong tatlong litrato dito kaya kayo ay hahatiin ko sa minuto
Kabihasaan tatlong pangkat.
(Tungo sa
Pormatibong
Pagtataya ) Bago natin umpisahan ang inyong mga gawain ay alamin
munan natin ang mga dapat gawin kapag tayo ay gagawa ng
mga pangkatang gawain.
DAPAT GAWIN KAPAG MAY
PANGKATANG GAWAIN
1. Makinig sa Lider.
2. Magtrabaho bilang grupo.
3. Gumawa ng tahimik.

(Ipapaliwanag ng guro ang mga pangkatang gawain)


Ang unang larawan ay:
(larawan ng INA AT AMA)
Ang pangalawang larawan ay:
(larawan ng mga gulay)

Ang pangatlong larawan:


(larawan ng mga candy)

Ang bawat litrato ay susulatan ninyo ng tiglilimang salitang


naglalarawan na naangkop dito.

Ngayon ay bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto upang


gawin ang inyong pangkagtang gawain. At kapag natapos na
kayo. Pumalakpak lang kayo ng tatlong beses.At maghanda
na para sa pagtatama ng inyong mga gawain.

(Itatama ng guro ang mga gawain ng mga bata habang


nakikinig ang lahat at bibigyan ng mga mag-aaral ng palakpak
ang bawat grupo)

G. Paglalapat Ano ang kahalagahan ng pang-uri? Limang


ng Aralin sa minuto
Pang –araw- Mga bata, mahalaga na ating pag-aralan ang mga salitang
araw na naglalarawan o pang-uri upang malaman natin kung paano
Buhay ilalarawan ang mga tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari sa
ating paligid.

Maari ba kayong magbigay ng mga salitang naglalarawan at Magbibigay ng mga halimbawa ang mga
gamitin ito sa pangungusap. bata at gagamitin ito sa pangungusap.

H. Paglalahat “Ano ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan o Tatlong


ng Aralin nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip?” minuto

“Tinatawag po natin itong pang-uri.”


“Ano ang ibig sabihin ng pang- uri?”
“Ang pang uri po ay ang mga salitang
naglalarawan o nagbibigay turing sa mga
pangngalan o panghalip?”

I. Pagtataya Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap isulat ang titik Limang
ng Aralin B kung ang inilalarawan sa pangungusap ay Bagay at isulat minuto
ang titik T kung ito ay naglalarawan sa tao.

_____1. May mabuting puso si Ginoong Cruz.


_____2. Ang unan ay malambot.
_____3. Maganda ang magkakaibigang Sarah, Leah at Ann.
_____4. Matangkad ang kaibigan ni Paul na si Lito.
_____5. Ang pintuan ng bahay ay malaki at matigas.

J. Para sa inyong takdang aralin, Bigyan ng naangkop na


Karagdagang salitang naglalarawan ang mga salita sa ibaba at gamitin ito
Gawain para sa pangungusap.
sa Takdang- 1. Bag
aralin at 2. Jeep
Remediation 3. Kaklase

INIHANDA NI:
Jovie Ann M. Forio
Danica Abadinas
Jessica Crizaldo
Ronilyn Arsenal
(BEED 1-2)
Ipapasa kay:
DR. Benjie M. Manila

You might also like